On the brutal dispersal at US Embassy

PS-10192016.png

We express our utmost denunciation of the dispersal of national minority groups and supporters as they held a protest earlier at the Embassy of the United States of America.

Amid scores of injured participants, the violent dispersal led by Manila Police District Col. Marcelino Pedroso Jr. also left about 20 arrested and about 10 rushed to the hospital.

The casualties resulted from the giddy ramming of a police mobile driven by a certain PO3 Franklin Kho and successive pushes from police flanks – as the protest neared its end.

There are no words to describe the pain that our national minority groups suffer from harassment and neglect in the countryside.

For workers, the bane of the contractualization scheme remains in the workplace, affecting thousands of workers and victimizing their rights.

Oplan Bayanihan remains to encroach the rural communities, which has since dealt threats and violence upon our indigenous peoples and Moros.

We strictly condemn the fascist actions of the PNP for earlier’s dispersal. This only meant that for the powderkegs at military and police camps, and even some in the government, the real solution to conflict remains to be the silencing of dissidents and those who seek genuine change.

As we wait for further actions on President Duterte’s statements in forging an independent foreign policy, state forces remain lapdogs of the imperialist United States – a terrorist struggling to put its servant in line.

We remain in holding Col. Pedroso, PO3 Kho and all those responsible for the violent dispersal; which was clearly coming from the policemen’s side.

Meanwhile, we continue to be one with the national minorities in their struggle for a just peace and in their call for self-determination. # # #

Advertisements

Itakwil ang huwad na kasarinlan sa ‘di-malayang lipunan! Makibaka para sa tunay na demokrasya at kalayaan!

0612

Mahigit isandaang taon na ang nakalilipas nang idineklara sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng bansa mula sa mga kolonyalistang Espanyol.

Bagama’t pinanggalingan ng pagdiriwang, lingid sa kaalaman ng napakarami ang tunay na kwento sa pagkamit ng “paglaya” na ito: ang pagsuko ng ilang mga ilustrado kapalit ng ilang salapi.

Sa ganitong kaagang panahon, nasaksihan na natin ang maaring idulot ng pagtataksil kahit mismo mula sa ating mga kababayan, sa pagsisilbi nila sa interes ng kanilang uri.

Ngunit, ilang taon pa ang nagdaan nang matanaw natin na hindi tayo tunay na malaya. Sa pagpasok ng imperyalismong US sa Pilipinas, dinambong nito ang pinakamalalaking kulumpon ng mga hilaw na materyales; na ang kapalit ay walang-katapusang pagpapakasakit sa mga mamamayan.

Sa halos kalahating siglong naghari ang US sa ekonomiya, pulitika at kultura ng Pilipinas, naranasan ng mamamayang Pilipino ang pinakamararahas na pagsupil sa diwang makabayan nito. Ipinagbawal ang pagpapakita ng bandila ng Pilipinas. Nilupig ng US ang buo-buong lahi ng ating mga kababayan; ang kanilang higit na mauunlad na mga kagamitang pandigma ang pumatay sa libu-libong Pilipino. Milyon pang mga sibilyan at mga inosente ang pinaslang ng mga Amerikano, tulad sa Balangiga sa Samar at sa mga probinsya ng Mindanao!

Hindi pa sila natapos dito. Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tinali tayo ng imperyalistang US sa pamamagitan ng mga ‘di-pantay na polisiya; mula sa kalakalan, palitan ng pananalapi, at mga buo-buong polisiya. Tuta at amo na ang naging relasyon ng mga rehimen sa PIlipinas at sa US — na nagpatunay ng kawalang-kaunlaran sa kawalang-kasarinlan.

Sa larangang militar, binigyang katuparan ng ilang mga ‘di-pantay ring mga kasunduan, tulad ng Visiting Forces Agreement at ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ang nagmimistulang walang-hanggang pagbabase ng US sa bansa, na siya ring nagbigay-daan sa malawakang prostitusyon at ‘di-produktibong mga trabaho sa mga lugar malapit sa mga baseng ito.

