LIGA ng Manggagawa: On SIDC’s spin on the feedmill strike

 

We condemn the incessant lies the management of Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) propagates regarding the current labor strike by contractuals in Batangas, who work at a feedmill they obviously own.

The claim that the strike is a labor dispute between the casuals and the DCMM Agency has been the usual press release of principals that want to escape conviction from religiously practicing labor-only contracting schemes. We do not forget the same lies from the mouth of Tanduay representatives, when they said the same last year.

Meanwhile, SIDC’s stand has stalled negotiations yet again yesterday, as they remain stubborn against granting the requests of the workers. For two days now, SIDC representatives have constantly told workers to reapply as SIDC workers, or be regular employees in DCMM Agency.

To intensify the perjury, SIDC told ABS-CBN Southern Tagalog in a statement yesterday that it “has contract with DCMM, a legitimate manpower agency” (italics ours); yet cannot present proof of registration to representatives of the Department of Labor and Employment (DoLE) last July 11 and 12.

The workers of SIDC know that DCMM Agency is a notorious labor-only contractor, violating the standards of DoLE Department Order 18-A for such agencies. To prove it, we ask these: does DCMM Agency own the machines and products? Do they own the factory the contractuals toil in every day?

The answer to both questions: no. Therefore, the strike – and not the picket, as the SIDC public relations claim – has all the reasons to continue. The workers do not recognize the agency anyway; they know it is illegal.

All calls and redress to the contractual workers now on strike in Batangas City is rightfully addressed to the true employers – the SIDC.

More so, it should not be concerned for its “innocent members/owner’s (sic) being affected” due to the strike. For what, then, is the purpose of the Board of Directors present on dialogues with the DoLE?

On the other hand, it should be worried that more and more people know that SIDC is a fake cooperative and that it does not care about the welfare of its workers.

As SIDC and its AGAP Partylist prates to “bring food to people’s tables”, it does the opposite to the workers in its factories. # # #

Advertisements

Regularisasyon, nananatiling hiling sa ikalawang araw ng welga sa SIDC

Tumungtong ang mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa ikalawang araw nito sa welga. Tinatantyang milyon-milyon na ang nawalang kita ng SIDC sa paghaharang sa mga iluluwas na mga imported goods mula sa pabrika dahil sa welga.

Noong hapon, dumating ang Director ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A, si Director Orihuela, sa piketlayn ng mga manggagawa sa SIDC sa layong mapagharap ang dalawang panig. Nailantad ng mga manggagawa ang kanilang karanasan sa loob ng pagawaan. Pinasinungalingan din ng mga manggagawa ang mga pahayag ni Macario Macalalad, may-ari ng DCMM Agency na nag-empleyo sa mga kargador at iba pang manggagawa ng SIDC.

Matapos ang halos isang oras na negosasyon, nanatiling walang resolusyon para sa mga manggagawa ng SIDC. Hindi pumayag ang SIDC at ang DCMM Agency sa limang kahilingan ng mga manggagawa: ang regularisasyon; pagbabalik sa mga iligal na tinanggal; pagbabalik sa mga kinaltas sa suweldo; pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth at Pag-ibig; at pagkilala sa kanilang organisasyon.

Napag-usapan din ang legalidad ng DCMM Agency sa pageempleyo ng manggagawa. Noong dayalog, walang naipakitang papeles si Macalalad na rehistrado o otorisado pa ang DCMM Agency.

Samantala, iginiit din ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hindi dapat makalapit ang mga pulis sa piketlayn. Nagmula ito sa ilang mga kaso ng pagdalaw ng mga pulis sa lugar, na may dala ring mga baril. (Pictures included.)

Naitakda ang susunod na dayalog bukas, ika-13 ng Hulyo, sa piketlayn. Ngunit maari pa ring tumulak na sa muling negosasyon ang mga manggagawa ng SIDC at ang may-ari ng SIDC.

“Makatwiran at makatarungan ang desisyon ng mga manggagawa na itindig ang welga kahapon. Naninikluhod ngayon ang kapitalista at may-ari ng DCMM Agency upang makipag-usap sa mga manggagawa at makinig sa kanilang mga hiling,” ani Allan Bagas, pangkalahatang kalihim ng PAMANTIK-KMU. Sumusuporta ang PAMANTIK-KMU sa welga ng mga manggagawa ng SIDC.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan ang tinatagong pandarahas ng kapitalista upang mailabas at makamal ang tubong pinipiga niya mula sa mga manggagawa.

Ani Bagas, “nananatiling militante ang mga manggagawa at ang tanging solusyon lamang sa usaping ito ay ipatupad at ibigay ang lahat ng hinaing ng mga manggagawa.” # # #

ST workers present sector’s agenda to new DoLE Sec, USec

Few days after Duterte took over Malacañang as the country’s 16th president, contractual and regular workers from Southern Tagalog trooped to the Department of Labor and Employment to present the sector’s agenda to the newly appointed secretary and undersecretary.

