Makatarungang kompensasyon para sa mga manggagawang biktima ng sunog sa Valenzuela

Litrato mula kay Allan Gatus ng gmanetwork.com.
Litrato mula kay Allan Gatus ng gmanetwork.com.
Litrato mula kay Allan Gatus ng gmanetwork.com.

Taos-pusong nakikiramay ang buong kasapian ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa mga pamilya ng mgabiktima sa nangyaring sunog ng isang pagawaan ng tsinelas sa Valenzuala nitong Mayo 13, 2015.

Isang malagim na trahediya para sa maralitang Pilipino ang biglang mawalan ng nagtataguyod sa pagsustento para sa pang-araw-araw na pangangailan pamilya. Ang nangyaring sunog na kumitil sa kumpirmadong 31 katao na karamihan ay kababaihan (at pinangangambahang umakyat pa sa 70 dahil “nawawala” o hindi na makilala pa mula sa natupok na apoy) – ay kung tutuusin hindi lamang isang aksidente kundi may pananagutan dapat sa may-ari ng pagawaan at lalo na sa Department of Labor and Employment (DoLE) ng gobyernong Aquino.

Kapuna-puna napinaniniwalaang mula sa isang “pagsabog ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng tsinelas” ang pinagmulan ng sunog.Nakumpirma ring walangfire escapes ang mismong gusali kaya’t napilitan makulong ang karamihan sa mga manggagawa sa ikalawang palapag hanggang tuluyang lamunin sila ng apoy.

Maiuugat natin ang ganitong mga kapabayaan sa usapin ng occupational health at fire safety standards dahil sa kawalan ng inspeksyon ng DoLE sa mga pabrika upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga manggagawa. Sa tala nga ng International Labor Organization, sa bawat 15 segundo ay isang manggagawa ang namamatay dahil sa disgrasya o sakit na nakukuha sa loob ng lugar ng pagawaan. Ngunit sa halip na mapababa ang istatistikang ito, dahil sa ipinatupad ng DoLE na Department Order 57-04, nagkibit-balikat na lamang ang ahensiya sa kanilang responsibilidad sa mga manggagawa. Hinayaan ng DoLE ang mga pagawaang nag-eempleyo ng 200 katao o higit pa na maglunsad na lamang ng “self-assessment” hinggil sa occupational health and safety ng kani-kanilang mga pagawaan.

Sa Timog Katagalugan (TK), talamak ang mga pagawaang hindi nagpapatupad ng mga patakarang mangangalaga sa kaligtasan ng mga manggagawa. Lalo na sa bahagi ng mga kontraktwal na manggagawa na hindi binibigyan ng Personal Protective Equipment, hindi sinasanay upang magkaroon ng kaalaman hinggil sa panganib ng mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa, at hindi ipinagkakalooban ng mga nararapat na benepisyo. Hindi nalalayo ang sitwasyon sa TK na maliban sa panganib na maisalang sa mga katulad na trahediya ay araw-araw tinatamaan ng krisis dahil sa mababang pasahod at kawalan ng seguridad sa trabaho.

Kaya’t kaisa ng mga pamilya ng biktima ang PAMANTIK-KMU sa pagpapanawagan para sa makatarungang kompensasyon para sa mga pamilya ng nawalandulot ng sunog. Gayundin, nananawagan kami sa ang pagsusulong ng pagtaas sa kalidad ng pangangalaga sa kaligtasan ng manggagawa sa loob ng pabrika upang maiwasan ang mga kahalintulad pangtrahediya at panganib sa buhay ng manggagawang Pilipinong siyang bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa. #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s