Workers amplify “End Endo” call on 115th May Day

 

The regional militant labor center PAMANTIK-KMU mounted a mammoth rally on the 115th Labor Day celebrations in the country, with an estimated crowd of 15,000 centered at the main regional program at Calamba, Laguna.
At about 3 in the afternoon, workers from various labor unions, associations and federations, along with supporters from various sectors and provinces, converged at the center of the city’s major thoroughfare.
Decentralized programs were also held in the morning in different urban centers in the region, spearheaded by the region’s major labor associations and federations. Other programs were held in the four tributaries of the national road in the afternoon. The main program started with a military drill-march, in a fitting tribute to the coming 200th birth anniversary of Karl Marx.
Programs were also held at Dasmarinas City, Cavite; and Antipolo and Taytay municipalities in Rizal, with the latter violently dispersed by policemen by 5 in the afternoon.
Themed “Wakasan ang kontraktwalisasyon at mga neoliberal na patakaran! Biguin ang panunupil ni Duterte sa manggagawa at mamamayan! Ituloy ang peace talks! Pirmahan ang CASER!”, the event featured a rail train that symbolized the neoliberal policies of the administration such as the TRAIN Law; a statue of Duterte seated on a 12-foot high chair; and a large dove symbolizing the victory of peace.
In a scene channeling Fyodor Dostoevsky’s film October, workers shook the Duterte statue until it fell, with the large dove stepping on Duterte in a symbol of destruction to a fascist regime.
While the event was militant, it did not lose its celebratory mood. Workers’ organizations and other sectoral organizations brought colorful murals and artistic representations of the workers’ struggle against contractualization and aghast labor conditions, presenting the glorious yet solid fight for the upholding of labor rights. Songs and cultural performances about the workers’ and people’s fight were also sung by workers’ choirs and cultural groups.
At the eve of Labor Day, Presidential Spokesperson Harry Roque announced that President Duterte may reconsider and sign an Executive Order ending contractualization, after backing down on his election promise.
“Duterte’s switching attitude and the reneging of his election promises have only angered the workers more, in the midst of soaring prices through the TRAIN Law, and killings left-and-right. It is no wonder why workers have built a larger alliance in condemnation of his treachery and in a wider pull for the end of contractualization,” said Claire Balabbo, secretary general of PAMANTIK-KMU; and a transgender woman.
Balabbo also mentioned the resounding victory of the workers against contractualization, particularly the strike and the protest of agency-hired workers in a major beverage company in Sta. Rosa, Laguna. More than a hundred workers were granted contractualization by the company — which has earlier announced impending layoffs — implementing a long-standing decision by the Department of Labor and Employment (DoLE).
“While the triumph of the workers in Sta. Rosa remains a victory for the workers, there is still much to be done; an approximated 30,000 workers lie in wait for similar implementations of the decision to regularize them,” she added. As the program ended by nightfall, thousands of workers remained with resolve to carry on with the fight against exploitation and oppression. # # #
Advertisements

Walang pangil ang EO ni Duterte!

“Walang pangil ang executive order (EO) na inilabas ni Duterte ngayong araw. Maaari itong ihalintulad sa DO 18-A at DO 174 na mga iligal na anyo lang ng kontraktwalisasyon ang ipinagbabawal,” pahayag ni Christopher Oliquino, tagapangulo ng PAMANTIK-KMU.

