Suportahan ang welga ng manggagawa sa MCC-MSI!

20160506_105207.jpg

Muli na namang nagtatangka ang kapitalistang nagmamay-ari ng Manila Cordage Company (MCC) at Manco Synthetics, Incorporated (MSI) na buwagin ang mga manggagawang nakawelga. Ngayong umaga ay marahas na dispersal ang sumalubong sa mga manggagawa na nananatiling matatag sa loob ng planta at pinananatiling paralisado ang produksyon.

Matagal ng naglabas ng desisyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pabor sa mga nakawelga. Inuutusan ng DOLE ang kapitalistang MCC at MSI na ibalik sa trabaho at gawing regular ang mga manggagawang kontraktwal na walong buwan ng nakawelga. Nais ng kapitalista na palayasin ang mga welgista upang muli itong makapag-operate at kumita ng higanteng tubo habang hindi tinutugunan ang responsibilidad nito sa mga manggagawa.

Makatarungan ang welga ng mga manggagawa sa MCC at MSI dahil ito ay laban sa laganap na kontraktwalisasyon. Maraming taon ng binabarat ng kapitalista ang sahod ng mga manggagawa habang walang natatanggap na benepisyo. Kapalit ng murang lakas-paggawa ang milyon-milyong tubo na nagpapataba sa mga kapitalista habang ang mga kontraktwal ay tinatanggalan ng karapatang mabuhay ng disente at may dignidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagpahayag din laban sa kontraktwalisasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nararapat na suportahan nating lahat ang welga sa MCC at MSI at iba pang welga at protesta na laban sa kontraktwalisasyon. Ang ating pagsuporta ay pakikiisa sa pahayag ni Pangulong Duterte na wakasan ang kontraktwalisasyon. Higit sa lahat, ang ating pagsuporta ay pakikiisa sa matagal ng laban ng uring manggagawa na magkaroon ng kaseguruhan sa at regular na hanapbuhay ang mamamayang Pilipino.

Mahaba na ang panahong nakawelga ang mga manggagawa sa MCC at MSI at kailangan nating tiyakin na maipapatupad ang desisyon ng DOLE. Kailangang maipagtagumpay ng lubusan ang welga dahil barat na sahod, kawalan ng benepisyo, hindi makataong kondisyon sa paggawa, at iba pang porma ng pagsasamantala pa din ang mararanasan ng mga manggagawa kapag nagpalipat-lipat ng pagawaan. Paulit-ulit na pahihirapan ang mga manggagawang kontraktwal kung ang mga welga at protesta laban sa kontraktwalisasyon sa kasalukuyan ay hindi natin lubusang maipagtatagumpay.

Ano ang mga maaari nating gawin para sa mga nakawelgang kontraktwal sa MCC at MSI?

Sa partikular:

  • Sumama sa mga kilos-protesta at programa sa harap ng Carmelray Industrial Park I
  • Magbigay ng suportang pinansyal at materyal gaya ng pagkain, tubig, gamot, atbp.
  • Sumama sa mga patawag na vigil at integrasyon sa mga welgista sa loob ng planta
  • Palaganapin ang babasahing ito at mag-post sa social media gaya ng Facebook

Sa pangkalahatan:

  • Sumama sa mga pagkilos sa DOLE upang itulak ang ahensya na magkaroon ng pangil sa pagpapatupad ng mga desisyon nitong pabor sa mga welgista
  • Sumama sa mga pagkilos para igiit sa DOLE ang paglalabas ng department order na ipagbawal na ang kontraktwal na paggawa
  • Sumama sa mga pagkilos upang ipanawagan kay Pangulong Duterte ang paglalabas ng executive order na tutupad sa kanyang pahayag na wakasan ang kontraktwalisasyon

Para sa mga suporta at iba pang paraan ng pakikiisa, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na Facebook accounts: Olalia Kmu at Pamantik Kmu. Makakamit natin ang mga makabuluhang tagumpay sa patuloy na pagpapalakas ng ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos!

Advertisements

Workers on strike attacked by security agents

At least 60 fully-armed security guards tried to seize control of a factory complex from workers on strike yesterday afternoon, injuring one worker from a hurled rock.

This happened more than four months after the workers of Manila Cordage Company (MCC) and Manco Synthetic Inc. (MSI) locked up the factory premises and commenced their strike.