Aniya, ito ay sanggalang sa patuloy na pananakot ng Tsina at sa parehong kawalang-respeto nito sa ating pambansang soberanya. Ngunit, ang patuloy na ugnayan sa kalakalan ng Tsina at ng US, ang pagpapatindi ng militar na lakas ng US sa Timog-Silangang Asya, at kawalan ng komitment ng US sa pagtatanggol sa Pilipinas sa pagtindi ng tunggalian sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, ang magpapatunay na hindi tunay na magliligtas ang mga pinirmahang kasunduan ng Pilipinas at ng US.

Ano ang kapalit ng lahat ng ito? Pinaglumaang armas at kagamitan ng US, nagpapatuloy na bantang dala ng mga armas nukleyar, kababaihang pinagsasamantalahan, mamamayang pinapatay! Hindi natin malilimutan ang mga kaso ni Nicole, na ginahasa ni Lance Cpl. Daniel Smith noong 2005, ang pamamaslang kay Gregan Cardeno sa Mindanao, at ang pagpatay kay Jennifer Laude ni Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton noong 2014.

Lahat ito ay sa ngalan ng panunupil ng imperyalismong US sa lahat ng mamamayan sa daigdig. Sa ating manggagawa, ito ay nangangahulugan ng papatinding paghihirap at pagpapakasakit. Dala ng imperyalismo ang pagkabansot ng ating pambansang industriya – isang sagka sa pagkamit natin ng isang sistemang panlipunang nakabubuhay sa lahat.

Dala ng imperyalismo ang paparaming polisiyang pahirap sa manggagawa at mamamayan. Naging tuntungan, halimbawa, ang US Counter-Insurgency Guide sa pagsasakatuparan ng Oplan Bayanihan ng rehimeng BS Aquino. Bukod pa, dala nito ang pandaigdigang pahirap: ang neoliberal na polisiyang nagsasapribado at nagprepresyo sa mga pampublikong serbisyo.

Sa loob ng anim na taon ng tutang rehimeng US-BS Aquino, tumindi ang kahirapan at kawalang-trabaho, na siyang dulot ng pagpapatuloy ng panghihimasok at hindi-pantay na ugnayan sa pagitan ng imperyalistang US at ng Pilipinas.

Kinukondena rin natin ang walang-humpay na pagyurak ng Tsina sa ating kasarinlan. Naninindigan tayo na dapat ay tumahak ng isang nagsasariling polisiya hinggil sa ugnayang panlabas. Sa kahit anumang bansa, hindi tayo papayag na maging dehado sa usapan – dahil tayo, ang mamamayan, ang tiyak na masasangkalan. Patuloy nating tinututulan ang anumang Charter Change sa ngalan ng dayuhang pangangapital. Walang-humpay nating kokondenahin ang anumang kasunduang alam nating hindi tayo makikinabang.

Sa loob ng panibagong administrasyon, hindi tayo mananahimik. Patuloy nating igigiit ang ating pambansang kasarinlan at ipaglalaban ang tunay na kalayaan ng bansa.

Ito ay sa pananatili sa ating tunay, militante at anti-imperyalistang katangian – na siyang nagdadala rin ng pinakakongkretong panawagan laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon.

Sa araw ng Huwad na Kalayaan, patuloy pa rin ang ating panawagan: ibagsak ang imperyalismo! Makibaka para sa pambansang demokrasya!

ATIN ANG PILIPINAS! IPAGTANGGOL ANG PAMBANSANG SOBERANYA!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!
MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA!

Workers cry for PH independence on Aquino’s last hurrahs

FILE PHOTO

As the Aquino administration comes to a close by June 30, militant workers led by the regional labor center PAMANTIK-KMU held protests today calling for genuine independence from “imperialist warmongering” from the United States.

From the Southern Tagalog region, the workers trooped to the Redemptorist Church in Baclaran, holding a vigil through the night. Various events were held, such as exhibits and cultural performances in dissent against the various attacks of the US on the Filipino people’s democratic rights and nationalist aspirations.

