Utak-kriminal ibinabalik sa serbisyo, P117,000 ang sahod;  Mga manggagawa nananatiling dayukdok ang kalagayan!

pnoy-xmas-20121218_173F8A1F63C54EABBACA7F7A875C18B6

Mariing kinukundena ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang muling pagbabalik sa trabaho ni dating PNP chief Gen. Alan Purisima na sasahod pa ng P117,000 kada buwan. Napakalaking agwat nito kumpara sa P315 lamang na minimum na sahod na natatanggap ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan.

“Hindi na dapat ibalik sa serbisyo si Purisima na isa sa mga utak ng madugong masaker sa Mamasapano. Ngunit sa halip na papanagutin sa napakalaki nitong kasalanan sa sambayanan muli itong ibinalik ni Noynoy Aquino sa serbisyo. Hindi katanggap-tanggap na sasahod ang isang utak-kriminal ng daanlibong piso at malaking bahagi pa ay manggagaling sa buwis ng mga nagpapakapagod na manggagawa.” Ani Allan Bagas, Pangkalahatang Kalihim ng PAMANTIK-KMU.

“Napakadali para sa gobyernong Aquino na ibalik sa trabaho ang mga mapanupil tulad ni Purisima. Ngunit ang 397 manggagawang nagsilbi at nagbigay ng yaman kay Lucio Tan sa loob ng 5 hanggang 11 taon ay nananatiling nakikipaglaban para sa kanilang pagbabalik at regularisasyon sa trabaho. Kasama ang mga manggagawa sa nagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa ngunit inutil ang DoLE at ang gobyernong Aquino para tugunan ang kanilang mga pangangailangan at igalang ang kanilang karapatan.” Dadag ni Bagas.

Nasa ika-22 araw na ng welga ang mga kontraktwal ng Tanduay sa Cabuyao, Laguna. Sa loob ng mahigit 3 linggo, pananakot, intimidasyon, harasment, karahasan ang hatid ng mga security guards at private goons ni Lucio Tan. Sa pangunguna ng head ng security ng Asia Brewery na si Noel Abrigo Coballes, dating Lieutenant General at dating Commanding Officer ng Philipine Army, mahigit 50 ng manggagawang kontraktwal ng Tanduay at mga tagasuporta ang nasaktan at nasugatan. Hanggang sa kasalukuyan, hindi rin nakikialam sa labor dispute ang plant manager na si Richard Teng.

“Idagdag pa natin ang kainutilan ng lokal na PNP ng Cabuyao at Sta. Rosa na parehong nagtuturuan kung sino ang may jurisdiction dito at kibit-balikat lamang sa karahasang dinaranas ng mga manggagawa,” saad ni Bagas.

Aniya ang patuloy na pangangalaga ni Noynoy Aquino sa kaniyang mga Kaibigan, Kaklase at Kabarilan at ang paglala ng kalagayan ng sektor ng manggagawa dahil sa malawakang kontraktwalisasyon ay iilan lamang sa malinaw na batayan na hindi na dapat siya patapusin ng termino at patalsikin na bago pa makapanghasik ng mga dagdag na krimen sa taumbayan. ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s