LIGA ng Manggagawa: On SIDC’s spin on the feedmill strike

 

We condemn the incessant lies the management of Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) propagates regarding the current labor strike by contractuals in Batangas, who work at a feedmill they obviously own.

The claim that the strike is a labor dispute between the casuals and the DCMM Agency has been the usual press release of principals that want to escape conviction from religiously practicing labor-only contracting schemes. We do not forget the same lies from the mouth of Tanduay representatives, when they said the same last year.

Meanwhile, SIDC’s stand has stalled negotiations yet again yesterday, as they remain stubborn against granting the requests of the workers. For two days now, SIDC representatives have constantly told workers to reapply as SIDC workers, or be regular employees in DCMM Agency.

To intensify the perjury, SIDC told ABS-CBN Southern Tagalog in a statement yesterday that it “has contract with DCMM, a legitimate manpower agency” (italics ours); yet cannot present proof of registration to representatives of the Department of Labor and Employment (DoLE) last July 11 and 12.

The workers of SIDC know that DCMM Agency is a notorious labor-only contractor, violating the standards of DoLE Department Order 18-A for such agencies. To prove it, we ask these: does DCMM Agency own the machines and products? Do they own the factory the contractuals toil in every day?

The answer to both questions: no. Therefore, the strike – and not the picket, as the SIDC public relations claim – has all the reasons to continue. The workers do not recognize the agency anyway; they know it is illegal.

All calls and redress to the contractual workers now on strike in Batangas City is rightfully addressed to the true employers – the SIDC.

More so, it should not be concerned for its “innocent members/owner’s (sic) being affected” due to the strike. For what, then, is the purpose of the Board of Directors present on dialogues with the DoLE?

On the other hand, it should be worried that more and more people know that SIDC is a fake cooperative and that it does not care about the welfare of its workers.

As SIDC and its AGAP Partylist prates to “bring food to people’s tables”, it does the opposite to the workers in its factories. # # #

Regularisasyon, nananatiling hiling sa ikalawang araw ng welga sa SIDC

Tumungtong ang mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa ikalawang araw nito sa welga. Tinatantyang milyon-milyon na ang nawalang kita ng SIDC sa paghaharang sa mga iluluwas na mga imported goods mula sa pabrika dahil sa welga.

Noong hapon, dumating ang Director ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A, si Director Orihuela, sa piketlayn ng mga manggagawa sa SIDC sa layong mapagharap ang dalawang panig. Nailantad ng mga manggagawa ang kanilang karanasan sa loob ng pagawaan. Pinasinungalingan din ng mga manggagawa ang mga pahayag ni Macario Macalalad, may-ari ng DCMM Agency na nag-empleyo sa mga kargador at iba pang manggagawa ng SIDC.

Matapos ang halos isang oras na negosasyon, nanatiling walang resolusyon para sa mga manggagawa ng SIDC. Hindi pumayag ang SIDC at ang DCMM Agency sa limang kahilingan ng mga manggagawa: ang regularisasyon; pagbabalik sa mga iligal na tinanggal; pagbabalik sa mga kinaltas sa suweldo; pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth at Pag-ibig; at pagkilala sa kanilang organisasyon.

Napag-usapan din ang legalidad ng DCMM Agency sa pageempleyo ng manggagawa. Noong dayalog, walang naipakitang papeles si Macalalad na rehistrado o otorisado pa ang DCMM Agency.

Samantala, iginiit din ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hindi dapat makalapit ang mga pulis sa piketlayn. Nagmula ito sa ilang mga kaso ng pagdalaw ng mga pulis sa lugar, na may dala ring mga baril. (Pictures included.)

Naitakda ang susunod na dayalog bukas, ika-13 ng Hulyo, sa piketlayn. Ngunit maari pa ring tumulak na sa muling negosasyon ang mga manggagawa ng SIDC at ang may-ari ng SIDC.

“Makatwiran at makatarungan ang desisyon ng mga manggagawa na itindig ang welga kahapon. Naninikluhod ngayon ang kapitalista at may-ari ng DCMM Agency upang makipag-usap sa mga manggagawa at makinig sa kanilang mga hiling,” ani Allan Bagas, pangkalahatang kalihim ng PAMANTIK-KMU. Sumusuporta ang PAMANTIK-KMU sa welga ng mga manggagawa ng SIDC.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan ang tinatagong pandarahas ng kapitalista upang mailabas at makamal ang tubong pinipiga niya mula sa mga manggagawa.