For the workers, the continuing encroachment of US imperialism has resulted in a “wide-scale worsening of their conditions” in their aspirations for better labor standards, said Allan Bagas, secretary-general of PAMANTIK-KMU.

“The laborers’ gripes against the rise of cheap labor arrangements, precarious work and disrespect to their basic democratic rights are essentially caused by the tightening grip for US supremacy in the Asia-Pacific region,” said Bagas.

“Contractualization and low wages are ultimately from the endless pestering of the US for cheap production costs, which are only part and parcel of the unceasing interventions of the US in our economy, politics and culture,” he added.

Bagas also mentioned other incidents of the US’ meddling in the country’s internal affairs, like its “manipulation” in the conflict between China and the Philippines, various “unequal” trade pacts between the two countries, and its “major role” in the recently-concluded national elections – where he said that the US “ultimately tried to tip the polls for their favor”.

The workers also condemned the passive subservience of the Aquino regime to the US, as they called Aquino “one of the most subservient US running dog in the country’s history” – consistently serving US interests in his six years in office.

With these calls, PAMANTIK-KMU, along with other mass organizations in the Southern Tagalog region, will be holding a program at the US Embassy in the morning. This will be followed by a protest at Aquino’s residence at Times Street by noon. # # #

Hinggil sa desisyon ng Korte Suprema sa konstitusyonalidad ng EDCA

01122016-EDCA-decisionTiyak na galit ang nararamdaman ng mga manggagawa ng Timog Katagalugan hinggil sa desisyon ng Korte Suprema na konstitusyonal ang kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa pamamagitan nito, sinususugan ng EDCA ang walang-taning na panghihimasok ng US sa balangkas ng paglipat ng atensyon nito sa rehiyong Asya-Pasipiko at sikaping buhayin ang imperyalistang pamumuno nito sa buong daigdig.

Halatang bumaluktot ang Korte Suprema sa mga kagustuhan ng rehimeng US-Aquino sa desisyong ito – sa tuwa ng amo nitong US. Mada-madali nitong ipinakita ang galak sa inilabas na desisyon ng korte, at sa ultimong pagbibigay nito ng lisensya para sa pagpapaigting pa ng mga operasyong militar ng US.

Nabigyan din ng lisensya ang ehekutibo na pumasok sa mga kasunduan kahit na walang basbas ng lehislatibo. Bukod sa mga komplikasyong maidulot nito sa hinaharap para sa iba’t ibang mga isyung pangmanggagawa at pangmamamayan, mas madali na para kay BS Aquino at sa mga susunod pang mga pangulo na ipagsangkalan ang ating pambansang soberanya sa tuta nitong pagsunod sa mga dayuhang imperyalista.

Sa pamamagitan din ng desisyong ito, muling manunumbalik ang mga pasakit na naransan ng mga manggagawa at mamamayan sa loob ng pamamamayagpag ng mga base-militar ng US – prostitusyon, pandarahas at pamamaslang. Hindi malilimutan ng mga mamamayan ang mga mala-hayop na paggahasa kay “Nicole” ni Lance Corporal Daniel Smith noong 2004, ang pagpatay kay Jennifer Laude ni Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton noong 2014, at marami pang iba.

Gamit ang mga naunang mga tratado tulad ng Visiting Forces Agreement, nakatakas sila sa kriminal na responjsibilidad at pagkakakulong – niligtas sila ng imperyalistang US. Hindi na kailanman papayag ang mga manggagawa at mamamayan na magpatuloy pa ang kawalang-hustisyang dala ng VFA at ng EDCA.

Mula nang ibinabalangkas pa lamang ito hanggang sa kasalukuyan, nananatili ang tindig ng PAMANTIK-KMU na ang EDCA ay magpapatuloy at magpapalakas lamang ng dominasyon ng imperyalistang Estados Unidos sa Pilipinas. Iigting pa ang presensya ng pwersang militar ng US, kasabwat ang iba pa nitong mga kasamaang dulot sa mamamayang Pilipino.