By 2 in the afternoon, the security guards stormed the Carmelray Industrial Park I (CIP I) in Calamba, Laguna. The guards, suspected to be in the payroll of the owners of MCC and MSI, came from Longinus Security Agency, Rapid Security Agency and Papsi Security Agency.

As the guards arrived at the factory gates, they trained their guns and threw rocks at the workers. Porpirio Milaya, one of the workers inside the factory, was hit by a stone in the right side of his head, wounding his lip.

Meanwhile, the workers stood their ground and called for support from fellow workers from other factories. Talks were then opened with the Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture-Kilusang Mayo Uno (OLALIA-KMU), the federation of MCC and MSI workers; the National Conciliation and Mediation Board of the Department of Labor and Employment (NCMB-DOLE), CIP I management, PNP, and the chief of the security agency hired by MCC-MSI.

The chief, who did not identify himself, refused to sign the agreement removing them from the industrial park, since there was no order to disperse from the labor department. By nightfall, the guards left the industrial park grounds, as the workers’ vigil stood at the park gates; expecting another return from the hired hands.

The militant regional labor center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-KMU (Pamantik-KMU) condemned these desperate efforts by the capitalists of MCC and MSI.

“By using proxies such as fully-armed goons and security guards, the capitalists send a message: they will give nothing to the workers. The workers, however, have remained united in their worthy cause. Contractualization remains the menace for many workers in the country,” said Allan Bagas, secretary-general of PAMANTIK.

Meanwhile, MCC and MSI management has seldom showed up for conciliation meetings mediated by the labor department. Another hearing has been set at September 21 by the NCMB.

The workers are currently denied access to food and support by industrial park security, prompting the former to call for more help to workers and supporters. # # #

LIGA ng Manggagawa: On SIDC’s spin on the feedmill strike

 

We condemn the incessant lies the management of Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) propagates regarding the current labor strike by contractuals in Batangas, who work at a feedmill they obviously own.

The claim that the strike is a labor dispute between the casuals and the DCMM Agency has been the usual press release of principals that want to escape conviction from religiously practicing labor-only contracting schemes. We do not forget the same lies from the mouth of Tanduay representatives, when they said the same last year.

Meanwhile, SIDC’s stand has stalled negotiations yet again yesterday, as they remain stubborn against granting the requests of the workers. For two days now, SIDC representatives have constantly told workers to reapply as SIDC workers, or be regular employees in DCMM Agency.

To intensify the perjury, SIDC told ABS-CBN Southern Tagalog in a statement yesterday that it “has contract with DCMM, a legitimate manpower agency” (italics ours); yet cannot present proof of registration to representatives of the Department of Labor and Employment (DoLE) last July 11 and 12.

The workers of SIDC know that DCMM Agency is a notorious labor-only contractor, violating the standards of DoLE Department Order 18-A for such agencies. To prove it, we ask these: does DCMM Agency own the machines and products? Do they own the factory the contractuals toil in every day?

The answer to both questions: no. Therefore, the strike – and not the picket, as the SIDC public relations claim – has all the reasons to continue. The workers do not recognize the agency anyway; they know it is illegal.

All calls and redress to the contractual workers now on strike in Batangas City is rightfully addressed to the true employers – the SIDC.

More so, it should not be concerned for its “innocent members/owner’s (sic) being affected” due to the strike. For what, then, is the purpose of the Board of Directors present on dialogues with the DoLE?

On the other hand, it should be worried that more and more people know that SIDC is a fake cooperative and that it does not care about the welfare of its workers.

As SIDC and its AGAP Partylist prates to “bring food to people’s tables”, it does the opposite to the workers in its factories. # # #

Regularisasyon, nananatiling hiling sa ikalawang araw ng welga sa SIDC

Tumungtong ang mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa ikalawang araw nito sa welga. Tinatantyang milyon-milyon na ang nawalang kita ng SIDC sa paghaharang sa mga iluluwas na mga imported goods mula sa pabrika dahil sa welga.

Noong hapon, dumating ang Director ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A, si Director Orihuela, sa piketlayn ng mga manggagawa sa SIDC sa layong mapagharap ang dalawang panig. Nailantad ng mga manggagawa ang kanilang karanasan sa loob ng pagawaan. Pinasinungalingan din ng mga manggagawa ang mga pahayag ni Macario Macalalad, may-ari ng DCMM Agency na nag-empleyo sa mga kargador at iba pang manggagawa ng SIDC.