Ayon sa mga balita, ipinagbabawal ng EO ang illegal contracting and subcontracting.
“Gayunman, isa itong tagumpay para sa uring manggagawa dahil naobliga si Duterte na maglabas ng EO bagama’t hindi nito lubusang kinikilala ang karapatan ng mga manggagawa sa regular na trabaho,” dagdag ni Dandy Miguel, Pangalawang Pangulo ng PAMANTIK-KMU.
“Kung kaya lalong dapat na palakasin ng manggagawa at mamamayan ang pagkakaisa at isulong ang kilusang welga upang tuluyang mawakasan ang anti-mamamayan na kontraktwalisasyon,” pagdidiin ni Claire Balabbo, Secretary General ng PAMANTIK-KMU.
Binigyang diin ng PAMANTIK-KMU na mahalagang muling maituloy ang peace talks at mapirmahan ang CASER na naglalaman ng programa para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na lilikha ng milyon-milyong regular na trabaho. ###

Pangako ni Duterte para sa manggagawa at bayan, napako na nang tuluyan

Bagamat inaasahan, nananatili ang pagkundena ng PAMANTIK-KMU sa tuluyang pag-atras ni Pangulong Duterte sa kanyang pangakong wakasan ang kontraktwalisasyon noong halalan.

Mahigit isa’t kalahating taon na rin nang ibinandera ni Duterte ang kanyang pangakong tatapusin ang kontraktwalisasyon sa loob ng anim na buwan magmula siya’y umupo sa poder. Agad din itong sinagpang ng mga opisyal ng Kagawaran ng Paggawa; sa pamamagitan ng pagbubukas umano ng mga tanggapan para sa mga nais ihapag ng mga manggagawa.

Agad namang itinulak ng mga manggagawa ang katotohanan ng mga pangakong ito, at upang patunayan kung maka-manggagawa nga ba si Duterte at ang kanyang gabinete. Ngunit agad itong napasubalian.

Noong inilabas ng DoLE ang unang bersyon ng department order, na pinangalanang “DO30”, agad na napuna ng mga manggagawa na hindi ito sasapat bilang isang pamamaraan sa pagtatapos ng kontraktwalisasyon. Inihapag ng mga manggagawa na walang ngipin ang inilatag nitong mga probisyon; at naging kapareho na lamang ng Department Order 18-A ng kagawaran.

Kapalit nito, inilabas ng DoLE ang sinasabi nitong “win-win solution” bunga ng konsultasyon sa mga manggagawa at sa mga asosasyon ng mga labor contractor at maging ng mga kapitalista. Naging mitsa na ng pagkamali nito ang mismong pagkiling sa interes ng mga malalaking kapitalista at service provider; na parehong napatunayang lumalabag sa Batas Paggawa at ng mga kaugnay na batas ng DoLE hinggil sa iligal na labor only contracting.

Panahon ito na umuusbong at nag-aalimpuyo ang mga welga ng mga manggagawa sa rehiyon, tulad ng Tanduay Distillers, Inc., Karzai Corp., Soro-Soro Ibaba Development Cooperative Manila Cordage Company, at Manco Synthetic Inc., pati na rin ang mga protesta ng mga manggagawang kontraktwal sa mga pagawaan na naninindigan para sa makatarungang sahod, benepisyo, at pagtatayo ng unyon.

Matapos nito, lumabas ang Department Order 174. Bagamat tinaasan ang ilang mga restriksyon para sa mga kumpanya, hindi nito tuluyang nabawasan ang mga manggagawang kontraktwal, lalo na ang mga tumatanggap ng napakababang sahod, walang benepisyo at walang kasiguruhan sa trabaho. Maliban dito, ang mga kasong inihahapag ng mga manggagawa sa DoLE ay nananatiling nasa papel at hindi naiimplementa.

Hindi nakababalik ang mga manggagawa sa kanilang mga pagawaan bilang mga regular na manggagawa, ngunit aliping muli sa panibagong kontrata. Ayon sa LIGA ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay, nasa halos 30,000 manggagawa ang naghihintay pang maging regular, mula sa mga kasong inihapag nila sa DoLE. Samantala, may 65 nang mga service cooperative ang napatunayang sumasailalim sa labor only contracting.

