NAKABUBUHAY NA SAHOD SA MANGGAGAWA, HINDI HIGANTENG TUBO SA KAPITALISTA

1902723_649002378493053_1172580038_n
Higit na dumarami ngayon ang manggagawa na sumasahod ng mas mababa pa sa minimum wage. Dati, P446.00 ang minimum sa NCR habang P315.00 hanggang P337.00 sa Timog Katagalugan. Ngunit dahil sa Two-Tiered Wage Scheme, higit pang naibaba sa P255.00 ang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa na karamihan ay kontraktwal.

NWPC: walang silbi sa pag-aangat ng sahod

Hindi kailanman nagkaroon ng silbi ang National Wage and Productivity Comission (NWPC) sa mga manggagawa para sa pag-aangat ng kanilang sahod upang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng cost of living. Ayon sa pag-aaral ng LEADER, Inc., aabot na sa P1,069.00 ang kailangan upang mabuhay ng disente ang isang pamilyang may 6 na miyembro.

Malinaw na ang NWPC ay gumagana para sa kapakinabangan ng malalaking burgesya komprador o lokal na kapitalista tulad nina Lucio Tan, Henry Sy, Gokongwei, at Cojuangco-Aquino, at para sa mga dayuhang monopolyo kapitalista tulad ng Nestle, Toyota, at iba pa. Pinapanatili nitong mababa ang sahod upang lalong magkamal ng bilyon-bilyong tubo ang mga kapitalista.

Dapat nang buwagin ang NWPC at iba pang regional wage boards dahil hindi ito nagsisilbi sa mamamayan. Kung totoong kasama ang mga manggagawa sa ‘boss’ ni BS Aquino, dapat nitong agad na ipatupad ang House Bill 253 – batas hinggil sa dagdag-sahod na P125.00.

NLRC: libingan ng kaso ng mga manggagawa

Sa halip na magsilbi, ang NLRC ay dagdag pahirap din sa mga manggagawa. Ang mga isinasampang kaso hinggil sa unfair labor practices at pagsasamantala sa mga manggagawa ay bumibilang ng taon. Sa NLRC RAB-IV, humigit kumulang 100 ang kaso ng mga manggagawa na nakabinbin hanggang sa ngayon.

Ginagawa ding negosyo ng mga arbiter ang pagdedesisyon sa mga kaso. Kahit dapat panalo ang manggagawa, nagagawa nilang baligtarin ang desisyon kapalit ng ilampung libong suhol mula sa kapitalista. Sa NLRC IVA, nangunguna sa mga tumatanggap ng suhol sina Napoleon Fernando, Edgar Bisana at Mikaela Lontoc, na ipina-dismiss ng mga manggagawa dahil sa gross negligence nito sa trabaho.

DAP at EDCA: kontra-manggagawa, maka-kapitalista

Habang lalong binabarat ang sahod, nagpapakasasa naman ang gobyernong
Aquino sa buwis ng mga manggagawa. Nasa 12% ang otomatikong kaltas sa sahod habang may 12% E-VAT pa na lalong nagpapaliit sa kakayanan ng mga manggagawa na bumili ng mga batayang pangangailangan.

Ang mga tradisyunal na politiko naman sa pangunguna ni BS Aquino ay nagpapakalunod sa DAP at iba pang porma ng pork barrel. Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang DAP, ngunit may kapal ng mukha pa si Aquino na ‘in good faith’ ang pangungurakot na ito.

Katunayan, sa proposed national budget na P2.61 trilyon para sa 2015, P123.06 bilyon ang nakalaan sa Unprogrammed Appropriations. Napakalaking pondo na bahala si Aquino kung saan gagastusin.

Sa halip na dinggin ang hinaing ng mga manggagawa, pagpasok sa kasunduang lalong dagdag pahirap sa mamamayan ang pinasok ng gobyernong Aquino. Sa pagpirma nito sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), buong-buo nitong ibinuyangyang ang dangal at soberanya ng bansa sa imperyalistang Estados Unidos. Ang EDCA ay stratehiya ng imperyalistang Estados Unidos upang higit na pagsamantalahan ang mura at maamong lakas-paggawa sa Pilipinas.

Hindi na dapat paniwalaan ang layunin ng kasunduan na pagmo-modernize ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ganito din ang layunin ng Visiting Forces Agreement (VFA) ngunit nanatiling atrasado ang kalagayan ng AFP. Sa halip, maraming paglabag sa karapatang pantao tulad ng Subic rape case ang naitala. Nagsisilbi ding gatasan ng matataas na opisyal ng militar ang pondo na para sana sa mga sundalong isinasabak sa labanan.

Sa huli, ang mga manggagawa at mamamayan ang higit na nagdurusa dahil sa mga maka-kapitalistang polisiya. Habang ang mga dayuhang monopolyo kapitalista at tradisyunal na politiko na mga malalaking negosyante din ay hayok na hayok sa yaman ng bansa at mamamayang Pilipino.

P125 DAGDAG NA SAHOD, IPATUPAD!
NWPB AT IBANG WAGE BOARDS, BUWAGIN!
NLRC, MAGDESISYON PABOR SA MGA MANGGAGAWA!
PORK BARREL SYSTEM, BUWAGIN!
VFA AT EDCA, IBASURA!
NOYNOY AQUINO, PATALSIKIN!
BURUKRATA KAPITALISMO AT IMPERYALISMO, IBAGSAK!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s