PANIMULANG TAGUMPAY NG MGA MANGGAGAWA NG KARZAI

KARZAI1

Tagumpay ang mga manggagawang kontraktwal ng Karzai sa kanilang laban para sa pagpapabalik sa trabaho ng mga iligal na tinanggal. Sa hearing na inilunsad ngayong araw, Hunyo 9, sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB), napagkasunduan ng mga nagpoprotestang manggagawa at management na ibalik ang mga manggagawang tinanggal sa trabaho.

“Masaya kami sa paunang tagumpay na ito dahil nagkakaroon na ng bunga ang pagsisikap at pagkakaisa naming mga manggagawa. Dahil sa aming pakikipaglaban, napagtagumpayan naming na makabalik sa trabaho sa Hunyo 15, Hunyo 30, at Hulyo 15. Kasama rin sa napagtagumpayan ang pagbibigay ng bayad para sa panahong tinanggal sa trabaho,” ani Jonathan Bulusan, Pangulo ng Ilaw, Gabay at Pag-asa ng mga Manggagawa sa Karzai – Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture (IGPAK-OLALIA).

Matatandaan na binuo ang IGPAK-OLALIA matapos iligal na tanggalin ang 60 manggagawang kontraktwal mula Enero hanggang Mayo. Ang unyon ay kaanib din ng Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay (LIGA).

“Sa laban naming ito, naging napakahalaga ang pagkakaroon ng isang tunay, palaban at makabayang unyon. Dahil sa diwa ng tunay na unyonismo at sa mga pag-aaral na nagturo sa amin n gaming mga karapatan, naging matibay ang aming paninindigan at matatag ang prinsipyo upang maging matapang sa pakikipaglaban,” ani Jonathan Remos, Pangalawang Pangulo ng IGPAK-OLALIA.

“Hindi pa tapos ang laban. Simula pa lang ito ng pagbawi ng mga karapatan na dapat ay ibinibigay ng kapitalistang Karzai sa amin. Kailangang higit pang magpalakas sa pamamagitan ng mga pag-aaral at pagpaparami ng kasapian upang magtagumpay naman sa pagpapanalo ng tunay na unyon sa haharaping certification election. Mahalaga ito sa pagtatagumpay ng laban para sa regularisasyon ng hanapbuhay,” pagtatapos ni Bulusan. ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s