Isang taon na: wala pa ring hustisya! Katarungan para kay Florencio “Ka Bong” Romano!

Isang taon na ang lumipas nang niyanig ang mga manggagawa ng masamang balita: natagpuang patay si Florencio Romano, o Ka Bong/YS sa mga kasamahan nito, sa Batangas City.

Hanggang sa kanyang kamatayan, naging masipag na organisador at edukador si Ka Bong. Tinuruan niya ang libu-libong manggagawa ng kanilang mga batayang karapatan at ang paglaban para sa sahod at trabaho. Kasama na rito ang paninindigan para sa tunay na kalayaan, demokrasya at pambansang industriyalisasyon.

Itinuturo natin si BS Aquino at ang Oplan Bayanihan bilang may pakana sa kamatayan ni Ka Bong. Hanggang ngayon, wala pa ring napapanagot sa kanyang pagpaslang.

Ito ang ilang dahilan kung bakit alam nating biktima si Ka Bong ng karahasan ng anti-mamamayang estado, ang rehimeng US-BS Aquino:

ka bong polyeto.png

Marami pang mga insidente ang nagtuturo sa karahasan ng estado, tulad ng:

  • Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC): kasunduang nagpapahintulot sa AFP at PNP upang manghimasok sa mga usaping manggagawa. Kinatigan ng estado, militar at mga dilawang unyon.
  • Laganap na pakikialam ng mga pulis sa mararahas na dispersal sa mga welga at pagkilos – nasaksihan sa welga ng manggagawa ng Tanduay, Nestlé at Philsteel.
  • Paniniktik sa aktibidad ng mga manggagawa. Kasama rito ang pagbuntot at paniniktik kay Hermie Marasigan, tagapangulo ng OLALIA-KMU; at kay Dante Morales, organisador din ng manggagawa, habang nasa byahe sa Maynila.
  • Pag-aresto sa mga konsultant ng NDF tulad ni Ernesto Lorenzo, na abala sa usaping pang-manggagawa sa Timog Katagalugan.

Lahat tayo, buhay at patay, ay saksi sa patuloy na pandarahas at panunupil ng estado sa ating mga batayang karapatan.

Dahil dito, sama-sama nating isigaw: tutulan at wakasan ang Oplan Bayanihan!

HUSTISYA PARA KAY BONG ROMANO!
LABANAN ANG KARAHASAN SA MGA MANGGAGAWA!
OPLAN BAYANIHAN,TUTULAN AT LABANAN!

Advertisements

Tatlumpung taon matapos ang EDSA: Pagpapanumbalik ng delubyo sa manggagawa

02252016-EDSA

“Tama na, sobra na!” ang aming ipinahahayag sa Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno, sa patuloy na pagpapahirap sa mga manggagawa talumpung taon matapos ang pagpapatalsik sa diktaduryang US-Marcos noong EDSA I.

Nananatili, kung hindi man mas matindi, ang dinaranas na kahirapan ng mga manggagawa sa kasalukuyan – na siyang ninais nilang wakasan noong humugos sila sa mga lansangan tatlumpung taon na ang nakararaan. Inipon lamang ng mga rehimen mula kay Corazon Aquino, hanggang sa kanyang anak na si Benigno, ang mga kasinungalingan at nakakamoplaheng panloloko sa pamamagitan ng iba’t ibang polisiya sa loob at labas ng pagawaan.

Si Corazon Aquino ang naging ina ng kontraktwal at delikadong trabaho. Si Ramos ang naging tagapamandila ng deregulasyon sa ekonomiya, na pumatay sa ating mga likal na industriya. Nangurakot si Estrada sa kaban ng bayan, habang inatake ni Arroyo ang mga pagtitipon ng mamamayan para sa kanilang karapatan. Itong lahat ay ipinamalas ni BS Aquino – na may halong kawalang-bahala at mundong nakadistrongka sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

Tatlumpung taon na ang nakalilipas, higit pang mga manggagawang kontraktwal ang biktima ng napakababang sahod – na siyang pinipigilan ng mga kapitalistang magtayo ng unyong magtataguyod sa kanilang interes. Sa paghahabol ng pinakamabababang gastusin, pito hanggang sa siyam na manggagawa ang pinapasok bilang kontraktwal; binubuhay bilang mga binabawian ng dignidad mabuhay. Ang mga welga ng manggagawa, tulad ng sa Tanduay Distillers, Inc., at Karzai Corporation, ay sinalubong lamang ng mga taingang bingi at marahas na pwersa.

Ang ikatlong dekada matapos ang EDSA ay nangahulugan ding panibagong pagkakatapo upang pumili ng mga panibagong lider – na naging kalokohan para sa nakararami. Sa pamamagitan ng ampaw na pangako, unawa na ng mga manggagawa na ang eleksyon sa Mayo ay nangangahulugan lamang ng panibagong serye ng mga atake sa kanilang karapatan.

Sinaling tayo ng mga imperyalistang US at Tsina para sa kanilang makasariling interes ng pandaigdigang dominasyon sa eknomiya at pulitika. Ginamit ng US ang pananakot ng Tsina upang ilapit ang EDCA at ang panibagong mga polisiyang neoliberal sa pamamagitan ng APEC. Para sa mga manggagawa, ito ay serye lamang ng mga opensiba upang itulak sila sa panibagong balon ng paghihirap.

Tatlumpung taon na ang nakalilipas, humanton na naman tayong mga manggagawa sa panibagong mga salot na nilayon na nating tapusin. Hindi na natin papayagang mamayani ang iilan.

Kasama kami sa libu-libong sumasariwa sa kung paano natin pinatalsik ang diktaduryang Marcos; at sa pagtutol sa kaparehong diktaduryang nasa Malacañang ngayon.

Tatlumpung taon na ang nakalilipas, natuto na tayo na hindi lamang sapat na tapusin ang isang diktadurya, kung papalitan lamang ito ng isa pa. Napakahalaga ngayon para sa nakararami na kunin ang pamuuno sa pamahalaan at ibalik ito sa paglilingkod ng mamamayan.

Habang nakasalang tayo sa lumang mga salot, tatapatan natin ito ng atin ding matanda pero maasahang sandata – ang lakas sa ating pagkakaisa. Sinasabi nating tama na ang ‘di nakabubuhay na trabaho at imperyalistang pandarambong at digmaan; at nananawagan sa mamamayan upang baguhin ang lipunan tungo sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Sa pamamagitan nito, ibabalik natin ang tunay na diwa ng EDSA.

