Contractualization, fascism on Duterte’s first year highlight S. Tagalog state of workers’ address

Labor organizations and associations under the banner of the militant regional labor center PAMANTIK-KMU massed up earlier at the Amar Balibago area in Sta. Rosa City, Laguna to bare the true situation of workers under the Duterte administration’s first year.

The demise of contractualization and longtime foreign domination – once under Duterte’s campaign promises – has remained a dream,” stated Allan Bagas, secretary-general of PAMANTIK-KMU. The group says that albeit the new administration seemed to listen to their demands; submitted last year in the form of the Southern Tagalog Workers’ Agenda, there were no tangible changes in the workers’ welfare and livelihood.

Wages in the region remain lower than the daily wage figure. The Department of Labor and Employment (DoLE)’s latest wage order for the Calabarzon region is pegged at a minimum wage rate of Php 378.50 and at Php 285 at the Mimaropa region. The daily wage figure, meanwhile, pegged by independent thinktank IBON Foundation, is at Php 1,130 for a family of 5. Assuming that needs are the same for families in these regions, only 25-35% of the living wage is given in the Southern Tagalog region.

Contractual employment, which the DoLE claimed to be ending, did not actually occur, said Bagas. Even with press releases by the labor department claiming thousands of regularized workers, justice remained on paper and not on practice.

For one, contractual workers of Tanduay Distillers, Inc., Manila Cordage Company and Manco Synthetic Inc., which both held strikes, have not returned to their work, even when there have been decisions by DoLE. Not only workers from these factories have been affected by the bluntness of DoLE decisions, but an estimated 23,000 workers from 22 factories should have been regularized, yet have not been reinstated to work.

Bagas adds that the path to regularization of all contractual workers has been muddied by the new DoLE Department Order 174, which only gave higher standards for labor agencies and service cooperatives that have, for years, rode the influx of workers in the region. “From a seemingly unbreakable promise, the Duterte administration has stepped back its claims – they are now saying that they have no power to end contractual employment,” Bagas said.

PAMANTIK-KMU also expressed its dissent on the planned extension of Martial Law in Mindanao and the scuttling of the peace talks. This was the result of the dialogue between the Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), along with local leaders, last July 18. “With these developments, Duterte’s regime has positioned itself as a bloody regime, vehemently supported by militarists such as (Defense Secretary Delfin) Lorenzana, (AFP Chief-of-Staff Eduardo) Ano, and (National Security Adviser Hermogenes) Esperon,” he stated.

Bagas also expressed his dismay over the cancellation of backchannel talks between the government and the National Democractic Front of the Philippines (NDFP) after offensives by the New People’s Army (NPA) yesterday. The NPA explained the attack as a protest to the impending extension of Martial Law in Mindanao. “The Duterte administration’s recent movements may have put peace a little further in our reach – after the war on drugs, all-out war, and Martial Law, he may have sought his own headaches,” Bagas stated.

IMG_0631

In sum, we workers are generally dismayed by the turnout of the first year of Duterte’s regime. From a leader that listens to the people, he has become a leader bent on killing his own people,” said Bagas.

The State of the Workers’ Address will also start a four-day journey of workers, along with other sectors, to Manila as they counteract the President’s second State of the Nation Address on July 24. Entitled the Lakbayan para sa Pambansang Demokrasya; Bigkisan laban sa Pasismo ng Estado, the crusade will present various issues the people of Southern Tagalog have faced on the President’s first year. # # #

Advertisements

Manggagawa, igiit at ipaglaban ang pambansa-demokratikong pagbabago! Labanan ang neoliberal na atake sa sahod, trabaho at karapatan!

Praymer kaugnay sa SONA 2017

Upang lubos na maunawaan ng mga manggagawa ang mga dahilan at ambag ng kilusang paggawa sa pagdalo sa taunang State of the Nation Address (SONA) ng namumunong administrasyon at paglatag ng Adyenda ng Manggagawa sa Timog Katagalugan, marapat na nailabas ng PAMANTIK-KMU ang praymer na ito. Layon nitong maitalakay sa pinakamalawak na hanay ng mga manggagawa sa lalong madaling panahon, at sila ring makadalo sa taunang SONA ng Bayan.

