Sa ika-29 anibersaryo ng Masaker sa Mendiola, tunay na repormang agraryo, mailap pa rin sa magsasaka!

Mula kay Dino Doliente.
Mula kay Dino Doliente.
Mula kay Dino Doliente.

Aabot na sa tatlong dekada matapos ang madugong pamamaril ng mga armadong pwersa ng rehimeng Cory Aquino sa mga magsasaka sa Mendiola. Ang kanilang mga panawagan: lupa para sa magsasaka! Ibasura ang huwad na programa sa lupa ng rehimen! Ipatupad ang tunay na repormang agraryo!

Ilang araw ring nagsagawa ng kampuhan sa Mendiola ang mga magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan, kasama ang sumuportang mga manggagawa at kabataan. Ngunit, ilang araw pagkatapos, labintatlo ang patay at ilandaang magsasaka at tagasuporta ang sugatan, dala ng mga punglo ng mga sundalo at kapulisan.

Mailap pa rin ang katarungan para sa kanila – na hanggang ngayon, ay biktima pa rin ng kaparehong kawalang-lupa at pagsasamantala ng mga panginoong maylupa, dayuhang korporasyon, at ng mismong mga dumaang administrasyon.

Kadalasan, ang mga batas sa reporma sa lupa ng iba’t ibang rehimen ay:

01.png

  • Limitado ang saklaw. Bukas sa pagpapalit-gamit ng panginoong maylupa ang lupa.
  • Ibinebenta ang mga lupa. Lubog sa hirap at utang ang magsasaka dahil dito.
  • Umiiral ang ‘di-makatarungang relasyon sa pagitan ng magsasaka at may-ari ng lupa.

Dahil sa mga ito, nananatili ang pag-asa ng magsasaka para sa makabuluhang pagpapaunlad sa kanayunan, na magsisimula sa libre, kung hindi man sa murang halaga, ay maipamahagi sa kanila ang lupa.

Ngunit, ano nga ba ang dalang pag-unlad kung ipatutupad ang tunay na repormang agraryo?

01.png

  • Hindi mababarat ang mga magsasaka sa pagbenta ng de-kalidad na aning produkto.
  • Magkakaroon ng bago at mas maunlad na teknik at gamit ang magsasaka. Bibilis ang produksyon.
  • Mahahawan nito ang pag-unlad ng bansa tungo sa pambansang industriyalisasyon.

Sa ating paghahanap ng hustisya para sa labintatlong pinaslang sa Mendiola tatlumpung taon na ang nakararaan, at para sa milyong magsasakang inagawan ng lupa ng iilang naghahari, ating ipagpatuloy ang panawagan: lupa para sa nagbubungkal!

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!
ISABATAS ANG GENUINE AGRARIAN REFORM BILL!
LUPA AT HUSTISYA PARA SA MAGSASAKA!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s