Kailanman ay hindi solusyon ang panghihimasok ng dayuhang bansa, kahit sa harap ng pambubusabos ng iba pang mga dayuhan, gaya ng ipinalalabas na dahilang kailangan ng bansa ang EDCA upang mailigtas sa pananakot ng Tsina, na kaparehong tinututulan ng PAMANTIK-KMU.

Ang tunay na kaligtasan sa dayuhang pananakop at pananakot ay ang paninindigan para sa pambansang soberanya nang walang impluwensya ng iba pang dayuhang imperyalista – mapa-US man o Tsina.

Sinusuportahan ng PAMANTIK-KMU ang potensyal na paghain ng motion for reconsideration hinggil sa desisyon upang panindigan ang pambansang soberanya ng bansa – at ibayo pang paiigtingin ang kampanya para sa paglansag sa dayuhang imperyalistang pandarambong at pananakop. # # #

EDCA at Cha-Cha: Lantarang Pagsalakay sa Soberanya at Kilusang Paggawa

Mahigpit na tinututulan at kinukundena ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK – KMU) ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng gobyerno ng Estados Unidos at Pilipinas. Isa itong lantarang pagbebenta sa soberanya ng Pilipinas ng rehimen ni Aquino na mas lalong magpapatindi sa paghihirap ng manggagawa at mamamayan.

Sa kabila ng katotohanang labag ito sa isinasaad sa konstitusyon ng Pilipinas, sinikap itong madaliin ni Aquino upang ipakita ang higit pa niyang pagpapakatuta sa kanyang among imperyalistang US.

Sa likod ng niratsadang EDCA, nariyan ang pagsusulong ng ilang mambabatas ng Charter Change (Cha-Cha) para pahintulutan ang mga dayuhang kapitalista na pagmay-arian nang buong-buo ang mga negosyo, lupain, pasilidad, institusyon, at pampublikong yutiliti sa bansa.

Walang ibang ihahatid ang mga makadayuhang polisiyang ito kundi ibayong pagdurusa ng mga manggagawa, tuloy-tuloy na pagdurog sa mga unyon, at pagbawi sa mga karapatan ng bawat mamamayan sa disente at regular na trabaho, nakabubuhay na sahod, at hustisyang panlipunan.

Ano ang EDCA at Cha-Cha?

Nitong nakaraang Abril 28, bumisita ang presidente ng imperyalismong US na si Barrack Obama sa Pilipinas upang pirmahan ang EDCA. Ang kasunduang ito diumano ay para sa mahigpit na tulungan ng dalawang bansa at pagmomodernisa sa Armed Forces of the Philippines.

Ibinatay ang bagong kasunduan na ito sa mga dati nang ipinasang batas ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas tulad na lamang ng Mutual Defense Treaty noong 1951 at Visiting Forces Agreement naman noong 1998. Ngunit ang bagong kasunduan ay mas masaklaw, walang taning, at sadyang mas malala sa mga naunang nabanggit na kasunduan.

Isa sa nilalaman ng EDCA ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa mga sundalong Amerikano sa Pilipinas. Gagamitin ang mga pasilidad na ito bilang base militar, ng walang tiyak na bilang at limitasyon ng papapasukin na mga sundalong Amerikano sa bansa. Dito ilulunsad ang mga aktibidad ng mga dayuhang sundalo sa pagsasanay, paglalagak ng mga kagamitan pangdigma, pag-aayos at pagmamantini ng mga sasakyan na kanilang gagamitin, komunikasyon, at iba pang pangangailangan.

Maluwag na pinayagan ng gobyerno ng Pilipinas ang paglalagak ng mga suplay at kagamitang pandigma ng US dito sa bansa na walang anumang bayad. Walang buwis na babayaran ang mga ito sa paggamit ng tubig at kuryente, libre ring ipagagamit ang radio frequencies habang naririto sila sa bansa. Sasagutin ito ng gobyerno ng Pilipinas, at tiyak na kukunin ito sa buwis ng mamamayan lalo na sa mga manggagawa.