Pinakikita lamang ng huling pag-atras ni Duterte sa usapin ng kontraktwalisasyon na wala nang natupad na pangako sa kanyang mga binanggit noong halalan — bukod na lamang sa pangakong pumatay, mangikil ng buhay, at sa pangakong iangat muli ang diktadura. # # #

Ang PAMANTIK-KMU ang panrehiyong sentrong unyon ng mga manggagawa sa rehiyon ng Timog Katagalugan.

Coca-Cola’s plans for downsizing assures mere super-profits

ganito_kami_sa_coke_walang_happiness

The militant regional trade union center PAMANTIK-KMU slams Coca-cola FEMSA Philippines’ plan for impending layoffs, as it is only chasing larger sums in the cost of workers’ welfare.

In a statement sent to the media yesterday, the multinational beverage giant has announced that it will “restructure” after an assessment of “operational efficiency and the evolving regulatory environment,” among other factors. An undisclosed number of workers are slated to be removed in the coming days, reducing its published number of 15,306 employees.

However, it has done so already. After it denied almost 800 contractual workers in the Sta. Rosa, Laguna plant regular employment through its brazen disregard of labor laws, it aims to similarly do so in a nationwide scale. For the years it has operated, it has skimped on delivering the workers’ demands for a living wage.
More so, it besmirches the victory of the workers’ strike in the Sta. Rosa, Laguna plant last 2013, where contractual workers employed by its subcontracting company, Red Systems, were made regular workers after a three-day long strike. This strike was a resounding victory not only to the workers of the aforementioned factory, as the demands were done in all factories in the Philippines.

The contractuals’ strike also exposed Coca-cola as a notorious labor-only contractor, openly escaping its responsibility for regularizing workers through the illegal practice of employing Red Systems, its fully-owned service agency, to hire cheap labor across the country.

However, it did not stop there – it continued to employ cheap labor through the employment of many contracting agencies within the factory.

This recent statement by Coca-cola, obfuscated by glittering generalities of “recent developments within the beverage industry” and an “organizational structure assessment” resembles another crocodile’s tear, and a disappointing example of the Duterte administration’s defective campaign promise of ending contractualization; taking the side of big multinationals rather than millions of workers.

This administration, that has similarly espoused cheap labor, has also took on a fascist war campaign against the Filipino people – bringing truth to a double-barreled blueprint: death through the gun and death through poverty. These developments are certain to push more workers to call for the ouster of Duterte, resolute in ending his wars against the people and its impending tyranny. #

Desisyon ng DoLE sa Alaska Milk: Tanso na, naging plastik pa

Nagngangalit sa galit ang mga manggagawang kontraktwal ng Alaska Milk Corporation dahil sa binaligtad na desisyong dapat magbabalik sa kanila bilang mga regular na manggagawa.

Ayon sa pahayag ng Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay, idineklara noong ika-9 ng Pebrero, 2017 ng DoLE Region IV-A na regular na ang 800 kontraktwal na manggagawa ng Alaska, at kagyat na iniregular ang 200 na kontraktwal bilang unang bats sana ng mga ipapasok sa regularisasyon. Ngunit, umapela ang kapitalista ng Alaska sa korta at hanggang sa Office of the Secretary — na nagdala na ng pagbabaligtad sa naunang desisyon ng panrehiyong opisina.

Nagpapakita lamang ng pagkahuwad ang DoLE at si Sec. Silvestre Bello III sa kanyang pangakong tapusin ang kontraktwalisasyon; kapareho ng ilang mga kasong inihain ng mga manggagawang hindi pa rin naisasagawa hanggang ngayon.

Marami nang kasalanan ang DoLE sa mga manggagawa ng Timog Katagalugan. Nagpapatuloy ang paglaganap ng labor-only contracting sa mga pabrika sa rehiyon; at bagamat may mga positibong desisyon para sa mga manggagawa, nananatiling nasa papel ang karamihan dito. Regular sa papel ang mga manggagawa ng Tanduay, MCC, MSI, Coca-cola, at iba pang mga pabrika.