Ani Bagas, “nananatiling militante ang mga manggagawa at ang tanging solusyon lamang sa usaping ito ay ipatupad at ibigay ang lahat ng hinaing ng mga manggagawa.” # # #

Suportahan ang mga manggagawa ng Renaissance Foods Corporation!

Kaisa ang PAMANTIK-KMU sa mga manggagawa ng Renaissance Foods Corporation (RFC) sa pagtatayo nila ng protest camp ngayon araw. Ang kanilang panawagan: pagbabalik sa trabaho, pagkilala sa kanilang itinayong asosasyon, at ligtas na kalagayan sa paggawa.

Lumilikha ang humigit-kumulang 150 manggagawa ng RFC ng mga biskwit at wafer na ibinabagsak nito sa iba’t ibang warehouse at tindahan sa Luzon.

Ngunit, sa kanilang pagtatrabaho ng anim na araw ng 8-oras na paggawa kada linggo, ang natatanggap lamang nila ay nasa P340-380 kada araw, lubhang mababa kaysa sa nakabubuhay na sahod. Biktima rin sila ng labor flexibilization, sa pagnanais ng kapitalistang makaya nila ang iba’t ibang trabaho sa loob ng pagawaan. Kung hindi pa nakapapagod ang anim na araw ng paggawa, pinupwersa pa ang mga manggagawa na magtrabaho nang overtime.

Kumakaharap din sila sa matinding pagsupil ng kanilang karapatan: tulad ng sa Kentex, laganap ang harang na bakal sa mga bintana at maging sa fire exit. May naputulan na rin ng daliri habang nasa produksyon, ngunit hindi binayaran ng kumpanya ang kanyang pagpapagamot.

Kamakailan lamang ay pinagtatanong ang mga manggagawa kung sila ba ay pangulo o opisyales ng unyon, at kung may binubuong mga organisasyon. Noong mga unang linggo ng Hulyo, naglatag ng early retirement package ang kapitalista para sa manggagawa. Hindi ito tinanggap ng mga manggagawa dahil nangangahulugan lamang ito ng pagtatanggal sa kanila sa trabaho.

Sinundan ito ng sunog sa loob ng pabrika, na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang dahilan. Wala pa rin ang report mula sa mga imbestigasyong isinagawa matapos ang sunog. Anu’t anuman, ito ang naging dahilan ng management upang maghain ng sunod-sunod na cut-off sa pasukan ng manggagawa. Napipinto ngayon ang malaking tanggalan sa hanay ng mga manggagawa sa pabrika; na hindi lulutas sa mga isyu ng manggagawa na matagal nang hindi sinagot ng management.

Kinukondena rin namin ang mga aksyon ng mga guwardya ng Carmelray Industrial Park-1 sa Canlubang sa kanilang tangkang pagbuwag sa piketlayn ng mga manggagawa ng Renaissance kaninang tanghali. Hindi dahas ang kinakailangan ng mga manggagawa ng Renaissance, kundi resolusyon sa kanilang mga hinaing at agarang aksyon.

Mananatiling dahilan ng paglaban ng manggagawa sa Renaissance ang patuloy na pagpapailalim ng bansa sa isang kaayusang palaasa sa limitadong produksyong nakaasa sa pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa.

Tulad ng iba pang mga usaping pang-manggagawa, naiuugat ito sa lubos na pagkakamal ng tubo ng mga kapitalista at mamumuhunan sa bansa. Nararapat lamang itong kondenahin, at palitan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pambansang industriyalisasyon.

Nananatili ang buong suporta ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan sa paglaban ng manggagawa para sa mas maayos na kondisyon sa paggawa, nakabubuhay at marangal na trabaho, at sa pangkalahatan ay isang lipunang nagsisilbi para sa interes ng nakararami.

Sa panahon ng administrasyong Duterte, nananatili ang pagsisikap ng manggagawa sa buong rehiyon upang baguhin ang kanilang kalagayan. Nararapat at makatarungang hakbangin lamang ito upang lalo pang iharap ang pagtutol ng kilusang paggawa sa Timog Katagalugan laban sa kontraktwal na paggawa, ‘di-makatarungang trabaho, at ganap na paglaya. # # #

LIGA ng Manggagawa: Unang welga sa panahon ng rehimeng Duterte, ipinutok ngayong araw

Soro-Soro Karsada, Batangas – Sa ika-sampung araw mula nang umupo ang administrasyong Duterte, ipinutok ng mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) ang kanilang welga ganap na alas-5 ng umaga.

