Tagumpay ng LNMSMPIC-Ind., tagumpay ng patuloy na pagtataguyod ng tunay, palaban, makabayang unyonismo!

DSC_0225Ipinapaabot ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pinakamaiinit na pagbati sa unyon ng manggagawa sa Sagara Metro Plastic Industrial Corporation (SMPIC), ang Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Sagara Metro Plastic Industrial Corporation – Independent (LNMSMPIC-Ind, o LAKAS) sa kanilang pagtatagumpay sa certification elections nitong ika-30 ng Setyembre.

Nakakalap ng 151 boto ang LAKAS laban sa 114 boto para sa dilawang unyong Samahan ng Manggagawa sa SMPIC- National Mines and Allied Workers’ Unions (SAMASA-NAMAWU) at 2 botong no to union.

Natatangi ang tagumpay na ito ng mga manggagawa ng Sagara. Sinagupa nila ang sabwatan ng kapitalista, NAMAWU, Bureau of Labor Relations (BLR) at maging si BS Aquino – na nilayong basagin ang nabuong pagkakaisa ng mga manggagawa. Noong ika-8 ng Abril, sa araw ng dapat na certification election sa SMPIC, naglabas ng isang memorandum ang BLR upang isuspinde ang eleksyon. Ito ay dahil nagsumite ng apela ang NAMAWU sa Office of the President ukol sa kahilingan ng LAKAS para itayo ang tunay na unyon ng manggagawa. Tila, sa isang iglap, ang higit isang taon nilang pagsisikap na itayo ang unyon ay pawang mapupunta na sa pagkabigo.

Ngunit sa halip na masiphayo at sumuko, lalo pa silang naging pursigidong itatag ang nag-iisang samahang magtataguyod ng kanilang karapatan at kagalingan. Sa labas ng pagawaan, sinugod at kinalampag nila ang mga panrehiyon at pambansang opisina ng Department of Labor and Employment (DoLE) at BLR sa pagsisikap na panatilihing pabor sa mga manggagawa ang kanilang ilalabas na desisyon.

Sa loob naman ng pagawaan, nagsagawa sila ng malawakang pagpapaliwanag sa kapwa manggagawa upang ipaintindi ang marangal at mahusay na pagsisikap ng LAKAS na itaguyod ang kanilang interes. Makailang beses ring nagsagawa ng sama-samang pagkilos ang LAKAS; na bukod sa nagpaliwanag ng kanilang mga mithiin, ay sinalubong at pinabulaanan ang mga ipinakakalat na kasinugalingan at pananakot ng kapitalista. Hindi rin sila nagpatinag sa mga sunod-sunod na suspensyon sa mga manggagawa dala ng management. Wala ni isa sa mga naging biktima ng pagpapakalat ng black propaganda, panunuhol at unfair labor practices ang natinag sa mga pakanang ito ng kapitalista – kundi lalo pang nagpalitaw sa kanilang kaliwa’t kanang desperadong aksyon upang pahinain ang kanilang pagkakaisa.

Napatunayan na ng mga manggagawa ng SMPIC ang kanilang nais na magtayo at magtaguyod ng tunay nilang unyon. Naging alipin ang mga manggagawa ng SMPIC sa barat na sahod at kadusta-dustang kondisyon sa paggawa sa loob ng SAMASA-NAMAWU. Sa loob ng labing-isang taon at tatlong collective bargaining agreement, halos P180 lang ang kabuuang nakamit na dagdag-sahod ng mga manggagawa. Bukod pa rito ang pagdadamot ng pederasyong NAMAWU sa kanila ng tulong-legal at pinansyal, at pagsasawalang-bahala ng pederasyon sa kapakanan ng mga manggagawa. Kung tutuusin, walang kabuluhan ang kanilang nakamit sa loob ng NAMAWU.

Nagbunga naman ang kanilang nagkakaisa at sustenidong pagsisikap upang maitayo ang unyong wagas na magsisilbi sa kanilang interes. Magiting at mabangis nilang hinarap ang mga pagsisikap ng sabwatan ng kapitalista at dilawang unyon – at tunay nga, hindi nagtagumpay ang maitim na balak ng sabwatang ito. Inanunsyo na matutuloy ang CE sa ika-30 ng Setyembre.

Sa huling mga minuto, ninais pa ng kapitalista at ng dilawan na wasakin ang pagkakaisa ng manggagawa: naglunsad sila ng mga magagarang pagtitipon, pagsuhol, at mga pagbabanta at paninira sa sinumang boboto ng “YES” sa LAKAS. Napunta rin sa wala ang tangkang ito – tumatangis sa resulta ng CE ang boses ng mga manggagawa sa SMPIC.

Ang pagtatagumpay ng pagtaguyod ng tunay na unyon sa loob ng SMPIC ay hindi lamang tagumpay ng mga manggagawa roon – kundi isang halimbawa para sa lahat ng mga regular na manggagawa upang itayo na ang isang samahang tatangan ng kanilang interes sa loob ng pagawaan. Sa loob ng tunay, palaban at makabayang unyonismo, lubos na makakamit ng mga manggagawa ang kanilang karapatan para sa nakabubuhay na sahod, maayos na kondisyon sa paggawa, at iangat pa ang kabuhayan ng iba pang mga manggagawa sa kanilang paligid. Ngunit, isa rin itong hamon para sa mga manggagawa. Hindi kailanman matitinag ng kahit anumang maitim na pahayag, malaking salapi o panlilinlang ang mala-bakal na paninindigan ng mga manggagawa sa kanilang nais na depensahan ang kanilang karapatan.

Bukod pa, ang tagumpay ng mga manggagawa ng SMPIC ay magbubukas na rin ng panibagong mga kabanata. Matapos ang labing-isang masalimuot na taon, malilikha na nila sa wakas ang maka-manggagawang collective bargaining agreement, na buong pagtitiwalang kanilang itataguyod din at ipaglalaban.

Sa diwa ng tunay, palaban at makabayang unyonismo, atin ding maatim na hindi na lamang sa usapin ng CE o CBA matatapos ang laban ng mga manggagawa. Bilang alipin ng isang sistemang atrasado at bulok, nasa mithiin na rin ng mga manggagawa ng SMPIC, kasama ang iba pang mga tagapagtaguyod ng tunay na unyonismo, ang pagpapalaya hindi lamang sa kanilang uri – kundi ang mismong pagpapalaya ng lahat ng mga inaalipin at dinurustang mamamayan sa buong bansa, at kahit sa buong mundo. ###

Advertisements

PAHAYAG: Sama-samang biguin ang nagpapatuloy na Batas Militar ni BS Aquino! Manggagawa at mamamayan, magkaisa at itaguyod ang kalayaan at demokrasya!