Under the Aquino administration, the plight of Southern Tagalog workers have plunged deeper into poverty. Majority of the workers are now contractuals, which comprise 80-90% of the total labor force. This equates to more workers suffering from very low wages and non-provision of benefits. We want to see genuine change come; we want to take the opportunity to push for calls that will truly uplift our working conditions and quality of life,” said PAMANTIK-KMU Secretary General Allan Bagas.

At 11AM, the workers’ representatives from PAMANTIK-KMU, OLALIA-KMU, and other militant organizations met with Secretary Silvestre Bello and Undersecretary Joel Maglunsod. They presented the workers’ agenda that highlighted calls such as ending of contractualization, implementation of the P750 national minimum wage, and scrapping of anti-worker policies such as the Two-Tiered Wage System.

The leaders also put to the table the current campaigns in the region such as the more than two months strike at Manila Cordage Company and Manco Synthetics Incorporated, picket protest at Ebara Benguet, the reinstatement of Tanduay contractual workers, and the recently organized picket protest of Sorosoro Ibaba Development Cooperative contractual workers.

“With the pro-worker background and stance of the new secretary and undersecretary, we are optimistic that the new administration will really usher in genuine change and fulfill Duterte’s promise of no more endo. But we will not just wait for it to happen. This is the time that we will become more vigilant and assertive in advancing our rights. We will push the new administration to finally put an end to US dictates of neoliberal policies, which is the primary reason why Filipino workers are being treated as commodities,” Bagas ended.

While the dialogue is ongoing, workers outside the DoLE building held a short program to continuously present the workers’ agenda in the region. # # #

Magkaisa para sa pagbabago at kaunlaran! Isulong ang adyenda ng manggagawa’t mamamayan!

Sa ilang mga araw ay matatapos na ang rehimeng US-BS Aquino. Ito ang rehimeng siyang nagpahirap sa kalakhan ng manggagawa at mamamayan sa kabuuan ng kanyang administrasyon.

Kontraktwalisasyon, pagpapapabaya sa kalagayan ng manggagawa, at pagkiling sa mga makasariling kahilingan ng mga kapitalista ang hatid ni Aquino sa kanyang buong panahong panunungkulan! Hindi na nakagugulat na ang masidhing kondisyon sa paggawa ang siyang nagtulak sa napakaraming manggagawa upang magprotesta at magwelga.

Hindi matatawaran ang makasaysayang pagkakaisa at pagkilos ng manggagawang kontraktwal sa rehiyon upang ipagtanggol ang kanilang karapatan para sa nakabubuhay na sahod at wastong kondisyon sa paggawa. Kabilang na rito ang nagpapatuloy na welga ng mga manggagawa sa Tanduay Distillers, Inc., Karzai, Manila Cordage at Manco Synthetic.

Umaalab ang mga laban ng mga manggagawa sa Sagara Metro Plastic, Soro-Soro Ibaba Development Cooperative, at Asia Brewery, na sa kahit anumang oras ay maaring tumaas ang antas ng protesta dahil sa nagpapatuloy na karahasan at kawalang-aksyon mula sa inutil na rehimen at mga ahensya nito.

Hindi rin nakaligtas ang mga manggagawang regular sa matinding hagupit ng mga neoliberal na polisiyang hatid ng rehimeng BS Aquino. Hindi natin malilimutan ang pagsupil sa pagtataguyod ng unyon ng mga manggagawa sa sahod, trabaho, at karapatan!

Nagpapatuloy ang laban ng mga manggagawa ng Hoya, na tinanggal sa trabaho bago pa man maipanalo ang pagtatag ng tunay na unyon ng manggagawa. Nananatiling bulag at bingi ang mga kapitalista at rehimen sa mga pangangailangan ng manggagawa – barya-baryang umento sa sahod ang ihinahatid! Nariyan pa ang paghaharang sa mga benepisyo at makatarungang kalagayan sa paggawa.

Ang mga regular na manggagawa ng Daiwa, Honda Cars, Coca-cola, Ebara Pumps, at MMET ang isa sa mga napakaraming manggagawang nanininidigan para sa mahusay na kalagayan para sa lahat ng manggagawa.

Ngunit, hindi natin malilimutan ang makasaysayang paglaban ng manggagawa sa Nestlé at PhilSteel. Patunay sila ng nagpapatuloy na krisis sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan, na tali sa pamalagiang krisis at kahirapan.

Darating ang panahon ng pagbaba ng isang papet, inutil at korap na rehimen. Sa pag-upo ng bagong administrasyong Duterte, binigyan tayo ng oportunidad upang ihapag ang Adyenda ng Manggagawa sa rehiyon, kasama ng adyenda ng buong Timog Katagalugan.

Ano nga ba ang nilalaman ng adyenda na ito? Kalakip nito ang mga tunay at ispesipikong kahilingan ng mga manggagawa at mamamayan. Kasama na rito ang nararanasang kalagayan: na siyang pulos paghihirap at kontra-mamamayan.