Manggagawa, labanan ang atake sa ating sahod, trabaho at karapatan! Kondenahin at bigwasan ang delubyo sa marangal na hanapbuhay!

Gugunitain natin sa ika-10 ng Disyembre ang Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao – isang araw hindi lamang para ipaalala ang ating mga batayang karapatan sa lahat ng aspeto ng ating buhay; kundi pagkondena sa matinding paglapastangan sa karapatang pantao ng rehimeng US-BS Aquino.

Tulad ng kahit anumang batayang karapatan, karapatan natin ang magkaroon ng regular, makatarungan, makabuluhan at marangal na hanapbuhay.

Sa anim na taon ng rehimeng Aquino, patuloy na lamang niyang ipinagkait sa atin ang karapatang ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-atake sa ating sahod at trabaho: parehong sa pamamagitan ng pagpako sa mababang pasahod at sa panunupil sa mga karapatan ng mga manggagawa.

 

Walang-humpay na karahasan sa mga manggagawa at mamamayan:
Paglapastangan ng rehimen sa sahod, trabaho at karapatan

Ngayong taon, hindi nagpahinga ang mga kasapakat ng estado upang mapatahimik ang panawagan ng mga manggagawa para sa kanilang mga karapatan.

Libu-libong mga manggagawa ang nagkakaisa ngayon, regular man o kontraktwal, at nagsasagawa ng kabi-kabilang mga aksyon upang ipako ang kanilang paninindigan sa mga kapitalista. Naging tanglaw nila manggagawa ang mahigpit nilang paghawak sa kanilang mga prinsipyo’t hangarin ng isang makabuluhang hanapbuhay.

Sinalubong ng mga bato at bubog ng mga bote ang mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay at Karzai, kasama ang malusak na tubig. Ito ang sagot ni Lucio Tan at ng kapitalista ng Karzai sa lakas ng manggagawang nagkakaisa laban sa kontraktwalisasyon.

Daan-daang mga manggagawa, kasama ang kanilang mga tagasuporta, ang nasaktan at nasugatan sa humigit-kumulang na sampung beses na pagsasagawa ng programa papalapit sa Asia Brewery complex, bitbit ang mga panawagang ibalik at iregularisa ang mga manggagawa ng Tanduay.

Tulad ng mga mananakop, sinalakay din ng mga bayarang goons ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines, si Noel Coballes, ang piketlayn ng mga manggagawa ng Tanduay. Ito rin ang sagot ng kapitalista ng Karzai matapos patraydor na baliin nito ang kasunduan nito sa mga manggagawa.

Humarap din sa kaparehong mga pananakot ang mga manggagawa ng Sagara Metro Plastic, Manila Cordage Company at Manco Synthetic Inc.

 

Kapitalista at estado, sama-sama sa abuso!

Hindi na ito bago para sa libu-libong manggagawang iligal na tinatanggal sa kanilang trabaho, sa anu-anong mga dahilan.

Hindi na natin malilimutan pati ang pagsasawalang-bahala ng lokal na pamahalaan ng Cabuyao at ang kaparehong pananakit ng mga kapulisan ng Cabuyao, sa pamumuno ni Joseph Bayan. Makailang beses hinarang at hindi pinayagang makapagpahayag ng kanilang disgusto at panawagan ang mga manggagawa sa lokal na pamahalaan. Hindi rin natin malilimutan ang pagputok ng baril at tangkang pagbangga ng police mobile sa mga manggagawa at mga tagasuporta.

Ito ay bunga na rin ng sangkatutak na mga polisiya ng rehimeng BS Aquino, tulad ng mga pagbabawal sa mga welga sa ilang mga engklabo at exclusive economic zones, at ang pagpapairal ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC).

Ayon sa TIPC-MOC, maaring manghimasok sa mga usapin ng labor dispute ang mga elemento ng military at kapulisan – dahilan para lalo pang tumindi ang tensyon at karahasang nararanasan ng mga manggagawa. Makailang beses nang naranasan ng mga manggagawa ito – sa piketlayn man o kasama ang iba’t ibang mga sector, pare-parehong palo ng batuta at matinding dispersal ang sagot ng estado.

Bukod pa rito ang tahasang pananakot, pagbabanta at maging pagkakawala at pagpatay sa mga manggagawa. Mahigit dalawang taon nang nawawala si Benjamen Villeno, dating pangulo ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Honda Cars Philippines at tagapangulo ng PAMANTIK-KMU.

Nitong Marso lamang, pinagbabaril hanggang mamatay si Florencio “Ka Bong” Romano, edukador at organisador ng mga manggagawa sa Batangas: na hinihinalang pinatay ng mga elemento ng Philippine Air Force sa probinsya.

Nitong Agosto, iligal na inaresto si Ernesto Lorenzo, na kinikilalang tagapayo ng mga manggagawa at kasalukuyang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines. Hindi pinansin ng mga elemento ng kapulisan ang kanyang immunity sa loob ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) nang siya’y hulihin. Kasama ring inaresto ang kanyang asawa na si Joyce Latayan.

Tulad ng ating mga kapatid na Lumad at mga magsasaka’t mangingisda, pare-pareho na tayong biktima ng pampulitikang panunupil. Taliwas sa ipinapangako at ipinamamandilang ‘pagdadala ng kapayapaan’ ang Oplan Bayanihan.

Hindi na rin natin palalampasin ang patuloy na harassment sa mga lider-manggagawa at mga kinatawan ng mga organisasyon, alyansa at pormasyon ng mga manggagawa sa rehiyon at sa buong bansa. Isa rito ang patuloy na paniniktik at pananakot sa dating tagapangulo ng PAMANTIK-KMU at ngayon ay kinatawan ng Anakpawis Partylist sa Timog Katagalugan, si Hermie Marasigan.

Palagi na ring namamataan ang mga ahente ng intelligence ng militar at kapulisan sa mga opisina ng mga manggagawa sa rehiyon; bukod pa sa kanilang presensya sa bawat pagkilos ng mga manggagawa.

Sa kabila nito, bigo pa rin ang Oplan Bayanihan na supilin ang diwang palaban ng mga manggagawa at mamamayan ng Timog Katagalugan at ng buong bansa. Bigo ito sa layong pagpigil sa mga protesta at laban ng mga mamamayan para sa kanilang mga batayang karapatan.

