PAHAYAG: Sama-samang biguin ang nagpapatuloy na Batas Militar ni BS Aquino! Manggagawa at mamamayan, magkaisa at itaguyod ang kalayaan at demokrasya!

Ngayong ika-21 ng Setyembre, ginugunita natin ang mga sakripisyo at pakikipaglaban ng libu-libo nating mga kababayan para makamit ang kalayaan mula sa diktadurang US-Marcos.

Hindi na mabubura sa ating mga alaala ang laganap at lantad na karahasang ipinamalas ni Ferdinand Marcos – sa dikta ng imperyalismong U.S. at sa pamamagitan ng kanyang mga armadong pwersa – upang supilin ang ‘di-matitinag na sigaw ng bayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Ginugunita rin natin ang magigiting na pakikibaka ng mga manggagawa, simula sa makasaysayang welga ng mga manggagawa ng La Tondeña noong ika-24 ng Oktubre, 1975, na bumasag sa protest ban ni Marcos, at ang mga welga at welgang bayan na nagtaguyod ng sahod, trabaho at karapatan para sa lahat.

Sa pagwawakas ng diktadurya, nagpapatuloy pa rin ang karahasan laban sa mga manggagawang puspusang ipinagtatanggol ang interes ng kanilang uri at ng sambayanan. Apatnapu’t tatlong taon matapos ideklara ang Batas Militar, nagmimistulang nasa panahon pa rin tayo ng walang-humpay na kahirapan at pagpapasakit.

 

Batas-militar sa pagawaan

Mula sa pagpiga ng mga kapitalista sa ating lakas-paggawa para sa supertubo, hanggang sa tuwirang pagdakip at pagpatay sa mga lider-manggagawa, napakarami pa ring kaso ng karahasan laban sa mga manggagawa.

Hindi na nakasapat sa mababang pagpapasahod at pambabarat sa ating mga benepisyo at karapatan, naglalabas pa ng hindi-na-mabilang na mga suspensyon at tanggalan ang kapitalista – sa pakikipagsabwatan sa Department of Labor and Employment at mga ahensya nito. Bukod pa, mabagal ang gulong ng hustisya para sa mga manggagawang iligal na tinanggal.

Isa rito ang biglaang suspensyon ng certification elections sa Sagara Metro Plastic Industrial Corporation (SMPIC) noong ika-8 ng Abril dala ng isang memorandum mula sa Bureau of Labor Relations, at ang mga serye ng suspensyon sa mga kasapi ng Lakas ng Manggagagawang Nagkakaisa sa SMPIC – Independent (LNMSMPIC-Ind).

Pinagbabato naman ng mga bote at bato at pinagpapapalo ng mga goons ang mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay, na ngayo’y nasa ikaapat nang buwan ng kanilang welga para sa regular na hanapbuhay. Hindi pa rin ngayon ipinatutupad ng Tanduay ang pinal nang desisyon ng Department of Labor and Employment na iregularisa ang lahat ng kontraktwal na manggagawa roon.

Daan-daang kaso pa ang nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC), habang sa kamay ng mga gahamang labor arbiter ay umaani ng pagkatalo ang mga kasong hinahain ng manggagawa.

Hindi rin natin malilimutan ang malawakang tanggalan sa Carina Apparel, Inc. sa Laguna at sa Hoya Glass Philippines sa Batangas noong 2014. Nasa antas na ng pagsasaayos ng kanilang Collective Bargaining Agreement at Certification Elections noon ang mga manggagawa sa dalawang pagawaan nang biglang magsara ito.

Lumalaganap din ang banta ng militar na pandarahas sa gitna ng mga usaping manggagawa – sa pamamagitan ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC), nagkakaroon na ng lisensya ang mga pulis at military na manghimasok at manggulo sa mga piket, pagkilos at pakikibaka ng mga manggagawa.

Subalit, hindi lamang sa loob ng mga pagawaan humaharap ng panganib ang mga manggagawa. Kahit paglabas nito sa trabaho, o sa dakilang layuning palaganapin pa ang tunay, palaban at makabayang unyonismo, sinusubukan pa ring ibitag ng kasalukuyang rehimen ang mga ito.