Ngayong ika-21 ng Setyembre, ginugunita natin ang mga sakripisyo at pakikipaglaban ng libu-libo nating mga kababayan para makamit ang kalayaan mula sa diktadurang US-Marcos.

Hindi na mabubura sa ating mga alaala ang laganap at lantad na karahasang ipinamalas ni Ferdinand Marcos – sa dikta ng imperyalismong U.S. at sa pamamagitan ng kanyang mga armadong pwersa – upang supilin ang ‘di-matitinag na sigaw ng bayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Ginugunita rin natin ang magigiting na pakikibaka ng mga manggagawa, simula sa makasaysayang welga ng mga manggagawa ng La Tondeña noong ika-24 ng Oktubre, 1975, na bumasag sa protest ban ni Marcos, at ang mga welga at welgang bayan na nagtaguyod ng sahod, trabaho at karapatan para sa lahat.

Sa pagwawakas ng diktadurya, nagpapatuloy pa rin ang karahasan laban sa mga manggagawang puspusang ipinagtatanggol ang interes ng kanilang uri at ng sambayanan. Apatnapu’t tatlong taon matapos ideklara ang Batas Militar, nagmimistulang nasa panahon pa rin tayo ng walang-humpay na kahirapan at pagpapasakit.

 

Batas-militar sa pagawaan

Mula sa pagpiga ng mga kapitalista sa ating lakas-paggawa para sa supertubo, hanggang sa tuwirang pagdakip at pagpatay sa mga lider-manggagawa, napakarami pa ring kaso ng karahasan laban sa mga manggagawa.

Hindi na nakasapat sa mababang pagpapasahod at pambabarat sa ating mga benepisyo at karapatan, naglalabas pa ng hindi-na-mabilang na mga suspensyon at tanggalan ang kapitalista – sa pakikipagsabwatan sa Department of Labor and Employment at mga ahensya nito. Bukod pa, mabagal ang gulong ng hustisya para sa mga manggagawang iligal na tinanggal.

Isa rito ang biglaang suspensyon ng certification elections sa Sagara Metro Plastic Industrial Corporation (SMPIC) noong ika-8 ng Abril dala ng isang memorandum mula sa Bureau of Labor Relations, at ang mga serye ng suspensyon sa mga kasapi ng Lakas ng Manggagagawang Nagkakaisa sa SMPIC – Independent (LNMSMPIC-Ind).

Pinagbabato naman ng mga bote at bato at pinagpapapalo ng mga goons ang mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay, na ngayo’y nasa ikaapat nang buwan ng kanilang welga para sa regular na hanapbuhay. Hindi pa rin ngayon ipinatutupad ng Tanduay ang pinal nang desisyon ng Department of Labor and Employment na iregularisa ang lahat ng kontraktwal na manggagawa roon.

Daan-daang kaso pa ang nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC), habang sa kamay ng mga gahamang labor arbiter ay umaani ng pagkatalo ang mga kasong hinahain ng manggagawa.

Hindi rin natin malilimutan ang malawakang tanggalan sa Carina Apparel, Inc. sa Laguna at sa Hoya Glass Philippines sa Batangas noong 2014. Nasa antas na ng pagsasaayos ng kanilang Collective Bargaining Agreement at Certification Elections noon ang mga manggagawa sa dalawang pagawaan nang biglang magsara ito.

Lumalaganap din ang banta ng militar na pandarahas sa gitna ng mga usaping manggagawa – sa pamamagitan ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC), nagkakaroon na ng lisensya ang mga pulis at military na manghimasok at manggulo sa mga piket, pagkilos at pakikibaka ng mga manggagawa.

Subalit, hindi lamang sa loob ng mga pagawaan humaharap ng panganib ang mga manggagawa. Kahit paglabas nito sa trabaho, o sa dakilang layuning palaganapin pa ang tunay, palaban at makabayang unyonismo, sinusubukan pa ring ibitag ng kasalukuyang rehimen ang mga ito.

Nagpapatuloy na batas-militar sa bansa

Inaalala rin natin ngayon ang mga manggagawang biktima ng nagpapatuloy na batas militar sa bansa: ang mga pinaslang na lider-manggagawang sina Butch Servida (2008) at Jerry Cristobal (2010) ng Samahan ng Manggagawa sa EMI – Independent, at sina Edward Panganiban (2011) ng Samahan ng Lakas Manggagawa ng Takata – Independent (Salamat-Ind), na pinatay habang naglilingkod sa mga manggagawa sa diwa ng tunay, palaban at makabayang unyonismo.

Pinakabago ngayon ang pagtortyur at pagpatay kay Florencio “Ka Bong” Romano, kilalang edukador at organisador ng manggagawa, matapos siyang dumalo sa isang salu-salo sa Batangas. Matapos ang ilang oras na paghahanap sa kanya, namataan na lamang siyang bugbog-sarado at may tama ng baril sa dibdib, na dulot ng patuloy na pananakot mula sa malalapit na base ng Philippine Air Force sa lugar.

Dalawang taon nang nawawala si Benjamen Villeno, dating tagapangulo ng Lakas ng Manggagawang Nagkakaisa sa Honda – OLALIA – Kilusang Mayo Uno (LNMH-OLALIA-KMU) at Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – KMU (PAMANTIK-KMU). Pauwi sa kanyang mga kamag-anak sa Cavite, ang huling balitang natanggap mula sa kanya ay ang pagsunod ng mga kahina-hinalang mga tao sa byahe. Hindi na siya nakausap o namataan pa mula noon.

Sampung taon matapos ang kanyang pagkamatay, sariwa pa rin sa alaala ng mga manggagawa ang maningning na halimbawa ni Diosdado “Ka Fort” Fortuna, na dati namang tagapangulo ng Union of Filipro Employees – Drug and Food Alliance – KMU (UFE-DFA-KMU), ang unyon ng mga manggagawa ng Nestle Philippines sa Cabuyao. Bukod sa isang mahusay na lider-manggagawa, pinamunuan niya ang ilan pang mga kampanya’t aktibidad para sa mamamayan.