Matapos ang halos isang oras na negosasyon, nanatiling walang resolusyon para sa mga manggagawa ng SIDC. Hindi pumayag ang SIDC at ang DCMM Agency sa limang kahilingan ng mga manggagawa: ang regularisasyon; pagbabalik sa mga iligal na tinanggal; pagbabalik sa mga kinaltas sa suweldo; pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth at Pag-ibig; at pagkilala sa kanilang organisasyon.

Napag-usapan din ang legalidad ng DCMM Agency sa pageempleyo ng manggagawa. Noong dayalog, walang naipakitang papeles si Macalalad na rehistrado o otorisado pa ang DCMM Agency.

Samantala, iginiit din ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hindi dapat makalapit ang mga pulis sa piketlayn. Nagmula ito sa ilang mga kaso ng pagdalaw ng mga pulis sa lugar, na may dala ring mga baril. (Pictures included.)

Naitakda ang susunod na dayalog bukas, ika-13 ng Hulyo, sa piketlayn. Ngunit maari pa ring tumulak na sa muling negosasyon ang mga manggagawa ng SIDC at ang may-ari ng SIDC.

“Makatwiran at makatarungan ang desisyon ng mga manggagawa na itindig ang welga kahapon. Naninikluhod ngayon ang kapitalista at may-ari ng DCMM Agency upang makipag-usap sa mga manggagawa at makinig sa kanilang mga hiling,” ani Allan Bagas, pangkalahatang kalihim ng PAMANTIK-KMU. Sumusuporta ang PAMANTIK-KMU sa welga ng mga manggagawa ng SIDC.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan ang tinatagong pandarahas ng kapitalista upang mailabas at makamal ang tubong pinipiga niya mula sa mga manggagawa.

Ani Bagas, “nananatiling militante ang mga manggagawa at ang tanging solusyon lamang sa usaping ito ay ipatupad at ibigay ang lahat ng hinaing ng mga manggagawa.” # # #

Steel pump workers camp for regularization, new CBA

 

 

May-31-Ebara.png

Employees of a stainless steel pump factory in Cabuyao, Laguna assembled a protest camp yesterday morning, calling for regularization, living wages and sufficient benefits.

At around 5:30 in the morning last May 30, contractual workers from the Ebara Pumps Philippines, Inc. built the picket near the factory gate. Ebara Pumps, which was formerly known as Ebara Benguet, Inc., is a factory of stainless steel pumps which traces its roots to Ebara Corporation in Japan.

They followed this with a symposium, or a short program at the picket line by 4 in the afternoon.

The protest camp is the latest in what seems to be a string of dissent among contractual workers in the Southern Tagalog region, following the now-one-year strike in Tanduay Distillers, Inc., and the workers’ strike in Manila Cordage Company and Manco Synthetic, which sparked last May 4.

The workers cried foul mainly on stalled talks between them and the company owners. While the company and the workers have agreed upon 7 Collective Bargaining Agreements in the past, no resolution has still been made after 17 plant-level negotiations and 9 mediated negotiations.

“While we remain to uphold our rights for living and sustainable jobs, the capitalists in Ebara have yet to move out of their lust for sustainable superprofits. (Ebara president Hideyuki) Kuwajima’s treatment to us makes his bargaining in bad faith,” said Remigio Poblete, Union President of the Ebara Benguet Inc. Employees’ Union-OLALIA-KMU (EBIEU-OLALIA-KMU).

Workers have also reported that the company, headed by Mr. Hideyuki Kuwajima, backtracked on agreements and resolutions that were agreed upon before.

This has pushed both regularized and casual workers to call for a strike in defense of their rights for better working conditions, sufficient benefits and living wages; resulting to a majority vote for a strike and an eventual notice of strike, which was filed by EBIEU.

Besides the main issue of major contractual employment in the factory, the laborers also complained over the harsh treatment they constantly faced from company management.

Among various cases of being away without official leave (AWOL), the workers were forced to increase production, as the company cut off waiting time from 15 minutes to ten. The workers also recalled an incident where one of them was dragged by security because of smoking inside the factory premises; an action that “was out of line and uncalled for”, said Poblete.