Nilalaman ng Adyenda ng Manggagawa sa Timog Katagalugan ang mga kahilingang ito, na nasa pangkalahatang Adyenda ng Mamamayan ng Timog Katagalugan:

Polyeto GFX

Kabilang pa nito ang iba pang mga kahilingan ng mamamayan sa usapin ng serbisyong panlipunan, edukasyon, karapatang pantao, at iba pa.

Halimbawa nito ang kagyat na pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill o GARB, na matagal nang kahilingan ng mga magsasaka.

Sa ating pagsasagawa ng caravan para sa kapayapaan sa mga darating na araw, patuloy nating ipapanawagan ang karaingan at kahilingan ng mamamayan. Hindi tayo buo-buong sumusuporta sa bagong administrasyon, kundi ay patuloy nating ipapaalala ang paninindigan para sa makabayang polisiya at programa. Sinusuportahan natin ang anumang layong polisiyang makakapagbigay-benepisyo sa mamamayan.

Bagkus, ang bigkisang ito ay mula sa nagpapatuloy na Bigkisan ng Manggagawa; at pagpapaalala na sa kahit anumang panahon, patuloy nating ipagpapatuloy ang ating pagkilos at pagkakaisa para sa kalayaan at demokrasya.

Sumama sa Bigkisan para sa Pagbabago, Kaunlaran at Kapayapaan!
Sahod, Trabaho, at Karapatan, patuloy na ipaglaban!

Tagumpay ng LNMSMPIC-Ind., tagumpay ng patuloy na pagtataguyod ng tunay, palaban, makabayang unyonismo!

DSC_0225Ipinapaabot ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pinakamaiinit na pagbati sa unyon ng manggagawa sa Sagara Metro Plastic Industrial Corporation (SMPIC), ang Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Sagara Metro Plastic Industrial Corporation – Independent (LNMSMPIC-Ind, o LAKAS) sa kanilang pagtatagumpay sa certification elections nitong ika-30 ng Setyembre.

Nakakalap ng 151 boto ang LAKAS laban sa 114 boto para sa dilawang unyong Samahan ng Manggagawa sa SMPIC- National Mines and Allied Workers’ Unions (SAMASA-NAMAWU) at 2 botong no to union.

Natatangi ang tagumpay na ito ng mga manggagawa ng Sagara. Sinagupa nila ang sabwatan ng kapitalista, NAMAWU, Bureau of Labor Relations (BLR) at maging si BS Aquino – na nilayong basagin ang nabuong pagkakaisa ng mga manggagawa. Noong ika-8 ng Abril, sa araw ng dapat na certification election sa SMPIC, naglabas ng isang memorandum ang BLR upang isuspinde ang eleksyon. Ito ay dahil nagsumite ng apela ang NAMAWU sa Office of the President ukol sa kahilingan ng LAKAS para itayo ang tunay na unyon ng manggagawa. Tila, sa isang iglap, ang higit isang taon nilang pagsisikap na itayo ang unyon ay pawang mapupunta na sa pagkabigo.

Ngunit sa halip na masiphayo at sumuko, lalo pa silang naging pursigidong itatag ang nag-iisang samahang magtataguyod ng kanilang karapatan at kagalingan. Sa labas ng pagawaan, sinugod at kinalampag nila ang mga panrehiyon at pambansang opisina ng Department of Labor and Employment (DoLE) at BLR sa pagsisikap na panatilihing pabor sa mga manggagawa ang kanilang ilalabas na desisyon.

Sa loob naman ng pagawaan, nagsagawa sila ng malawakang pagpapaliwanag sa kapwa manggagawa upang ipaintindi ang marangal at mahusay na pagsisikap ng LAKAS na itaguyod ang kanilang interes. Makailang beses ring nagsagawa ng sama-samang pagkilos ang LAKAS; na bukod sa nagpaliwanag ng kanilang mga mithiin, ay sinalubong at pinabulaanan ang mga ipinakakalat na kasinugalingan at pananakot ng kapitalista. Hindi rin sila nagpatinag sa mga sunod-sunod na suspensyon sa mga manggagawa dala ng management. Wala ni isa sa mga naging biktima ng pagpapakalat ng black propaganda, panunuhol at unfair labor practices ang natinag sa mga pakanang ito ng kapitalista – kundi lalo pang nagpalitaw sa kanilang kaliwa’t kanang desperadong aksyon upang pahinain ang kanilang pagkakaisa.

Napatunayan na ng mga manggagawa ng SMPIC ang kanilang nais na magtayo at magtaguyod ng tunay nilang unyon. Naging alipin ang mga manggagawa ng SMPIC sa barat na sahod at kadusta-dustang kondisyon sa paggawa sa loob ng SAMASA-NAMAWU. Sa loob ng labing-isang taon at tatlong collective bargaining agreement, halos P180 lang ang kabuuang nakamit na dagdag-sahod ng mga manggagawa. Bukod pa rito ang pagdadamot ng pederasyong NAMAWU sa kanila ng tulong-legal at pinansyal, at pagsasawalang-bahala ng pederasyon sa kapakanan ng mga manggagawa. Kung tutuusin, walang kabuluhan ang kanilang nakamit sa loob ng NAMAWU.