Katulad nila, maging tayo ay biktima rin ng malawakang programang kontra-insurhensya ng rehimeng BS Aquino: ang Oplan Bayanihan. Halaw sa US Counter-insurgency Guide, nilalayon umano nitong wasakin ang mga organisasyong naglalayong magtayo ng alternatibong sistema ng pamamahala. Ngunit, libu-libong mga inosenteng bata, matatanda at katutubo na ang nagiging biktima nito.

Kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang pagpatay kina Emerito Samarca, Dionel Campos at Juvello Sinzo sa Lianga, Surigao del Sur sa kamay ng Mahagat-Bagani, isang grupong paramilitar na padron ng 36th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa harap ng mga mag-aaral, magulang at mga taga-komunidad, pinagbabaril ang tatlo noong ika-1 ng Setyembre dahil sa umano’y pagsuporta nito sa New People’s Army (NPA).

Si Samarca ay executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) – na dalawang beses pinangaralan ng Department of Education (DepEd) ng National Literacy Award noong 2001 at 2005. Si Campos ay tagapangulo ng samahan ng mga Lumad sa komunidad, ang Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU), habang si Sinzo, kanyang kamag-anak, ay lider-Lumad ng Sitio Kiwagan, Barangay San Isidro.

Sila ay dagdag sa napakahabang listahan ng mga biktima ng pampulitikang panunupil ng rehimeng US-Aquino, na sa kasalukuyan ay nakatala na sa 53 kaso ng pagpatay sa mga Lumad; na layon lamang ay protektahan ang lupang ninuno laban sa panghihimasok ng dayuhang mga korporasyong agri-industriyal at minahan.

Kasama ng mga biktima ng masaker sa Lianga sina Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong na dinahas at kinitil ang buhay ng rehimeng patuloy na nagdadala lamang sa atin sa ibayong pahirap at pasakit.

Sigaw ng manggagawa: sugpuin ang nagpapatuloy na Batas Militar! Wakasan ang Oplan Bayanihan!

illust1

Hindi natin hihintayin pang may mamatay muling kababayan o ka-manggagawa para patunayan ang mala-Marcos na pamumuno ng rehimen ni BS Aquino. Araw-araw, milyun-milyong manggagawa ang binubusabos sa loob at labas ng kanilang pinagtatrabahuan, kasama ang mga Lumad, magsasaka, at iba pang sektor ng lipunan.

Hindi na lamang ito paghahanap ng hustisya para sa daan-daang biktima ng paglabag sa karapatang pantao, kundi ang pagbabalikwas ng bayan para sa isang lipunang magbibigay ng hustisya, kalayaan at demokrasya para sa lahat.

Labis na ang galit ng mamamayan sa mamamatay-taong rehimeng US-BS Aquino. Sa hanay ng mga manggagawa, marami na ang nais magtayo ng unyon at asosasyon at itaguyod ang karapatan nila para sa regular na hanapbuhay at makatarungang kondisyon sa paggawa.

Marahil, sa dakilang pakikibaka ng mamamayan, ating tunay na maisasariwa ang alaala nila Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong at ng libong nagbuwis ng kanilang buhay para sa ikauunlad ng mamamayan.

WAKASAN ANG KONTRAKTWALISASYON, BATAS-MILITAR SA PAGGAWA!
WAKASAN ANG OPLAN BAYANIHAN AT PATALSIKIN ANG MAMAMATAY-TAONG REHIMENG US-BS AQUINO!

SONA STATEMENT: Manggagawa at mamamayan, magbigkis para patalsikin ang pasimuno ng ibayong kontraktwalisasyon at kahirapan; ang rehimeng US-BS Aquino!

SONA Shirt LayoutMga kababayan, narito na naman tayo sa panahong muling magbubulalas ng kasinungalingan at panloloko si BS Aquino sa ating lahat.

Sa loob ng kanyang limang taong panunungkulan, wala na tayong narinig kundi mga sirang pangako ng pagbabago sa loob ng kanyang “tuwid na daan”, tulad ng kanyang inihatid sa mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakarampot na umento sa sahod at pagpapatuloy ng mga iskemang nagpahirap na sa atin sa loob ng ilang dekada.

Matagal nang nagpasya ang manggagawa at mamamayan na magkaisa, magbigkis, tugisin at patalsikin ang isang pangulong nagbibigay ng labis na pasakit sa kanila – siyang nagdadala ng malahalimaw na pagdurusa.

Iisa lamang ang naging tunay na mensahe ng limang taon ni Aquino: na ang taksil at mapaniil na mukha ngayon ng kanyang rehimen ay hindi naiiba sa mga naunang mapanupil, korap at pahirap na mga administrasyon.

Tulad ng isang abanteng robot, sistematiko at unti-unti tayong pinapatay ng kanyang mga programa at polisiya – na matitipon natin sa limang mayor na punto.

Limang taon ni Aquino: limang taon ng ibayong kahirapan!

Lalo lamang nasadlak sa kahirapan ang mga manggagawa at mamamayan sa ilalim ni Aquino. Mas maraming mga pampublikong serbisyo ang ginagawang negosyo at iniaalay na lamang sa iilang maykaya kaysa sa nakararaming patuloy na naghihirap.

Laganap na ang kawalang-trabaho at kalunos-lunos na kahirapan sa bansa, dulot na rin ng papawalang epekto ng ilusyon ng pag-unlad sa ekonomiya. Mula sa ipinagmamayabang na 7.2% na tantos ng paglaki ng gross domestic product (GDP) noong 2013, bumagal na ito sa 5.8% noong nakaraang taon, at tinatantyang lalo pang bumagal sa mga susunod na buwan. Ngunit sa kabila ng maka-kapitalistang pag-unlad sa ekonomiya, lalo lamang tumaas ang presyo ng bilihin, katulad ng bigas, gulay at iba pa – tulad na lamang ng tumaas na presyo ng bawang — na umabot sa mahigit P200 noong nakaraang taon, habang ginigipit ang libu-libong bawang ng mga malalaking negosyante para pagkakitaan.

Taliwas sa datos ng pamahalaan, labing-isang milyon, o 11.2% ang walang trabaho sa kasalukuyan. Kasama na rito ang mga hindi pa rin nakakabangon na biktima ng mga sakuna tulad ng bagyong Yolanda. Ito na ang pinakamataas na tantos ng kawalang-trabaho sa kasaysayan. Dulot din ito ng susunod na mayor na punto, na nagbabadya ng ibayong pagdedepende ng rehimen sa dayuhan at lalong kahirapan.

hari ng kontraktwalisasyon

Kalahating-dekada ng pagbaon pa lalo sa neoliberal na polisiya!