Ngunit, isa pa rin sa mga pinakatampok na pagyurak sa ating mga makatarungang panawagan ay ang pagpapairal pa lalo ng kontraktwalisasyon at iba pang mga kontra-manggagawang polisiya sa paggawa.

 

Kontraktwalisasyon, ‘di makatarungang patakaran sa paggawa:
Inhustisya sa marangal na hanapbuhay

Mananatilling hindi makatarungan ang patuloy na pagsasamantala ng mga malalaking negosyante sa mataas na halagang ating nalilikha sa mga pagawaan at mga establisyimento araw-araw. Napakaliit na halaga lamang ang ibinibigay sa atin: sapat lang para bumalik tayo sa kanila’t maghandog ng labis-labis na tubo! Walang-hanggan nang umiiral sa mga pagawaan ang ganitong kalakaran.

Nagpapatuloy ngayon ang kontraktwalisasyon – na nagmimistulang isang pagpapanumbalik sa isang kaayusang amo’t alipin. Ginagawa nang alila sa kontrata ang mga manggagawa!

Lalo pang nilapastangan ng rehimen ang mga panawagan para sa mas mataas na sahod. Sa bawat panahong subukan ng mga manggagawang magkaisa at magtayo ng mga unyon at organisasyong magtataguyod ng kanilang kagalingan, sila ay pumapasok sa panganib na sila ay maaring tanggalin sa kanilang trabaho. Kibit-balikat lamang at baryang umento ang ibinibigay ng rehimeng BS Aquino sa mga panawagang itaas ang sahod!

Isama pa ang Two-Tiered Wage System, na kung saan magpapako pa lalo ng mas mababa pa sa minimum na sahod. Sinimulan ito sa Timog Katagalugan noong 2012, at ipinagpatuloy sa iba’t ibang parte ng bansa.

Hindi na mabilang sa daliri ang mga kontra-manggagawang polisiyang umaatake sa sahod, trabaho at karapatan. Kung gayon, ano ang ating kagyat na tungkulin kung nais nating maibaklas ang ganitong kaayusan?

 

Sagot ng manggagawa sa karahasan: papaigting na pagkilos at paglaban

Sa halip na manahimik at magpasailaim ang mga manggagawa sa takot at pangamba, mananatiling matibay ang kanilang paninindigan para sa pagbabago ng abang kalagayan dito sa ating bansa.

Patuloy na panata ngayon ng mga manggagawa na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa makatarungang sahod, nakabubuhay na trabaho, at pagkakaroon ng demokratikong karapatan para sa lahat. Patuloy nating bibiguin ang bawat hagupit ng bulok na estado – gaya ng ating pagbigo sa marahas na Oplan Bayanihan ni Aquino.

Hindi tayo kailanman papayag na sumailalim sa Batas Militar, o sa kahit anumang kaparehong polisiyang alam nating maglalagay lamang sa atin sa ibayo pang kahirapan at pang-aapi.

Sa ika-67 taon ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, panata nating lahat na wakasan ang karahasan at atake sa ating sahod, trabaho at karapatan.

SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!
ITAKWIL AT BIGUIN ANG OPLAN BAYANIHAN!
KONTRAKTWALISASYON, LABANAN!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN!
MAKIBAKA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN AT DEMOKRASYA!

PAHAYAG: Sama-samang biguin ang nagpapatuloy na Batas Militar ni BS Aquino! Manggagawa at mamamayan, magkaisa at itaguyod ang kalayaan at demokrasya!

Ngayong ika-21 ng Setyembre, ginugunita natin ang mga sakripisyo at pakikipaglaban ng libu-libo nating mga kababayan para makamit ang kalayaan mula sa diktadurang US-Marcos.

Hindi na mabubura sa ating mga alaala ang laganap at lantad na karahasang ipinamalas ni Ferdinand Marcos – sa dikta ng imperyalismong U.S. at sa pamamagitan ng kanyang mga armadong pwersa – upang supilin ang ‘di-matitinag na sigaw ng bayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Ginugunita rin natin ang magigiting na pakikibaka ng mga manggagawa, simula sa makasaysayang welga ng mga manggagawa ng La Tondeña noong ika-24 ng Oktubre, 1975, na bumasag sa protest ban ni Marcos, at ang mga welga at welgang bayan na nagtaguyod ng sahod, trabaho at karapatan para sa lahat.

Sa pagwawakas ng diktadurya, nagpapatuloy pa rin ang karahasan laban sa mga manggagawang puspusang ipinagtatanggol ang interes ng kanilang uri at ng sambayanan. Apatnapu’t tatlong taon matapos ideklara ang Batas Militar, nagmimistulang nasa panahon pa rin tayo ng walang-humpay na kahirapan at pagpapasakit.

 

Batas-militar sa pagawaan

Mula sa pagpiga ng mga kapitalista sa ating lakas-paggawa para sa supertubo, hanggang sa tuwirang pagdakip at pagpatay sa mga lider-manggagawa, napakarami pa ring kaso ng karahasan laban sa mga manggagawa.

Hindi na nakasapat sa mababang pagpapasahod at pambabarat sa ating mga benepisyo at karapatan, naglalabas pa ng hindi-na-mabilang na mga suspensyon at tanggalan ang kapitalista – sa pakikipagsabwatan sa Department of Labor and Employment at mga ahensya nito. Bukod pa, mabagal ang gulong ng hustisya para sa mga manggagawang iligal na tinanggal.

Isa rito ang biglaang suspensyon ng certification elections sa Sagara Metro Plastic Industrial Corporation (SMPIC) noong ika-8 ng Abril dala ng isang memorandum mula sa Bureau of Labor Relations, at ang mga serye ng suspensyon sa mga kasapi ng Lakas ng Manggagagawang Nagkakaisa sa SMPIC – Independent (LNMSMPIC-Ind).

Pinagbabato naman ng mga bote at bato at pinagpapapalo ng mga goons ang mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay, na ngayo’y nasa ikaapat nang buwan ng kanilang welga para sa regular na hanapbuhay. Hindi pa rin ngayon ipinatutupad ng Tanduay ang pinal nang desisyon ng Department of Labor and Employment na iregularisa ang lahat ng kontraktwal na manggagawa roon.