“The strike will be imminent as long as the capitalists remain stiff on their anti-worker positions,” Poblete added; warning that they “will never back down from any fight which puts the welfare of the workers on the line”. # # #

Manggagawang kontraktwal ng Meralco (MIESCOR), walang liwanag ang buhay!

“May liwanag ang buhay” – ito ang pangakong dala sa atin ng Meralco, sa kanilang pagdadala ng kuryente sa ating mga kabahayan.

Ngunit, tulad ng mga panaka-nakang brownout, baon din sa napakong mga pangako at dilim ng buhay ang mga manggagawang kontraktwal sa Meralco!

Ilang taon nang nagdurusa ang mga manggagawa ng Meralco Industrial Engineering Services Corporation (MIESCOR), isang subsidiary ng MERALCO sa Sto. Tomas, Batangas, sa napakababang sahod, kawalan ng benepisyo at iba pang mga dinaranas na hirap ng mga manggagawang kontraktwal sa ating bansa.

Dahil dito, nagtayo na ng unyon ang MIESCOR: ang Bisig, Ilaw at Gabay ng Manggagawa sa MIESCOR. Sa gabay ng tunay, militante at anti-imperyalistang unyonismo, nagsagawa na ng piket-protesta ang mga manggagawa ng MIESCOR. Ang kanilang nais: ibigay ang tamang sahod, benepisyo at karapatan – regularisasyon para sa kanilang mga manggagawa!

Upang maunawaan ang isinasagawa ngayong piket ng mga manggagawa ng MIESCOR, kailangan nating malaman kung ano ang dahilan ng kanilang pagkakaisa at pagkilos:

  • Labimpitong taon nang kontraktwal ang mga manggagawa ng MIESCOR.
  • Muli silang pinapipirma ng panibagong kontrata, na hindi magbibigay ng separation pay.
  • Nakasaad sa Labor Code ng bansa ang regularisasyon matapos ang 6 buwan.

Ang piket ay ikaapat nang beses nilang pagsubok sa paglabas ng kanilang mga hinaing. Sa pagkakataong ito, hindi na nila papayagang maharangan pa ng pananakot at karahasan ng management ng MIESCOR. Nasa mga manggagawa ng MIESCOR na ang lahat ng dahilan upang magprotesta at panindigan ang regularisasyon at marangal na hanapbuhay.

Ang patuloy na pagkait sa kanila ng nararapat nilang matamasang nakabubuhay na sahod, benepisyo at karapatang mabuhay ay hindi kailanman papayagan nating mga manggagawa! Sinundan na ng mga yapak ng mga manggagawa ng MIESCOR ang mga naunang pagtindig ng mga manggagawa ng La Tondeña, Nestle, Philsteel, Coca-cola, Tanduay at Karzai – na, katulad ng iba pang mga welga sa kasaysayan ng bansa, ay nagpapatunay lamang na walang kaginhawaan para sa manggagawa sa ilalim ng isang mapaniil at sinungaling na sistema.

Ang ipinutok na laban ng mga manggagawa ng MIESCOR ay isang panawagan na para sa mga manggagawang kontraktwal upang itaguyod ang sahod, trabaho at karapatan; itayo ang unyon ng manggagawa sa bawat pabrika, at manindigan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Gaya ng mga naunang nabanggit na mga welgang manggagawa, kailangan ng mga manggagawa ng MIESCOR ng malawak na suporta mula sa iba’t ibang unyon at sektor ng ating lipunan.

Kaya, magkaisa at manawagan:

SUPORTAHAN ANG MGA MANGGAGAWA NG MIESCOR – STO. TOMAS, BATANGAS!
IBIGAY ANG TAMANG SAHOD, BENEPISYO AT KARAPATAN!

Magkaisa at ipanawagan: P2,000 across-the-board pension hike, ngayon na!

Maugong ang balita nitong linggo: hinadlangan, o vineto ni BS Aquino ang panukalang-batas ng P2,000 pagtaas ng pensyon sa SSS, na ipinasa ni Rep. Neri Colmenares.

Napakaliit na ngang umento sa pensyon, hindi pa ipinagkaloob ni Aquino. Mas pinangatwiranan pa niya ang milyong pisong natatanggap ng pamunuan ng SSS! May pera para sa mga kaibigan at kabarilan, ngunit wala para sa mamamayan!