Lalo lamang naging laganap ang kontraktwalisasyon sa loob ng rehimen ni BS Aquino: ang pamamayani ng labor-only contracting sa bansa ang siyang nagbibigay ng murang paggawa para sa mga kapitalista. Wala itong pasubali sa mga karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod at benepisyo!

Aabot na sa walo sa sampung manggagawa ngayon ang kontraktwal, na sinusupil din ang karapatang mag-organisa at depensahan ang kanilang makatwirang panawagan para sa sahod at trabaho – tulad ng marahas na pagsupil sa welga ng mga manggaggawa ng Tanduay,  at mga pagtulak sa protestang manggagawa sa Karzai at Sagara Metro Plastic. Nasaksihan din natin ang kawalang-hustisya sa 72 kontraktwal na manggagawa ng Kentex, na pinabayaang matupok dulot ng kalunos-lunos na occupational health and safety conditions sa pagawaan. Hindi rin natin malilimutan ang biglaang pagsasara ng mga pabrika ng Hoya Glass Disk at Carina Apparel matapos isulong ng mga manggagawa roon ang kanilang mga hangarin.

Pinapasinungalingan ngayon ng mga welga at protestang ito ang pagbulalas ni BS Aquino noong mga nakaraang SONA na walang nagaganap na protesta noong mga nakaraang taon. Sa nakamamamatay na polisyang kontraktwalisasyon, paiingayin natin ang ating pagtutol!

Hindi maitatagong anti-mamamayang dahas!

Sa kabila ng kanyang kawalan ng sagot para sa ilang taong paniningil ng kanyang mamamayan, naghandog naman ng karahasan si BS Aquino sa pamamagitan ng militarisasyon. Mula sa mga datos ng Karapatan, nakatala na ng 238 na pinatay, 26 nawawala, mahigit 730 na iligal na kinulong at libu-libong biktima ng demolisyon at pandarahas ng mga militar at pulis sa pagawaan at sa komunidad. Kabilang na rito ang pagpatay kay Florencio “Ka Bong” Romano, lider-edukador ng manggagawa at Provincial Coordinator ng National Center for the Protection of Workers’ Rights (NCPWR) noong Marso; pagkawala kay Benjamen Villeno noong Agosto 2013; at iligal na pag-aresto sa mag-asawa at konsultant na sina Ernesto Lorenzo at Joyce Latayan nito lamang ika-20 ng Hunyo.

Sa loob at labas ng pagawaan, talamak ang pananakit sa mga manggagawa. Halos araw-arawin ng mga bayarang goons na pagbabatuhin at saktan ang mga manggagawang nagwewelga ng Tanduay! Tulad ng panungunsinti ng rehimen ni BS Aquino sa pananakit sa mga mamamayan, lalo lamang nagiging litaw ang kanyang pagiging sunud-sunuran sa imperyalismong US.

Nagpapatuloy na daantaong pagpapakatuta sa imperyalismong US!

Ipinagpapatuloy ni BS Aquino ang daang-taong pagsisilbi hindi sa mamamayan, kundi sa imperyalista. Bukod sa iligal na kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), sinisimulan na rin nito ang pagtatayo ng mga base-militar para sa Kano sa tabing ng pag-uudyok na makipagdigmaan sa Tsina. Halimbawa nito ang itinatayong base sa Sangley Point sa Cavite at Ulugan Bay sa Palawan.

Pakana rin ng US ang madugong operasyon sa Mamasapano, kung saan namatay ang mahigit 70 mandirigma at sibilyan. At sa papatinding paniniktik ng US at ng military sa mamamayan, tulad ng mga drone sightings noong ika-11 ng Hulyo sa Atimonan, Quezon, ilang araw matapos ang engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army.

Ngunit, ang pinakamaningning na ebidensya ng panghihimasok ng US sa ekonomiya at pulitika ng bansa, bukod sa bilyong-dolyar na pamumuhunan sa bansa, ay ang pagpapasimuno nito ng Oplan Bayanihan, na punong abala sa pandarahas sa mga mamamayan sa kanayunan at sa mga lungsod. Binubuhusan din nito ang bulsa ng daan-daang mga kurap na kongresista, senador at maging ang napakalaking bulsa ni BS Aquino.

Walang-taning na paglustay sa kaban ng yaman!

Tahasang niloko ni Aquino ang taumbayan nang mangako siyang tapusin na ang malawakang korapsyon sa bansa – lalo lamang tumindi ang pagnanakaw sa pera ng mamamayan sa loob ng kanyang administrasyon. Hindi na natin maliliutan ang pakikipagsabwatan niya at ng kanyang mga alyado kay Janet Lim-Napoles para sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga kongresista, at iba pang proyekto ng mga senador. Walang pag-aatubili rin niyang dinepensahan ang Disbursement Acceleration Program (DAP), na siyang naging kapalit ng PDAF, at parehong tinakdang unconstitutional o bawal sa batas ng Korte Suprema.

Sa limang taon ng pamamayagpag ng pandarambong sa kaban ng bayan, hindi na natin maipapagkailang labis pa sa naungkat na 10 bilyong piso at mga senador at kongresistang nasa oposisyon ang sangkot. Mula sa mga pananaliksik, lagpas kalahati ng pambansang badyet, o halos dalawang trilyong piso, ang napupunta sa malakihang pondong aayon sa alokasyon ni Aquino, o ang Special Purpose Funds (SPF). Hindi natin ninanais na maging kasangkapan lamang ng iilang mga kurap ang ating dugo’t pawis, kundi ito ay ilaan para sa pambansang kaunlaran at pagkamit ng libre at dekalidad na serbisyong panlipunan.

Sa lahat ng kanyang mga kasalanan at pagpapabaya sa mga mamamayan, siya na rin ay isang anghel ng kamatayan – na nagbabadya ng ibayong kahirapan para sa mga manggagawa at mamamayan.

Sa darating na huling State of the Nation Address ni Aquino, paalingawngawin natin ang sigaw ng bayan; sa ating pagbibigkis, ang ating panawagan: patalsikin si Aquino!

Itaguyod ang lipunang nagsusulong ng hustisya, demokrasya at kapayapaan!

LUMAHOK SA SONA NG BAYAN MULA HULYO 23 – 27!