Daan-daang kaso pa ang nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC), habang sa kamay ng mga gahamang labor arbiter ay umaani ng pagkatalo ang mga kasong hinahain ng manggagawa.

Hindi rin natin malilimutan ang malawakang tanggalan sa Carina Apparel, Inc. sa Laguna at sa Hoya Glass Philippines sa Batangas noong 2014. Nasa antas na ng pagsasaayos ng kanilang Collective Bargaining Agreement at Certification Elections noon ang mga manggagawa sa dalawang pagawaan nang biglang magsara ito.

Lumalaganap din ang banta ng militar na pandarahas sa gitna ng mga usaping manggagawa – sa pamamagitan ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC), nagkakaroon na ng lisensya ang mga pulis at military na manghimasok at manggulo sa mga piket, pagkilos at pakikibaka ng mga manggagawa.

Subalit, hindi lamang sa loob ng mga pagawaan humaharap ng panganib ang mga manggagawa. Kahit paglabas nito sa trabaho, o sa dakilang layuning palaganapin pa ang tunay, palaban at makabayang unyonismo, sinusubukan pa ring ibitag ng kasalukuyang rehimen ang mga ito.

Nagpapatuloy na batas-militar sa bansa

Inaalala rin natin ngayon ang mga manggagawang biktima ng nagpapatuloy na batas militar sa bansa: ang mga pinaslang na lider-manggagawang sina Butch Servida (2008) at Jerry Cristobal (2010) ng Samahan ng Manggagawa sa EMI – Independent, at sina Edward Panganiban (2011) ng Samahan ng Lakas Manggagawa ng Takata – Independent (Salamat-Ind), na pinatay habang naglilingkod sa mga manggagawa sa diwa ng tunay, palaban at makabayang unyonismo.

Pinakabago ngayon ang pagtortyur at pagpatay kay Florencio “Ka Bong” Romano, kilalang edukador at organisador ng manggagawa, matapos siyang dumalo sa isang salu-salo sa Batangas. Matapos ang ilang oras na paghahanap sa kanya, namataan na lamang siyang bugbog-sarado at may tama ng baril sa dibdib, na dulot ng patuloy na pananakot mula sa malalapit na base ng Philippine Air Force sa lugar.

Dalawang taon nang nawawala si Benjamen Villeno, dating tagapangulo ng Lakas ng Manggagawang Nagkakaisa sa Honda – OLALIA – Kilusang Mayo Uno (LNMH-OLALIA-KMU) at Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – KMU (PAMANTIK-KMU). Pauwi sa kanyang mga kamag-anak sa Cavite, ang huling balitang natanggap mula sa kanya ay ang pagsunod ng mga kahina-hinalang mga tao sa byahe. Hindi na siya nakausap o namataan pa mula noon.

Sampung taon matapos ang kanyang pagkamatay, sariwa pa rin sa alaala ng mga manggagawa ang maningning na halimbawa ni Diosdado “Ka Fort” Fortuna, na dati namang tagapangulo ng Union of Filipro Employees – Drug and Food Alliance – KMU (UFE-DFA-KMU), ang unyon ng mga manggagawa ng Nestle Philippines sa Cabuyao. Bukod sa isang mahusay na lider-manggagawa, pinamunuan niya ang ilan pang mga kampanya’t aktibidad para sa mamamayan.

Katulad nila, maging tayo ay biktima rin ng malawakang programang kontra-insurhensya ng rehimeng BS Aquino: ang Oplan Bayanihan. Halaw sa US Counter-insurgency Guide, nilalayon umano nitong wasakin ang mga organisasyong naglalayong magtayo ng alternatibong sistema ng pamamahala. Ngunit, libu-libong mga inosenteng bata, matatanda at katutubo na ang nagiging biktima nito.

Kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang pagpatay kina Emerito Samarca, Dionel Campos at Juvello Sinzo sa Lianga, Surigao del Sur sa kamay ng Mahagat-Bagani, isang grupong paramilitar na padron ng 36th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa harap ng mga mag-aaral, magulang at mga taga-komunidad, pinagbabaril ang tatlo noong ika-1 ng Setyembre dahil sa umano’y pagsuporta nito sa New People’s Army (NPA).

Si Samarca ay executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) – na dalawang beses pinangaralan ng Department of Education (DepEd) ng National Literacy Award noong 2001 at 2005. Si Campos ay tagapangulo ng samahan ng mga Lumad sa komunidad, ang Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU), habang si Sinzo, kanyang kamag-anak, ay lider-Lumad ng Sitio Kiwagan, Barangay San Isidro.

Sila ay dagdag sa napakahabang listahan ng mga biktima ng pampulitikang panunupil ng rehimeng US-Aquino, na sa kasalukuyan ay nakatala na sa 53 kaso ng pagpatay sa mga Lumad; na layon lamang ay protektahan ang lupang ninuno laban sa panghihimasok ng dayuhang mga korporasyong agri-industriyal at minahan.

Kasama ng mga biktima ng masaker sa Lianga sina Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong na dinahas at kinitil ang buhay ng rehimeng patuloy na nagdadala lamang sa atin sa ibayong pahirap at pasakit.

Sigaw ng manggagawa: sugpuin ang nagpapatuloy na Batas Militar! Wakasan ang Oplan Bayanihan!

illust1

Hindi natin hihintayin pang may mamatay muling kababayan o ka-manggagawa para patunayan ang mala-Marcos na pamumuno ng rehimen ni BS Aquino. Araw-araw, milyun-milyong manggagawa ang binubusabos sa loob at labas ng kanilang pinagtatrabahuan, kasama ang mga Lumad, magsasaka, at iba pang sektor ng lipunan.

Hindi na lamang ito paghahanap ng hustisya para sa daan-daang biktima ng paglabag sa karapatang pantao, kundi ang pagbabalikwas ng bayan para sa isang lipunang magbibigay ng hustisya, kalayaan at demokrasya para sa lahat.

Labis na ang galit ng mamamayan sa mamamatay-taong rehimeng US-BS Aquino. Sa hanay ng mga manggagawa, marami na ang nais magtayo ng unyon at asosasyon at itaguyod ang karapatan nila para sa regular na hanapbuhay at makatarungang kondisyon sa paggawa.