Bahagi ng kabuuang plano ng imperyalismong US sa ibayong pagpiga ng tubo mula sa mga manggagawa ang paglalagak nito ng mga sundalo sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asya-Pasipiko. Dahil nakararanas pa rin ng matinding krisis pinansyal ang US, kailangan nitong humanap ng mga pamamaraan upang pilit na iahon ang kanyang ekonomiya. Kung kaya, kasabay ng pagpapatupad ng EDCA, minamadali ang pagpapatupad ng Cha-Cha para sa ibayong pagkita ng US mula sa bansa.

Isa si Cong. Belmonte sa nagpipilit na maisulong ang Cha-Cha. Nitong Mayo 2014, naipasa ito sa House Committee on Constitutional Amendments pagkatapos pa lamang ng apat na hearing. Naihain na rin ito ni Sen. Recto sa senado noong Pebrero.

Pag-atake sa Kilusang Paggawa

Walang ibang maidudulot para sa mamamayan ang panukalang ito. Lalo na sa hanay ng manggagawa dahil magbibigay daan lamang ito sa mas marami at mas malalim pang implementasyon ng mga anti-manggagawang polisiya.

Sa panahong hindi pa man ito naipatutupad, sunud-sunod na ang pag-atake sa kilusang paggawa. Sa pagpasok pa lamang ng 2014, tatlong malalaking pagawaan sa Timog Katagalugan ang nagkaroon ng iligal na tanggalan at pagsasara.

Nauna ang ang Carina Apparel, Inc. sa Binan Laguna, isang malaking garments factory, na kilala sa paggawa ng mga mamahaling lingerie katulad ng Victoria Secret, Marks & Spencer, at marami pang iba pa. Kumikita ng P18M sa loob lamang ng isang araw ang nasabing kumpanya. Nagsara ang Carina noong Pebrero 14 at mahigit 3,600 manggagawa ang nawalan ng trabaho. Tahasang tinalikuran ng kapitalistang Carina ang pakikipagnegosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) sa unyon ng manggagawa, na nakatakdang magsimula noong Pebrero 15, isang araw matapos ang pagsasara.

Sa bisperas ng Mayo Uno, nagsara ang pagawaan ng Hoya Glass Disk sa First Philippine Industrial Park sa Batangas. Mahigit 2600 manggagawa ang nawalan ng trabaho, anim na araw makalipas magparehistro ng unyon ang mga ito. Katulad ng nangyari sa Carina, wala man lang prior notice na ibinigay sa mga manggagawa ang kapitalistang Hoya na magsasara na ang pagawaan.

Nitong Mayo 5, tinanggal ang 24 na lider-unyon sa NXP Semiconductors Inc. dahil hindi pumasok ang karamihan ng manggagawa noong Abril 9, 17, 18, at May 1—mga pista-upisyal na idineklara ng gobyerno, na kinikilala mismo sa umiiral na CBA ng unyon at kapitalista. Kasalukuyan noong nakikipagnegosasyon para sa CBA ang unyon, na matinding binabarat ng kapitalistang NXP.

Kapag ipinasa ang Cha-Cha, mas madali na para sa mga kapitalista ang pagdurog sa mga unyon upang takasan ang pananagutan sa mga ito, lalo na sa panahong nakikipagtawaran sila sa usapin ng dagdag na sahod at benipisyo. Mas magiging masahol din ang kalagayan ng paggawa sa bansa dahil sa pleksibilisasyon sa trabaho, talamak na kontraktwalisasyon, murang lakas paggawa, at kawalan ng restriksyon sa dayuhang pamumuhunan na syang pangunahing nilalaman ng Cha-Cha.

Tiyak, higit na titindi ang pasismong mararanasan ng mga nakikibakang mangagagawa dahil sa presensya ng pwersang militar ng US. Pinatunayan ng kasaysayan na pangunahing lumalabag sa karapatang pantao ang mga sundalong Amerikano sa nagdaang ilang taong pamamalagi nito sa bansa.