Nagpapatuloy na batas-militar sa bansa

Inaalala rin natin ngayon ang mga manggagawang biktima ng nagpapatuloy na batas militar sa bansa: ang mga pinaslang na lider-manggagawang sina Butch Servida (2008) at Jerry Cristobal (2010) ng Samahan ng Manggagawa sa EMI – Independent, at sina Edward Panganiban (2011) ng Samahan ng Lakas Manggagawa ng Takata – Independent (Salamat-Ind), na pinatay habang naglilingkod sa mga manggagawa sa diwa ng tunay, palaban at makabayang unyonismo.

Pinakabago ngayon ang pagtortyur at pagpatay kay Florencio “Ka Bong” Romano, kilalang edukador at organisador ng manggagawa, matapos siyang dumalo sa isang salu-salo sa Batangas. Matapos ang ilang oras na paghahanap sa kanya, namataan na lamang siyang bugbog-sarado at may tama ng baril sa dibdib, na dulot ng patuloy na pananakot mula sa malalapit na base ng Philippine Air Force sa lugar.

Dalawang taon nang nawawala si Benjamen Villeno, dating tagapangulo ng Lakas ng Manggagawang Nagkakaisa sa Honda – OLALIA – Kilusang Mayo Uno (LNMH-OLALIA-KMU) at Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – KMU (PAMANTIK-KMU). Pauwi sa kanyang mga kamag-anak sa Cavite, ang huling balitang natanggap mula sa kanya ay ang pagsunod ng mga kahina-hinalang mga tao sa byahe. Hindi na siya nakausap o namataan pa mula noon.

Sampung taon matapos ang kanyang pagkamatay, sariwa pa rin sa alaala ng mga manggagawa ang maningning na halimbawa ni Diosdado “Ka Fort” Fortuna, na dati namang tagapangulo ng Union of Filipro Employees – Drug and Food Alliance – KMU (UFE-DFA-KMU), ang unyon ng mga manggagawa ng Nestle Philippines sa Cabuyao. Bukod sa isang mahusay na lider-manggagawa, pinamunuan niya ang ilan pang mga kampanya’t aktibidad para sa mamamayan.

Katulad nila, maging tayo ay biktima rin ng malawakang programang kontra-insurhensya ng rehimeng BS Aquino: ang Oplan Bayanihan. Halaw sa US Counter-insurgency Guide, nilalayon umano nitong wasakin ang mga organisasyong naglalayong magtayo ng alternatibong sistema ng pamamahala. Ngunit, libu-libong mga inosenteng bata, matatanda at katutubo na ang nagiging biktima nito.

Kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang pagpatay kina Emerito Samarca, Dionel Campos at Juvello Sinzo sa Lianga, Surigao del Sur sa kamay ng Mahagat-Bagani, isang grupong paramilitar na padron ng 36th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa harap ng mga mag-aaral, magulang at mga taga-komunidad, pinagbabaril ang tatlo noong ika-1 ng Setyembre dahil sa umano’y pagsuporta nito sa New People’s Army (NPA).

Si Samarca ay executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) – na dalawang beses pinangaralan ng Department of Education (DepEd) ng National Literacy Award noong 2001 at 2005. Si Campos ay tagapangulo ng samahan ng mga Lumad sa komunidad, ang Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU), habang si Sinzo, kanyang kamag-anak, ay lider-Lumad ng Sitio Kiwagan, Barangay San Isidro.

Sila ay dagdag sa napakahabang listahan ng mga biktima ng pampulitikang panunupil ng rehimeng US-Aquino, na sa kasalukuyan ay nakatala na sa 53 kaso ng pagpatay sa mga Lumad; na layon lamang ay protektahan ang lupang ninuno laban sa panghihimasok ng dayuhang mga korporasyong agri-industriyal at minahan.

Kasama ng mga biktima ng masaker sa Lianga sina Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong na dinahas at kinitil ang buhay ng rehimeng patuloy na nagdadala lamang sa atin sa ibayong pahirap at pasakit.