PATALSIKIN ANG ANTI-MANGGAGAWANG REHIMENG US-BS AQUINO: PANGUNAHING MAY PAKANA SA IBAYONG KONTRAKTWALISASYON AT KAHIRAPAN SA MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN!

ITAGUYOD ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA TUNGO SA PANLIPUNANG PAGBABAGO!

ILANTAD ANG SABWATANG DOLE-NAMAWU AT KAPITALISTANG SAGARA SA PAGPAPATIGIL SA CERTIFICATION ELECTION SA SAGARA!

DSC_0118

CALAMBA CITY, LAGUNA – Panibagong kaso ng pananabotahe at pagdurog sa Tunay, Palaban at Makabayang Unyon (TPMU) ang naganap ngayong araw, Abril 8, 2015, dahil sa pagpigil ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa pagsasagawa ng Certification Elections (CE) ng mga manggagawa ng Sagara Metro Plastics Industrial Corporation.

Mariing kinukundena ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Sagara Metro Plastic Industrial Corp. – Ind. (LNMSMPIC-IND) ang pagmamaniobra ng DoLE, sa katauhan ni Beureau of Labor Relations (BLR) Director Benjo Santos Buenavidez at Election Officer (EO) Nora Aguilar, upang pigilan ang kapasyahan ng mga manggagawang ilunsad ang CE.

Alas-6 ng umaga ngayong Abril 8 nakatakdang isagawa dapat ang CE ng LNMSMPIC-IND sa desisyon ng 248 na regular sa Sagara na palitan ang dilawang unyon ng National Mines and Allied Workers Union (NAMAWU). Subalit sa halip na ang pagdating doon ni EO Aguilar ang magtitiyak ng proseso, ay siya pa ang naging balakid upang ito ay matigil nang basahin ang di-umano’y dokumento ng “Administrative Order” mula kay Director Buenavidez na ipatigil ang nasabing CE sa kadahilan na ang pagdedesisyon ng CE ay nasa “Office of The President” na ngayon – at kung hindi ito susundin ay gagawaran ng “administrative sanction” ang sinumang lalabag dito, tila Batas Militar na umiiral sa kasalukyan ang simpleng pag-eehersisyo ng karapatang pang-mangagagawa na kailangan pang pakialaman ng ‘Office of the President’.

Naninindigan ang LNMSMPIC-IND na walang anumang batayan upang pigilan ng DoLE ang CE. Lahat ng legal na proseso, matagal man o masalimuot, ay sinunod upang mailunsad nang maayos ang eleksyon, subalit arbitraryo itong pinatigil ng DoLE na isang malinaw na pakikipagsabwatan sa kapitalistang Sagara at dilawang pederasyong NAMAWU. Malinaw ang sinasabi ng batas na tanging Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals lamang ang makakapagpigil sa isang lehitimong CE. Ang ginawa ng DoLE ay isang malinaw na pagsupil sa karapatan ng manggagawa.

Dagdag pa rito ang gulpi-de-gulat na proseso ng DoLE, at hindi man lamang ipinaalam sa unyon at mga manggagawa na siyang tanging naperwisyo sa kaganapang ito. Mapapansing sa pagbubuo ng TPMU ay ginigipit na ang manggagawa simula pa lamang sa pagpapakalat ng tamang impormasyon ng magaganap na eleksyon. Hindi nasunod ang itinakdang posting at ipinagbawal ito ng management sa loob ng pagawaan simula noong Marso 27. Maagang pinauwi rin kahapon ang mga manggagawa at sapilitang binigyan ng force leave form upang pigilang makaboto sa araw ng eleksyon.

Isang manipestasyon ang nasabing pagpigil sa pagtatayo ng LNMSMPIC-IND ng sabwatan ng kapitalistang si Tomohide Sagara at dilawang pederasyong NAMAWU. Sa 10 taong pag-iral ng NAMAWU, walang ni anumang ginhawang natanggap ang mga manggagawa dahil sa malinaw na pagiging alaga sila ng kapitalista upang sagkaang maipatupad ang tunay na interes at karaingan ng mga mangagagawa. Patuloy ang panunupil sa karapatan ng manggagawa, nanatiling mababa ang sahod at benepisyo, laganap ang kontraktwalisasyon at walang katiyakan sa trabaho ang nararanasan sa loob ng pagawaan.

Mapapansing sa halip na pagtataguyod sa interes at pagtaas sa kalidad ng kabuhayan ng mga manggagawa ang inaatupag ng DoLE, ito pa ang ahensiyang siyang primaryang dumudurog sa mga TPMU at lalong nagpapahirap sa mamamayang Pilipino. Hindi natin maihihiwalay rito ang pananagutan ng gobyerno ni Noynoy Aquino kasabwat ang mga dayuhang kapitalista primarya ang imperyalistang U.S. Dahil sa pagpapatupad ng ‘di-makataong sahod, kawalan ng benepisyo at kontraktwalisasyon o Herrera Law, naghihikahos ngayon ang mga manggagawa ng Sagara.

Kaya’t walang ibang pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang labanan ang mapaniil na mga patakarang ipinapatupad ng DoLE at ng gobyernong Aquino.

Tanging sa sama-samang pagkilos at pakikibaka makakamit ang isang makataong sahod, benepisyo, seguridad sa trabaho at militanteng unyonismong magiging sandata sa pagtatagumpay ng ating mga interes sa loob ng pagawaan at para sa buong sambayanan!

ITULOY ANG CERTIFICATION ELECTION NG LNMSMPIC-IND!
PANAGUTIN ANG DOLE SA PAKIKIPAGSABWATAN SA KAPITALISTANG SAGARA AT DILAWANG NAMAWU!
IPAGTAGUMPAY ANG TUNAY, PALABAN AT MAKABAYANG UNYONISMO!

Hindi matitibag ang pagkakaisa ng LNMSMPIC-IND ng mga mapanirang akusasyon ng dilawang NAMAWU

May tiwala ang LNMSMPIC-IND sa kakayanan ng mga manggagawa na magsuri at pag-ibahin ang tama sa mali, ang pag-ibahin ang tunay na unyon sa nagpapanggap na unyon tulad ng NAMAWU. Gayunpaman, mahalagang muling maiguhit ang ating mga pagsusuri at prinsipyo upang maiwasan ang tangka nilang panghahati sa hanay ng mga manggagawang higit ngayong nagkakaisa. Dalawang mayor na usapin ang pilit binabaluktot ng dilawang NAMAWU: una, ang CBA at ikalawa, pagtulong ng PAMANTIK-KMU sa LNMSMPIC-IND.