Nagbunga naman ang kanilang nagkakaisa at sustenidong pagsisikap upang maitayo ang unyong wagas na magsisilbi sa kanilang interes. Magiting at mabangis nilang hinarap ang mga pagsisikap ng sabwatan ng kapitalista at dilawang unyon – at tunay nga, hindi nagtagumpay ang maitim na balak ng sabwatang ito. Inanunsyo na matutuloy ang CE sa ika-30 ng Setyembre.

Sa huling mga minuto, ninais pa ng kapitalista at ng dilawan na wasakin ang pagkakaisa ng manggagawa: naglunsad sila ng mga magagarang pagtitipon, pagsuhol, at mga pagbabanta at paninira sa sinumang boboto ng “YES” sa LAKAS. Napunta rin sa wala ang tangkang ito – tumatangis sa resulta ng CE ang boses ng mga manggagawa sa SMPIC.

Ang pagtatagumpay ng pagtaguyod ng tunay na unyon sa loob ng SMPIC ay hindi lamang tagumpay ng mga manggagawa roon – kundi isang halimbawa para sa lahat ng mga regular na manggagawa upang itayo na ang isang samahang tatangan ng kanilang interes sa loob ng pagawaan. Sa loob ng tunay, palaban at makabayang unyonismo, lubos na makakamit ng mga manggagawa ang kanilang karapatan para sa nakabubuhay na sahod, maayos na kondisyon sa paggawa, at iangat pa ang kabuhayan ng iba pang mga manggagawa sa kanilang paligid. Ngunit, isa rin itong hamon para sa mga manggagawa. Hindi kailanman matitinag ng kahit anumang maitim na pahayag, malaking salapi o panlilinlang ang mala-bakal na paninindigan ng mga manggagawa sa kanilang nais na depensahan ang kanilang karapatan.

Bukod pa, ang tagumpay ng mga manggagawa ng SMPIC ay magbubukas na rin ng panibagong mga kabanata. Matapos ang labing-isang masalimuot na taon, malilikha na nila sa wakas ang maka-manggagawang collective bargaining agreement, na buong pagtitiwalang kanilang itataguyod din at ipaglalaban.

Sa diwa ng tunay, palaban at makabayang unyonismo, atin ding maatim na hindi na lamang sa usapin ng CE o CBA matatapos ang laban ng mga manggagawa. Bilang alipin ng isang sistemang atrasado at bulok, nasa mithiin na rin ng mga manggagawa ng SMPIC, kasama ang iba pang mga tagapagtaguyod ng tunay na unyonismo, ang pagpapalaya hindi lamang sa kanilang uri – kundi ang mismong pagpapalaya ng lahat ng mga inaalipin at dinurustang mamamayan sa buong bansa, at kahit sa buong mundo. ###

PAHAYAG: Sama-samang biguin ang nagpapatuloy na Batas Militar ni BS Aquino! Manggagawa at mamamayan, magkaisa at itaguyod ang kalayaan at demokrasya!

Ngayong ika-21 ng Setyembre, ginugunita natin ang mga sakripisyo at pakikipaglaban ng libu-libo nating mga kababayan para makamit ang kalayaan mula sa diktadurang US-Marcos.

Hindi na mabubura sa ating mga alaala ang laganap at lantad na karahasang ipinamalas ni Ferdinand Marcos – sa dikta ng imperyalismong U.S. at sa pamamagitan ng kanyang mga armadong pwersa – upang supilin ang ‘di-matitinag na sigaw ng bayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Ginugunita rin natin ang magigiting na pakikibaka ng mga manggagawa, simula sa makasaysayang welga ng mga manggagawa ng La Tondeña noong ika-24 ng Oktubre, 1975, na bumasag sa protest ban ni Marcos, at ang mga welga at welgang bayan na nagtaguyod ng sahod, trabaho at karapatan para sa lahat.

Sa pagwawakas ng diktadurya, nagpapatuloy pa rin ang karahasan laban sa mga manggagawang puspusang ipinagtatanggol ang interes ng kanilang uri at ng sambayanan. Apatnapu’t tatlong taon matapos ideklara ang Batas Militar, nagmimistulang nasa panahon pa rin tayo ng walang-humpay na kahirapan at pagpapasakit.

 

Batas-militar sa pagawaan

Mula sa pagpiga ng mga kapitalista sa ating lakas-paggawa para sa supertubo, hanggang sa tuwirang pagdakip at pagpatay sa mga lider-manggagawa, napakarami pa ring kaso ng karahasan laban sa mga manggagawa.

Hindi na nakasapat sa mababang pagpapasahod at pambabarat sa ating mga benepisyo at karapatan, naglalabas pa ng hindi-na-mabilang na mga suspensyon at tanggalan ang kapitalista – sa pakikipagsabwatan sa Department of Labor and Employment at mga ahensya nito. Bukod pa, mabagal ang gulong ng hustisya para sa mga manggagawang iligal na tinanggal.