Sinisingil namin si DoLE Sec. Silvestre Bello III sa kanyang pagtaksil sa kanyang mga naunang pangako. Ngunit inaasahan na rin ito dahil sa kanyang matinding kapit sa poder at kasaysayan ng pagkiling sa mga kapitalista.

Sa napakaraming mga kinahaharap na suliranin ng mga manggagawa, lubos pang nawawala ang pag-asa nila para sa makabuluhang pagbabago at pagbabalik sa kanilang marangal na pamumuhay. Tanso at hindi ginto ang hatid ng mga desisyon ng DoLE para sa mga manggagawa.

Ngunit dahil patuloy na pambubusabos ng ahensya na ito sa kanila, hindi na nga tanso, kundi plastik, ang mga walang-ngipin nitong mga desisyon. # # #

Suportahan ang welga ng manggagawa sa MCC-MSI!

20160506_105207.jpg

Muli na namang nagtatangka ang kapitalistang nagmamay-ari ng Manila Cordage Company (MCC) at Manco Synthetics, Incorporated (MSI) na buwagin ang mga manggagawang nakawelga. Ngayong umaga ay marahas na dispersal ang sumalubong sa mga manggagawa na nananatiling matatag sa loob ng planta at pinananatiling paralisado ang produksyon.

Matagal ng naglabas ng desisyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pabor sa mga nakawelga. Inuutusan ng DOLE ang kapitalistang MCC at MSI na ibalik sa trabaho at gawing regular ang mga manggagawang kontraktwal na walong buwan ng nakawelga. Nais ng kapitalista na palayasin ang mga welgista upang muli itong makapag-operate at kumita ng higanteng tubo habang hindi tinutugunan ang responsibilidad nito sa mga manggagawa.

Makatarungan ang welga ng mga manggagawa sa MCC at MSI dahil ito ay laban sa laganap na kontraktwalisasyon. Maraming taon ng binabarat ng kapitalista ang sahod ng mga manggagawa habang walang natatanggap na benepisyo. Kapalit ng murang lakas-paggawa ang milyon-milyong tubo na nagpapataba sa mga kapitalista habang ang mga kontraktwal ay tinatanggalan ng karapatang mabuhay ng disente at may dignidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagpahayag din laban sa kontraktwalisasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nararapat na suportahan nating lahat ang welga sa MCC at MSI at iba pang welga at protesta na laban sa kontraktwalisasyon. Ang ating pagsuporta ay pakikiisa sa pahayag ni Pangulong Duterte na wakasan ang kontraktwalisasyon. Higit sa lahat, ang ating pagsuporta ay pakikiisa sa matagal ng laban ng uring manggagawa na magkaroon ng kaseguruhan sa at regular na hanapbuhay ang mamamayang Pilipino.

Mahaba na ang panahong nakawelga ang mga manggagawa sa MCC at MSI at kailangan nating tiyakin na maipapatupad ang desisyon ng DOLE. Kailangang maipagtagumpay ng lubusan ang welga dahil barat na sahod, kawalan ng benepisyo, hindi makataong kondisyon sa paggawa, at iba pang porma ng pagsasamantala pa din ang mararanasan ng mga manggagawa kapag nagpalipat-lipat ng pagawaan. Paulit-ulit na pahihirapan ang mga manggagawang kontraktwal kung ang mga welga at protesta laban sa kontraktwalisasyon sa kasalukuyan ay hindi natin lubusang maipagtatagumpay.

Ano ang mga maaari nating gawin para sa mga nakawelgang kontraktwal sa MCC at MSI?

