Mga tsuper at opereytor sa Timog Katagalugan, nakiisa sa Pambansang Protesta laban sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-01

DSC_0680[1]

PRESS RELEASE

Calamba City, Laguna – “Napakalaking kasinungalingan talaga ang ‘tuwid na daan’ na ipinagmamalaki ni Noynoy Aquino. Hirap na hirap na nga sa araw-araw na pamamasada dahil sa napakataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin, naisipan pa ng gobyerno na ipatupad ang Joint Administrative Order (JAO) 2014-01 na hindi na lang lalong magpapahirap kundi unti-unti ng papatay sa kabuhayan at buhay ng mga tsuper, maliliit na opereytor at kanilang pamilya.” Pahayag ni Rafael Arante, regional coordinator ng STARTER-PISTON.

Buong araw na naglunsad ng pagkilos ang mga tsuper at opereytor sa iba’t ibang bahagi ng Timog Katagalugan bilang bahagi ng Pambansa Koordinadong Protesta para ibasura ang JAO. Sa Laguna, ika-6 ng umaga ay nagtipon ang mga tsuper at opereytor at naglunsad ng programa sa mga sumusunod na choke points:

  1. San Pedro boundary   Cabuyao – Caltex – Sala
  2. Pacita Complex highway   Mamatid highway
  3. Biñan – Olivarez highway   Checkpoint – Paciano highway
  4. Tagapo – Caltex highway   Crossing, Calamba
  5. Balibago – Shell highway

“Kamatayan para sa mga tsuper at opereytor ang JAO dahil hindi makatwiran ang mga multang ipapataw nito. Sa halip na resolbahin ang ugat ng problema ng sistema ng transportasyon sa ating bansa, mumultahan ng P1 milyon ang bus, P200,000 sa HUV, P120,000 sa taxi, P50,000 sa colorum at out of line na jeep, at P6,000 sa tricycle.” Dagdag ni Arante.

Ang maghapong protesta sa Timog Katagalugan ay tinapos sa isang pangrehiyong programa sa Crossing, Calamba City mula ika-4 hanggang ika-6 ng hapon.

“Kung ang mamamayan ang ‘boss’ ni Aquino, dapat n’yang ibasura ang JAO, at iba pang kontra-tsuper at kontra-mamamayang batas tulad ng RA4136, DO2008-39, at lalo na ang Oil Deregulation Law na pabor lang sa malalaking monopolyo kapitalistang Caltex, Petron at Shell.” Pagtatapos ni Arante. ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s