Isa rito ang biglaang suspensyon ng certification elections sa Sagara Metro Plastic Industrial Corporation (SMPIC) noong ika-8 ng Abril dala ng isang memorandum mula sa Bureau of Labor Relations, at ang mga serye ng suspensyon sa mga kasapi ng Lakas ng Manggagagawang Nagkakaisa sa SMPIC – Independent (LNMSMPIC-Ind).

Pinagbabato naman ng mga bote at bato at pinagpapapalo ng mga goons ang mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay, na ngayo’y nasa ikaapat nang buwan ng kanilang welga para sa regular na hanapbuhay. Hindi pa rin ngayon ipinatutupad ng Tanduay ang pinal nang desisyon ng Department of Labor and Employment na iregularisa ang lahat ng kontraktwal na manggagawa roon.

Daan-daang kaso pa ang nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC), habang sa kamay ng mga gahamang labor arbiter ay umaani ng pagkatalo ang mga kasong hinahain ng manggagawa.

Hindi rin natin malilimutan ang malawakang tanggalan sa Carina Apparel, Inc. sa Laguna at sa Hoya Glass Philippines sa Batangas noong 2014. Nasa antas na ng pagsasaayos ng kanilang Collective Bargaining Agreement at Certification Elections noon ang mga manggagawa sa dalawang pagawaan nang biglang magsara ito.

Lumalaganap din ang banta ng militar na pandarahas sa gitna ng mga usaping manggagawa – sa pamamagitan ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC), nagkakaroon na ng lisensya ang mga pulis at military na manghimasok at manggulo sa mga piket, pagkilos at pakikibaka ng mga manggagawa.

Subalit, hindi lamang sa loob ng mga pagawaan humaharap ng panganib ang mga manggagawa. Kahit paglabas nito sa trabaho, o sa dakilang layuning palaganapin pa ang tunay, palaban at makabayang unyonismo, sinusubukan pa ring ibitag ng kasalukuyang rehimen ang mga ito.

Nagpapatuloy na batas-militar sa bansa

Inaalala rin natin ngayon ang mga manggagawang biktima ng nagpapatuloy na batas militar sa bansa: ang mga pinaslang na lider-manggagawang sina Butch Servida (2008) at Jerry Cristobal (2010) ng Samahan ng Manggagawa sa EMI – Independent, at sina Edward Panganiban (2011) ng Samahan ng Lakas Manggagawa ng Takata – Independent (Salamat-Ind), na pinatay habang naglilingkod sa mga manggagawa sa diwa ng tunay, palaban at makabayang unyonismo.

Pinakabago ngayon ang pagtortyur at pagpatay kay Florencio “Ka Bong” Romano, kilalang edukador at organisador ng manggagawa, matapos siyang dumalo sa isang salu-salo sa Batangas. Matapos ang ilang oras na paghahanap sa kanya, namataan na lamang siyang bugbog-sarado at may tama ng baril sa dibdib, na dulot ng patuloy na pananakot mula sa malalapit na base ng Philippine Air Force sa lugar.

Dalawang taon nang nawawala si Benjamen Villeno, dating tagapangulo ng Lakas ng Manggagawang Nagkakaisa sa Honda – OLALIA – Kilusang Mayo Uno (LNMH-OLALIA-KMU) at Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – KMU (PAMANTIK-KMU). Pauwi sa kanyang mga kamag-anak sa Cavite, ang huling balitang natanggap mula sa kanya ay ang pagsunod ng mga kahina-hinalang mga tao sa byahe. Hindi na siya nakausap o namataan pa mula noon.

Sampung taon matapos ang kanyang pagkamatay, sariwa pa rin sa alaala ng mga manggagawa ang maningning na halimbawa ni Diosdado “Ka Fort” Fortuna, na dati namang tagapangulo ng Union of Filipro Employees – Drug and Food Alliance – KMU (UFE-DFA-KMU), ang unyon ng mga manggagawa ng Nestle Philippines sa Cabuyao. Bukod sa isang mahusay na lider-manggagawa, pinamunuan niya ang ilan pang mga kampanya’t aktibidad para sa mamamayan.

Katulad nila, maging tayo ay biktima rin ng malawakang programang kontra-insurhensya ng rehimeng BS Aquino: ang Oplan Bayanihan. Halaw sa US Counter-insurgency Guide, nilalayon umano nitong wasakin ang mga organisasyong naglalayong magtayo ng alternatibong sistema ng pamamahala. Ngunit, libu-libong mga inosenteng bata, matatanda at katutubo na ang nagiging biktima nito.

Kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang pagpatay kina Emerito Samarca, Dionel Campos at Juvello Sinzo sa Lianga, Surigao del Sur sa kamay ng Mahagat-Bagani, isang grupong paramilitar na padron ng 36th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa harap ng mga mag-aaral, magulang at mga taga-komunidad, pinagbabaril ang tatlo noong ika-1 ng Setyembre dahil sa umano’y pagsuporta nito sa New People’s Army (NPA).