Sa partikular:

  • Sumama sa mga kilos-protesta at programa sa harap ng Carmelray Industrial Park I
  • Magbigay ng suportang pinansyal at materyal gaya ng pagkain, tubig, gamot, atbp.
  • Sumama sa mga patawag na vigil at integrasyon sa mga welgista sa loob ng planta
  • Palaganapin ang babasahing ito at mag-post sa social media gaya ng Facebook

Sa pangkalahatan:

  • Sumama sa mga pagkilos sa DOLE upang itulak ang ahensya na magkaroon ng pangil sa pagpapatupad ng mga desisyon nitong pabor sa mga welgista
  • Sumama sa mga pagkilos para igiit sa DOLE ang paglalabas ng department order na ipagbawal na ang kontraktwal na paggawa
  • Sumama sa mga pagkilos upang ipanawagan kay Pangulong Duterte ang paglalabas ng executive order na tutupad sa kanyang pahayag na wakasan ang kontraktwalisasyon

Para sa mga suporta at iba pang paraan ng pakikiisa, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na Facebook accounts: Olalia Kmu at Pamantik Kmu. Makakamit natin ang mga makabuluhang tagumpay sa patuloy na pagpapalakas ng ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos!

Feedmill stevedores slam newly-minted restraining order

As the Duterte administration approaches its first six months in office, more issues on labor rights encroach the workers; and the now-three-month strike in Batangas remains in pending resolution.

Porters on strike at the Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) feedmill in Batangas expressed indignation over the recently-minted temporary restraining order (TRO) from the labor department, which directed the free entry and exit of products and raw materials in the feedmill.

The order, which came from the National Labor Relations Commission (NLRC), allowed egress and ingress of SIDC products for a span of twenty days. SIDC officials and its legal team have sent their prayer to extend the order indefinitely.

Meanwhile, this only meant more opportunities for SIDC – considered to be the top cooperative in the country – to ignore the calls of the workers for regularization. The porters were employed for years in DCMM Manpower Services, a labor agency confirmed to be doing illegal labor-only contracting and was given a cease-and-desist order by DoLE weeks ago.

The last dialogues among workers and SIDC management only prompted the latter to offer the workers to be regularized inside the DCMM agency, which has not updated its permit for almost three years now.

The militant regional labor center PAMANTIK-KMU, which supported the strike of the stevedores at SIDC, called on the labor department to side with the workers.

“DoLE must draw the line between appeasing big businesses like SIDC and in responding to the needs of its workers. The former only loses business capital; the latter, potentially loses their livelihood,” said Allan Bagas, PAMANTIK-KMU secretary-general.

“The NLRC order also means the eventual permit for the private goons – or scoundrels – of SIDC to terrorize the workers in hopes of dismantling the picket line. If NLRC and DoLE would want to have industrial peace, it must begin so by forcing the SIDC management to sit down and discuss thoroughly, and not use brute force to settle disputes,” he added.

Just earlier, 100 policemen arrived at the feedmill, raising fears of dispersal at the picket line, until the NLRC order was served. Prior to this, about 2 recorded cases of dispersal was noted, with one instance had security guards firing warning shots with their service firearms.

Even with these challenges, the workers vowed to carry on with the fight for regularization.

“We know that the hardline capitalists endlessly put their interests near their hearts; an interest obvious in the labor department for the past years. For this, we continue in our march and in our protests to end contractualization,” ended Bagas. # # #

LIGA ng Manggagawa: On SIDC’s spin on the feedmill strike

 

We condemn the incessant lies the management of Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) propagates regarding the current labor strike by contractuals in Batangas, who work at a feedmill they obviously own.

The claim that the strike is a labor dispute between the casuals and the DCMM Agency has been the usual press release of principals that want to escape conviction from religiously practicing labor-only contracting schemes. We do not forget the same lies from the mouth of Tanduay representatives, when they said the same last year.

Meanwhile, SIDC’s stand has stalled negotiations yet again yesterday, as they remain stubborn against granting the requests of the workers. For two days now, SIDC representatives have constantly told workers to reapply as SIDC workers, or be regular employees in DCMM Agency.

To intensify the perjury, SIDC told ABS-CBN Southern Tagalog in a statement yesterday that it “has contract with DCMM, a legitimate manpower agency” (italics ours); yet cannot present proof of registration to representatives of the Department of Labor and Employment (DoLE) last July 11 and 12.