 

1. Ano ang State of the Nation Address o SONA?

Ang State of the Nation Address o SONA ang nagmamarka ng muling pagsisimula ng sesyon sa Kongreso at Senado, na siyang sinisimulan sa talumpati ng Pangulo ng Pilipinas. Ginaganap ito sa ikaapat na Lunes ng Hulyo, ayon sa Saligang Batas 1987.

Dito tinatalakay ng Pangulo ang kasalukuyang kalagayan ng bansa sa loob ng kayang administrasyon.

Sa SONA rin ipinamamandila ng Pangulo ang kanyang mga “matagumpay” na proyekto sa loob ng isang taon, pati na rin ang kabuuang direksyong tatahakin sa natitira niyang mga taon sa poder.

Dahil nagsisimula ang sesyon ng lehislatura sa araw na ito, inihahain din ng Pangulo ang mga polisiyang nais niyang iprayoritisa ng Senado at Kongreso mula sa kanyang pangkalahatang direksyon ng polisiya.

Bagamat may mga paunang halimbawa nito noong Kongreso ng Malolos, nagsimula ang tradisyon ng SONA sa panahon ng Komonwelt. Unang nagbigay ng SONA ang dating Pangulo na si Manuel Luis Quezon noong 1936.

Mula sa mandato nitong “ipakita” ang kalagayan ng bansa, ano nga ba ang naibalita ng mga nagdaang Pangulo sa kanilang SONA?

 

2. Ano ang naihapag ng mga nakaraang administrasyon para sa mga manggagawa?

Sa esensya, wala. Bagamat tinalakay ang mga “pag-unlad” ng mga industriya pati na rin ang mga pangakong uunlad ang kalagayan ng manggagawa, nananatili silang dahop sa mahabang panahon.

Sa SONA ng dating Pangulong Aquino noong 2015, halimbawa, ipinamandila ang kawalan ng welga sa nakaraang taon; para bagang sukatan ng alwan ng manggagawa sa kanyang rehimen. Ngunit, lalong lumala ang kalagayan nila.

Isa, itinayo ang mga engklabo at purok industriyal, na nagbukas sa bansa sa mas malaking daluyong ng dayuhang kapital para sa murang lakas-paggawa at epektibong pagkulong sa manggagawa sa loob ng engklabo. Pangalawa, hindi tumaas ang sahod at hindi nakahabol sa pangunahing mga bilihin. Kahit magkapareho ang pangangailangan ng manggagawang nasa NCR at nasa TK, doble ang laki ng sahod sa una kaysa sa huli.

Mula sa datos ng gobyerno, nangunguna ang rehiyon ng Timog Katagalugan sa produksyong industriyal, na lumilikha ng kalahati ng produktong industriyal ng buong bansa.

Ibayo ring tinapakan ng mga kapitalista ang karapatan ng manggagawang mag-organisa at magtayo ng unyon; marahas na pagdurog sa mga welga; at pagpapalayas sa mga manggagawa tungo sa ibang bansa sa pamamagitan ng labor export policy.

 

3. Ano ang mga pinangako ni Duterte para sa manggagawa?

Kung matatandaan natin ang mga pangako ni Duterte noong siya’y nangandidato pa, kiniliti niya ang interes nating mga manggagawa sa pamamagitan ng kanyang mga panambitan.

Maaga pa lang sa kanyang kampanya, ipinangako na niya ang pagnanais na tanggalin ang kontraktwalisasyon. Naging matunog din ang pagkontra ni Duterte sa kontrol ng anumang dayuhang kapangyarihan. Sa mga ito, ang pagkiliti sa interes ng mamamayan ang siyang nagbigay sa kanya ng pagkapanalo sa halalan noong 2016.

Bukod pa rito, naging matunog din sa mamamayan ang pangakong magkaroon ng libreng irigasyon, mapataas ang sahod ng mga guro, at maglagay ng mga pasilidad sa mga ospital para sa mga mahihirap.