Marahil, sa dakilang pakikibaka ng mamamayan, ating tunay na maisasariwa ang alaala nila Ka Ben, Ka Fort, Ka Bong at ng libong nagbuwis ng kanilang buhay para sa ikauunlad ng mamamayan.

WAKASAN ANG KONTRAKTWALISASYON, BATAS-MILITAR SA PAGGAWA!
WAKASAN ANG OPLAN BAYANIHAN AT PATALSIKIN ANG MAMAMATAY-TAONG REHIMENG US-BS AQUINO!

PRESS RELEASE: S. Tagalog workers in Aquino’s lair; ensnare the “King of Contractual Labor”

hari ng kontraktwalisasyonLabor unions and organizations from the Southern Tagalog region today carried on with the fourth day of the Bigkisan ng Manggagawa Laban sa Kontraktwalisasyon, now marching to Aquino’s house in Times St. in a symbolic trap against the “King of Contractualization”.

Roque Polido, chairperson of regional labor center PAMANTIK-KMU, compared BS Aquino to a ruthless cyborg, that systematically saps the life out of the workers.

He related the effigy that PAMANTIK-KMU prepared for this year’s State of the Nation Address (SONA), an angel of death with a Janus-like face of Aquino – the other one cyborg-styled.

However, Polido noted that the time for workers’ silence has been long over, as strikes and protests by contractual workers have been sprouting all over the region; such as the Coca-cola workers’ strike in 2013, and the Tanduay contractuals’ strike that sparked last May 18.

“With the unfettered unity of the laborers, the strikes have brought victories to the workers as a whole; with the Coca-cola Sta. Rosa plant workers’ strike delivering regularization to all casuals in Coca-cola plants in the country, and continues serving an inspiration to all the contractuals in the Philippines,” Polido stated.

Being a victim of contractualization in Tanduay Distillers, Inc., Anse Are, the president of contractuals’ association TUDLA, condemned the intensifying contractualization under Aquino. Are added that this, and the combination of harassment and violence from private goons and state forces add up to a new cause for the workers’ problems: death by contractualization.

“We will not be bent again by the policies that Aquino has set down upon the workers. To uphold the dignity of regular work, we must oust a president that has done the opposite – and so we will register our highest discontent and calls tomorrow, on his last SONA,” said Are.

Are assured a large delegation come tomorrow, as Malacañang attempts to surround them with barricades far from Batasang Pambansa, the eventual venue of the SONA.

“Tens of thousands of angry contractual and regular workers, together with more from different groups, will rush through and belie every fib Aquino will propagate tomorrow – in the true State of the Nation,” ended Are. ###

SONA STATEMENT: Manggagawa at mamamayan, magbigkis para patalsikin ang pasimuno ng ibayong kontraktwalisasyon at kahirapan; ang rehimeng US-BS Aquino!

SONA Shirt LayoutMga kababayan, narito na naman tayo sa panahong muling magbubulalas ng kasinungalingan at panloloko si BS Aquino sa ating lahat.

Sa loob ng kanyang limang taong panunungkulan, wala na tayong narinig kundi mga sirang pangako ng pagbabago sa loob ng kanyang “tuwid na daan”, tulad ng kanyang inihatid sa mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakarampot na umento sa sahod at pagpapatuloy ng mga iskemang nagpahirap na sa atin sa loob ng ilang dekada.

Matagal nang nagpasya ang manggagawa at mamamayan na magkaisa, magbigkis, tugisin at patalsikin ang isang pangulong nagbibigay ng labis na pasakit sa kanila – siyang nagdadala ng malahalimaw na pagdurusa.

Iisa lamang ang naging tunay na mensahe ng limang taon ni Aquino: na ang taksil at mapaniil na mukha ngayon ng kanyang rehimen ay hindi naiiba sa mga naunang mapanupil, korap at pahirap na mga administrasyon.

Tulad ng isang abanteng robot, sistematiko at unti-unti tayong pinapatay ng kanyang mga programa at polisiya – na matitipon natin sa limang mayor na punto.

Limang taon ni Aquino: limang taon ng ibayong kahirapan!

Lalo lamang nasadlak sa kahirapan ang mga manggagawa at mamamayan sa ilalim ni Aquino. Mas maraming mga pampublikong serbisyo ang ginagawang negosyo at iniaalay na lamang sa iilang maykaya kaysa sa nakararaming patuloy na naghihirap.

Laganap na ang kawalang-trabaho at kalunos-lunos na kahirapan sa bansa, dulot na rin ng papawalang epekto ng ilusyon ng pag-unlad sa ekonomiya. Mula sa ipinagmamayabang na 7.2% na tantos ng paglaki ng gross domestic product (GDP) noong 2013, bumagal na ito sa 5.8% noong nakaraang taon, at tinatantyang lalo pang bumagal sa mga susunod na buwan. Ngunit sa kabila ng maka-kapitalistang pag-unlad sa ekonomiya, lalo lamang tumaas ang presyo ng bilihin, katulad ng bigas, gulay at iba pa – tulad na lamang ng tumaas na presyo ng bawang — na umabot sa mahigit P200 noong nakaraang taon, habang ginigipit ang libu-libong bawang ng mga malalaking negosyante para pagkakitaan.

Taliwas sa datos ng pamahalaan, labing-isang milyon, o 11.2% ang walang trabaho sa kasalukuyan. Kasama na rito ang mga hindi pa rin nakakabangon na biktima ng mga sakuna tulad ng bagyong Yolanda. Ito na ang pinakamataas na tantos ng kawalang-trabaho sa kasaysayan. Dulot din ito ng susunod na mayor na punto, na nagbabadya ng ibayong pagdedepende ng rehimen sa dayuhan at lalong kahirapan.

hari ng kontraktwalisasyon

Kalahating-dekada ng pagbaon pa lalo sa neoliberal na polisiya!

Lalo lamang naging laganap ang kontraktwalisasyon sa loob ng rehimen ni BS Aquino: ang pamamayani ng labor-only contracting sa bansa ang siyang nagbibigay ng murang paggawa para sa mga kapitalista. Wala itong pasubali sa mga karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod at benepisyo!