Ang kanilang mga ninanais ay regular na hanapbuhay; pagkilala sa kanilang itinayong asosasyon, pagtigil at pagbalik sa mga ‘di-makatarungang kaltas sa sahod, pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth at Pag-ibig, at pagbalik sa lahat ng mga tinanggal sa trabaho.

Ang SIDC ay isang Multi-Purpose Cooperative na pangunahing gumagawa ng pakain ng baboy at manok, kabilang na ang iba pang mga negosyo. Matatagpuan ito sa Brgy. Soro-soro Ibaba, Batangas City na pinagmamay-arian ni Rico Geron, 1st Nominee ng AGAP Partylist.

Nasa 400 ang kabuuang lakas-paggawa sa SIDC. Kabilang na rito ang mga magsusunong (kargador) at production operator. Pinangunahan ng mga magsusunong ang laban sa loob ng pagawaan, at naitayo ang kanilang organisasyon noong April 2016, ang Samahan ng mga Manggagawa sa SIDC-LIGA (SAMA-SIDC-LIGA).

Umaabot sa 80 na magsusunong ang nasa pagawaan, na kalakhan ay nasa 31 taon na ang tagal sa pagawaan. Kinakaharap nila ang mababang sahod (sa halagang P350 sa isang araw) at kawalang-benepisyo tulad ng leave. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng sistemang piece rate sa pasahod, o Php1.50 na dapat nakukuha ng manggagawa sa pagbuhat ng isang sako – dahil sa dami ng kaltas.

Kapalit din ng dayukdok na sahod ang araw-araw na pagbubuhat ng 300 hanggang 400 na sakong may bigat na umaabot sa 90 kilo. Walang ibinibigay at handang pampagamot ang SIDC para sa mga manggagawang palaging nasa peligro ng pagkabali ng buto o pagkabalda.

Bukod dito, daing ng mga manggagawa ang Php 500 kada linggo na kinakaltas sa kanila ng DCMM Agency ni Macario Macalalad, para sa pambayad ng kuryente at tubig. Sila din ang pinagbabayad ng kanilang Personal Protective Equipment na dapat ay pagawaan ang nagbabayad.

“Matagal nang nilabag ng kumpanyang SIDC ang karapatan ng mga manggagawa. Sa 31 taon nilang paggampan sa trabaho ay nananatiling kontraktwal ang mga manggagawa, na nagtulak sa kanila upang ilunsad ang welga. Katulad ng iba pang mga kontraktwal, ito ang nagsisilbing armas upang ipagtanggol ang karapatan nila, katulad ng mga manggagawa ng Tanduay, Manila Cordage Company at Manco Synthetic, na hanggang sa kasalukuyan ay nakawelga pa.” ani Antonete Amorado, tagapagsalita ng Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay, samahan ng mga manggagawa sa rehiyon at nangunguna sa kampanya laban sa kontraktwalisasyon.

Hiling naman ni Marvin Ramos, tagapangulo ng SAMA-SIDC-LIGA, ang agarang tugon at aksyon ng administrasyong Duterte hinggil sa kanilang kinahaharap na kalagayan sa SIDC. Maitatala ang welga ng mga manggagawang kontraktwal sa SIDC bilang unang welga sa kasaysayan ng rehimeng Duterte; na siya ring nagbitiw ng pangakong wakasan ang kontraktwal na paggawa.

“Alam naming maririnig ni Pangulong Duterte ang aming panawagan laban sa kontraktwalisasyon at mapanganib na kalagayan sa paggawa, at sana ay mahandugan niya ng agarang aksyon at tugon ang aming mga hinaing,” ani Ramos. # # #

ST workers present sector’s agenda to new DoLE Sec, USec

Few days after Duterte took over Malacañang as the country’s 16th president, contractual and regular workers from Southern Tagalog trooped to the Department of Labor and Employment to present the sector’s agenda to the newly appointed secretary and undersecretary.

Under the Aquino administration, the plight of Southern Tagalog workers have plunged deeper into poverty. Majority of the workers are now contractuals, which comprise 80-90% of the total labor force. This equates to more workers suffering from very low wages and non-provision of benefits. We want to see genuine change come; we want to take the opportunity to push for calls that will truly uplift our working conditions and quality of life,” said PAMANTIK-KMU Secretary General Allan Bagas.