Labis na nagsisinungaling si Aquino: napatunayang hinding-hindi malulugi ang SSS sa dagdag-pensyon!

SSS polyeto figures.png

Mayroon pang P428 bilyon/taon ang SSS para sa reserbang maaring gamitin sa pamumuhunan! Kayang-kaya talaga ng SSS ang umento sa pensyon, ngunit ayaw lamang nito ibigay sa mga tunay na nangangailangan. Marami pang mga pag-aaral ang magpapatunay nito, na hindi masagot nila BS Aquino.

May mga iba’t ibang paraan pa upang makamit ang dagdag-pensyon, at para hindi agad malugi ang SSS. Igiit natin ang:

  • Pagpapataas ng nakukuhang koleksyon ng SSS mula sa mga miyembro. Napakababa ng 38% tantos ng koleksyon nito!
  • Parusahan ang mga kapitalistang hindi nagbibigay ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado!
  • Gawing regular ang mga kontraktwal na manggagawa. Lalong tataas ang makokolekta nito, at masisigurado ang kinabukasan nila pagtanda.
  • Itigil na ang pagbibigay ng milyun-milyong bonus para sa pamunuan ng SSS. Ayon sa datos, halos P3 milyon ang nakukuha ng bawat isa sa kanila, noong 2014 lang!
  • Gawing matipid at episyente ang pamamalakad sa SSS.

Kayang-kaya nating igiit ito mula Kongreso, upang baligtarin ang pagbasura ni BS Aquino sa panukalang-batas; maging kulitin mismo siya upang baguhin ang kanyang desisyon! Nakita na natin ang magagawa ng ating pagkakaisa.

Paingayin pa natin sa iba’t ibang paraan ang ating mga panawagan!

  • Ibahagi sa mga pagtitipon ng mga pensioners at senior citizens ang panawagan. Huwag kalimutang itala at ilabas sa anumang paraan.
  • Sumama sa mga nakatakdang protesta at aktibidad para sa pagtataguyod nito.

SSS PENSION HIKE, NGAYON NA!
MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL, GAWING REGULAR!
SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!

Veto sa SSS Pension bill, nagpapakita ng tunay na mukha ng anti-mamamayang Daang Matuwid

01142016-SSS-Pension-Hike-veto

Mariing kinukondena ng rehiyonal na sentrong unyon sa Timog Katagalugan, ang PAMANTIK-KMU, ang pagbasura ni BS Aquino sa SSS Pension Hike Bill, o House Bill 5842.

Nilayon sana nitong taasan ang natatanggap na buwanang pension ng mga benepisyaryo ng Social Security Service ng P2,000, across-the-board upang makaangkop para sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa nagdaang 19 taon, kung kalian huling itinaas ang halaga ng natatanggap na pension.

Naihapag na ng may-akda ng panukalang-batas, si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ang mga puntong ibinabato ng pamunuan ng SSS at ng administrasyong Aquino kontra sa pagtaas ng pension. Ang pagbasura ni Aquino sa panukalang-batas ay nagpapatunay lamang ng kawalang-pakialam nito sa mamamayan at pagsunod ng rehimen sa balangkas ng neoliberal na sistemang ekonomiko – na layong pabayaan na ang mamamayan.

Ang mga ibinabandera nitong mga programang tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Bottom-Up Budgeting ay napatunayan lamang na mga pekeng programa. Umaapaw na ang mga pruweba ng korapsyon at pandarambong mula sa mga programang ito – at nagmumula rin sa tradisyon ng patronaheng dala ng sistemang pork barrel.

Tunay ngang walang malasakit at nagsisinungaling ang rehimeng BS Aquino at ang pinalalaganap nitong Daang Matuwid – ito ay Daang Nagpapahirap para sa napakaraming matatandang manggagawa at mamamayan.

Ipinagkait ni Aquino sa kanila ang dagdag-tulong sa kanilang mga pangangailangan.

Hindi na nga pinigilan ni BS Aquino ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo pa nitong pinahirapan ang humigit-kumulang 31 milyong miyembro ng SSS. Bukod pa, sa kabila ng milyun-milyong natatanggap ng pamunuan ng SSS, kakarampot naman ang naibabalik sa mga miyembro nito na masinop na nagbibigay ng kontribusyon.