Labanan ang EDCA at Cha-Cha

Kailangang palakasin ng manggagawa ang paglaban sa patuloy na panghihimasok ng imperyalistang US, hindi lamang sa loob ng mga pagawaan para sa dagdag na sahod at benepisyo. Kailangang lumabas sa mga pabrika at engklabo at itambol ang mga panawagan sa pagpapaalis sa mga tropang Amerikano, ilantad ang pagiging sukdulang tuta ng rehimeng Aquino, at patalsikin na ito sa kaniyang pwesto. Taksil si Aquino at wala nang puwang para sa kanya ang mamamayang matagal nang nagdurusa sa ilalim ng isang papet, korap, pahirap, at pasistang gobyerno.

Kung kaya naman, ito na ang panahon upang ilunsad ng manggagawa ang isang mataas na antas ng pakikibaka para sa tuluyang pagpapabagsak sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo. Paigtingin ang pambansa–demokratikong pakikibaka, ibagsak ang sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal na pinaghaharian ng burgesya nang sa gayon, maitayo ang isang lipunang patatakbuhin ng at magsisilbi sa mga manggagawa at mamamayan—ang Sosyalismo.

SUMAMA SA PAGKILOS SA MAYO 27 laban sa EDCA, Cha-cha, at Union Busting sa Timog Katagalugan!
Kitaan sa Philsteel picketline, 6am

Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!
Noynoy Aquino, papet, pahirap, korap, at pasista, PATALSIKIN NA!

May27 Poster

Imperyalismong Amerikano: Ugat ng pagdurusa ng manggagawang Pilipino

Hindi maituturing na kaibigan ng mamamayang Pilipino ang US. Makalipas ang 67 taon mula nang ideklara ang “pagkakaibigan ng US at Pilipinas”, nananatili ang mga di-pantay na kasunduan, pandarambong ng US sa likas-yaman, paghuthot sa murang lakas-paggawa, at pagbuhos ng pwersa ng mga sundalong Amerikano sa bansa. Bilang ugat ng kahirapan ng manggagawa at mamamayan, kailangang pamunuan ng mga manggagawa ang pagwawakas sa kontrol at pagnanakaw ng imperyalismong US sa yaman at kalayaan ng mamamayang Pilipino.

Taliwas sa sinasabi ng mga libro, hindi ipinagtanggol ng US ang Pilipinas mula sa mga Kastila. Ipinagbili ng nahuhuli ang bansang pinangalanan nilang “Las Islas Filipinas” sa US sa halagang $20 milyon. Naipormal ang pagpapasa ng Pilipinas bilang kolonya ng US matapos na lihim na pirmahan ng gobyerno ng Espanya at Amerika ang Treaty of Paris noong December 10, 1898.

Mula noon, namuhunan ang malalaking kumpanyang Amerikano sa mga panimulang industriyang semi-processing sa Pilipinas. Pinalago nila ang kanilang mga kumpanya na noo’y nakakaranas ng matinding krisis dulot ng sobrang produksyon sa kanilang bansa. Sinamantala nila ang kawalan ng lupa ng malawak na masang magsasaka sa kanayunan at lumikha ng trabahong may mababang pasahod at mahabang oras ng paggawa.

Walang ibang idinulot ang paghahari ng imperyalismong US sa Pilipinas kundi krisis at sigalot sa hanay ng manggagawa at mamamayan. Sa mga sumunod na taon, lumakas ang kilusang paggawa at pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang paglaya. Napagtanto ng imperyalismong US na hindi na nila kayang panatilihin ang tuwirang paghahari sa bansa. Idineklara ang huwad na kalayaan ng bansa noong 1946, na kalauna’y tinawag na “Filipino-American Friendship Day”.