Aabot na sa walo sa sampung manggagawa ngayon ang kontraktwal, na sinusupil din ang karapatang mag-organisa at depensahan ang kanilang makatwirang panawagan para sa sahod at trabaho – tulad ng marahas na pagsupil sa welga ng mga manggaggawa ng Tanduay,  at mga pagtulak sa protestang manggagawa sa Karzai at Sagara Metro Plastic. Nasaksihan din natin ang kawalang-hustisya sa 72 kontraktwal na manggagawa ng Kentex, na pinabayaang matupok dulot ng kalunos-lunos na occupational health and safety conditions sa pagawaan. Hindi rin natin malilimutan ang biglaang pagsasara ng mga pabrika ng Hoya Glass Disk at Carina Apparel matapos isulong ng mga manggagawa roon ang kanilang mga hangarin.

Pinapasinungalingan ngayon ng mga welga at protestang ito ang pagbulalas ni BS Aquino noong mga nakaraang SONA na walang nagaganap na protesta noong mga nakaraang taon. Sa nakamamamatay na polisyang kontraktwalisasyon, paiingayin natin ang ating pagtutol!

Hindi maitatagong anti-mamamayang dahas!

Sa kabila ng kanyang kawalan ng sagot para sa ilang taong paniningil ng kanyang mamamayan, naghandog naman ng karahasan si BS Aquino sa pamamagitan ng militarisasyon. Mula sa mga datos ng Karapatan, nakatala na ng 238 na pinatay, 26 nawawala, mahigit 730 na iligal na kinulong at libu-libong biktima ng demolisyon at pandarahas ng mga militar at pulis sa pagawaan at sa komunidad. Kabilang na rito ang pagpatay kay Florencio “Ka Bong” Romano, lider-edukador ng manggagawa at Provincial Coordinator ng National Center for the Protection of Workers’ Rights (NCPWR) noong Marso; pagkawala kay Benjamen Villeno noong Agosto 2013; at iligal na pag-aresto sa mag-asawa at konsultant na sina Ernesto Lorenzo at Joyce Latayan nito lamang ika-20 ng Hunyo.

Sa loob at labas ng pagawaan, talamak ang pananakit sa mga manggagawa. Halos araw-arawin ng mga bayarang goons na pagbabatuhin at saktan ang mga manggagawang nagwewelga ng Tanduay! Tulad ng panungunsinti ng rehimen ni BS Aquino sa pananakit sa mga mamamayan, lalo lamang nagiging litaw ang kanyang pagiging sunud-sunuran sa imperyalismong US.

Nagpapatuloy na daantaong pagpapakatuta sa imperyalismong US!

Ipinagpapatuloy ni BS Aquino ang daang-taong pagsisilbi hindi sa mamamayan, kundi sa imperyalista. Bukod sa iligal na kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), sinisimulan na rin nito ang pagtatayo ng mga base-militar para sa Kano sa tabing ng pag-uudyok na makipagdigmaan sa Tsina. Halimbawa nito ang itinatayong base sa Sangley Point sa Cavite at Ulugan Bay sa Palawan.

Pakana rin ng US ang madugong operasyon sa Mamasapano, kung saan namatay ang mahigit 70 mandirigma at sibilyan. At sa papatinding paniniktik ng US at ng military sa mamamayan, tulad ng mga drone sightings noong ika-11 ng Hulyo sa Atimonan, Quezon, ilang araw matapos ang engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army.

Ngunit, ang pinakamaningning na ebidensya ng panghihimasok ng US sa ekonomiya at pulitika ng bansa, bukod sa bilyong-dolyar na pamumuhunan sa bansa, ay ang pagpapasimuno nito ng Oplan Bayanihan, na punong abala sa pandarahas sa mga mamamayan sa kanayunan at sa mga lungsod. Binubuhusan din nito ang bulsa ng daan-daang mga kurap na kongresista, senador at maging ang napakalaking bulsa ni BS Aquino.

Walang-taning na paglustay sa kaban ng yaman!

Tahasang niloko ni Aquino ang taumbayan nang mangako siyang tapusin na ang malawakang korapsyon sa bansa – lalo lamang tumindi ang pagnanakaw sa pera ng mamamayan sa loob ng kanyang administrasyon. Hindi na natin maliliutan ang pakikipagsabwatan niya at ng kanyang mga alyado kay Janet Lim-Napoles para sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga kongresista, at iba pang proyekto ng mga senador. Walang pag-aatubili rin niyang dinepensahan ang Disbursement Acceleration Program (DAP), na siyang naging kapalit ng PDAF, at parehong tinakdang unconstitutional o bawal sa batas ng Korte Suprema.

Sa limang taon ng pamamayagpag ng pandarambong sa kaban ng bayan, hindi na natin maipapagkailang labis pa sa naungkat na 10 bilyong piso at mga senador at kongresistang nasa oposisyon ang sangkot. Mula sa mga pananaliksik, lagpas kalahati ng pambansang badyet, o halos dalawang trilyong piso, ang napupunta sa malakihang pondong aayon sa alokasyon ni Aquino, o ang Special Purpose Funds (SPF). Hindi natin ninanais na maging kasangkapan lamang ng iilang mga kurap ang ating dugo’t pawis, kundi ito ay ilaan para sa pambansang kaunlaran at pagkamit ng libre at dekalidad na serbisyong panlipunan.

Sa lahat ng kanyang mga kasalanan at pagpapabaya sa mga mamamayan, siya na rin ay isang anghel ng kamatayan – na nagbabadya ng ibayong kahirapan para sa mga manggagawa at mamamayan.

Sa darating na huling State of the Nation Address ni Aquino, paalingawngawin natin ang sigaw ng bayan; sa ating pagbibigkis, ang ating panawagan: patalsikin si Aquino!

Itaguyod ang lipunang nagsusulong ng hustisya, demokrasya at kapayapaan!

LUMAHOK SA SONA NG BAYAN MULA HULYO 23 – 27!

PATALSIKIN ANG ANTI-MANGGAGAWANG REHIMENG US-BS AQUINO: PANGUNAHING MAY PAKANA SA IBAYONG KONTRAKTWALISASYON AT KAHIRAPAN SA MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN!

ITAGUYOD ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA TUNGO SA PANLIPUNANG PAGBABAGO!

S. Tagalog workers slam illegal detention of longtime labor advisor and NDFP consultant, housewife

freeallppsRegional labor center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) condemns the illegal arrest of labor organizer Ernesto Lorenzo and his wife, Joyce Latayan by combined efforts from government agents from the Armed Forces of the Philippines and the Crime Investigation and Detection Group (CIDG) last Monday.