CBA sa ilalim ng NAMAWU

Sa loob ng 10 taong pag-iral at pagiging sole and exclusive bargaining agent (SEBA) ng NAMAWU, 4 na beses na itong nakapaglunsad ng Collective Bargaining Agreement (CBA) negotiations o pakikipagtawaran sa kapitalistang Sagara Metro Plastics Industrial Corporation. Sa loob ng 10 taon na ito, walang signipikanteng pagtaas sa sahod at kakarampot ang mga benepisyong tinatamasa ng mga manggagawa. Walang maituturing na mahusay na pakinabang ang mga manggagawa sa pagkukunwari ng NAMAWU na sila ay nagsusulong ng pang-ekonomiyang kagalingan ng mga manggagawa.

Sa halip, ang negosyante at dilawang NAMAWU ang nakinabang sa dugo at pawis ng mga manggagawa. Sa loob ng 10 taon, buwan-buwan itong naniningil sa mga manggagawa ng P30.00 na federation dues. Malaking halaga na ito lalo na kung susumahin ang lahat ng nakatas ng NAMAWU sa loob ng 10 taon.

Ang mga ito ay ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit itinayo ang LNMSMPIC-IND – isang tunay, palaban at makabayang unyon. Itinatakwil nito ang mapagkompromiso at maka-kapitalistang katangian ng NAMAWU. Ang layunin ng LNMSMPIC-IND ay magkaroon ang mga manggagawa ng isang unyon na may malinaw na paninindigan at matapang na makikipagnegosasyon sa kapitalista para sa nakabubuhay na sahod at makataong mga benepisyo.

CBA ng mga unyon sa ilalim ng OLALIA at PAMANTIK-KMU 

Malaking kasinungalingan ang paratang ng NAMAWU na layunin ng PAMANTIK-KMU (itinago pa nito sa tawag na “Pulahang Unyon”) na ipasara ang mga pagawaan upang mawalan ng hanapbuhay ang mga manggagawa. Kung tototo ito, hindi ito matatag ngayon at hindi sana nakikinabang sa mataas na sahod at maayos na benepisyo ang mga manggagawa tulad sa Honda Cars at Alaska Milk.

Dahil sa kaseryosohan ng Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH-OLALIA-KMU), hindi na bababa sa P1,000.00 ang arawang sahod ngayon ng mga manggagawa sa Honda Cars. Dahil naman sa pakikipagtulungan ng Alaska Milk Workers Union – Independent (AMWU-IND) sa OLALIA-KMU, pinakamalaki sa kasaysayan nito ang naidagdag na sahod sa katatapos lang na CBA nito ngayong 2014. Sa unang taon ay mahigit P160.00 ang dagdag na sahod at may dagdag na benepisyo tulad ng isang kabang bigas na ngayon lang natamasa ng mga manggagawa sa loob ng dalawang dekada. Ilan lang ito sa mga tagumpay na ibinubunga ng pagtutulungan ng PAMANTIK-KMU at mga unyon, affiliated man o independent.

Maka-manggagawang CBA sa ilalim ng LNMSMPIC-IND

Sa ganitong kalagayan, hangad ng LNMSMPIC-IND na totoong mapabuti din ang kalagayan ng mga manggagawa sa Sagara. Tuwing ikalimang taon, mayroong freedom period kung saan pwedeng magparehistro at sumailalim sa eleksyon ang isang bagong unyon. Kung kaya, ang pagtatayo nito at ang paghahangad na mailunsad na ang Certification Election (CE) ay nakabatay sa demokratikong proseso. Nais ng unyon na mailunsad ang eleksyon upang ito ay kilalaning bagong SEBA, at sa kagyat ay mailunsad ang CBA na maka-manggagawa at hindi para sa pakinabang ng NAMAWU.

Nitong ika-13 ng Oktubre 2014, natanggap natin ang desisyon mula sa Office of the Secretary ng DoLE. Nakasaad sa desisyon na “denied” ang apela ng NAMAWU para pigilan ang CE ng LNMSMPIC-IND. Malinaw na ang NAMAWU ang nag-aantala upang makamit ng mga manggagawa ang tunay na CBA. Ayaw nitong kilalanin ng kapitalista ang LNMSMPIC-IND bilang SEBA dahil hindi na nito mapapakinabangan ang huwad na CBA at federation dues na hinuhuthot sa mga manggagawa. Ang NAMAWU ang humahadlang sa mga manggagawa na makalahok sa demokratikong proseso ng pagboto para sa LNMSMPIC-IND.

ITAKWIL ANG NEGOSYANTE AT DILAWANG NAMAWU!

ILUNSAD ANG CERTIFICATION ELECTION NG LNMSMPIC-IND!

ITAYO ANG TUNAY, PALABAN AT MAKABAYANG UNYON!

SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!

★LAKAS NG NAGKAKAISANG MANGGAGAWA SA SAGARA METRO PLASTICS INDUSTRIAL CORPORATION

– INDEPENDENT ★

(LNMSMPIC-IND)

First-ever genuine, militant, nationalist union in CIP1, Laguna: Electronics company workers, victorious over concluded Certification Election

PRESS RELEASE

CALAMBA, LAGUNA—Workers from an electronics company in Carmelray Industrial Park I (CIP1) in Canlubang staged a motorcade and program as a sign of victory from their recent Certification Election (CE).

DSC_0620

Electronics workers from Fuji Electric Philippines (FEP) in CIP1 launched a celebratory rally at Checkpoint, Calamba, Laguna this afternoon. At exactly 3:00PM, after their daily shift, the workers conducted a motorcade from CIP1 parading flags, banners, and streamers of victory. At 5:00PM, members of the Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Philippines – Independent (Strength of United Workers of Fuji Electric Philippines – Independent or LNMFEP-Ind) held a program to rejoice their triumph in the recent CE in FEP last September 19, 2014.

Genuine, militant, nationalist union

LNMFEP-Ind was the first ever genuine, militant, nationalist union to be established and recognized in a company inside the CIP1.

According to Allan Bagas, Secretary General of the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Solidarity of Workers in Southern Tagalog – May First Movement or PAMANTIK-KMU), “FEP workers receive an average of P400 as their daily wage, and limited consideration on their health and transportation benefits. They also experience forced OT—regular shift lasts as long as 12 hours everyday. The workers’ hunger for sufficient wage and humane benefits pushed them to organize their ranks in 2012 and formally establish LNMFEP-IND through a General Membership Meeting last April 13. Continuous, massive educational discussions on the members, regarding the current national and trade union issues an their role to change their plight, surefied their way to a united and solid union.”

