Sa pagpapakana ng rehimeng mamamatay-tao, panagutin ang rehimeng US-BS Aquino!

01242016 Mamasapano mob

01242016 Mamasapano mob

Isang taon na ang nakararaan matapos nating malaman ang madugong sagupaan sa Mamasapano, at ang kaparehong madugong katotohanan: mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa ng operasyon, may pakana si BS Aquino.

Malinaw na malinaw:

  • bilang commander-in-chief ng PNP, iniluklok niya ang suspendidong hepe na si Alan Purisima na balangkasin at isagawa ang Oplan Exodus – taliwas sa chain of command;
  • isinawalang-bahala niya ang mga nakaraang usapang nakaapekto na sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at BIFF, na dala ng depektibong plano sa operasyon;
  • tumalima si Aquino sa war on terror ng US. Mismong ang alkalde ng Mamasapano ang nagpatunay ng presensya ng drone. Nakita ng mga residente ang mga patay na sundalong Amerikano sa lugar. May mga sundalong Kano rin sa tactical command post ng operasyon.

Anim na taon nang abala si Aquino sa pagtulak sa mamamayan sa kamatayan. Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, nabubuhay sa pangamba at banta ng pandarahas ang bayan. Lalo tayong naiipit sa tinitipong pananamantala ng mga kapitalista at ng estado!

Huwag natin kalimutan ang mga naging biktima ng berdugong rehimeng BS Aquino – mga ka-manggagawa at kaisa sa laban para sa sahod, trabaho at karapatan:

  • Benjamen Villeno. Lider-unyonista at manggagawa. Nawawala mula Agosto 2013.
  • Bong Romano. Organisador ng manggagawa sa Batangas. Pinatay noong Pebrero 2015.
  • Ernesto Lorenzo. Konsultant sa usaping pang-manggagawa. Iligal na inaresto noong Hunyo 2015.

Mamasapano polyeto 01242016

Tulad nila Ka Ben, Ka Bong at Ka Ernie, marami pa ang malilista nating biktima ng pampulitikang panunupil ng rehimeng US-BS Aquino. Hustisya ang sigaw ng bayan!

Sa dikta ng giyang kontra-paniktik ng imperyalistang US, inaatake ni BS Aquino ang mga manggagawang nais mag-organisa at mag-unyon para sa kanilang hanapbuhay; ang mga magsasakang naninindigan para sa pag-aari ng kanilang binubungkal na lupa; ang mga kabataang naninindigang karapatan ang edukasyon, at iba pa.

Hindi armadong pagsupil ang tuon ng Oplan Bayanihan, kundi ang iba’t ibang porma ng paglaban ng bayan sa mga anti-mamamayang polisiya sa ekonomiya at pulitika. Napakaraming mga anak, asawa, kapatid at kasama ang pinapaslang at inaatake sa buong bayan.

Isa na rito ang mga biktima sa madugong labanan sa Mamasapano. Ginawang pain ni BS Aquino ang napakaraming mga Pilipino sa ngalan ng pagsunod nito sa dikta ng imperyalistang US. Bilang resulta, nasasayang ang buhay ng mamamayan sa paglaban ng mga digmaan para sa ibayo pang pambubusabos sa atin.

Isang taon matapos ang madugong sagupaan sa Mamasapano, wala pa ring naipapanagot mula sa mga nagpakana at nagbigay-basbas sa operasyon. Todo-tanggi pa rin si BS Aquino sa mapagpasyang papel nito sa pagtulak ng mga tao sa kamatayan nila.

Isang taon matapos ang madugong sagupaan sa Mamasapano, ang ating mga panawaga’y hindi pa rin nagbabago: BS Aquino, berdugo! Oplan Bayanihan, biguin!

HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO!
BS AQUINO, BERDUGO! OPLAN BAYANIHAN, BIGUIN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s