Lorenzo was a longtime trade union advisor and is now a consultant of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

“Lorenzo and Latayan’s incarceration is expected to add to BS Aquino boasting of his ‘war medallions’ in time for his last State of the Nation Address (SONA),” said Allan Bagas, secretary-general of PAMANTIK-KMU.

According to accounts, Lorenzo left their house in San Jose del Monte town in Bulacan to buy computer components and gadgets in Gilmore, Quezon City, when at 12 noon, seven agents in plain clothing approached him as the former left the comfort room. The agents told Lorenzo to come with them, since the latter had cases.

Lorenzo, alarmed, asked them who they were and clarified that he was not a criminal. Unfettered, the agents restrained him, while immediately informing the public that he was not a criminal. With commotion ensuing, CIDG agents quickly led him out and transported him to a black car, which presented no warrant of arrest upon request.

Such arrests are deemed illegal by Philippine law, as a warrant of arrest is necessary to restrain someone.

Lorenzo also had with him immunity from arrest since he was protected by the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees as a NDFP peace consultant, under Document of Identification No. ND978299 under the assumed name Lean Martinez. It was dismissed by CIDG agents.

He was then brought to Philippine National Police (PNP) general headquarters in Camp Crame and was asked for coordination, or else, his wife will be detained too. However, while suffering handcuff wounds, remained calm and requested for an attorney. He also denied them samples of his DNA.

Meanwhile, at 2:15 PM, his wife, Joyce Latayan, was at their house when she noticed shadows by the doorway – which, upon close examination, were three plainclothes men. When she opened the door, the agents confirmed if she was Joyce Latayan, and stormed the house afterwards. Looking outside, Latayan noticed that twelve cars were parked nearby.

As the incognito agents allegedly searched the house, they brought planted evidence – sling bags full of M203 rifle grenades, ammunition and explosives. The agents also failed to present a warrant of arrest.

They left behind their 2 children with a guardian. Lorenzo faces alleged charges of destructive arson in Lucena City, Quezon province. Latayan is slapped with only a search warrant from Cabanatuan City and a jump bail from her case last 2008.

Bagas slammed the unlawful apprehension as another desperate attempt to silence activists and critics of the Aquino regime, which he said was genuinely guilty of crimes against the people.

“As BS Aquino’s administration wanes away, he does not leave without a mark – which will only be much worse than his predecessors’. The arrests of Lorenzo and Latayan will only be marked in the future as another transgression against the people, while the Aquino administration carries on with its anti-worker and anti-people programs under US dictates,” he added.

After their detention, the list of illegal detention cases now mounts to about 727, per figures of human rights group Karapatan. Such detainees, or political prisoners, suffer from poor living conditions in detention centers, which in one case led to the untimely death of Andrea Rosal’s unborn daughter, Diona Andrea.

Lorenzo, an asthmatic, also suffers from a slipped disk, hypertension and Hepatitis-B. Jail guards are currently preventing immediate medical attention to respond to his needs.

Meanwhile, protests are expected to be held in different parts of the region and central government agencies in the following days.

“The cruel arrest serves as another stain on BS Aquino’s reputation as a so-called ‘protector of human rights,’ which his armed forces claim to be. Cases of human rights violations, including those of Lorenzo and Latayan, only contribute to the people’s call to oust Aquino, and will lead to a larger protest come his last SONA,” ended Bagas. ###

Tanduay workers urged Rep. Nograles: “Investigate Lucio Tan’s contractualization scheme”

11130120_775102569254760_427310776743524057_n

CABUYAO, LAGUNA – Tanduay workers on the 8th day of ongoing strike urged Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, chairman of the House committee on Labor, to “investigate Lucio Tan’s Labor Only Contracting (LOC) scheme”.

This is in lieu of the solon’s statement yesterday to review the country’s Labor Code after the deaths of 72 Kentex factory workers due to a fire in Valenzuela City.

Anse Are, president of the Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) stressed that if the congressman is “genuine with his intentions to place top priority on the situation of Filipino workers”, he must look into the case of Tanduay Distillers Inc., wherein 397 or 90% of the workers remain contractual even after 5 to 11 years of employment.

Are said that just like the Kentex workers, they are subcontracted by agencies: Global Skills Providers Multi-Purpose Cooperative and HD Manpower Service Cooperative which is known of having links to Cabuyao City Mayor Jun Hemedes Jr. The Department of Labor and Employment has already conducted an inspection regarding TUDLA’s complaint on LOC last April 28, but the two inspectors who investigated submitted misleading reports to cover-up Lucio Tan’s illegal labor practices.

“We challenge Nograles and other lawmakers to prove that they are not only riding on the media popularity of Kentex workers, but are prepared to make concrete actions that can resolve our labor dispute in favor to the workers – especially since Lucio Tan owns businesses throughout the country,” Are said.

He added that the issue on contractualization is a “national concern”, and that all companies employing LOC should immediately be investigated.

For eight days, the Tanduay workers have been on strike and have maintained a picket line in front of Gate 2 of the Asia Brewery Compound where thousands of workers are employed on a contractual basis. Instead of giving in to their demands, security guards and hired goons of Lucio Tan attempted to disperse the picket line numerous times.

Just last Satuday, May 23, when organizations from the National Capital Region integrated with the workers, two waves of violence erupted involving no less than 200 goons who beat the workers with truncheons, threw stones, human excrement and glass bottles at them as well as using a water cannon. Since day one, 50 workers and supporters have already been injured with no aid whatsoever from the local Philippine National Police witnessing the incidents.  #

Now week-long strike follows historical tradition of La Tondeña & Coke

20150522_141939At its first week, the workers of a distillery plant in Cabuyao, Laguna have declared their strike a “historical one”, saying it was inspired by previous strikes of countractual workers and should inspire many more to do so.

According to them, the strike of contractual workers in Tanduay Distillers, Inc. followed the tradition of the the strike in La Tondeña in 1975 and the Coca-Cola contractuals’ strike last 2013.

“For seven days, we experienced a whirlwind of emotions: ecstatic because of the widespread support we now enjoy nationwide, agitated with the principles that bind us, and indignant of the capitalist Lucio Tan’s spreading of violence against us,” said Anse Are, president of Tanggulang Ugnayang Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers, Inc. (TUDLA).