The workers of SIDC know that DCMM Agency is a notorious labor-only contractor, violating the standards of DoLE Department Order 18-A for such agencies. To prove it, we ask these: does DCMM Agency own the machines and products? Do they own the factory the contractuals toil in every day?

The answer to both questions: no. Therefore, the strike – and not the picket, as the SIDC public relations claim – has all the reasons to continue. The workers do not recognize the agency anyway; they know it is illegal.

All calls and redress to the contractual workers now on strike in Batangas City is rightfully addressed to the true employers – the SIDC.

More so, it should not be concerned for its “innocent members/owner’s (sic) being affected” due to the strike. For what, then, is the purpose of the Board of Directors present on dialogues with the DoLE?

On the other hand, it should be worried that more and more people know that SIDC is a fake cooperative and that it does not care about the welfare of its workers.

As SIDC and its AGAP Partylist prates to “bring food to people’s tables”, it does the opposite to the workers in its factories. # # #

Regularisasyon, nananatiling hiling sa ikalawang araw ng welga sa SIDC

Tumungtong ang mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa ikalawang araw nito sa welga. Tinatantyang milyon-milyon na ang nawalang kita ng SIDC sa paghaharang sa mga iluluwas na mga imported goods mula sa pabrika dahil sa welga.

Noong hapon, dumating ang Director ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A, si Director Orihuela, sa piketlayn ng mga manggagawa sa SIDC sa layong mapagharap ang dalawang panig. Nailantad ng mga manggagawa ang kanilang karanasan sa loob ng pagawaan. Pinasinungalingan din ng mga manggagawa ang mga pahayag ni Macario Macalalad, may-ari ng DCMM Agency na nag-empleyo sa mga kargador at iba pang manggagawa ng SIDC.

Matapos ang halos isang oras na negosasyon, nanatiling walang resolusyon para sa mga manggagawa ng SIDC. Hindi pumayag ang SIDC at ang DCMM Agency sa limang kahilingan ng mga manggagawa: ang regularisasyon; pagbabalik sa mga iligal na tinanggal; pagbabalik sa mga kinaltas sa suweldo; pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth at Pag-ibig; at pagkilala sa kanilang organisasyon.

Napag-usapan din ang legalidad ng DCMM Agency sa pageempleyo ng manggagawa. Noong dayalog, walang naipakitang papeles si Macalalad na rehistrado o otorisado pa ang DCMM Agency.

Samantala, iginiit din ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hindi dapat makalapit ang mga pulis sa piketlayn. Nagmula ito sa ilang mga kaso ng pagdalaw ng mga pulis sa lugar, na may dala ring mga baril. (Pictures included.)

Naitakda ang susunod na dayalog bukas, ika-13 ng Hulyo, sa piketlayn. Ngunit maari pa ring tumulak na sa muling negosasyon ang mga manggagawa ng SIDC at ang may-ari ng SIDC.

“Makatwiran at makatarungan ang desisyon ng mga manggagawa na itindig ang welga kahapon. Naninikluhod ngayon ang kapitalista at may-ari ng DCMM Agency upang makipag-usap sa mga manggagawa at makinig sa kanilang mga hiling,” ani Allan Bagas, pangkalahatang kalihim ng PAMANTIK-KMU. Sumusuporta ang PAMANTIK-KMU sa welga ng mga manggagawa ng SIDC.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan ang tinatagong pandarahas ng kapitalista upang mailabas at makamal ang tubong pinipiga niya mula sa mga manggagawa.

Ani Bagas, “nananatiling militante ang mga manggagawa at ang tanging solusyon lamang sa usaping ito ay ipatupad at ibigay ang lahat ng hinaing ng mga manggagawa.” # # #

LIGA ng Manggagawa: Unang welga sa panahon ng rehimeng Duterte, ipinutok ngayong araw

Soro-Soro Karsada, Batangas – Sa ika-sampung araw mula nang umupo ang administrasyong Duterte, ipinutok ng mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) ang kanilang welga ganap na alas-5 ng umaga.