Sigaw ng manggagawa: sugpuin ang nagpapatuloy na Batas Militar! Wakasan ang Oplan Bayanihan!

illust1

Hindi natin hihintayin pang may mamatay muling kababayan o ka-manggagawa para patunayan ang mala-Marcos na pamumuno ng rehimen ni BS Aquino. Araw-araw, milyun-milyong manggagawa ang binubusabos sa loob at labas ng kanilang pinagtatrabahuan, kasama ang mga Lumad, magsasaka, at iba pang sektor ng lipunan.

Hindi na lamang ito paghahanap ng hustisya para sa daan-daang biktima ng paglabag sa karapatang pantao, kundi ang pagbabalikwas ng bayan para sa isang lipunang magbibigay ng hustisya, kalayaan at demokrasya para sa lahat.

Labis na ang galit ng mamamayan sa mamamatay-taong rehimeng US-BS Aquino. Sa hanay ng mga manggagawa, marami na ang nais magtayo ng unyon at asosasyon at itaguyod ang karapatan nila para sa regular na hanapbuhay at makatarungang kondisyon sa paggawa.

Marahil, sa dakilang pakikibaka ng mamamayan, ating tunay na maisasariwa ang alaala nila Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong at ng libong nagbuwis ng kanilang buhay para sa ikauunlad ng mamamayan.

WAKASAN ANG KONTRAKTWALISASYON, BATAS-MILITAR SA PAGGAWA!
WAKASAN ANG OPLAN BAYANIHAN AT PATALSIKIN ANG MAMAMATAY-TAONG REHIMENG US-BS AQUINO!

Advertisements

ST workers remember slained union leader 9 years after brutal death, Nestle Philippines remains top suspect

10616333_537894356341329_6673040939675458466_n

CABUYAO, LAGUNA – After visiting Fortuna’s grave and offered him a mass this morning, workers from different industries and enclaves in the Southern Tagalog region gathered in front of the Nestle Philippines Cabuyao plant to commemorate the 9th year death anniversary of slain worker, Diosdado “Ka Fort” Fortuna.

At exactly 2:00PM this afternoon, ST workers assembled at the PhilSteel Workers Union – OLALIA – KMU’s (PWU-OLALIA-KMU) picket line in Brgy. Pulo, Cabuyao, Laguna before marching to the gates of Nestle Philippines in Cabuyao at 3:00PM. By 3:30, the workers held a short but agitated program in memory of Ka Fort and their continuous cry for justice to the Nestle worker.

Banners stating “Nestle Kills Workers” and “Justice for Ka Fort” were paraded for the community people living near the Nestle factory to see and remember Ka Fort who once became a part of their everyday lives. Also, a replica of the infamous Nestle branded coffee, Nescafe, was burned in front of the factory as an undying symbol that until justice for the Nestle workers has not been served, there will remain ‘blood in your coffee.’

Diosdado “Ka Fort” Fortuna, the militant face of the faceless workers

Diosdado Fortuna, famously known as Ka Fort by his colleagues, was president of the United Filipro Employees – Drug, Food, and Allied Industries – Kilusang Mayo Uno (UFE-DFA-KMU). He lead one of the long-running strikes in the Southern Tagalog region which started on January 14, 2002, when the capitalist Nestle issued deadlock in their Collective Bargaining Agreement (CBA) negotiations in its disapproval to give retirement benefits to its workers. Having won the said battle in the Supreme Court, the Nestle workers led by Fortuna became more aggressive in fighting for their right to recognize the CBA in favor of the workers, but still the capitalist Nestle refused.

According to Roque Polido, newly elected Chairperson of the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Solidarity of Workers in Southern Tagalog – May First Movement or PAMANTIK-KMU), “Ka Fort has been an icon to ST workers, he has been a model for us to be dedicated and serious to our fight for a sufficient wage, job security, and decent living.”

Fortuna, before his untimely death, was Chairperson for PAMANTIK-KMU, Anakpawis Partylist – Southern Tagalog, and National Coalition for the Protection of Workers Rights – Southern Tagalog (NCPWR-ST), and a National Council member of KMU.