The La Tondeña strike shattered the silence of the workers during the Martial Law era, as around 800 workers demanded their regularization. It snowballed into a series of strikes within the country. Meanwhile, the Coca-cola strike in Sta. Rosa City, Laguna last 2013 demanded benefits, wage increases and regularization of forklift operators and drivers which they’ve one in just three days after staging the strike.

Are stressed the difference, saying that strikes and workers’ actions often involved unionized and regular workers; while their strike featured contractuals within a labor association.

Meanwhile, he condemned the proliferation of labor cooperatives like HD Manpower Service Cooperative and Global Skills Providers Multi-Purpose Cooperative that hired through Labor-Only Contracting (LOC), which was one of the primary reasons why the distillery management has not yet given into their demands.

The last hearings at the National Conciliation and Mediation Board (NCMB) had the management reason out that they were only employees of the cooperative and not of the company, which was dismissed by the arbiter.

With the example set by TUDLA, Are then urged contractual workers to unite to defend their rights for better working conditions. He even added that those who concocted such repressive labor conditions will inevitably witness these events.

“This is a phenomena borne by massive repression to the workers of the whole nation. As we have started the flame of dissent against this, we have witnessed the massive support and morale boost that it gave to the workers,” he said.

“We now urge all workers to build their unions and organizations, and dare to struggle for a better future that only we can provide,” ended Are. #

Kundenahin ang tahasang paglabag at kriminal na kapabayaan ni Lucio Tan at ng rehimeng US-BS Aquino sa karapatan ng mga manggagawa!

Hindi na mapagkakaila ang tahasang pagkaganid ni Lucio Tan sa tubo! Sa tatlong araw na welga ng manggagawa sa Tanduay mula noong Mayo 18, walang-habas na pandarahas ang iniharap sa mga manggagawang ang tanging panawagan ay regularisasyon para sa 397 manggagawang kontraktwal at pagrespeto sa karapatan.

Iba’t ibang kaso ng panggigipit at pandarahas ang ginawa ng mga security forces at private goons sa pagtatangkang buwagin ang hanay ng mga manggagawa. Sa bawat pagbomba nila ng nakasusulasok na tubig, walang-habas din ang pamamato nila ng mga malalaking tabla, babasaging bote, bakal at iba pa; na siyang nakasakit sa lagpas 50 manggagawa at taga-suporta. Marami sa kanila ang nasugatan, nagkaroon ng bukol, at kasalukuyang nagpapagaling ng natamong mga sugat.

Noong umaga ng ikalawang araw, pinagpapapalo rin ang mga manggagawang nagpatibay ng hanay sa loob ng pabrika. Marami ang sugatan, at ninakaw ng mga security guard, na nasa empleyo ng Sagisag Security Services, Inc. (SSSI), ang DSLR camera ng isang taga-dokumento.  Hanggang ngayon, hindi pa rin nakukuha ang camera na ito.

Dagdag pa, tinutulak sa lalong panganib nila Lucio Tan ang buhay ng mga manggagawa. Sinubukan pa nila na kuryentehin ang mga manggagawa nang binomba nila ng tubig ang poste ng kuryente sa tapat ng compound! Mismong buhay ng mga commuter ay naisasalang din sa panganib dahil dito!

Hindi rin makakatakas ang kriminal na kapabayaan ng lokal na gobyerno ng Cabuyao sa nagaganap na welga. Imbis na pumanig sa mga manggagawa, kibit-balikat ang tugon nito; pawang pagsang-ayon sa pananakit ng mga ahente ni Lucio Tan. Maaring kasapakat pa rito ang alkalde ng Cabuyao, si Jun Hemedes, dahil may koneksyon sa kanya ang HD, isang ahensya na nagsasagawa ng labor only contracting (LOC) sa Tanduay.

Isa pa, payapa at makatarungan ang welga, ngunit bakit ganito na lamang ang inihaharap ni Tan? Sadya na ba siyang nagpakabulag sa silaw ng yamang sila ang nagpagod at lumikha?

Tumitingkad din ang kawalang-bahala ng rehimeng US-Aquino sa pagtugon sa interes ng manggagawa. Mainit na isyu rin ngayon ang trahedya ng mga manggagawa sa Kentex: kung saan 72 manggagawa ang nasunog nang buhay dahil sa pulpol na pagpapabaya ng Department of Labor and Employment (DoLE) at kapitalista sa kaligtasan nila. Binabalitang kumakaway na lamang sila sa mga nirehas na bintana at hindi makaalis sa kapahamakan dahil walang fire exit sa mismong pagawaan!

Gaya ng kanilang pagpapabaya sa mga manggagawa ng Kentex sa usapin ng occupational health and safety standards, pinapaikot-ikot at pinapakain sa kamatayan ng DoLE at ni BS Aquino ang mga manggagawa ng Tanduay. Sa resulta ng hungkag na inspeksyon ng DoLE, hindi nila tinalakay ang batayang isyu ng mga kontraktwal; ang pamamayagpag ng iligal na LOC.

Patuloy na hinihimok ang mga kapwa manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka, mga kabataan, mga propesyunal at iba pa para suportahan ang laban para sa nakabubuhay na sahod at kasiguruhan sa trabaho.

Ang laban din ng mga manggagawa ng Tanduay ay laban ng lahat ng mga manggagawa, kontraktwal man o hindi; at kung mapagtatagumpayan, higit na ganansya ito sa ating mga manggagawa at mamamayang nagkakaisa para sa mas mabuting kalagayan sa paggawa at kinabukasan ng ating mga pamilya.

Upang maimaksimisa rin ng mga manggagawa ang mga tagumpay, mahalaga na mag-organisa at magtatag ng mga samahan at unyon ang mga ito sa pagkakaisa para sa sahod, trabaho at karapatan; dahil sa ating nagkakaisang lakas, malakas at makabuluhan na pagbabago ang makakamit.

WAKASAN ANG KONTRAKTWALISASYON! HUSTISYA PARA SA MGA MANGGAGAWA NG KENTEX, TANDUAY AT LAHAT NG MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL!  UNYON NG MANGGAGAWA, ITAYO AT IPAGLABAN! REGULAR NA KABUHAYAN, IPAGLABAN! PANAGUTIN AT PATALSIKIN ANG REHIMENG US-AQUINO SA KRIMINAL NA KAPABAYAAN SA MANGGAGAWA!

 violator for polyeto web