Si Samarca ay executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) – na dalawang beses pinangaralan ng Department of Education (DepEd) ng National Literacy Award noong 2001 at 2005. Si Campos ay tagapangulo ng samahan ng mga Lumad sa komunidad, ang Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU), habang si Sinzo, kanyang kamag-anak, ay lider-Lumad ng Sitio Kiwagan, Barangay San Isidro.

Sila ay dagdag sa napakahabang listahan ng mga biktima ng pampulitikang panunupil ng rehimeng US-Aquino, na sa kasalukuyan ay nakatala na sa 53 kaso ng pagpatay sa mga Lumad; na layon lamang ay protektahan ang lupang ninuno laban sa panghihimasok ng dayuhang mga korporasyong agri-industriyal at minahan.

Kasama ng mga biktima ng masaker sa Lianga sina Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong na dinahas at kinitil ang buhay ng rehimeng patuloy na nagdadala lamang sa atin sa ibayong pahirap at pasakit.

Sigaw ng manggagawa: sugpuin ang nagpapatuloy na Batas Militar! Wakasan ang Oplan Bayanihan!

illust1

Hindi natin hihintayin pang may mamatay muling kababayan o ka-manggagawa para patunayan ang mala-Marcos na pamumuno ng rehimen ni BS Aquino. Araw-araw, milyun-milyong manggagawa ang binubusabos sa loob at labas ng kanilang pinagtatrabahuan, kasama ang mga Lumad, magsasaka, at iba pang sektor ng lipunan.

Hindi na lamang ito paghahanap ng hustisya para sa daan-daang biktima ng paglabag sa karapatang pantao, kundi ang pagbabalikwas ng bayan para sa isang lipunang magbibigay ng hustisya, kalayaan at demokrasya para sa lahat.

Labis na ang galit ng mamamayan sa mamamatay-taong rehimeng US-BS Aquino. Sa hanay ng mga manggagawa, marami na ang nais magtayo ng unyon at asosasyon at itaguyod ang karapatan nila para sa regular na hanapbuhay at makatarungang kondisyon sa paggawa.

Marahil, sa dakilang pakikibaka ng mamamayan, ating tunay na maisasariwa ang alaala nila Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong at ng libong nagbuwis ng kanilang buhay para sa ikauunlad ng mamamayan.

WAKASAN ANG KONTRAKTWALISASYON, BATAS-MILITAR SA PAGGAWA!
WAKASAN ANG OPLAN BAYANIHAN AT PATALSIKIN ANG MAMAMATAY-TAONG REHIMENG US-BS AQUINO!

Sa patuloy na kawalan ng tugon ni Baldoz:  Protest camp, itinayo sa harap mismo ng DoLE! 

11223325_677326002398163_1399443635267157636_n

Intramuros, Maynila – Isang protest camp ang itinayo sa harap mismo ng Department of Labor and Employment (DoLE) dahil hindi na masikmura ng mga manggagawa mula sa Timog Katagalugan ang kawalang pakialam ni Rosalinda Baldoz.

Matagumpay na naitayo ang protest camp o kubol sa harap ng DoLE sa ganap na 5:00PM ngayong July 13, bilang pagpapakita ng disgusto ng mga manggagawa sa patung-patong na mga kasong nakabinbin sa nasabing ahensiya.

Ani Roque Polido, tagapangulo ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU), pangunahing pumapatay sa kabuhayan ng mga manggagawa ngayon sa bansa ang malawakang kontraktwalisasyon. “Hindi kailanman nagkaroon ng hakbang si Baldoz upang resolbahin ang malalim na ugat ng kahirapan ng sektor ng paggawa, kasama na ang kawalan ng kaseguruhan sa trabaho, mababang pasahod at kawalan ng benepisyo naming mga manggagawa,” saad ni Polido.

Napapanahon umano ang pagtatayo ng protest camp dahil na rin sa mga hindi naibibigay na hinaing ng mga manggagawa sa mga sonang industriyal sa Laguna: partikular sa Tanduay, Sagara, Karzai, Fuji at marami pang iba.

“Magdadalawang buwan na kaming nakawelga ngunit nananatiling hilaw ang desisyon ng DoLE sa aming regularisasyon. Malala pa dito, walang hakbang ang Tanduay management na ipatupad ito. Nasaan ngayon ang DoLE na siyang dapat nagtatanggol sa amin?” tanong ni Anse Are, tagapangulo ng Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA).

Simula pa noong Mayo 18 ay ipinutok ng mga manggagawang kontraktwal ng Tanduay sa Cabuyao ang kanilang welga upang ipanawagan ang regularisasyon. Naglabas nitong June 22 ang DoLE Region IV-A ng kautusan sa management na dapat na silang i-regularisa subalit 103 lamang ito sa kabuuang 397 manggagawang kontraktwal o 90% ng lakas-paggawa sa Tanduay. Patuloy na “nakasaad lamang ito sa papel” at nakabitin sa walang-katiyakan ang desisyong ito.