Wala nang seguridad sa pagtanda ang ating mga manggagawa at empleyado sa pribadong mga korporasyon, na siya na ngang biktima ng napakaraming mga pakana ng rehimeng BS Aquino at ng mga kapitalista.

Hindi na nakaaayon ang SSS sa sinumpaan nitong mandato: ang magdala ng hustisyang panlipunan para sa mamamayan. Ang pagbasura ni BS Aquino sa panukalang-batas ng pagtaas ng pension ay siya lamang nagsesemento sa tunay na mukha ng Daang Matuwid: pahirap, sinungaling, at nakamamatay.

Dahil dito, lalo nang darami ang tututol sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid at maninindigan para sa maayos na serbisyong panlipunan.# # #

Manggagawa, labanan ang atake sa ating sahod, trabaho at karapatan! Kondenahin at bigwasan ang delubyo sa marangal na hanapbuhay!

Gugunitain natin sa ika-10 ng Disyembre ang Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao – isang araw hindi lamang para ipaalala ang ating mga batayang karapatan sa lahat ng aspeto ng ating buhay; kundi pagkondena sa matinding paglapastangan sa karapatang pantao ng rehimeng US-BS Aquino.

Tulad ng kahit anumang batayang karapatan, karapatan natin ang magkaroon ng regular, makatarungan, makabuluhan at marangal na hanapbuhay.

Sa anim na taon ng rehimeng Aquino, patuloy na lamang niyang ipinagkait sa atin ang karapatang ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-atake sa ating sahod at trabaho: parehong sa pamamagitan ng pagpako sa mababang pasahod at sa panunupil sa mga karapatan ng mga manggagawa.

 

Walang-humpay na karahasan sa mga manggagawa at mamamayan:
Paglapastangan ng rehimen sa sahod, trabaho at karapatan

Ngayong taon, hindi nagpahinga ang mga kasapakat ng estado upang mapatahimik ang panawagan ng mga manggagawa para sa kanilang mga karapatan.

Libu-libong mga manggagawa ang nagkakaisa ngayon, regular man o kontraktwal, at nagsasagawa ng kabi-kabilang mga aksyon upang ipako ang kanilang paninindigan sa mga kapitalista. Naging tanglaw nila manggagawa ang mahigpit nilang paghawak sa kanilang mga prinsipyo’t hangarin ng isang makabuluhang hanapbuhay.

Sinalubong ng mga bato at bubog ng mga bote ang mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay at Karzai, kasama ang malusak na tubig. Ito ang sagot ni Lucio Tan at ng kapitalista ng Karzai sa lakas ng manggagawang nagkakaisa laban sa kontraktwalisasyon.

Daan-daang mga manggagawa, kasama ang kanilang mga tagasuporta, ang nasaktan at nasugatan sa humigit-kumulang na sampung beses na pagsasagawa ng programa papalapit sa Asia Brewery complex, bitbit ang mga panawagang ibalik at iregularisa ang mga manggagawa ng Tanduay.

Tulad ng mga mananakop, sinalakay din ng mga bayarang goons ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines, si Noel Coballes, ang piketlayn ng mga manggagawa ng Tanduay. Ito rin ang sagot ng kapitalista ng Karzai matapos patraydor na baliin nito ang kasunduan nito sa mga manggagawa.

Humarap din sa kaparehong mga pananakot ang mga manggagawa ng Sagara Metro Plastic, Manila Cordage Company at Manco Synthetic Inc.

 

Kapitalista at estado, sama-sama sa abuso!

Hindi na ito bago para sa libu-libong manggagawang iligal na tinatanggal sa kanilang trabaho, sa anu-anong mga dahilan.

Hindi na natin malilimutan pati ang pagsasawalang-bahala ng lokal na pamahalaan ng Cabuyao at ang kaparehong pananakit ng mga kapulisan ng Cabuyao, sa pamumuno ni Joseph Bayan. Makailang beses hinarang at hindi pinayagang makapagpahayag ng kanilang disgusto at panawagan ang mga manggagawa sa lokal na pamahalaan. Hindi rin natin malilimutan ang pagputok ng baril at tangkang pagbangga ng police mobile sa mga manggagawa at mga tagasuporta.