Ang kanilang mga ninanais ay regular na hanapbuhay; pagkilala sa kanilang itinayong asosasyon, pagtigil at pagbalik sa mga ‘di-makatarungang kaltas sa sahod, pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth at Pag-ibig, at pagbalik sa lahat ng mga tinanggal sa trabaho.

Ang SIDC ay isang Multi-Purpose Cooperative na pangunahing gumagawa ng pakain ng baboy at manok, kabilang na ang iba pang mga negosyo. Matatagpuan ito sa Brgy. Soro-soro Ibaba, Batangas City na pinagmamay-arian ni Rico Geron, 1st Nominee ng AGAP Partylist.

Nasa 400 ang kabuuang lakas-paggawa sa SIDC. Kabilang na rito ang mga magsusunong (kargador) at production operator. Pinangunahan ng mga magsusunong ang laban sa loob ng pagawaan, at naitayo ang kanilang organisasyon noong April 2016, ang Samahan ng mga Manggagawa sa SIDC-LIGA (SAMA-SIDC-LIGA).

Umaabot sa 80 na magsusunong ang nasa pagawaan, na kalakhan ay nasa 31 taon na ang tagal sa pagawaan. Kinakaharap nila ang mababang sahod (sa halagang P350 sa isang araw) at kawalang-benepisyo tulad ng leave. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng sistemang piece rate sa pasahod, o Php1.50 na dapat nakukuha ng manggagawa sa pagbuhat ng isang sako – dahil sa dami ng kaltas.

Kapalit din ng dayukdok na sahod ang araw-araw na pagbubuhat ng 300 hanggang 400 na sakong may bigat na umaabot sa 90 kilo. Walang ibinibigay at handang pampagamot ang SIDC para sa mga manggagawang palaging nasa peligro ng pagkabali ng buto o pagkabalda.

Bukod dito, daing ng mga manggagawa ang Php 500 kada linggo na kinakaltas sa kanila ng DCMM Agency ni Macario Macalalad, para sa pambayad ng kuryente at tubig. Sila din ang pinagbabayad ng kanilang Personal Protective Equipment na dapat ay pagawaan ang nagbabayad.

“Matagal nang nilabag ng kumpanyang SIDC ang karapatan ng mga manggagawa. Sa 31 taon nilang paggampan sa trabaho ay nananatiling kontraktwal ang mga manggagawa, na nagtulak sa kanila upang ilunsad ang welga. Katulad ng iba pang mga kontraktwal, ito ang nagsisilbing armas upang ipagtanggol ang karapatan nila, katulad ng mga manggagawa ng Tanduay, Manila Cordage Company at Manco Synthetic, na hanggang sa kasalukuyan ay nakawelga pa.” ani Antonete Amorado, tagapagsalita ng Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay, samahan ng mga manggagawa sa rehiyon at nangunguna sa kampanya laban sa kontraktwalisasyon.

Hiling naman ni Marvin Ramos, tagapangulo ng SAMA-SIDC-LIGA, ang agarang tugon at aksyon ng administrasyong Duterte hinggil sa kanilang kinahaharap na kalagayan sa SIDC. Maitatala ang welga ng mga manggagawang kontraktwal sa SIDC bilang unang welga sa kasaysayan ng rehimeng Duterte; na siya ring nagbitiw ng pangakong wakasan ang kontraktwal na paggawa.

“Alam naming maririnig ni Pangulong Duterte ang aming panawagan laban sa kontraktwalisasyon at mapanganib na kalagayan sa paggawa, at sana ay mahandugan niya ng agarang aksyon at tugon ang aming mga hinaing,” ani Ramos. # # #