Ngunit para sa manggagawang Pilipino, hindi pagkakaibigang maituturing ang relasyon ng dalawang bansa. Hanggang sa kasalukuyan, tuluy-tuloy na nakakapagdikta ang US sa rehimeng Aquino ng mga neo-liberal na patakarang nagiging sanhi ng tuluyang pagdausdos ng kabuhayan ng mamamayan.

Ipinatupad ang Two Tiered Wage Scheme (Department Order 15-IVA) sa Timog Katagalugan. Imbes na dinggin ang mahigit-dekadang panawagan para sa P125 dagdag-sahod, lalo pang pinababa ang minimum wage sa rehiyon patungong P255/araw na floor wage.

Pinalaganap ang kontraktwalisasyon. Karaniwan na ngayon ang salitang endo, matapos ang 1 hanggang 20 taong trabaho ng mga manggagawang kontraktwal na walang natatanggap na benepisyo, at walang karapatang mag-unyon. Bagama’t labag sa Batas Paggawa, malayang ipinatutupad ng mga kapitalista ang labor-only contracting sa malalaking kumpanya tulad ng Toyota, Takata, Aichi Forging, EMI Yazaki, Hoya Glassdisk, Epson, Carina, Asia Brewery, NXP, Nestle, Coca Cola, Philippine Auto Components, Alaska, at marami pang iba. Itinatago ito sa iba’t ibang katawagan tulad ng OJT, interns, agency workers, cooperative, at iba pa.

Sa utos ng IMF-World Bank (na kontrolado ng US), ipinatutupad ang malawak na pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo at institusyon. Itinutulak ng Public-Private Partnership Program ang pagpapatakbo sa mga ito (tulad ng pabahay, ospital, eskwelahan, kuryente, at patubig) bilang mga negosyo. Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi na magkasya ang sahod ng manggagawang Pilipino sa pang-araw-araw na gastusin.

Upang pilit na patahimikin ang mga manggagawa at pigilan ang pagkakaisa para sa kanilang mga batayang karapatan, inuutos ng diumano’y “programang kontra-terorismo” ng imperyalismong US ang pagpapatupad ng Oplan Bayanihan. Ito ang nagpapalaganap ng teror o pananakot sa hanay ng mamamayan at manggagawang naglalayon ng kalayaan mula sa pagpapahirap ng mga dayuhang kapitalista at mga lokal na kasabwat nito.

Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, ipinatutupad sa rehiyong Timog Katagalugan ang Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment (TIPC MOC) na pinirmahan ng DoLE, PNP, AFP, at mga dilawang pederasyon ng manggagawa. Pinapayagan ang direktang panghihimasok ng mga kapulisan at militar sa tuwing mayroong labor dispute sa mga pagawaan.

Nilalabag nito ang Internasyunal na Makataong Batas na nagbabawal sa pagkakampo ng mga militar sa mga lugar kung saan may sibilyan na populasyon. Laganap naman sa mga englabong industriyal sa rehiyon ang No Union, No Strike policy—bagay na sumasagka at bumabali sa batayang karapatan ng manggagawa sa asosasyon at mag-organisa para sa kanilang karapatan sa sahod at trabaho.

Habang nananatili ang pangangayupapa ng papet na gobyerno sa imperyalismong US, hindi magbabago ang pangkabuuang kalagayan ng manggagawa at mamamayang Pilipino. Kinakailangang pangahasan ng mga manggagawa ang pagtatayo ng kanilang mga anti-imperyalistang unyon at itransporma ang kanilang pakikibaka mula sa paglalayon ng mga pang-ekonomyang benepisyo tungo sa mas mataas na pampulitikang pagbabago sa bansa.

Tanging sa pagpapabagsak sa imperyalismo at mga lokal na papet nito, pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa sa kanayunan, at pagkakaroon ng mga batayang industriya sa bansa makakaranas ng kaginhawahan ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino.

LABANAN ang mga neoliberal na patakaran ng rehimeng US-Aquino!

 

Imperyalismo, IBAGSAK!

 

ISULONG ang pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa!

 

Uring manggagawa, HUKBONG MAPAGPALAYA!