“Isabatas ang GARB o HB252!” ~PAMANTIK-KMU

DSC_0622[1]

PRESS RELEASE

Calamba, LAGUNA—Naglunsad ng kilos-protesta ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang tunay, palaban, makabayan at anti-imperyalistang unyon sa Timog Katagalugan upang ipanawagan ang agarang pagsasabatas ng GARB o House Bill 252. Nagtipon ang mga manggagawa ika-18 ng Oktubre, mula ika-4 hanggang ika-5 ng hapon sa Checkpoint, Calamba City, Laguna. Sinundan ito ng isang oras na programa mula ika-5 hanggang ika-6 ng hapon.

Ang PAMANTIK, isang organisasyon ng mga militanteng unyon na nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod at disenteng trabaho, ay kaisa din sa pakikipaglaban para sa tunay na reporma sa lupa. Bahagi ng mga pag-aaral nito ang pagpapaunawa sa mga manggagawa ng kalagayan ng mga magsasaka at kanilang karapatan sa lupa.

“Naninindigan kami na ang mga magsasaka ay may karapatan sa libreng pamamahagi ng lupa. Mahalaga ito para sa pag-unlad ng ekonomiya na ang makikinabang ay milyon-milyong magsasaka at manggagawa, at hindi ang iilang panginoong maylupa tulad ng mga Cojuangco-Aquino.” Saad ni Roque Polido, Tagapangulo ng PAMANTIK.

Ang pagkilos ng mga manggagawa ay bahagi ng paghahanda para sa lingo ng mga magsasaka. Higit ngayong nakikiisa ang mga manggagawa sa panawagan para sa pagsasabatas ng GARB, lalo pa’t natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER).

Binigyang diin ni Allan Bagas, Pangkalahatang Kalihim ng PAMANTIK, “Ngayon na ang panahon para isabatas ang GARB (HB252) upang magkaroon ng tunay na reporma sa lupa sa bansa. Ang CARPER, mula sa CARP ni Cory Aquino, ay halos tatlong dekadang programa na lalong nagpalaki sa lupang sakop ng mga panginoong maylupa tulad ng mga Cojuangco-Aquino, Zobel de Ayala, Yulo at iba pa. Ang CARP at CARPER ang pinakamahaba at pinakamagastos na programa sa lupa sa buong daigdig ngunti lalong lumala ang kalagayan ng mga magsasaka. ”

“Natapos na ang CARPER noong ika-30 ng Hunyo ngunit 7 sa bawat 10 magsasaka ay nananatiling walang lupa. Sa Timog Katagalugan, 973,700 mula sa 1.3 milyong magsasaka ang walang lupa. Habang ang malalawak na lupain at mga hacienda ay kotrolado lamang ng 67 panginoong maylupa at 49 real estate and development corporations.” Dagdag pa niya.

Ipinanawagan din ng mga manggagawa ang pagkakaroon ng pambansang industriyalisasyon na mahalaga sa lahatang-panig na pag-unlad ng bansa. Subalit, kung walang tunay  na reporma sa lupa hindi ito magiging posible.

“Isinusulong ng mga manggawa ang pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon. Pagtatayo ito ng sarili nating mga batayang industriya tulad ng industriya sa langis, bakal at iba pa. Ang mga ito ang magtitiyak ng kasiguruhan sa trabaho ng milyon-milyong manggagawa. Higit sa lahat, ito ang magtitiyak ng lubusang pag-unlad ng ekonomiya para sa lahat. Subalit, maisasakatuparan lang ito kung may tunay na reporma sa lupa. Kaya dapat tayong magkaisa na igiit sa maka-kapitalista at kontra-magsasakang gobyerno ni Aquino na isabatas na ang GARB o Genuine Agrarian Reform Bill! ” Pagtatapos ni Christopher Oliquino, Pangalawang Pangulo ng PAMANTIK. ###

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s