At 11AM, the workers’ representatives from PAMANTIK-KMU, OLALIA-KMU, and other militant organizations met with Secretary Silvestre Bello and Undersecretary Joel Maglunsod. They presented the workers’ agenda that highlighted calls such as ending of contractualization, implementation of the P750 national minimum wage, and scrapping of anti-worker policies such as the Two-Tiered Wage System.

The leaders also put to the table the current campaigns in the region such as the more than two months strike at Manila Cordage Company and Manco Synthetics Incorporated, picket protest at Ebara Benguet, the reinstatement of Tanduay contractual workers, and the recently organized picket protest of Sorosoro Ibaba Development Cooperative contractual workers.

“With the pro-worker background and stance of the new secretary and undersecretary, we are optimistic that the new administration will really usher in genuine change and fulfill Duterte’s promise of no more endo. But we will not just wait for it to happen. This is the time that we will become more vigilant and assertive in advancing our rights. We will push the new administration to finally put an end to US dictates of neoliberal policies, which is the primary reason why Filipino workers are being treated as commodities,” Bagas ended.

While the dialogue is ongoing, workers outside the DoLE building held a short program to continuously present the workers’ agenda in the region. # # #

Welgista ng MCC-MSI, pumanaw sa pakikibaka

UPDATE: Nakahimlay na ang mga labi ni kasamang JJ sa Barangay Hall ng Brgy. Paikit Palao sa Canlubang. Inaanyayahan ang lahat na bigyan natin ng mataas na pagkilala ang ating kasama, at makapagbigay ng tulong-pinansya para maiuwi ang kanyang labi sa Dumaguete.

Nakikiramay ang PAMANTIK-KMU sa mga kapamilya, kaibigan at kasama ni James Jones Libosada, 33, na pumanaw kahapon mula sa isang atake sa puso. Si Libosada ay isa sa daan-daang welgista ng Manco Synthetic Inc. at Manila Cordage Company, at nag-alay ng 8 taon sa trabaho.

Sa ika-61 araw ng welga, inatake sa puso si kasamang JJ. Kahit kaagad sinugod sa ospital, hindi na napigilan ang papahinang kondisyon nito. Pumanaw siya noong ika-6 ng gabi, matapos isagawa ang pagpump sa kanyang puso at pagpapainom ng gamot.

Isa lamang ang maituturong salarin: ang patuloy na pagsasawalang-bahala ng mga kapitalista ng MCC at MSI sa panawagan ng mga manggagawa; ang regularisasyon at maayos na kalagayan sa paggawa. Nagpapatuloy sa kasalukuyan ang welga ng mga manggagawa ng MCC at MSI, at nananatiling ganito ang panawagan.

Kumaharap din si kasamang JJ sa matinding pagnenegosyo sa serbisyong pangkalusugan. Bago pa man lapatan ng agarang lunas, siningil na agad sila ng ospital ng halagang Php 6,500; at hindi pa tiyak kung tataas pa ito. Ito ang kinahaharap ng napakaraming manggagawang nangangailangan ng maayos at mabilis na lunas mga hinaharap na panganib sa kanilang trabaho.

Biktima si kasamang JJ ng nagpapatuloy na kahirapan sa loob ng isang malakolonyal at malapyudal na lipunan. Ito ang nagtutulak sa napakaraming mamamayan na mabuhay sa loob ng isang mapanganib at hindi-nakasasapat na hanapbuhay.

Sa panahon ng administrasyong Duterte, nabibigyang-puwang ang mga manggagawa upang lalong manindigan para sa regular na hanapbuhay at mas maayos na kalagayan sa paggawa. Ipalaganap natin ang mga kaso ng ‘di-makatarungang kalagayan ng mga manggagawa, tulad ng naranasan ni kasamang JJ sa 8 taon niya sa pagawaan, sa paninindigan para sa sahod, trabaho, at karapatan.

Nagpapatuloy na kaaway ng manggagawa ang isang sistemang nagpapahintulot sa iskemang kontraktwal, mababang sahod, kawalang-benepisyo, at mapanganib na kondisyon sa paggawa. Ito ang nagpapahintulot sa matinding kahirapan at pagpapakasakit; at ito ang nararapat wakasan ng mamamayan. # # #