Intense trade union repression begets strong militant action

The workers’ union in Fuji encountered numerous accounts of harassment and threats from the management in its attempt to bully and abolish the union as early as its establishment.

As said by Ezer Neil Natividad, LNMFEP-IND president, “On the eve of September 19, police force were scattered all over the factory. Before the CE the next day, the Fuji management directed that Ms. Nora Aguilar, Department of Labor and Employment (DoLE) representative to the election, our legal adviser, and I, be restricted to enter CIP1, so we were held at the gates, the guard admitted that this was the very first time that it happened. Voters were also held at the gates of FEP to prevent them from casting their votes.”

Natividad added that the union’s legal adviser, Steve Mendoza, experienced harassment from the management as well.

Bagas, accounted that, “A specific instance happened last CE where a challenge voter has wrongly casted his vote on the ballot box, the management’s legal counsel entered the voting room, so, Mendoza insisted to enter, too, but the guard embraced him, he was refrained from entering the room. The management knew that having a genuine, militant, and nationalist union in their company would limit their chances to squeeze-out more profit from the blood and sweat of these workers leaving them with none. They knew that these organized workers would fight for what is just, so, as early as the CE – they tried to destroy the union.”

The tally showed 298 YES, 170 NO, and 4 Spoiled out of 504 total regular rank and file workers, resulting to a landslide victory in favor of the workers.

“We are so pleased by the workers’ determination to establish and elect a genuine, militant, and nationalist union as a forefront to fighting for their rights in and outside the factory. Whatever effort the management has performed to destroy and keep us from winning lost, the workers won. It is in our solidarity, in our union, that we will find the way to succeed for a just wage, job security, and decent living.” Ended Natividad.###

[Filipino Version] Matapos mahuling nandaraya ang DoLE officer, mga manggagawa ng PAC maglulunsad muli ng Certification Elections

Hulyo 30, 2013 Calamba, Laguna – Limang buwan matapos ang maanomalyang Certification Elections sa planta ng Philippine Auto Components (PAC) kung saan nahuling nandaraya sa pamamagitan ng ballot switching si DoLE officer Marivic Martinez, nakatakdang maglunsad muli ng kampanya at eleksyon ang mga manggagawa sa ilalim ng Lakas Nagkakaisang Manggagawa ng PAC-Independent (LNMPAC-IND) para sa kanilang kagyat na recognition bilang bargaining agent sa Agosto.

Batay desisyon na inilabas ni DoLE Bureau of Labor Relations Med Arbiter Maureen Zena Tongson noong Hulyo 19, muling naghahanda para sa certification elections ngayong Agosto ang LNMPAC-IND. Inilabas ang paborableng desisyong makalipas ang limang buwan ng mga piket protesta, pagsasampa ng kaso laban kay Martinez, at tuloy-tuloy na kampanya sa hanay nila.

Ayon sa desisyon, “WHEREFORE, premises considered, the formal protest and/or petition to annul the certification election is hereby GRANTED. Accordingly, the Election Officer is hereby ordered to conduct a certification election within ten (10) days from receipt of this Resolution.”

“Muling napatunayan ng LNMPAC-IND na nandaya si Martinez sa nakaraang CE. Ipinapakita lamang ng desisyon na tunay ngang lumalala ang kalagayan ng paggawa sa Pilipinas, kung saan walang humpay na naisasagawa ng mga kapitalista ang kanilang mga anti-manggagawang iskema na suportado ng Department of Labor and Employment, ng kanilang mga batas, at kanilang mga mapanlinlang na sabwatan.” Ani Kristoffer Oliver, Pangulo ng LNMPAC-IND.

Sa kabilang banda, nagpahayag ng pagsuporta sa unyon ang Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Timog Katagalugan. Ayon sa PAMANTIK-KMU, magbibigay daan ang desisyon sa mas malaking pagkakataon ng uring manggagawa sa higit pang pagpapalakas ng kanilang hanay habang pinaglalaban ang kanilang mga karapatan sa sahod, benepisyo, regular na empleyo, at organisasyon.

“Kasama ang mga manggagawa mula sa ibang unyon, ipinakita ng mga manggagawa ng PAC kung ano ang ibinubunga ng sama-samang pagkilos at tuloy-tuloy na paninindigan para sa tunay, militante, at anti-imperyalistang unyonismo. Sa kabila ng sabwatang DoLE at mga kapitalista, lagi tayong may pagpipilian—ang tumindig at ilantad ang mga ito, ipaglaban ang ating mga karapatan, at matibay na pagpasyahan ang pagsusulong ng ating mga adhikaing mapabuti ang mga kalagayan sa loob at labas ng pagawaan.” Ani Wenecito Urgel, Pangkalahatang Kalihim ng PAMANTIK-KMU.

Nakatakdang maglunsad ng mga shift meeting at department meeting ang mga manggagawa ng PAC upang pag-isahin ang kanilang hanay hinggil sa paborableng desisyon, at maghanda para sa matagumpay na certification elections sa Agosto 6, batay sa 10-working day-period na nakalagay sa desisyon.

Mga batayang karapatan bilang katwiran ng mga manggagawa

Sinimulan ng mga manggagawa ng PAC ang pag-oorganisa at pagbubuo ng kanilang unyon noong Pebrero 2012 dahil sa mababang pasahod, ‘di sapat na benepisyo, at kawalan ng kaseguruhan sa trabaho.

“Kalakhan ng mga manggagawa ay nagseserbisyo sa kumpanya sa loob ng 5 hanggang 15 taon, ngunit nakapako pa din sa P350/araw ang sahod—halagang mas mababa sa kalahati ng daily living wage sa rehiyon. Umaabot naman sa 448 ang bilang ng mga kontraktwal sa kumpanya, na mayroong mas masahol na kalagayan sa paggawa at tumatanggap lamang ng P315 kada araw. Ito ay mga lehitimong batayan upang magtayo ng unyon—upang maigiit ang aming karapatan sa buhay na may dignidad, at karapatan sa pag-oorganisa. Dapat tinatamasa ito ng lahat ng manggagawa.” ayon kay Oliver.