Nang maging Pangulo si Duterte, itinakda niya ang mga umano’y marching orders sa Department of Labor and Employment (DoLE) na tapusin ang kontraktwalisasyon. Inilagay naman niya bilang Undersecretary ng departamento si Joel Maglungsod, lider-manggagawa mula sa KMU-Mindanao.

4. Paano lumipas ang unang taon ni Pangulong Duterte?

Sa esensya, nagpatuloy ang kontraktwalisasyon sa mga manggagawa, dulot na rin ng malakas na pagkontra ng mga kapitalista. Ang “win-win solution”, na bunga ng konsultasyon sa mga employer at service contractors, ay simpleng paglapit sa kapitalista at hindi sa manggagawa.

Ang resulta nito, ang “DO 30”, ay tahasang naging susog lamang sa mga nakaraan nang kautusan ng kawanihan tulad ng Department Order  (DO) 18-A; at nagpatuloy lamang ng “ligal” na kontraktwalisasyon. Sa paglabas ng DO 174, sinalubong ng mga protesta ang DoLE kontra sa anumang pagpapatuloy o pagliligalisa ng kontraktwalisasyon.

Bagamat ikinagalak ng mamamayan ang  ilang mga pahayag at aksyon ng administrasyon tulad ng pagluklok sa Gabinete ng mga progresibo, lalong gumagawi pa-Kanan ang Pangulo, mula sa kanyang paglalagay ng 60 retiradong opisyal militar sa Gabinete at mga ahensya hanggang sa mga kontra-mamamayang mga polisiya at pahayag.

Sa kasalukuyan, sila Delfin Lorenzana, Kalihim ng Department of National Defense (DND); Hermogenes Esperon, National Security Adviser; at Gen. Eduardo Año, Chief-of-Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayon ang mga dumidirehe sa Martial Law sa Mindanao at pagpigil sa usapang pangkapayapaan.

Hindi rin malilimutan na sa pagputok ng isyu ng paglibing ng diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, naging pasibo siya – paraan upang matuloy ang paghimlay ni Marcos dito.

Pinuna rin ang kanyang mga pahayag hinggil sa karapatang pantao, laluna nang sumulpot ang mga kaso ng pagpatay sa maralita sa bintang sa sila’y mga nagtutulak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Libu-libo na ang namatay sa “digma laban sa droga”.

Pruweba ito ng hindi pa nagbabagong sitwasyong panlipunan. Nananatiling kontrolado ng US ang Pilipinas, na pinangangatawanan ng Kanang mga tauhan sa gabinete at mga nananatiling neoliberal na polisiya sa ekonomiya – kasama ang pagbarat sa sahod at pagdurog ng pagkakaisa ng manggagawa.

Para sa mamamayan, karamihan sa mga ibinabanderang polisiya ng administrasyon ay nangahulugan ng pagpapatuloy at pagpapatindi ng umiiral na kalagayan. Tulad ng anumang panahong taliwas sa ating ninanais ang ginagawa ng pamahalaan, nararapat ang pagkilos ng mamamayan.

 

5. Ano ang dapat gawin ng mga manggagawa sa SONA ni Duterte?

Sa unang taon ng rehimeng Duterte, hindi tayo naging kimi at naghintay na lamang sa pagtupad ng kanyang mga pangako. Naging mapagbantay tayo sa mga panambitan ng Pangulo, at ipinanawagan natin ang pananatili ni Duterte sa isang maka-mamamayang polisiya, tulad ng kanyang sinambit noong kampanya at noong una niyang SONA.

Normal
0

false
false
false

 

Nararapat lamang na ipakitang muli ang lakas ng pagkakaisa ng kilusang paggawa sa Timog Katagalugan. Ngayong taon, isasagawa natin kasama ang iba’t ibang sektor ang Bigkisan ng Timog Katagalugan para sa Pambansa-Demokratikong Pagbabago.

Iginuguhit natin muli sa kasaysayan ang kahingian ng mamamayan para sa isang pagbabagong tunay. Sa ating mga manggagawa, ito ang panawagan para sa sahod, trabaho at karapatan.

 

design bw DIGITALMagkaisa para sa pambansa-demokratikong pagbabago!
Sumama sa Bigkisan ng Timog Katagalugan!

Bigkisan Kondukta 3.jpg