Samantala, matapos ang higit isang taon ng pagsunod sa rekisitos ng pagbubuo ng unyon – pagdurog sa kanilang unyon at malawakang kontraktwalisasyon rin ang problema ng mga manggagawa ng Sagara Metro Plastics Industrial Corp. Noong Abril 8 ay arbitraryong ipinatigil ng kautusan ng Malacañang ang kanilang Certification Elections. Makailang ulit na silang naghain ng reklamo sa DoLE at nagrehistro ng protesta rito subalit walang usad ang kanilang kalagayan.

Panggigipit naman sa Collective Bargaining Agreement ang nararanasan ng unyon ng Fuji Electric Philippines, samantalang matagumpay mang nakabalik sa trabaho ang iligal na tinanggal sa Karzai Corp. ay patuloy ang panganib na matanggal dahil sa kontraktwalisasyon sa kanilang pagawaan.

“Ilan lamang ito sa garapalang pagyurak sa karapatan ng mga manggagawa sa aming rehiyon, at ito’y hindi nalalayo sa nangyari sa mga manggagawang kontraktwal ng Kentex na walang hustisiya dalawang buwan na ang nakararaan,” ani Polido.

Ani Polido kasama ang mga iba’t ibang manggagawa, patikim lamang ang nabanggit na protest camp sa nagkakaisang hanay at lakas ng mga manggagawa at mamamayan sa darating na huling State of the Nation Address ni Noynoy Aquino. Bagama’t may banta ng dispersal mula sa security guards at kapulisan ay desidido silang pagtibayin ang hanay hangga’t hindi humaharap si Baldoz at makipag-usap upang tunay na makatulong sa mga manggagawa.

“Kung patuloy na magbibingi-bingihan ang rehimen sa aming hinaing, ang maidudulot lamang nito ay ang paglakas ng sama-samang pagkilos ng mamamayan upang mailantad at patalsikin ang rehimen at sa kalaunan ay palitan ang bulok na sistemang hindi kailanman nagsisilbi sa mga manggagawa,” saad ni Polido. #

Before Aquino’s last SONA: Southern Tagalog workers intensify protests against contractualization

????????????????????????????????????
????????????????????????????????????

Months without resolutions on labor disputes concerning contractualization, union-busting and unfair labor practices, workers from Southern Tagalog stage a series of protests starting today, to intensify their calls and to condemn the Aquino government’s anti-worker policies.

These protests are expected to strengthen nearing the last State of the Nation Address (SONA) of Noynoy Aquino on July 27. “More lies will again be said about the supposedly straight path to progress of our country, yet it remains as a reality that the condition of Filipino workers have worsened under poverty due to Aquino’s adherence to neoliberal programs,”  Roque Polido, Chairperson of Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) said.

Merging with other workers from the National Office of Kilusang Mayo Uno (KMU), around a hundred workers from various factories of the region staged a protest march and program at Mendiola Bridge today. A protest camp was also set-up in front of the Office of the Secretary of the Department of Labor and Employment (DoLE) to pressure Rosalinda Baldoz to at once make a decision in favor of the workers demands.

Amidst the order released last June 22 by the DoLE Region IV-A Office to regularize 103 contractual workers of Tanduay Distillers Inc. in Cabuyao, Laguna, the Tanduay management has no move to do so. Tanduay workers have been on strike for nearly two months since May 18 and have experienced numerous human rights violations due to dispersal attempts by security guards and hired goons of the Asia Brewery compound. Working for 5 to 11 years, 90% or 397 of their workforce were employed illegally under the scheme of Labor Only Contractual (LOC).

“Richard Teng and Lucio Tan remain deaf and defiant even to the rule of law. It seems that they are finding ways to reverse the decision or fully ignore it. The government must implement sanctions on Tanduay management’s inaction. We demand that we be regularized at once!” Anse Are, President of Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) said.

Meanwhile, Sagara Metro Plastics Industrial Corporation, a factory of auto-parts located in Calamba City, are also experiencing widespread contractualization. 60% or 400 of their workers are contractual. The workers are also repressed from forming a genuine union when their Certification Elections were arbitrarily cancelled by a Malacanang order last April 8. “This is why exploitation by big capitalists becomes a norm in our country – the Aquino government has a direct hand in crushing the organized efforts of workers to unionize and fight for their rights,” Polido said.

Other factory workers such as the Karzai Corporation in Cabuyao, through their collective strength have triumphed against the illegal dismissal of 35 of their fellow workers. Their next step was to form a union, through the Ilaw, Gabay at Pag-asa sa Karzai Corporation (IGPAK-OLALIA) that hopes to resolve the 90% or more than 300 employed under LOC.

Similar conditions of contractualization can be observed inside the Manila Cordage Company, also in Calamba City. While unionized workforce from the Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Fuji Electric Philippines face a Collective Bargaining Agreement where only “crumbs” are given to their calls of P80 wage increase and various benefits.

