Isang taon makalipas ang iligal na pagsasara ng HOYA: Tuloy ang pakikibaka para sa katarungan sa paggawa!

10994326_1559714180982267_5345794888760128795_o

Isang taon ang nakalipas simula noong sinalanta ang kabuhayan ng 2,600 manggagawa dahil sa illegal closure ng HOYA Glass Disc Philippines sa First Philippine Industrial Park (FPIP), Sto. Tomas, Batangas. Isang patunay na walang malasakit ang mga kapitalista sa kapakanan ng mga manggagawang nagpapagod para lamang sa pagpapalago ng kanilang luho at tubo.

Noong Abril 30, 2014, sa bisperas ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa, ay bigla na lamang ibinaba ang balita ng pagkakatanggal. Ipinwersa kaming tanggapin na lamang ang huling sahod at separation pay – sa kabila ng pagiging iligal ng Notice of Closure na hindi dumaan sa tamang prosesong nakasaad sa batas. Ikinatwiran ng management na nalulugi na umano ang kumpanya, hindi ito kapani-paniwala dahil alam naming ang aming produkto (lens para sa mga hard disks at glass disks) ay mataas ang demand. Lalo na at kami ang nagsu-suplay para sa mga branded na produkto tulad ng Seagate, Hitachi, Western Digital, at S Howa Denko. Sa pag-aaral, hindi nalulugi kundi limpak-limpak pa ngang kita ang nakuha ng kapitalistang Hoya mula $27 milyon noong 2012 tungong $37 milyon 2013. Liban na lamang kung hindi marunong magbilang o nabulag na dahil sa pagkaganid ang management, masasabi pa bang pagkalugi ang $10 milyon na nararapat sanang  pantustos sa mga kahilingan ng mga manggagawa? Hindi makatarungan ang naganap na pagsasara. Napagalaman ring namimigay ng flyers na naghi-hire ng mga kontraktwal sa Hoya.

Union busting o pagdurog sa aming itinayong unyon ang tunay na dahilan sa pagsarara. Simula nang ganap na union registration sa Department of Labor and Employment noong Abril 25, 2014 at magwagi ang Certification Elections noong July 31, 2014 ay naging batayan ito ng kapitalistang Hoya upang pilayin ang aming pagkakaisa na maisulong ang mas mataas na sahod, benepisyo at kaseguruhan sa trabaho.  Kalunos-lunos ang aming kalagayan, nakapako sa P315 minimum na sahod ang mga kontraktwal, samantalang ang mga manggagawang regular na higit 15 taon nang nagtatrabaho ay nakatatanggap lamang ng ‘di kukulanging P150 umento sa sahod. Kaya’t kasabay ng pagsasampa sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng illegal closure at union busting – dagdag naming  ikinaso ang unfair labor practices, non-payment of 13th month pay at non-payment for sickleave and vacation leave.

Sa kabila ng mga pagsubok, hindi isinuko ng unyon ang laban. Umaasa ang mga manggagawa na paboran kami sa desisyon ng NLRC: ang matupad ang reinstatement ng lahat ng tinanggal na manggagawa at ibigay ang full back wages. Ngunit hindi rin dapat tayo mabulag sa ilusyon na makakamit ito sa madaliang paraan. Tulad ng nangyaring pagkapanalo ng kaso sa Court of Appeals ng tinanggal na 35 manggagawang kontraktwal noong 2013 – sa pamamagitan lamang ng sama-samang pagkilos at matibay na paninindigan lalong mapepressure ang gobyerno na pumanig sa atin. Dapat maging aral ang nangyari sa HOYA, lalo na sa mga kontraktwal at sa mga tinanggal na kailangan ang mas mahigpit na kapasyahan sa pagtatayo ng tunay, palaban, at makabayang unyon.

Dahil sa mga batas na ipinatutupad ng gobyernong Aquino sa utos ng kaniyang mga imperyalistang amo, lalong tayong nasasadlak sa pambubusabos. Pangunahing kaaway ng manggagawa ang Kontraktwalisasyon, mababang pasahod dulot ng Two-tiered Wage System, at mga iskema tulad ng Labor Flexibilization. Hindi lamang kainutilan ang tugon ni Aquino sa kilusang paggawa, kundi mismong panunupil. Nitong Marso 8, 2015 lamang, isang organisador at edukador ng mga manggagawa, si Florencio Romano, ang pinaslang sa Batangas City ng mga elemento ng maka-kapitalistang pulis at militar. Nariyan din ang masalimuot na katotohanan ng Labor Export Policy kaya’t marami manggagawa ang napagsasamantalahan sa ibayong dagat tulad ng nangyari kay Mary Jane Veloso.

Sa darating na Mayo Uno, padadagundungin nating mga manggagawa ang mga lansangan – upang ipanawagan ang kagyat na pagpapatalsik kay Aquino.  Walang mapapala ang manggagawa kung magpapaalipin sa pagkaganid ng mga kapitalista at magpapadikta sa gobyerno! Kailangan nating magkaisa, pag-aralan ang ating kalagayan. Isadiwa ang pakikibaka para sa pagbago ng kalagayan sa pabrika – na manggagawa dapat ang mapagpasya dahil tayo ang lumilikha ng yaman. Angkinin natin ang ating papel sa kasaysayan – bilang proletaryado na siyang pinakaabante ang kamalayan sa praktika upang maitayo ang lipunang patas sa paggawa at walang iilang nagsasamantala!

KATARUNGAN PARA SA 2,600 MANGGAGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL NG KAPITALISTANG HOYA! UNYON NG MANGGAGAWA, ITAGUYOD AT PALAKASIN! ITIGIL ANG MALAWAKANG UNION-BUSTING SA MGA PAGAWAAN! IBASURA ANG KONTRAKTWALISASYON AT IPAGLABAN ANG REGULARISASYON! URING MANGGAGAWA MAGKAISA, DURUGIN ANG PAGSASAMANTALA NG GANID NA KAPITALISTA!