Amidst the busy and hectic life of a mass leader, Fortuna never failed to be present to the lives of his family. He has always been actively involved to his family’s issues and activities. Although reluctant to what Fortuna is about, his family eventually understood his cause due to his patient rhetorics of the movement.

“Fort was never selfish. He was never selfish in enlightening me towards his cause even though I was not into it that time. I usually get mad at him because of his involvement in the union, but he was never selfish in letting me understand.” Said Luzviminda Fortuna, Fortuna’s wife and current Regional Coordinator of NCPWR.

Fortuna added, “I remember him always saying ‘If I die, you should accept it no matter how painful it is, because I believe thousands would take my place.’ Now I believed him, seeing that the workers in all over ST calling for justice and fighting for what Fort fought for, and even I was willed to do the same. Now I believed how noble my husband, our comrade, has always been. He was so selfless, even his life he was willed to give.”

On September 22, 2005, while on his way home, Fortuna was shot dead on a dark road by two men riding a motorcycle. The bullets bore wounds on his heart and liver. He was dead on arrival when brought into the nearest hospital.

“We demand that the US-BS Aquino regime do not forget about the Nestle workers. Stop ‘just blaming’ the Arroyo administration for its mischiefs and human rights violations—convict all those who are behind it, and for them to also make themselves accountable to their numerous violations to the workers. If not so, we will be ever willing to make all of the liable pay.” Polido ended.###

Ilitaw si Ben Villeno! Itigil ang Batas Militar ni Aquino!

Ben Villeno
Benjamen Villeno is a leader and organizer in the Trade Union sector. He is one of three desaparecidos in the Southern Tagalog region abducted by military forces under the Aquino regime.

Kasabay ng paggunita ng sambayanan sa pagpataw ng batas militar ng rehimeng US-Marcos, hindi maiwasang maikumpara ang rehimeng Aquino dahil sa kaliwa’t kanang kaso ng katiwalian at karahasan nito sa kasalukuyan. 41 taon na ang nakalilipas ngunit tila nananatiling hirap at nakagapos ang mamamayan dahil sa pagiging tuta ng mga sumunod na administrasyon kay Marcos.

Sa kabila ng pagsambulat ng malalaking isyu hinggil sa pork barrel, krisis sa Zamboanga, at muling pagpasok ng mga US military bases sa bansa, mariing kinukundena ng mga manggagawa ng Timog Katagalugan ang sapilitang pagkawala ng lider-manggagawang si Benjamen Villeno, dating tagapangulo ng Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH), PAMANTIK-KMU, at OLALIA-KMU.

Batas militar: noon at ngayon

Ipinataw ang batas militar noong Setyembre 21, 1972 upang buong-buong mahawakan ni Marcos ang kapangyarihang pampulitika, ekonomiya, at militar ng bansa. Ginamit niya ito upang pahabain ang  kanyang panunungkulan sa kabila ng pagtutol ng malawak na mamamayan. Pilit niyang tinakpan ang sistematikong katiwalian ng kanyang administrasyon at mga kroni na nag-uwi ng limpak-limpak na halaga mula sa kabang yaman ng bayan. Walang pagtatanging pinaslang, tinortyur, at dinukot ng mga militar ang mga sibilyan at aktibista noong panahong iyon.

Noong 2005, naging matingkad ang pampulitikang panunupil sa hanay ng mga unyonista at lider-manggagawa. Itinuring ni   Arroyo bilang industrial terrorists ang sinumang maglunsad ng welga o magtangkang ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang manggagawa. Sa ilalim ng Oplan Bantay Laya, libo-libong mamamayan at aktibista ang pinaslang, dinukot, sinampahan ng gawa-gawang kaso, iligal na inaresto, tinortyur, at pinalikas ng mga militar.

Pinaslang si Diosdado “Ka Fort” Fortuna, dating tagapangulo ng union ng manggagawa sa Nestle (UFE-DFA-KMU) at PAMANTIK-KMU. Naganap ang madugong pagkitil sa kanyang buhay isang araw makalipas ang paggunita ng pagpataw ng batas militar. Noong panahong iyon, mainit ang usaping Hello Garci scandal at iba’t ibang kaso ng katiwalian ng rehimeng Arroyo.

