Walang bayani sa diktador at magnanakaw

ps-11182016

Tunay sa kanyang pagiging masugid na tuta ng Estados Unidos, mandarambong at berdugo, patraydor na ililibing ng pamilyang Marcos ang diktador na si Ferdinand Marcos.

Nakalatag ang pinakamatatapang na kondemnasyon at galit sa pangyayaring ito. Walang-humpay naming sisingilin ang mga sumunod na mga administrasyon kay Marcos bilang pagpapabaya sa pagpigil sa pagbabalasubas sa kasaysayan.

Sa administrasyong Marcos mismo ang punong nagpasimula ng matinding represyon sa pagawaan at komunidad. Sa gayon, marapat niyang natikman ang galit ng mga manggagawa at mamamayan sa mga taon ng Batas Militar.

Tulad noon, sa panahong ito, nararapat lamang ang malawak na pagkilos ng mamamayan.

Libu-libong manggagawa, unyonisado man o hindi, ay sasama sa #BlackFriday protest ngayong araw sa kanilang mga pagawaan. Pati ang protest camp na nakatindig ngayon sa kawanihan ng paggawa ay magsasagawa rin ng mga protesta rito.

Iniimbitahan din ang lahat na sumama sa mga protestang ito, at pagpapakita ng disgust sa paglilibing sa isang diktador sa umano ay Libingan ng mga Bayani.

Inuulit namin: walang bayani sa diktador at magnanakaw.

Mararamdaman din ng lahat ng mga diktador, tuta, mandarambong at magnanakaw ang hatol ng sambayanan. # # #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s