~Kalipunan at Saligan ng Manggagawa sa Hoya Glass Disk Philippines – Independent (KASAMA sa HOGP-Ind)

Advertisements

Workers commemorate millions killed each year due to lack of occupation health safety

DSC_0183

Intramuros, Manila – Workers from various industries in Southern Tagalog lead by the Metal Workers Alliance of the Philippines flocked to the Office of the Secretary, Department of Labor and Employment (DoLE) to express their growing discontent for the Aquino government’s neglect on Occupation Health Safety (OHS) in the country.

The workers staged a picket-protest in front of DoLE in solidarity with the International Workers’ Memorial Day commemorated around the world on April 28. The workers denounce both company owners and the Noynoy Aquino government for turning a blind eye to the plea of workers to improve the working conditions inside industrial factories and enclaves.

According to the International Labor Organization (ILO), there are approximately 2.3 million workers from around the world who die because of accidents or diseases caught in their workplace. ILO estimates that in every 15 seconds, at least one worker dies – a clear manifestation of the lack of governing laws to protect the life of workers. In the Philippines alone on 2011, the Bureau of Labor and Employment Statistics recorded 20,635 cases of occupational accidents from factories that employ 20 workers and more. Partylist groups such as Gabriela and Anakpawis have filed House Bo;; 4635 or the Worker’s Safety and Health Inspection and Employer’s Liability Decree (Worker’s SHIELD), but such bills remain ignored by majority of lawmakers who are stockholders of capitalists.

“We are fed up with Aquino’s Noynoying or inaction which shows that he has no real concern to the plight of the working class. We have been demanding better working conditions for decades but the Aquino government only rewarded us with more repressive labor policies like contractualization, labor flexibilization and low wages. If workers do not die of accidents because of a hazardous environment, we die of hunger and financial incapacity to access health services. It is no surprise then that workers look for jobs abroad and are then put to risk of being framed as drug mules such as what happened to Mary Jane Veloso,” Christopher  Oliquino, National Secretary General and Regional Coordinator, Metal Workers Alliance of the Philippines – Southern Tagalog (MWAP-ST).

According to Oliquino, as if adding literal “insult to injury”, the DoLE released Department Order 57-04, permitting factories that employ more than 200 workers and those that have unions to conduct “self-assessments”. This means that DoLE no longer has a responsibility in checking the company’s OHS. “Would we expect owners to report that they violate the rules of DoLE? Added to this is the fact that there are no grave punishments to those who violate safety standard,” he said. The lack of personal protective equipment, proper ventilation and temperature fit for a healthy workplace, are but some of the common violations that companies make. Oliquino stressed that metal industry workers are at a higher risk to injuries due to the machineries they operate coupled with constant heat that they are exposed to.

The said picket-protest is a build-up activity for the upcoming Labor Day protest on May 1. More workers in Southern Tagalog are expected to join during the big mobilization at Crossing, Calamba City on the said date. #

‘Veloso’s case a grim reality of today’s Filipino working class’ –PAMANTIK-KMU

10421383_10205533511471215_7467510457073217007_n
Southern Tagalog labor center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) expresses its disgust over BS Aquino government’s vain efforts in saving the life of migrant worker Mary Jane Veloso, saying that if Aquino is genuinely sincere in helping Veloso, it should have done so much earlier than now.

The government was lying through its teeth that a second judicial review has been filed by noon of April 25 in efforts to acquire a stay on the execution of Veloso. As of press time, the Philippine legal team has only submitted the review ten minutes before 4 in the afternoon after translating her parents’ affidavit into Bahasa.

Such is the inaction taken by the government on our migrant workers, their situation is no different to that of workers in the Philippines. Like Mary Jane, we are forced to subsist on low wages and cram in poor labor conditions. Since the jobs available here in the country have measly wages and no benefits, Filipinos are forced to search for work abroad – even if it means endangering their lives.

Mary Jane’s case is not an isolated one but a prevailing reality among Overseas Filipino Workers (OFWs). The sorry state of our labor force is the reason why almost 6,000 Filipinos leave the country every day. In the midst of lack of social services, widespread corruption and state impunity – we cannot blame if Filipinos risk themselves for a better future outside our islands.

Recently, BS Aquino insulted millions of workers with a 15-peso “allowance” only in the National Capital Region, and the two-tiered wage system which drastically decreased the minimum wage based solely on “productivity” .Labor unions in the Southern Tagalog region and throughout the nation, have been victim of union-busting through the connivance of capitalists and government agencies, such as what happened in Sagara Metro Plastic, Carina Apparel and Hoya Glass Disk Philippines.

The consequences of BS Aquino’s anti-worker policies have resonated not only in our country, but to Filipinos around the world. His hands are full of blood as he continues to threaten millions of lives through neoliberal policies that cause extreme poverty, corruption, violation of human rights – all brought about by his puppetry to the imperialist U.S.

The case of Mary Jane Veloso is another reason why we should tirelessly call for the ouster of Aquino because of his countless crimes to the Filipino people. ###

PANAGUTIN ANG KAPITALISTANG TANDUAY SA PAKANANG TIGIL-OPERASYON UPANG MAKAIWAS SA INSPEKSYON NG DOLE AT LITUHIN ANG PAGKAKAISA NG MGA KONTRAKTWAL!

DSC_0070

Mariing ipinapahayag ng Tanggulan Ugnayang Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) ang disgusto sa naganap na iligal na tigil operasyon at forced leave sa Tanduay Distillers Inc. sa Cabuyao, Laguna sapagkat ito ay malinaw na pakana upang lituhin ang pagkakaisa ng mga manggagawang kontraktwal.