Maaalalang sa pananaliksik ni Philip Alston, isang special rapporteur ng UN para alamin ang kalagayan ng karapatang tao sa Pilipinas, tinukoy bilang pangunahing salarin sa pagkapaslang at pagkawala ng daan-daang aktibista ang mga militar sa utos ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kasalukuyan panahon, nagpapatuloy ang hindi deklaradong batas-militar sa bansa. Bagama’t taliwas sa sinasabi ng Pandaigdigang Makataong Batas, pinapayagan ng Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment (TIPC MOC) ang pagkakampo ng mga militar, at panghihimasok ng mga ito sa tuwing mayroong labor dispute sa mga pagawaan at engklabo.

Sa pambansang antas, lantarang ginagamitan ng dahas ng rehimeng Aquino ang sinumang magsulong ng kasarinlan at paglaya mula sa bulok at tiwaling gobyerno nito. Walang pakundangang inoperasyon ang MNLF sa Zamboanga nang hindi isinasaalang-alang ang kapanakanan ng mga sibilyan. Ibinubukas muli ang bansa para sa pagtatayo ng mga base-militar ng US. Nakaamba ang pagpasok ng mas maraming sundalong amerikano sa pamamagitan ng rotational presence agreement. Habang nasa kasagsagan ng pagtuligsa sa malaganap na katiwalian ang mamamayan dahil sa pork barrel scam, dinukot si Benjamin “Ka Ben” Villeno, lider-manggagawa ng Timog Katagalugan.

Ilitaw si Benjamen Villeno, biktima ng sapilitang pagkawala sa ilalim ng batas militar ni Aquino!

Naging tagapangulo ng unyong Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH) noong 1998 si Ka Ben. Mahusay niyang pinangunahan ang mga pakikibakang pang-ekonomiya ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan ng Honda Cars Philippines, Inc. Pinamunuan niya ang pakikipagnegosasyon ng unyon upang mabigyan ng mas mabuting kalagayan sa paggawa ang mga manggagawa. Noong 2001, boluntaryong iniwan ni Ka Ben ang maalwang buhay sa loob ng pagawaan at nagresign upang maging fulltime organizer ng Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture (OLALIA-KMU). Hindi nagtagal, naihalal siya bilang national president ng pederasyong OLALIA.

Inilaan niya ang kanyang husay, talino, at lakas sa pag-oorganisa sa iba pang mga pagawaan sa rehiyon upang ipagtanggol ang karapatan ng mas marami pang manggagawa. Hindi nagpakasapat si Ka Ben sa pagkamit ng mga tagumpay ng kanilang lokal na unyon, bagkus nagpursiging maging bahagi ng tagumpay ng buong uring manggagawa sa buong bansa. Naging tagapangulo din siya ng panrehiyong sentrong unyong Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) at naging bahagi ng National Council ng Kilusang Mayo Uno.

Dahil sa kanyang kasigasigang mamuno sa kilusang paggawa sa rehiyon, at mahigpit na pakikiisa sa iba’t ibang sektor, naging regional coordinator ng Bayan Muna party list at Makabayan-Southern Tagalog si Ka Ben noong 2010. Ngunit dahil na rin sa ipinakita niyang lubos na paglilingkod sa bayan, naging mainit sa mata ng gobyerno si Ka Ben. Noon pa man, minamatyagan at tinitiktikan na siya. Lagi niya nang napapansing may nakasunod sa kanya saanman magpunta.

Nitong Agosto 27, habang patuloy na naglilingkod sa mga manggagawa ng Timog Katagalugan bilang staff ng OLALIA-KMU, nagtext sa isang kapwa lider-manggagawa si Ka Ben na uuwi sa kanyang mga kamag-anak sa Cavite. Sa huling text na kanyang ipinadala, sinabi niyang mayroon na namang sumusunod sa kanyang kahina-hinalang militar. Mula noon, hindi na muling nakita at nagparamdam si Ka Ben.