“The local struggles of workers in Southern Tagalog paint a clear picture of how the Aquino regime does nothing but serve the interests of these so called foreign investors through connivance with the local elite and ruling class. Only through the collective struggle of workers and the people can we truly change this rotten system that perpetuates under Aquino’s rule and even beyond his term. We expect nothing new from Aquino’s last SONA – only the rage of the people replenished from his five years of disservice,” Polido said. #

Workers to Tanduay management: “Implement DoLE’s order to regularize contractuals immediately!”

11357039_668603376603759_5455040339947607797_o

CABUYAO, LAGUNA – “The regularization of Tanduay workers still only exists on paper.”

Anse Are, President of Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA), stressed these words as more than a week after, the Tanduay management has not yet implemented the regularization of the contractual workers – as directed by the Department of Labor and Employment (DoLE) Region IV-A through an Order released last June 22.

Are also declared that the strike, on its 45th day today, will continue to be staged for as long as the demands of the workers are not met – which is regularization not only of the 103 as stated in the Order, but all 397 of the contractual workers.

Though TUDLA welcomes the decision of DoLE Region IV-A, Are said that there are two-sides that have to be considered. “On one hand, DoLE’s declaration is a concrete victory brought by the collective action of workers and other sectors who supported the strike. Not only is it a historical feat, but an inspiration for all contractuals to persevere in organizing their ranks and fight against contractualization,” Are said.

“On the other hand, DoLE’s order is also divisive, expecting us to give up the fight once only 103 or 26% of us are regularized when we clearly stand for all of our fellow contractual workers,” he stressed. Are also feared that Tanduay management will ignore this Order all throughout, as witnessed during the labor disputes of other Lucio Tan group of companies – such as the Philippine Airlines (PAL) employees’ strike on 2011. The PAL strike was smeared with reversal of decisions by the Supreme Court which ultimately led to the termination of 2,600 employees.

“The fight is far from being over, and Lucio Tan as a notorious capitalist will definitely appeal to other government offices to take away our hard-earned legal victory. We will continue to stage our strike and call for the people’s support in defending our picket line and boycotting all Tanduay products,” he said.

Ariel Velasquez, Chairperson of the Liga ng mga Manggagawa Para sa Regular na Hanapbuhay (LIGA), stressed the need to intensify the campaign in ensuring that the Tanduay workers are regularized. “Only through the people’s unwavering support can we pressure both government agencies and private companies to respect and uphold the rights of the working class,” he said.  ###

Sagara workers decry management’s series of illegal suspensions

11402799_662291183901645_6756135212852792018_o

CALAMBA CITY, LAGUNA – Contractual workers from the Sagara Metro Plastic Industrial Corp. dennouce the management’s waves of illegal suspensions, saying these are clear attempt to cripple their ongoing struggle for regularization.

The Samahan ng mga Manggagawa Para sa Regular na Hanapbuhay (SAPAREHA), an association of contractual workers in Sagara, has filed to the National Conciliation Mediation Board (NCMB), today, June 17, a motion for Preventive Mediation with regards to the management’s attacks on the worker’s struggle.

SAPAREHA reported that after the group filed a petition for inspection on Labor Only Contracting (LOC) last June 9 – the management deliberately and illegaly suspended 7 of its members for 7 to 15 days. When members held an indignation rally in front of the factory and marched to the nearby communities in response to the illegal suspension, the next day, June 10, the management released a memorandum indicating that 49 more workers were suspended because of “directly participating in rally.”

Joey Balimbing, Chairperson of SAPAREHA, condemned these latest acts of repression by the management and likened it to the state of Martial Law. “Why are we forbidden to even express our disgust for the unfair sanctions on our fellow workers? The SAGARA management fears the potential possibilities our collective mass actions can create,” he said.

Balimbing said that instead of answering their just demands for regularization, the management resorts to silencing their voices. Contractual workers in SAGARA comprise 60% or more than 300 of the total workforce. These workers remain contractual, with a minimum wage of P315, no benefits and job security even after 5 to 7 years of service mainly due to two subcontracting agencies: Conqueror and Blue Chips.

Ariel Velasquez, Chairperson of the Liga ng mga Manggagawa Para sa Regular na Hanapbuhay (LIGA), said this is but a systematic approach of companies to instill fear among contractual workers who are learning to fight for their rights. “Article 280 of the Labor Code protects our right to be regularized, yet the Department of Labor headed by Secretary Rosalinda Baldoz and the Noynoy Aquino government are only rubber stamps for company owners and do not serve the genuine interest of the Filipino workers,” Velasquez said.

In connection, the workers’ union composed of regular workers, the Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Sagara Metro Plastic Industrial Corporation – Independent, filed for a Notice of Strike last May 25. This is in response to the Certification Elections (CE) which has been arbitrarily cancelled through a Malacañang Administrative Order last April 9, which LIGA and SAPAREHA decry as a new maneuver for union-busting . #