Union-busting, unfair labor practices, kumon sa PAC at iba pang suplayer ng Toyota

“Maliban sa direktang kinalaman ng PAC management sa pagtatangkang pigilan ang mga manggagawang itayo ang kanilang unyon, naging kalakaran na sa hanay ng mga suplayer ng higanteng tagayari ng sasakyan na Toyota ang union busting at unfair labor practices. Habang ipinakita ng maanomalyang CE noong Marso 2013 ang isa sa mga pinakadesperado at pinakamaruming aksyon ng DoLE upang hadlangan ang unyonismo, hindi na nakakagulat ang ganitong pangyayari dahil ang Toyota mismo ay kilalang-kilala bilang union bustersa rehiyon.” Ani Urgel.

“Bukod sa pagtutulak sa PAC management na sumunod sa batas at kilalanin ang mga karapatan ng mga manggagawa, maglulunsad ng kampanyang internasyunal ang PAMANTIK-KMU na magtutulak sa Toyota upang mamagitan at itulak ang kanyang mga suplayer na kilalanin ang mga karapatan ng mga manggagawa sa asosasyon at collective bargaining. Isasabay ang kampanyang ito sa dekada nang laban ng mga manggagawa ng Toyota laban sa kanyang mga anti-manggagawang iskema at kaso ng union busting.” Pagtatapos ni Urgel.

Isang kaanib na kumpanya ang PAC ng DENSO Corporation na nakabase sa Japan. Mula March 7, 1995, tuloy-tuloy ang operasyon ng PAC sa Canlubang, Calamba Laguna. Kabilang sa kanilang mga produkto ay mga fuel pump assemblies, meter assemblies, radiator assemblies, clean air filters, spark plugs, at busina na kalakhan ay isinusuplay para sa lokal at internasyunal na produksyon ng higanteng tagayari ng sasakyan na Toyota.###

DoLE officer caught cheating, attempts to defeat union in certification election

In one of Philippine labor’s revealing truths, a regional election officer of the Bureau of Labor Relations (BLR-RAB-IVA), a branch of the Department of Labor and Employment, was caught cheating in a certification election held in Laguna today, March 22, 2013.

Election officer Marivic B. Martinez, Supervising Labor Executive Officer of the DoLE Laguna Provincial Office (LPO), was supposedly facilitating a clean and honest union certification election in Philippine Auto Components, Incorporated when workers caught her slip from her pocket a roll of ballots she switched right before vote counting was concluded.

Union poll watchers Omar Legaspi and Roman Dave Gecolea narrated that Martinez made it appear that a ballot dropped on the floor.  When Martinez picked it up, she then switched it for a bunch of ballots that contained the “NO” votes.  Legaspi and Gecolea immediately exposed the situation.  Martinez, in an attempt to cover-up the cheating, threw the ballots, numbering to about 30.

“We felt betrayed by what we saw.  We cannot believe that a DoLE officer like Ms. Martinez will commit such kind of dastardly act to defeat our election,” said Legaspi.  “We are only fighting for our right to have a union inside our workplace.  It is our constitutional right, but why is DoLE preventing us from getting that right?” Legaspi added.

Martinez expectedly denied the cheating and said that the said ballots she was holding were cast by a batch of workers.

“The official ballots cast are folded in three.  Surprisingly, those which came from Ms. Martinez are rolled,” added Legaspi.

Legaspi, a union board member, expressed disbelief to have 30 ballots at one instance, when only 8-10 ballots are cast in every batch of voters.  He also said that before the incident, Martinez prodded them to leave the area despite them being registered election poll watchers.

The cheating involving DoLE election officer Martinez is the height of election irregularities in PAC.

Meanwhile, the militant regional trade union center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) condemns the anomalies facilitated by DoLE itself in the PAC certification election.

“Once again, and more blatantly, DoLE has proven its pro-capitalist and anti-worker character.  We cannot help but think that such kinds of dirty tactics could have also been done in other certification elections leading to the workers’ loss of their unions in Daiho, Honda Parts, F-Tech, UTT, and many others in Laguna, all of which involving Martinez as election officer,” said Hermenegildo Marasigan, PAMANTIK-KMU spokesperson.

“We have filed cases at DoLE regarding questionable certification election results in the past, but up to now, the DoLE continues to just sit down on the complaints.”

“Martinez’ act proves the countless allegations against DoLE being a cohort of the capitalists in union-busting and instituting a union-free environment.  We are demanding that Martinez be impeached or removed from office.  This is clearly a conduct unbecoming of a labor official.”

“This kind of dirty tactic is reminiscent of the “dagdag-bawas” (add and shave) happening at the national and local election.  Clearly, corruption is rampant even at the lower level of government branches,” Marasigan continued.

PAC supervisor “kidnaps” two workers

In a related incident, the workers said the management employed various tactics to sabotage the union election and dissuade workers from voting for a union inside the company.

Night before the elections, the union reported that a “kidnapping” incident was committed by Quirino Abraham Cruz, a supervisor in PAC.

Cruz forcibly took union members Abby Toledo and Rose Ann Balaaldia to ride on his car instead of boarding the shuttle, after coming out from their work at around 7:30pm.  Out of fear from Cruz, the two workers were obliged to follow his orders.

When the union learned of the incident, they immediately dispatched a team to rescue the two workers.  They were able to stop the car in Parian, Calamba City, just minutes away from the factory.  The workers asked the assistance of a police who happened to be at the vicinity.  The police asked Cruz to roll down his window and saw that the two women workers were there.  When asked if they are forced to go with Cruz, the workers who were in a state of shock cannot even answer.

Cruz and the two women were brought to the Calamba City Hall.  There, a certain SPO1 Reyes brought the two workers inside a room and talked with them in a closed-door session.  Prior to this, Jong Arcilla, a head supervisor in PAC talked with Reyes.  After the closed-door meeting, the two women refused to talk anymore about the incident.

Outside the station, the two women confided that they were told by SPO1 Reyes that kidnapping is a serious case and that if they pursue it, their work and even their families will be affected.  Out of fear, the two women opted not to testify about the incident.

The union filed a police blotter of the incident.

PAC manufactures car parts and supplies it mostly to Toyota.  Located at Carmelray 1 Industrial Park in Canlubang, Laguna, it has 1,122 workers, of which 601 belongs to the rank and file workers.  The average wage is PhP 340-350 for pioneer workers, just slightly higher of the region’s minimum wage of PhP 337.  PAC has operated in the country since 1996.  Its mother company, Denso, is located in Japan.###