Walang ibang maaaring ituro sa pagkawala ni Ka Ben kundi ang mga militar na matagal nang napatunayang gumagawa ng pagpaslang, pagdukot, at pandarahas sa hanay ng mga lider-manggagawa at unyonista. Pangatlo na si Ka Ben sa mga biktima ng pagdukot sa rehiyon sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin sila nakikita ng kanilang mga kamag-anak at kakilala.

Kung kaya, sa muling paggunita ng mga manggagawa sa malagim na pagpataw ng batas militar, gayundin sa pagpaslang kay Diosdado “Ka Fort” Fortuna, mariing kinukundena ng PAMANTIK-KMU at OLALIA-KMU ang pagdukot kay Benjamen Villeno.

Hindi kailanman matitigil ang ganitong panunupil sa hanay ng mga aktibista at unyonista hangga’t nananatiling namamanik-luhod ang rehimen sa mga kapitalista’t amo nitong imperyalistang US. Gagawin ng burukrata kapitalistang si Aquino ang lahat, sukdulang dukutin o paslangin ang mga kritiko nito, para sa ultimong layuning patuloy na nagbubulsa ng limpak-limpak na yaman mula sa buwis ng mga manggagawa at mamamayan.

Panahon na upang tuluyang ilantad ang tiwali at pasistang rehimeng US-Aquino. Tanging sa pagbagsak sa imperyalismo, burukrata kapitalismo, at katutubong pyudalismo na ugat ng kahirapan mawawakasan ang matagal nang paglapastangan sa karapatang tao ng uring manggagawa. Sa pamamagitan lamang ng pambansa-demokratikong pakikibaka na lalahukan ng pinakamalawak na hanay ng mamamayan, sa pamumuno ng uring manggagawa, maitatayo ang gobyernong tunay na maglilingkod sa sambayanang api at pinagsasamantalahan.

ILITAW si BENJAMEN “KA BEN” VILLENO!

Ilitaw ang lahat ng biktima ng sapilitang pagkawala!

 

HUSTISYA para kay DIOSDADO “KA FORT” FORTUNA!

Hustisya para sa lahat ng biktima ng pampulitikang pagpaslang!

 

ITIGIL ang pampulitikang panunupil sa kilusang paggawa! ILANTAD ang tiwali at pasistang rehimeng us-aquino!

Burukrata kapitalismo, IBAGSAK! Imperyalismo at pyudalismo, IBAGSAK!

 ISULONG AT IPAGTAGUMPAY ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan!

11 Taong Pakikibaka ng mga Manggagawa laban sa Gahamang Nestlē, 11 Taong Pagtatanggol sa Lehitimong Panawagan para sa Sahod, Trabaho, at Karapatan

January 14, 2002—Matapos ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon, naharap sa matinding laban ang mga manggagawa ng Nestlē Cabuyao. Sa araw na ito, ipinutok ang welga ng mga manggagawa dahil sa matinding paglabag ng kapitalista sa mga naunang tagumpay ng manggagawa sa paglalagay ng Retirement Benefits bilang bahagi ng Collective Bargaining Agreement.

Ngayon, makalipas ang 11 taon, nananatiling bingi ang management ng Nestlē sa kahilingan ng mga manggagawa na ipatupad na ang desisyon ng Korte Suprema. Kung babalikan pa natin ang kasaysayan, taong 1991, sa ilalim ni Chief Justice Narvasa naunang inilabas ang desisyong ito, na inayunan na lamang nitong taong 2006 ng Korte Suprema.

Tanging ang determinasyon at pagtangan sa sariling lakas at pagkakaisa ang naging sandata ng mga manggagawa ng Nestlē. Walang pagod na isinulong ang kilusang welga sa kabila ng marahas na pagsupil ng kapitalistang Nestlē, kasabwat ang estado at mga armadong pwersa nito. Makailang beses na inagaw at muling itinayo ang picket line sa loob ng mahigit isang dekada.