Nitong Abril 24 ng umaga, tumambad na lamang sa dalawang linya ng mga manggagawa na walang pasok dahil umano walang sapat na materyales tulad ng bote at karton upang ituloy ang operasyon. Nakatakda ring itigil ang operasyon ng isa pang linya simula bukas. Iligal ang nasabing tigil operasyon at forced leave sapagkat walang nakuhang permiso mula sa Deparment of Labor and Employment.

Ngunit napag-alaman ng TUDLA na sadyang hindi idineliver ng management ang materyales na kailangan upang pwersahang tumigil ang paggawa – na tatagal ng limang araw kaya’t lubusang apektado ang kabuhayan ng humigi’t kumulang 300 manggagawa. Ang limang araw na pagtigil ng operasyon ay tiyak na malaking kaltas sa payslip naming mga manggagawa. Saan ngayon kami kukuha ng pantustos sa aming pamilya gayong nakaasa kami sa tanging trabaho namin?

Hindi kami naniniwala sa pakulo ng management, sa halip ang nakikitang tunay na dahilan ay ang pag-iwas sa nakatakdang inspeksyon ng DoLE hinggil sa petisyon ng mga 397 na manggagawa na maregularisa. Nitong Abril 16 lamang, narehistro sa DoLE ang TUDLA bilang pormal na asosasyon. Sa layunin ng TUDLA na itaas ang sahod ng mga kontraktwal, magkaroon ng mga benepisyo at regularisasyon – pilit itong dinudurog ng management sa pangunguna ni Richard Teng kasabwat ang dilawang unyon ng Pilipino Samahang Manggagawa. Karamihan na sa mga kontraktwal na manggagawa ay nagtatrabaho sa Tanduay ng higit limang taon na, ang ilan pa nga’y dekada na ang inabot subalit kontraktwal pa rin!

Sa loob ng pagawaan ng Tanduay, kadusta-dusta ang kalagayan ng mga kontraktwal na bumubuo ng 90% ng kabuuang manggagawa. Maliban sa mumong sahod, madalas pang delayed ang paglalabas nito. Nalalagay rin kami sa panganib dahil walang ibinibigay na maayos na Personnel Protective Equipment (PPE) ang kumpanya kaya’t madalas may nasusugatan at naoospital tuwing nakakatapak ng bubog o may nababasag na mga bote. Kung nagnanais magkaroon man ng PPE ay kailangan pa itong bayaran at ikaltas sa kakarampot nang pasahod.

Kaya’t hindi na nakapagtataka na ang isang malapit na cronie ng rehimeng US-Aquino na si Lucio Tan ay ganito na lamang kadali ang pagmamaniobra sa kilusang paggawa. Papaanong ang isang taong tulad ni Tan na nagkakahalaga ng $6.1 bilyon o P270 bilyon ay hindi man lamang kayang iregularisa ang 397 na manggagawa at bigyan kami ng mas maalwang buhay? Ganito na lamang kaganid ang pangalawa sa pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas! At sa ganitong pangyayari rin napapatunayang hindi kailanman maipagkakasundo ang interes ng mga kapitalista na silang nagsasamantala at kaming mga manggagawa na lumilikha ng yaman.

Iligal sa Labor Code kung maituturing ang ipinapatupad na Labor Only Contracting sa amin ng mga agency ng Global Skills Providers Multi-purpose Cooperative at ang at HD Manpower Service Cooperative sa loob ng Tanduay. Kada kinsenas, ramdam pa ng aming mga sikmura ang mga kung anu-anong kaltas sa aming payslip liban pa sa SSS, Philhealth at Pag-ibig ay ang hindi namin mawaring “insurance providence fund” at “death contribution” o abuloy gayong wala namang manggagawa namamatay buwan-buwan!

Sa ganitong mga palagay, kaming mga manggagawa mula sa TUDLA ay sawang-sawa na sa pandaraya ng mga agency at kapitalista. Naninindigan kami ngayong dapat lumaban para sa mas mabuting kalagayan sa paggawa. Nararapat kung gayon na magkaisa tayong mga manggagawa – lalo na tayong mga kontraktwal – upang igiit ang nararapat nating sahod, benepisyo at kaseguruhan sa trabaho. Tanging sa ating sama-samang pagkilos, makakamit ang pagpapahusay ng ating kalagayan at ang kinabukasan ng ating pamilya’t mga anak!

RICHARD TENG AT LUCIO TAN, GANID SA YAMAN!

397 MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL NG TANDUAY, IREGULARISA!

IPAGBAWAL ANG MALAWAKANG KONTRAKTWALISASYON!

ITIGIL ANG PANUNUPIL SA MGA MANGGAGAWA!

TUNAY NA UNYON NG MANGGAGAWA, ITAYO AT IPAGLABAN!

~TANGGULAN UGANAYANG DALUYANG LAKAS NG ANAKPAWIS SA TANDUAY DISTILLERS INC. (TUDLA)

Tanduay Distillers Inc. tigil-operasyon para makaiwas sa inspeksyon ng DoLE, Samahan ng mga kontraktwal ginigipit!

Cabuyao, Laguna – Kinukundena ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang naganap na pagtigil ng operasyon at forced leave ngayong umaga ng Abril 24 na magtutuloy umano hanggang Abril 28 sa Tanduay Distiller Inc. bilang panibagong iskema ng panggigipit sa mga kontraktwal na manggagawang lumalaban para sa regularisasyon.

Kaugnay nito ang nakatakdang inspeksyon dapat ng opisyales ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa planta na hiniling ng Tanggulan Ugnayang Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA). Ang TUDLA ay isang samahan ng mga kontrakwal na opisyal na narehistro sa DoLE noong Abril 16.

Ayon sa management ng Tanduay, itinigil ang operasyon dahil umano sa “kakulangan sa materyales”. Ngunit pinasubalian ito ng TUDLA dahil sa pagkakalap nila ng datos mula sa mga manggagawang namamahala ng mga bote at karton ay sapat naman ang materyales. Ayon pa sa TUDLA, ang naging pagtigil sa operasyon at forced leave ay iligal dahil walang paghahaing naganap sa DoLE at hindi ito pinahintulutan ng nasabing ahensiya.

Ipinatigil ng Tanduay ang operasyon upang makaiwas sa inspeksyon ng DoLE na makita ang trabaho ng mga kontraktwal sa loob ng planta. Liban pa dito, limang araw na walang sahod kaming tinatayang 130 na manggagawa na apektado dahil sa panggigipit na ito,” ani Anse Are, Pangulo ng TUDLA.

Ayon kay Are, nagtayo sila kamakailan ng samahan ng mga kontraktwal dahil hindi na masikmura ng mga manggagawa ang napakababang sahod na ibinibigay ng management, pati na ang kawalan ng mga benepisyo tulad ng sick leave at vacation leave. “Karamihan sa aming 397 na kontrakwal ay higit limang taon nang nagtatrabaho subalit hindi pa rin nareregularisa. Hindi na ito makatarungan sa bahagi naming araw-araw ubos-pagod na pumapasok sa pagawaan,” ani Are. Dagdag pa niya, hindi na nakapagtataka kung bakit isa sa pinakamayamang Pilipino sa ngayon si Lucio Tan dahil na rin sa patuloy na paghuthot sa yamang nililikha nilang mga manggagawa. 44 lamang ang bilang ng regular sa Tanduay, sa ganitong kaayusan, 90% sa kabuuang ineempleyo ang kontraktwal.

Ang Tanduay Distillers Inc. ay nagpapatupad ng Labor Only Contracting (LOC) na iligal na maituturing sa batayan ng Labor Code. Sa kasalukyan, dalawang agency ang nag-eempleyo ng LOC sa planta: Global Skills Providers Multi-purpose Cooperative at ang HD Manpower Service Cooperative.

Nagpapatuloy ang panunupil ng rehimeng US-Aquino sa mga manggagawang lumalaban para sa mas mabuting kalagayan sa paggawa. Mismong ang may-ari ng Tanduay na si Tan ay kilalang cronie ng kasalukuyan administrasyon – kung kaya’t kahit ngayong papalapit na ang Mayo Uno ay nangyayari ang ganitong mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa,” saad ni Roque Polido, Tagapangulo ng PAMANTIK-KMU. Dagdag pa ni Polido, asahan na marami pang mga manggagawa ang magpoprotesta dahil sa patung-patong na mga krimen ni Aquino sa bayan. Inaasahan umano ng grupo ang papalaking bilang ng mga unyon at samahang sasama sa kilos-protesta sa Crossing, Calamba sa Mayo 1.

Nakatakdang magsagawa ng piket sa Cabuyao ang mga manggagawa ng Tanduay sa mga susunod na raw. Nagtakda rin sila ng diyalogo sa opisina ng alkade at bise-alkade sa susunod na linggo hinggil sa usapin. Nauna na silang naghain ng grievance nitong simula ng linggo kay Richard Teng, plant manager ng Tanduay, subalit hindi sila nakatanggap ng anumang sagot mula dito. “Hindi kami susuko sa aming laban, bagkus lalo pang pag-aalabin ang aming lakas upang makamit ang aming mga hinaing sa sama-samang pagkilos,” saad ni Are.#

Sagara workers storm national government offices: Call for Aquino’s ouster due to union-busting, contractualization, meager wages

DSC_0123

Labor unions under the alliance of Coalition of Autoworkers and Related Industries Against Imperialist Domination (CAR-AID)trooped to the Supreme Court, Court of Appeals, Department of Labor and Employment (DoLE) Main Office and Mendiola Shrine last April 21, condemning the recent union repression cases and to call for the end of contractualization of workers.

Majority of the workers who joined the protest come from the Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Sagara Metro Plastic Industrial Corporation – Independent (LNMSMPIC-Ind), which last April 8 had their Certification Elections arbitrarilycancelled by an Administrative Order from Benjo Benavides, Bureau of Labor Relations (BLR) Regional Director. The workers believe that the cancelation of the CE was unjust and illegal because only a Temporary Restraining Order from the Court of Appeals can issue such a decision.

LNMSMPIC-Ind union president Thaddeus Gecale called out that this case as another scheme of capitalist Sagara to block out their rights for higher wages and benefits. He also mentioned posters in the outskirts of the plant where workers were urged to vote “No,” which they traced to the blackproganda campaign of the counterfeit union federation of National Mines and Allied Workers’ Unions against the CE.

“Our experience only proves that the capitalist has everything in its arsenal – even the government – to hamper the exercise of basic human rights, and in preventing to solidify the unity of workers in Sagara,” Gecale said.The union trooped to regional offices instantly after the news of the election cancellation. However, their calls fell on deaf ears – as they were finally referred to the national bureaus to settle their case.

In agreement, Reden Bauyon, Chairperson of CAR-AID stated that in car industry related factories such as Sagara, union repression is more evident having low wages and no benefits. Added to this is the fact that 70%-80% of the workforce already comprise of contractual workers. According to him, the Aquino government has not even a lifted a finger in such workers’ issues; but has rather exacerbated them.

“We are welcoming Labor Day with the consistent trampling of workers’ rights including absence of job security andmeasly wages. For five years, BS Aquino has one by one implemented anti-worker policies such as the Two-Tiered Wage System, Herrera Law, labor flexibilization, militarization in the workplace, and many others that haveplaced the workers in a dismal condition,” said Bauyon.

Bauyon also stressed the need to increase the National Minimum Wage to P16,000 since the current cost of living is already too expensive for workers especially those with families – with an average of P317 minimum wage in Southern Tagalog, much lower for contractual and casual workers.

“Our continuous struggle against foreign domination and in the essential rights of the workers and the people will blaze a larger flame as we call for BS Aquino’s ouster and in the creation of the People’s Transition Council,” he added

Workers gear-up for Labor Day, stage coordinated protests against contractualization, low wages

DSC_0039

A week and a half left before Labor Day, workers from various factories in Southern Tagalog launch intensified protests to register the growing discontent of the peoplefor the U.S.-Aquino regime’s labor policies, primarily contractualization and low wages, and call for Aquino’s ouster.

Led by the Coalition of Autoworkers and Related Industries Against Imperialist Domination (CAR-AID), workers staged a regionally-coordinated motorcade last April 20 at 4PM. The motorcade went around economic zones and industrial enclaves in Laguna, namely from the Laguna Technopark in Calamba City and factories near Cabuyao, Biñan and San Pedro. Bearing calls to “Junk contractualization” and “Increase National Minimum Wage to P16,000”, at 5PM the motorcade converged in Amar, Balibago, Sta. Rosa for a program where leaders expressed their disgust on Aquino’s continued subservience to foreign capitalists.

“We are disgusted with how, in almost five year, Aquino not only retained repressive labor laws but also worsened the workers’ conditions. Instead of helping us through job security and higher wages, this government allowed widespread contractualization and bigger profits for factory owners at the expense of our sweat and blood,” said Reden Bauyon, Chairman of CAR-AID.

Bauyon believes that with the current situation of car industry factories in the region, state machineries such as the Department of Labor and Employment (DoLE) that supposedly side with the workers are the main implementers of violations on the Labor Code. He cited the recent union-busting of the Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Sagara Metro Plastic Industrial Corporation – Independent (LNMSMPIC-Ind) supposedly slated for Certification Elections last April 8. DoLE however, arbitrarily cancelled the said elections without the proper legal mechanisms followed.

“Slowly but surely, workers are realizing that the only hope that we can genuinely hold on to is our collective strength to lead our fellow workers in order to uplift our economic conditions. This is why we continuously organize workers to unionize, most especially the contractual workers who are unaware of their rights and are prone to abuse from company owners,” Bauyon added. He urged other industry related workers to coordinate with them in order to learn and be aware of their situation, which he said is the first step into truly understanding the plight of the sector, not only for higher wages, benefits and job security but also a better society.

“We have learned through history that the most oppressed classes become the seeds for a brighter future once everyone is united under one struggle,” he stressed.

Tomorrow, April 21, a series of protest action will be stage in Manila, particularly at the Supreme Court, Court of Appeals, DoLE main office and Mendiola. Participating workers in these protests include unions and organizations from Honda Cars, Honda Parts, Technol8, Takata, Sun Logistic, Ftech, Daiwa, Toyota, Terrumo, Sagara and many others. #

Workers intensify plight against contractualization, Calls for P16,000 National Minimum Wage

DSC_0252

STA. ROSA CITY, LAGUNA – To intensify the sector’s call for higher wages and better living conditions, workers led by the Metal Workers Alliance of the Philippines – Southern Tagalog (MWAP-ST) conducted a forum last April 19, tackling the issues of contractualization and the need for a P16,000 National Minimum Wage.

According to Christopher Oliquino, National Secretary General of MWAP, low wages and the absence of job security due to widespread contractualization are the main reasons why workers remain poor under Noynoy Aquino’s term. “It is infuriating that Aquino prioritizes big businessmen and foreign investors over the interests of the Filipino working class. The condition of workers within industrial zones has worsened, and we must continue to spread awareness first to strengthen our ranks,” he stressed.

MWAP is an alliance established on March 2006 which consists of workers from the automotive, electronics, metallurgical mining, ship building, electrical smelting and other related industries. The alliance seeks to uphold the rights not only of metal workers, but most especially of contractual workers nowadays, who are not aware of their right to organization, just wages and better working conditions. “Right now, contractual workers which consists of 70% to 80% of the entire workforce are prone to exploitation, since they are easily convinced that they have no other choice but to work and that they are not allowed to establish or join unions,” Oliquino added.

During the forum, the All Workers’ Unity in Southern Tagalog was formally established – which primarily calls the increase of the National Minimum Wage to P16,000. According to Oliquino, the cost of living today for workers who have families are much too expensive as compared to the measly wages that they are receiving. The recent P15 increase in wages by the Department of Labor and Employment only in the National Capital Region was an insult to injury especially to industry workers based in Southern Tagalog. “P16,000 wages for workers are but crumbs as compared to the superprofit that capitalists make each day. We believe this is a just demand for increase,” he stressed.

MWAP also urges the improvement of health and safety standards imposed within factories. Workers in these industries have a higher likelihood to injuries such as burns and cuts, together with lack of ventilation from high temperature machineries that affect the actual workplace. “We have been fighting for the Occupational Health Standards to be duly recognized as a basic right in order to alleviatethe safety protocols, and remove hazardous risks that even lead to death of workers,” Oliquino said.

In connection to this, the workers are preparing for the Workers’ Memorial Day on April 28, a day to remember all the victims of health hazards, accidents and sicknesses caught in the workplace. MWAP also vows to involve its affiliate unions to the annual May 1 Labor Day protest at Crossing, Calamba which call for the ouster of Aquino due to his crime to the Filipino people. ###

Marapat nang singilin at panagutin ang rehimeng US-Aquino sa malaon nang mga krimen sa sambayanan!

11144776_10152884095399331_95246151_o

Sa loob ng limang taong pamumuno ng rehimeng US-Aquino, ibayong kagutuman, kahirapan, karahasan, pandarambong, paglabag sa karapatang pantao at panlilinlang ang sumambulat sa mamamayang Pilipino.

Isang delubyong maituturing sa kabuhayan at kinabukasan ng mga Pilipino ang mga patakaran at programang ipinatupad ni Aquino – dahilan kung bakit naghigpit lalo ng sinturon, pangunahin ang sektor ng mga manggagawa, upang araw-araw na maharap ang pamalagiang krisis pang-ekonomiya dulot ng pagkontrol ng mga dayuhang kapitalista. Hindi natin pahihintulutang mabaon na lamang sa limot ang mga patung-patong na kasalanan ng gobyernong Aquino sa malawak na sektor na biktima ng kapabayaan at kainutilan.

Rehimeng utak at hugas-kamay sa madugong masaker sa Mamasapano!

Sa pag-usad ng imbestigasyon sa iba’t ibang saray ng gobyerno, malinaw ang patuloy na pag-iwas at paghugas-kamay ni BS Aquino. Ngunit hindi na niya matatanggal sa kasaysayan na siya ang pasimuno sa madugong labanang pumatay sa 44 operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), 17 mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), pitong sibilyan kabilang ang isang 9-na-taong gulang na bata, at dalawang mandirigma ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Liban sa pagbubunton ni Aquino ng sisi sa hepe ng PNP-SAF na si Getulio Napeñas, Jr., at ang pagpuri sa suspendido at kurakot na PNP Chief Alan Purisima, nilabag ni Aquino ang chain-of-command na dapat pagkoordina sa Department of Interior and Local Government. Nilabag lalo ni Aquino ang soberanya ng ating bansa sa pagpapapasok at pagpapahintulot sa mga sundalong Amerikano na maniobrahin ang operasyon. Buhul-buhol ang kasinungalingang inilalabas ng Malacañang, kabilang na ang umanong “walang alam” si Aquino sa operasyon gayong nasa Zamboanga siya noon upang subaybayan ito. Nilabag ni Aquino ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng MILF na nagresulta sa pagpaslang sa mga Pilipino at pagsalanta sa kabuhayan ng libu-libong mamamayang Moro. Dahil na rin ito sa pagkahayok niya sa gantimpalang $9 milyon, papuri mula sa amo niyang imperyalisatang U.S.  at pagkilala mula sa international community. Ipinapakita nito ang walang-kahihiyang pagiging tuta niya sa imperyalistang U.S. na siyang nag-udyok sa nasabing operasyon sa tabing ng “gyera kontra-terorismo”. Noon pa man, hayagan nang sunud-sunuran si Aquino sa mga utos ng kanyang among dahuyan, nang walang pagsaalang-alang sa kapakanan sa sinasabi niyang kanyang mga “boss”. Patuloy na pagtapak sa karapatan ang kanyang ginagawa laluna sa sektor ng paggawa.

Kakarampot na pasahod at malawakang kontraktwalisasyon!

Insultong maituturing ang P15 umentong “allowance” na ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DoLE) nitong Marso para lamang sa mga manggagawa ng National Capital Region. Hindi isinaalang-alang ng DoLE ang milyun-milyong mga manggagawa sa mga rehiyon laluna sa Timog Katagalugan (TK), na kinatatagpuan ng ilan sa mga pinakamalalaking engklabong industriyal tulad ng Economic Processing Zone Authority sa Cavite, First Philippines Industrial Park (FPIP) sa Batangas at Laguna Technopark. Insulto rin ang nasabing umento kumpara sa pambansang panawagang itaas ang national minimum wage sa P16,000 upang makasabay sa nakabubuhay na kalagayan dahil sa walang-habas na pagtaas ng presyo ng mga bilhin at gastusing pampamilya.

Patuloy na nakapako ang sahod ng mga manggagawa sa minimum wage na P310-P335, mas mababa pa sa mga kontraktwal at casual na pumapatak lamang sa dayukdok na P215. Dahil sa patakarang Two-Tiered Wage System, bumaba pa ang floor wage at isinangkalan sa lalong pagpiga ng pagod at pawis ang manggagawa dahil sa productivity-based na dagdag-sahod.Pangunahing pahirap pa rin sa mga manggagawa ang patakarang kontraktwalisasyon na ipinagpatuloy ni BS Aquino sa pamamagitan ng Herrera Law. Sa katunayan, tinatayang 20%-30% na lamang ng mga manggagawa sa loob ng mga pagawaan ang regular. Humigit 500 agencies ang naitalang nag-eempleyo ng mga kontraktwal na manggagawa sa buong TK. Kalakhang bilang ng nasasabak sa iba’t ibang bahagi ng asembliya’t manupaktura ay mga kontraktwal na manggagawa – na liban sa kakarampot na sahod ang natatanggap ay walang mga benepisyo, at ipinagbabawal na magbuo o sumama sa unyon.

Nitong Abril 8, saksi mismo ang Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Sagara Metro Plastic Industrial Corp. – Ind. sa pananabotahe ng DoLE at Malacañang sa kanilang Certification Elections upang maitaas sana ng parehong regular at kontraktwal na manggagawa ang kanilang kalagayan sa loob ng pagawaan. Isa lamang ito sa maraming kaso ng pagpaslang sa kabuhayan ng mga sektor na siyang lumilikha ng tunay na yaman ng bansa.

Union-busting at pasismo sa kilusang paggawa!

Malawakang tanggalan sa mga pagawaan ang nangyari nitong nagdaang taon, kabilang na dito ang mahigit 3,000 nawalan ng kabuhayan nang iligal na nagsara ang pabrika ng Carina Apparel Inc. sa Biñan, Laguna, noong Pebrero 2014 at ang iligal na tanggalan sa mahigit 2,500 manggagawa ng Hoya Glass Disc Inc. sa FPIP, Tanauan City, Batangas noong Abril 2014. Parehong union-busting ang dahilan sa iligal na tanggalang ito dahil kakaharap noon ang Carina Apparel sa Collective Bargaining Agreement samantalang anim na araw pa lamang matapos ang union registration ng mga manggagawa ng Hoya ng naganap ang illegal closure.

Muling naranasan ang pangil ng pasismo ng estado nang paslangin si Florencio “Ka Bong” Romano nito lamang Marso 8, 2015 sa Batangas City. Isang edukador at organisador si Ka Bong na regional coordinator ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU), staff ng Organized Labor in Line Industries and Agriculture (OLALIA-KMU) at legal department head ng National Coalition for the Protection of Workers’ Rights. Walang-awa siyang binugbog at tinortyur bago binaril ng walang-iba kundi mga bayarang elemento ng pulis at militar na nagtatanggol sa mga kapitalista. Nadagdagan muli ang bilang ng mga manggagawang pinaslang at hanggang sa ngayon ay walang hustisya, gaya nila Diosdado “Ka Fort” Fortuna (2005) ng Nestle Workers’ Union, Buth Servida (2008) at Jerry Cristobal (2010) ng Samahan ng Manggagawa sa EMI Independent. Dahil sa pangkalahatang programa ni Aquino na Oplan Bayanihan, umaabot na sa 29 ang biktima ng pampulitikang pagpaslang sa rehiyon ng TK, kabilang na ang sapilitang pagdukot at pagkawala kay Benjamin “Ka Ben” Villeno na lider-unyonista ng Honda.

Garapalang pandarambong at kapabayaan sa mga biktima ng Superbagyo!

Napabayaan nang napabayaan ang mga biktima ng superbagyong Yolanda sa Eastern Visayas at Pablo sa Mindanao. Pilit pinagtatakpan kasabwat ang mass media ang higit 20,000 mga biktimang nagkilos-protesta at malalim ang poot sa kawalan ng tulong na natanggap mula sa gobyerno sa kabila ng bilyon-bilyong pondong ibinuhos ng mga iba’t ibang organisasyon sa ibayong dagat.

Sa halip na taos-pusong pagtulong ay pinagkakitaan pa ang mga itinayong kabahayan para sa mga nawalan. Dagdag pa rito, wala sa kalingkingan ang bilang ng “narehabilitate” at sa halip ay ibinukas pa ito ng gobyerno sa pangangamkam ng lupa ng mga malaking-burgesya komprador tulad ng angkan nila Ayala-Zobel at Sy. Makikita nating taon man ang lumipas ay walang ipinagbago at lalala pa ang kalagayan ng mga residente sa mga sinalantang lugar, sa halip na “mabiyayan” ng donasyon ay korupsyon ang naranasan at mararanasan.

Kaugnay pa nito ang pagkalantad ng rehimeng US-Aquino sa kabalintunaan sa naunang islogang “Kung walang korap, walang mahirap.” Sa kabila ng pagdedeklara ng Korte Suprema na parehong unconsitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) ay masugid pa ring tagapagtanggol si Aquino sa mga pondong ito. Mantakin ba namang P137 bilyon ang inabot ng DAP na makabubuti na sana hindi lamang sa mga biktima ng bagyo kundi sa kabuuang serbisyong panlipunang natatanggap ng publiko.

Patuloy na paghihikahos na kalagayan ng iba’t ibang sektor!

Huwad ang lahat ng pagbabagong ipinangako. Ipinako lalo sa hikahos na kalagayan ang ordinaryong mamamayan! Pangunahin na rito ang sektor ng mga magbubukid na patuloy na nakatali sa katotohanang 7 sa 10 sa kanila ang walang sariling lupang sakahan samantalang lumalawak ang lupain at yumayaman ang angkan ng Cojuangco-Aquino kabilang na ang mga cronie nilang sina Sy, Ayala-Zobel, Tan, Lopez at iba pa. Sa pagtatapos ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms noong nakaraang taon, ay pawang dumami ang bilang ng kinamkam na lupain at land-use-conversion na lalong nagpagutom sa mga nagtatanim upang may makain ang bayan.

Tumataas ang mga bilihin na tagibang sa napakaliit na sahod ng mamamayan.  Pamahal nang pamahal ang presyo ng edukasyon; tinatayang 400 pampubliko at pribadong kolehiyo ang nagtaas ng matrikula ngayong taon. Walang trabahong naghihintay sa mga kabataang Pilipino liban na lamang kung maging alipin ng mga dayuhan sa ibang bayan – sanhi kung bakit nagpapatuloy ang Oversease Filipino Workers na nasasalang sa panganib ng pagmamaltrato, pang-aapi at bitay.

Mamamayan magkaisa: Patalsikin ang papet na pinuno at itayo ang Konseho ng Mamamayan!

Walang ibang dapat gawin ang sambayanan kundi PATALSIKIN NA’T PANAGUTIN ANG PAPET, PAHIRAP, KORAP, INUTIL AT PASISTANG SI NOYNOY AQUINO! Kung hahayaan natin siyang manatili pa sa poder ay maaaring masundan pa ang mga trahedya ng madugong Mamasapano at kapabayaan sa biktima ng Yolanda!

Malinaw ang ating tunguhing dapat hindi na muling agawin ng mga nananamantalang pulitiko ang mga “People Power” na inilunsad ng sambayanan. Sa pagpapatalsik kay Aquino ay hindi tayo papayag na isang bagong mukha lamang ang papalit na pareho rin ang mga patakarang ipatutupad, bagkus isang bagong kaayusan at sistemang panlipunan ang ating inaasam – isang sistemang magtitiyak ng ganap na pambansang-demokrasyang nangangalaga sa interes ng mayoryang naghihirap! Makakamit lamang ito sa pagtatayo ng Konseho ng Mamamayan na kapapalooban ng mga masugid na lumaban sa rehimeng US-Aquino!

Kaya’t ngayon, lalong kinakailangan ang ating pagkakaisa. Sa darating na Mayo Uno at sa mga susunod pang araw, tiyak ang pagbuhos ng mamamayan sa lansangan at protesta sa mga pangunahing ahensiya upang ganap na usigin ang gobyernong BS Aquino sa mga krimen nito sa sambayanan! Sa ating kapasyahan ganap na makukuha ang hustisyang panlipunan at tagumpay ng pagtatayo ng isang lipunang may malasakit sa taumbayan!

PATALSIKIN AT PANAGUTIN ANG REHIMENG-US AQUINO SA LAGANAP NA KONTRAKTWALISASYON, MILITARISASYON AT KAHIRAPAN! ITAYO ANG KONSEHO NG MAMAMAYAN! MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON, TUNAY NA REPORMANG AGRARYO AT KAPAYAPAAN! HAWANIN ANG LANDAS TUNGO SA ISANG SOSYALISTANG LIPUNAN!    

ILANTAD ANG SABWATANG DOLE-NAMAWU AT KAPITALISTANG SAGARA SA PAGPAPATIGIL SA CERTIFICATION ELECTION SA SAGARA!

DSC_0118

CALAMBA CITY, LAGUNA – Panibagong kaso ng pananabotahe at pagdurog sa Tunay, Palaban at Makabayang Unyon (TPMU) ang naganap ngayong araw, Abril 8, 2015, dahil sa pagpigil ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa pagsasagawa ng Certification Elections (CE) ng mga manggagawa ng Sagara Metro Plastics Industrial Corporation.

Mariing kinukundena ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Sagara Metro Plastic Industrial Corp. – Ind. (LNMSMPIC-IND) ang pagmamaniobra ng DoLE, sa katauhan ni Beureau of Labor Relations (BLR) Director Benjo Santos Buenavidez at Election Officer (EO) Nora Aguilar, upang pigilan ang kapasyahan ng mga manggagawang ilunsad ang CE.

Alas-6 ng umaga ngayong Abril 8 nakatakdang isagawa dapat ang CE ng LNMSMPIC-IND sa desisyon ng 248 na regular sa Sagara na palitan ang dilawang unyon ng National Mines and Allied Workers Union (NAMAWU). Subalit sa halip na ang pagdating doon ni EO Aguilar ang magtitiyak ng proseso, ay siya pa ang naging balakid upang ito ay matigil nang basahin ang di-umano’y dokumento ng “Administrative Order” mula kay Director Buenavidez na ipatigil ang nasabing CE sa kadahilan na ang pagdedesisyon ng CE ay nasa “Office of The President” na ngayon – at kung hindi ito susundin ay gagawaran ng “administrative sanction” ang sinumang lalabag dito, tila Batas Militar na umiiral sa kasalukyan ang simpleng pag-eehersisyo ng karapatang pang-mangagagawa na kailangan pang pakialaman ng ‘Office of the President’.

Naninindigan ang LNMSMPIC-IND na walang anumang batayan upang pigilan ng DoLE ang CE. Lahat ng legal na proseso, matagal man o masalimuot, ay sinunod upang mailunsad nang maayos ang eleksyon, subalit arbitraryo itong pinatigil ng DoLE na isang malinaw na pakikipagsabwatan sa kapitalistang Sagara at dilawang pederasyong NAMAWU. Malinaw ang sinasabi ng batas na tanging Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals lamang ang makakapagpigil sa isang lehitimong CE. Ang ginawa ng DoLE ay isang malinaw na pagsupil sa karapatan ng manggagawa.

Dagdag pa rito ang gulpi-de-gulat na proseso ng DoLE, at hindi man lamang ipinaalam sa unyon at mga manggagawa na siyang tanging naperwisyo sa kaganapang ito. Mapapansing sa pagbubuo ng TPMU ay ginigipit na ang manggagawa simula pa lamang sa pagpapakalat ng tamang impormasyon ng magaganap na eleksyon. Hindi nasunod ang itinakdang posting at ipinagbawal ito ng management sa loob ng pagawaan simula noong Marso 27. Maagang pinauwi rin kahapon ang mga manggagawa at sapilitang binigyan ng force leave form upang pigilang makaboto sa araw ng eleksyon.

Isang manipestasyon ang nasabing pagpigil sa pagtatayo ng LNMSMPIC-IND ng sabwatan ng kapitalistang si Tomohide Sagara at dilawang pederasyong NAMAWU. Sa 10 taong pag-iral ng NAMAWU, walang ni anumang ginhawang natanggap ang mga manggagawa dahil sa malinaw na pagiging alaga sila ng kapitalista upang sagkaang maipatupad ang tunay na interes at karaingan ng mga mangagagawa. Patuloy ang panunupil sa karapatan ng manggagawa, nanatiling mababa ang sahod at benepisyo, laganap ang kontraktwalisasyon at walang katiyakan sa trabaho ang nararanasan sa loob ng pagawaan.

Mapapansing sa halip na pagtataguyod sa interes at pagtaas sa kalidad ng kabuhayan ng mga manggagawa ang inaatupag ng DoLE, ito pa ang ahensiyang siyang primaryang dumudurog sa mga TPMU at lalong nagpapahirap sa mamamayang Pilipino. Hindi natin maihihiwalay rito ang pananagutan ng gobyerno ni Noynoy Aquino kasabwat ang mga dayuhang kapitalista primarya ang imperyalistang U.S. Dahil sa pagpapatupad ng ‘di-makataong sahod, kawalan ng benepisyo at kontraktwalisasyon o Herrera Law, naghihikahos ngayon ang mga manggagawa ng Sagara.

Kaya’t walang ibang pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang labanan ang mapaniil na mga patakarang ipinapatupad ng DoLE at ng gobyernong Aquino.

Tanging sa sama-samang pagkilos at pakikibaka makakamit ang isang makataong sahod, benepisyo, seguridad sa trabaho at militanteng unyonismong magiging sandata sa pagtatagumpay ng ating mga interes sa loob ng pagawaan at para sa buong sambayanan!

ITULOY ANG CERTIFICATION ELECTION NG LNMSMPIC-IND!
PANAGUTIN ANG DOLE SA PAKIKIPAGSABWATAN SA KAPITALISTANG SAGARA AT DILAWANG NAMAWU!
IPAGTAGUMPAY ANG TUNAY, PALABAN AT MAKABAYANG UNYONISMO!