PAHAYAG: Kondenahin ang karahasan sa Lianga at sa mga Lumad! Magkaisa at supilin ang anti-mamamayang Oplan Bayanihan!

for edit -- lumad statement

for edit -- lumad statement

Labis na nakikiramay at nakikiisa sa pagdalamhati at paggunita ang mga tunay, militante at anti-imperyalistang unyon, at ang Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa mga pamilya ng mga nasawi sa Lianga Massacre: sina Emerito Samarca, Dionel Campos at Aurelio Sinzo.

Sa harap ng mga mag-aaral, magulang at mga taga-komunidad, binugbog bago pinagbabaril ang tatlo noong ika-31 ng Agosto ng mga kasapi ng 36th Infantry Battalion at ng kasapakat nitong paramilitary, ang Mahagat Bagani – dahil sila raw ay sumusuporta sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA).

Si Samarca ay executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) – na dalawang beses pinangaralan ng Department of Education (DepEd) ng National Literacy Award noong 2001 at 2005.

Si Campos ay tagapangulo ng samahan ng mga Lumad sa komunidad, ang Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU), habang si Sinzo, ang kanyang pinsan, ay isang lider-Lumad ng Sitio Kiwagan, Barangay San Isidro sa Surigao del Sur.

Kinikilala bilang isa sa mga huwarang paaralan sa bansa, ang ALCADEV ay nagbibigay ng libre at de-kalidad na edukasyon sa mga Lumad, na nabubuhay malayo sa mga sentrong lungsod at biktima ng kabi-kabilang pandarahas sa militar at mga dayuhang korporasyong mina at agri-industriyal.

Muli na namang pumatay ang rehimeng US-BS Aquino sa pamamagitan ng marahas na programang Oplan Bayanihan. Sila Samarca, Campos at Bello ay dagdag sa napakahabang listahan ng mga biktima ng rehimeng US-Aquino.

Sa kasalukuyan, 53 kaso na ang naitala ng pagpatay sa ating mga kababayang Lumad.

Katulad ng mga walang-humpay na pagpapalayas at pagpaslang sa kanila, humahagupit sa kasalukuyan ang iba’t ibang delubyo sa mga manggagawa. Isa sa mga pinakamatinding manipestasyon sa kalasukuyan ng Oplan Bayanihan sa mga manggagawa ay ang kakayahang manghimasok ng pulisya at militar sa pamamagitan ng Tripartite Industrial Peace Council – Manifestos of Commitment (TIPC-MOC).

Kasabwat pa ng mamatay-taong Oplan Bayanihan ang dauykdok na pasahod, kawalang-benepisyo at mga represibong polisiya sa pagawaan. Higit pa itong pinalala ng kontraktwalisasyon, na nagpapahirap sa pito hanggang siyam sa sampung manggagawa sa bansa.

Sa kabilang banda, pinatutunayan ng nagpapatuloy na bigkisan ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan laban sa kontraktwalisasyon at kahirapan ang dumadagundong na disgusto ng mamamayan sa patuloy na pambubusabos at pang-aapi.

Higit pa sa ngayon, mahigipit ang pagkakapit-bisig ng mga manggagawa at mamamayan laban sa kontraktwalisasyon at pasismo – lalo na sa pagkakaisa laban sa isang mapanupil at anti-mamamayang rehimen ni BS Aquino.

Ang mga manggagawa, kasama ang iba pang mga sektor, ay may iisang panawagan – itigil ang pampulitikang pamamaslang! #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s