Sa kabila ng pagiging lehitimo ng mga panawagan ng mga manggagawa para sa sahod at benepisyo, walang humpay ang karahasang naging tugon ng kapitalista. Umabot pa sa sukdulan ang pagiging pasista nito nang paslangin ang pangulo ng unyon na si Diosdado “Ka Fort” Fortuna upang pilit na patahimikin ang nag-aalab na galit ng mga manggagawa sa pambababoy ng Nestlē sa mga lehitimong kahilingan nila.

Sa haba ng itinagal ng laban ng mga manggagawa ng Nestlē, marami na ang sumakabilang-buhay, kabilang si Noel “Bigboy” Sanchez, na hindi ni minsan nawalan ng pag-asa sa kabila ng matinding karamdaman at paghihirap ng sariling pamilya.

Nestle Noon at Ngayon: Mas Malalang Kalagayan ng mga Manggagawa

Nitong nakaraang taon, ipinagdiwang ng Nestlē ang ika-100 taong paghuthot niya sa limpak-limpak na tubo, nananatiling atrasado ang kalagayan ng kanyang manggagawa.

Planadong binayaran ng kapitalista ang mga hindi umanib sa welga noon, upang tanggalin at palitan ang mga ito ng mga kontraktwal na mga manggagawa. Habang walang pakialam ang Department of Labor and Employment at gobyerno ng Pilipinas, ginagamit ng kapitalista ang iba’t ibang anti-manggagawang batas tulad ng DO 18-A upang malaganap na ipatupad ang kontraktwal na empleyo sa loob ng pagawaan. Sa pamamagitan nito, higit pang nakakatipid ang kapitalista dahil sa napakababang sahod na iniaalok sa mga manggagawa, gayundin ang pagtakas nito sa obligasyong magbigay ng mga makabuluhang benepisyo.

Sadayang nag-aastang mas mataas pa ang mga dayuhang korporasyon, kagaya ng Nestlē, sa mga umiiral na batas at kautusan ng pinakamataas na Korte sa Pilipinas.

Ang Pananagutan ng DoLE at Rehimeng Aquino sa mga Manggagawa ng Nestle

Bagama’t sa ilalim ng mga nagdaang rehimen naganap ang pagputok ng welga at pagbali ng kapitalistang Nestle sa mga naunang desisyon ng korte suprema pabor sa mga manggagawa, may pananagutan ang kasalukuyang rehimen sa pagtulak sa kapitalista upang sundin ang desisyon, gayundin sa pagpapatupad ng mga anti-manggagawang batas na lalo pang naglalagay sa mga manggagawa sa kalunos-lunos na kalagayan sa loob at labas ng pabrika.

Marapat lamang na singilin ang pagpapabaya ng gobyerno, sa pangunguna ng DoLE at ng kalihim nitong si Rosalinda Baldoz, sa pagpapanagot sa kapitalistang Nestle sa mga utang na dugo sa manggagawa at mamamayan.

Tuloy ang Pakikibaka ng mga Manggagawa ng Nestle at Buong Rehiyong Timog Katagalugan

 

Naging ehemplo ng mga ganid na kapitalista ang ginawa ng Nestle sa kanyang mga manggagawa. Habang pilit nitong pinababango ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng mga patalastas sa telebisyon, nagsilbing go signal sa iba pang kapitalista ang pagbali ng Nestle sa Supreme Court decision upang harap-harapang labagin ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Gayunpaman, walang puwang para sa pananahimik ng manggagawa sa gitna ng tumitinding krisis ng sistemang kapitalista. Kasabay ng pagkapako ng sahod at benepisyo, kawalan ng seguridad sa trabaho, at tuloy-tuloy ang pandarahas ng mga kapitalista kasabwat ang estado, wala nang ibang tutunguhin ang manggagawa kundi ang lumaban upang itayo ang lipunang magsisilbi sa kanyang uri.

Tuloy ang laban ng mga manggagawa ng Nestle!

BOYCOTT ALL NESTLE PRODUCTS!

Hustisya para kay Diosdado “Ka Fort” Fortuna at lahat ng biktima ng kapitalistang Nestle!

Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya! Pamunuan ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba!