KUNDENAHIN ANG MALAWAKANG TANGGALAN SA PAGAWAAN NG KARZAI! IPAGTANGGOL ANG KASEGURUHAN SA HANAPBUHAY AT KARAPATAN! KUMILOS AT LUMABAN PARA MAGTAGUMPAY!

KUNDENAHIN ANG MALAWAKANG TANGGALAN SA PAGAWAAN NG KARZAI! IPAGTANGGOL ANG KASEGURUHAN SA HANAPBUHAY AT KARAPATAN! KUMILOS AT LUMABAN PARA MAGTAGUMPAY!

DSC_0258Ang pagawaan ng Karzai Corp., isang kompanyang pagaari ni Romeo To, ay nag-ooperate sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna. Dahil nasa lupaing saklaw ng ating bayan, dapat itong sumunod sa batas na umiiral sa ating bansa at dapat tiyakin ng mga nasa katungkulan sa gobyerno na sumusunod ito at gumagalang sa karapatan ng manggagawang Pilipino. Subalit lihis sa batas ang ginagawa ng dayuhang kompanya at muling ibinabalik ng dayuhang kapitalista ng Karzai ang hindi makataong pagtrato sa manggagawa.

Masahol ang kalagayan ng mga manggagawa ng Karzai sa loob ng pagawaan. Umaabot sa 90% ng manggagawa nito ang nasa ilalim ng kontraktwalisasyon, walang katiyakan sa trabaho, walang mga benepisyo at sumasahod lang P315 kada araw. Kinakaltasan pa ng kung anu-ano ng kanilang agency sa ‘di maipaliwanag na mga dahilan. Sa loob ng tatlong taon hindi nakatangap ang mga manggagawa ng kanilang 13th month pay.

Dahil sa ganitong kalagayan nagpasya ang mga manggagawa na magreklamo sa Department of Labor and Employment noong Pebrero 2015. Ngunit sa halip na masolusyunan ang kanilang mga inilapit na problema ay pagtatanggal pa ang isinukli ng kapitalista sa naunang 24 manggagawa na nanguna sa pagrereklamo. Hindi pa nasiyahan, nagpatuloy ang ginawang pagtanggal sa mga mangaggawa na umabot na sa mahigit 60 ang inalisan ng kabuhayan dahil lang sa pagtatanggol ng kanilang karapatan.

Dahil sa ganitong kalagayan, Mayo 5, 2015 pormal ng itinayo ang unyon ng manggagawa sa pangalang ILAW, GABAY AT PAG-ASA NG MGA MANGGAGAWA SA KARZAI CORPORATION – ORGANIZED LABOR ASSOCIATION IN LINE INDUSTRIES AND AGRICULTURE ( IGPAK-OLALIA). Nitong Mayo 25 nag-file ang IGPAK-OLALIA ng “Notice Of Strike” upang sama-samang ipagtanggol at ipaglaban ang karapatan na dapat matagal ng tinatamasa.

Makatwiran at may moral na batayan ang paglaban ng mga manggagawa. Tanging sa sama-samang pagkilos makakamit ang pagbabago ng kanilang kalagayan sa loob ng pagawaan. Marapat lang na ang lahat ng manggagawa ay suportahan ang laban para sa regular na hanapbuhay at pagtatamasa ng karapatang pangmanggagawa.

 

IBALIK ANG MGA MANGGAGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL SA KARZAI!

GAWING REGULAR ANG MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL SA KARZAI!

IBASURA ANG KONTRAKTWALISASYON! IPAGLABAN ANG REGULARISASYON!

 

ILAW, GABAY AT PAG-ASA NG MGA MANGGAGAWA SA KARZAI CORPORATION (IGPAK-OLALIA)

LIGA NG MANGGAGAWA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY (LIGA)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s