Ito ay bunga na rin ng sangkatutak na mga polisiya ng rehimeng BS Aquino, tulad ng mga pagbabawal sa mga welga sa ilang mga engklabo at exclusive economic zones, at ang pagpapairal ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC).

Ayon sa TIPC-MOC, maaring manghimasok sa mga usapin ng labor dispute ang mga elemento ng military at kapulisan – dahilan para lalo pang tumindi ang tensyon at karahasang nararanasan ng mga manggagawa. Makailang beses nang naranasan ng mga manggagawa ito – sa piketlayn man o kasama ang iba’t ibang mga sector, pare-parehong palo ng batuta at matinding dispersal ang sagot ng estado.

Bukod pa rito ang tahasang pananakot, pagbabanta at maging pagkakawala at pagpatay sa mga manggagawa. Mahigit dalawang taon nang nawawala si Benjamen Villeno, dating pangulo ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Honda Cars Philippines at tagapangulo ng PAMANTIK-KMU.

Nitong Marso lamang, pinagbabaril hanggang mamatay si Florencio “Ka Bong” Romano, edukador at organisador ng mga manggagawa sa Batangas: na hinihinalang pinatay ng mga elemento ng Philippine Air Force sa probinsya.

Nitong Agosto, iligal na inaresto si Ernesto Lorenzo, na kinikilalang tagapayo ng mga manggagawa at kasalukuyang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines. Hindi pinansin ng mga elemento ng kapulisan ang kanyang immunity sa loob ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) nang siya’y hulihin. Kasama ring inaresto ang kanyang asawa na si Joyce Latayan.

Tulad ng ating mga kapatid na Lumad at mga magsasaka’t mangingisda, pare-pareho na tayong biktima ng pampulitikang panunupil. Taliwas sa ipinapangako at ipinamamandilang ‘pagdadala ng kapayapaan’ ang Oplan Bayanihan.

Hindi na rin natin palalampasin ang patuloy na harassment sa mga lider-manggagawa at mga kinatawan ng mga organisasyon, alyansa at pormasyon ng mga manggagawa sa rehiyon at sa buong bansa. Isa rito ang patuloy na paniniktik at pananakot sa dating tagapangulo ng PAMANTIK-KMU at ngayon ay kinatawan ng Anakpawis Partylist sa Timog Katagalugan, si Hermie Marasigan.

Palagi na ring namamataan ang mga ahente ng intelligence ng militar at kapulisan sa mga opisina ng mga manggagawa sa rehiyon; bukod pa sa kanilang presensya sa bawat pagkilos ng mga manggagawa.

Sa kabila nito, bigo pa rin ang Oplan Bayanihan na supilin ang diwang palaban ng mga manggagawa at mamamayan ng Timog Katagalugan at ng buong bansa. Bigo ito sa layong pagpigil sa mga protesta at laban ng mga mamamayan para sa kanilang mga batayang karapatan.

Ngunit, isa pa rin sa mga pinakatampok na pagyurak sa ating mga makatarungang panawagan ay ang pagpapairal pa lalo ng kontraktwalisasyon at iba pang mga kontra-manggagawang polisiya sa paggawa.

 

Kontraktwalisasyon, ‘di makatarungang patakaran sa paggawa:
Inhustisya sa marangal na hanapbuhay

Mananatilling hindi makatarungan ang patuloy na pagsasamantala ng mga malalaking negosyante sa mataas na halagang ating nalilikha sa mga pagawaan at mga establisyimento araw-araw. Napakaliit na halaga lamang ang ibinibigay sa atin: sapat lang para bumalik tayo sa kanila’t maghandog ng labis-labis na tubo! Walang-hanggan nang umiiral sa mga pagawaan ang ganitong kalakaran.

Nagpapatuloy ngayon ang kontraktwalisasyon – na nagmimistulang isang pagpapanumbalik sa isang kaayusang amo’t alipin. Ginagawa nang alila sa kontrata ang mga manggagawa!

Lalo pang nilapastangan ng rehimen ang mga panawagan para sa mas mataas na sahod. Sa bawat panahong subukan ng mga manggagawang magkaisa at magtayo ng mga unyon at organisasyong magtataguyod ng kanilang kagalingan, sila ay pumapasok sa panganib na sila ay maaring tanggalin sa kanilang trabaho. Kibit-balikat lamang at baryang umento ang ibinibigay ng rehimeng BS Aquino sa mga panawagang itaas ang sahod!

