WELGA NG MGA MANGGAGAWA NG TANDUAY PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA! LUCIO TAN, IBIGAY ANG KAHILINGAN NG MGA KONTRAKTWAL NA TUNAY NA LUMILIKHA NG IYONG YAMAN!

Tanduay-Strike-for-web

Tanduay-Strike-for-web

Ganap na idinedeklara ng mga manggagawa ng Tanduay simula ngayon, Mayo 18, 2015, sa pangunguna ng Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) ang isang WELGA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA!

Sampu ng buong kasapian ng TUDLA at ng 397 manggagawang kontraktwal na bumubuo sa 90% ng kabuuang lakas-paggawa sa Tanduay Distiller Inc. dito sa Cabuyao, Laguna, KAMI AY MATAGAL NANG NAGTITIIS SA PAHIRAP NA KALAGAYAN SA LOOB NG PABRIKA!  Karamihan sa aming mga kontraktwal ay 5 hanggang 11 taon nang nagtatrabaho ngunit nananatiling kontraktwal hanggang sa kasalukuyan – patuloy na nakapako sa napakababang sahod na P315 na maaari pang bumaba sa P255 floor wage dahil sa iskemang Two-Tiered Wage System, patuloy na walang natatanggap na makabuluhang benepisyong magtataas sa kalidad ng buhay ng aming pamilya, at higit sa lahat, patuloy kaming nasasadlak sa kawalang kaseguruhan sa trabaho dulot ng Labor Only Contracting o LOC ng kapitalistang Tanduay na iligal!

Tulad ng mga manggagawa ng Kentex sa Valenzuela na namatay kamakailan sa sunog dahil sa kawalan ng safety protocols, talamak din sa loob ng aming pagawaan ang kakapusan sa Personal Protective Equipment (PPE). Madalas kaltas pa sa aming sahod kung kukuha ng PPE kaya’t maya’t maya ang naaksidente at nasusugat sa bubog dahil sa mga nababasag o sumasabog na bote. Ayaw naming magaya sa mga manggagawa ng Kentex na huli na at namatay dahil hindi naagapan ang ganitong problema, hangad din namin ang ligtas na kondisyon sa paggawa!

Dagdag pa rito, dilawan at nagbubulag-bulagan ang nakatayong unyon sa loob ng aming pagawaan kaya’t hindi umuunlad ang aming kalagayan.

Maayos naming sinunod ang paghahain ng petisyon para sa regularisasyon sa Department of Labor and Employment o DoLE, subalit mismong mga inspektor ng DoLE ay bayaran at kasabwat ni Lucio Tan! Sa pagsusumite ng resulta ng kanilang inspection noong Abril 28, inutil sila Jennifer Taip at Daisy Ramos sa mga pruweba ng paggamit ng LOC ng kumpanya at sa halip, tinawag pang “legal” ang dalawang agency ng Global Skills Providers Multi-purpose Cooperative at ang at HD Manpower Service Cooperative. Ang aming paglalantad sa kabulukan ng DoLE at ang kanilang pakikipagkuntsaba sa Tanduay ay lalo pang nagluwal ng panunupil sa aming mga manggagawa: ngayong Mayo 16, kumpirmadong ang higit 200 sa amin ay iligal na tatanggalin dahil lamang sa aming paninindigan para sa tama at makatarungang kondisyon sa paggawa!

Bago pa ito, samu’t saring panunupil na ang nararanasan namin mula sa management – kabilang na rito ang 5 araw na forced leave simula noong Abril 24, at ang sapilitang pagpapapirma sa waiver na mag-aatras sa aming laban para sa regularisasyon. Makailang beses nang binabantaan ang aming kasapian na tatanggalin o ‘di kaya’y berbal na inaabuso sa pagtatawag na “walang utang na loob”. Paano ito nangyaring kami pa ang “walang utang na loob” gayong dekada na kaming naninilbihan subalit wala man lamang kakapiranggot na ibinalik sa amin ng kumpanya sa napakalaking tubo na nakuha nito dahil sa aming likhang-produkto? Noong 2012 at 2013, umabot ng higit P10 BILYON at P12 BILYON ang Net Sales ng kumpanya, ibig sabihin walang pang gasingko sentimos ang nakukuhang pakinabang ng manggagawa mula rito! Si Lucio Tan mismo na hinirang ng Forbes Magazine bilang pangalawa sa pinakamayamang Pilipino sa kasalukuyan, ay nagkakahalaga ng $6.1 BILYON o P270 BILYON ang ari-arian! Kaya hindi kami naniniwalang mahirap maibigay ng Tanduay management ang aming kahilingan para sa regularisasyon, ito’y kapiraso lamang kung ikukumpara sa araw-araw na supertubong nahuhuthot nila dahil sa sagad-sagaring pagpapahirap nila sa amin.

Kaya buong lakas at tiwala naming ilulunsad ang WELGA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA! Sapagkat ito na lamang ang aming nalalabing armas upang makamit ang katarungang matagal na naming hinahangad. Ngayon, kailanpaman, hinihingi namin ang suporta ninyong mga kapwa naming manggagawa, maging ng iba’t ibang sektor ng mamamayan: mga estudyante, propesyunal, magbubukid, taong-simbahan, makabayang pulitiko, at marami pang iba – patunayan nating kayang-kaya nating gapiin sa pamamagitan ng nagkakaisang tinig ng mga Pilipino ang tunay na nagpapahirap sa ating lahi – silang iilang mayayamang tulad ni Lucio Tan na marapat nang magising at magkaroon ng katiting na malasakit sa ating lahat na bumubuhay sa kaniyang negosyo!

Sama-sama nating ipagtagumpay ang WELGANG ito, sapagkat hindi lamang namin ito WELGA, kundi WELGA ito para sa lahat ng manggagawang kontraktwal na nagnanais maging regular, WELGA para sa disente at nakabubuhay na sahod at kalagayan sa paggawa, WELGA para sa mas mabuting kinabukasan para sa ating pamilya at mga anak!

IPAGTAGUMPAY ANG WELGA PARA SA REGULAR NA HANAPBUHAY AT MAKATAONG KONDISYON SA PAGGAWA! LUCIO TAN, GANID SA YAMAN! 397 MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL NG TANDUAY, IREGULARISA!

IPAGBAWAL ANG MALAWAKANG KONTRAKTWALISASYON! ITIGIL ANG PANUNUPIL SA MGA MANGGAGAWA!  

TUNAY NA UNYON NG MANGGAGAWA, ITAYO AT IPAGLABAN!

~TANGGULAN UGNAYANG DALUYANG LAKAS NG ANAKPAWIS SA TANDUAY DISTILLERS INC. (TUDLA)

MAYO 18, 2015

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s