Isama pa ang Two-Tiered Wage System, na kung saan magpapako pa lalo ng mas mababa pa sa minimum na sahod. Sinimulan ito sa Timog Katagalugan noong 2012, at ipinagpatuloy sa iba’t ibang parte ng bansa.

Hindi na mabilang sa daliri ang mga kontra-manggagawang polisiyang umaatake sa sahod, trabaho at karapatan. Kung gayon, ano ang ating kagyat na tungkulin kung nais nating maibaklas ang ganitong kaayusan?

 

Sagot ng manggagawa sa karahasan: papaigting na pagkilos at paglaban

Sa halip na manahimik at magpasailaim ang mga manggagawa sa takot at pangamba, mananatiling matibay ang kanilang paninindigan para sa pagbabago ng abang kalagayan dito sa ating bansa.

Patuloy na panata ngayon ng mga manggagawa na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa makatarungang sahod, nakabubuhay na trabaho, at pagkakaroon ng demokratikong karapatan para sa lahat. Patuloy nating bibiguin ang bawat hagupit ng bulok na estado – gaya ng ating pagbigo sa marahas na Oplan Bayanihan ni Aquino.

Hindi tayo kailanman papayag na sumailalim sa Batas Militar, o sa kahit anumang kaparehong polisiyang alam nating maglalagay lamang sa atin sa ibayo pang kahirapan at pang-aapi.

Sa ika-67 taon ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, panata nating lahat na wakasan ang karahasan at atake sa ating sahod, trabaho at karapatan.

SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!
ITAKWIL AT BIGUIN ANG OPLAN BAYANIHAN!
KONTRAKTWALISASYON, LABANAN!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN!
MAKIBAKA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN AT DEMOKRASYA!

Aquino paranoid in setting up PH fantasy world for APEC; Will not hamper workers, people to oppose neoliberal globalization

Regional labor center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) condemns the Department of Interior and Local Government (DILG)’s recently released guidelines for public demonstrations during the APEC Economic Leaders’ Meeting as “an exhibition of paranoia” in attempts to hide the true situation of workers and Filipinos under APEC-advised policies.

Yesterday, the DILG upheld the “no permit, no rally” policy for public rallies during the APEC event, saying that “although our laws ensure the free exercise of the people’s right to peaceably assemble (…) we have to observe proper guidelines including seeking permits to conduct public rallies.”

The BS Aquino government is desperate to hide the true conditions of the people under APEC’s dogma of market-oriented policies and trade liberalization.

Like its prodding of street dwellers to rent housing for the duration of the summit and its threats to disperse the Manilakbayan ng Mindanao camp in Liwasang Bonifacio, it now applies the use of bureaucracy to hamper the droves of people that will take to the streets to slam the APEC-prompted neoliberal policies passed to its members.

The softening up of trade restrictions and protectionist economic policies of member governments have only meant the immersion of the Asia-Pacific peoples in the chasm of further poverty and unemployment – and for the workers of Southern Tagalog, this has meant the maintenance of cheap labor costs. At PHP 315, or almost USD 7, workers are forced in deplorable labor conditions to be able to live another day. More so, seven out of ten workers in the region have been victims of contractual work, depriving them an assurance of a stable livelihood and a good future for their families.

These, and many other APEC-sponsored policies, have been in effect for years – culminating through figures rendering the Philippines having the cheapest raw materials and production factors, and highest unemployment rate in history.

The figures, which have been pointed out by different research institutions, speak for itself, and cannot be concealed by any amount of lies, physical cover-ups, and application of government procedure.

We will assert for our democratic right to peaceably assemble and express grievance, even so the government brings up archaic and Martial Law-type decrees such as Batasang Pambansa 880, where the “no permit, no rally” scheme was brought up.

In delivering the perfect gift for imperialists, BS Aquino, as the main administrator of local government policy, is then no different from Marcos in its attempts to serve as the perfect puppet for these imperialists.

Nonetheless, we remain firm in our stand. The workers of Southern Tagalog, together with all the peoples of the world, will surge forth in disdain, as we will not warrant the entry and rule of foreign domination in the country, and these will be registered thoroughly in the following days. ###