Workers push for P16,000 National Minimum Wage, Troop Government Agencies

DSC_0893[1]

PRESS RELEASE

Workers from the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) trooped various government agencies today to call for the immediate implementation of a P16,000 National Minimum Wage. The protest action was launched as part of the nationwide wage hike campaign set by Kilusang Mayo Uno every October.

“With prices of basic commodities and ‘services’ rising endlessly, the fight a national minimum wage for all workers in the country has never been as timely. In Southern Tagalog, minimum wages range from P315 to P337, depending on where you are located. Instead of increasing it to at least become at part with the P1069 daily living wage, the Aquino regime further lowered the minimum wage in the region through the Two Tiered Wage System in 2012. Now, whilst the proposed national minimum wage does not fully suffice the present cost of living in the country, its implementation will signal the alleviation of the living standards of the Filipino working class.” Christopher Oliquino, PAMANTIK Vice Chairperson, said.

The TTWS has been a subject of criticism from various labor groups due to the P255 floor wage and productivity-based pay it set.

“While Aquino and his cohorts experience the most lavish lifestyles by stealing billions of pesos from government funds, which are mostly from hard-earned taxes of the people, workers are deprived of their right to a dignified life. Apart from being a corrupt government on the whole, the BS Aquino regime is a blatant puppet of the imperialist US—proven by his eager implementation of pro-foreign capitalist, anti-worker, and anti-people laws and decrees such as more incentives for foreign investors vis-a-vis lower wages and labor flexibilization schemes.” Oliquino added.

Under the Aquino administration, contractual employees make up approximately 80% of the total work force, receiving wages that are even below the minimum, without benefits, and with more precarious job descriptions.

“We are not surprised as to how Aquino disregards the needs of the people for a significant wage increase and, overall, better living conditions, because he is busy plundering our nation’s wealth, defending his unashamed support for neoliberal policies that put the people’s lives in further desolation, railroading one-sided agreements such as the Enhanced Defense Cooperation Agreement that only benefits the power-hungry imperialist US that sucks on the blood of workers all over the world.” Said Oliquino.

“The fight for a living wage is a fight for our right to decent living. It will continue and intensify for as long as our government remains blind and deaf to the cries of the people. It will elevate into a much larger and stronger force that will expose, and oust, Aquino’s pro-capitalist and anti-worker, anti-people administration.” Oliquino ended.###

Advertisements

NAKABUBUHAY NA SAHOD SA MANGGAGAWA, HINDI HIGANTENG TUBO SA KAPITALISTA

1902723_649002378493053_1172580038_n
Higit na dumarami ngayon ang manggagawa na sumasahod ng mas mababa pa sa minimum wage. Dati, P446.00 ang minimum sa NCR habang P315.00 hanggang P337.00 sa Timog Katagalugan. Ngunit dahil sa Two-Tiered Wage Scheme, higit pang naibaba sa P255.00 ang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa na karamihan ay kontraktwal.

NWPC: walang silbi sa pag-aangat ng sahod

Hindi kailanman nagkaroon ng silbi ang National Wage and Productivity Comission (NWPC) sa mga manggagawa para sa pag-aangat ng kanilang sahod upang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng cost of living. Ayon sa pag-aaral ng LEADER, Inc., aabot na sa P1,069.00 ang kailangan upang mabuhay ng disente ang isang pamilyang may 6 na miyembro.

Malinaw na ang NWPC ay gumagana para sa kapakinabangan ng malalaking burgesya komprador o lokal na kapitalista tulad nina Lucio Tan, Henry Sy, Gokongwei, at Cojuangco-Aquino, at para sa mga dayuhang monopolyo kapitalista tulad ng Nestle, Toyota, at iba pa. Pinapanatili nitong mababa ang sahod upang lalong magkamal ng bilyon-bilyong tubo ang mga kapitalista.

Dapat nang buwagin ang NWPC at iba pang regional wage boards dahil hindi ito nagsisilbi sa mamamayan. Kung totoong kasama ang mga manggagawa sa ‘boss’ ni BS Aquino, dapat nitong agad na ipatupad ang House Bill 253 – batas hinggil sa dagdag-sahod na P125.00.

NLRC: libingan ng kaso ng mga manggagawa

Sa halip na magsilbi, ang NLRC ay dagdag pahirap din sa mga manggagawa. Ang mga isinasampang kaso hinggil sa unfair labor practices at pagsasamantala sa mga manggagawa ay bumibilang ng taon. Sa NLRC RAB-IV, humigit kumulang 100 ang kaso ng mga manggagawa na nakabinbin hanggang sa ngayon.

Ginagawa ding negosyo ng mga arbiter ang pagdedesisyon sa mga kaso. Kahit dapat panalo ang manggagawa, nagagawa nilang baligtarin ang desisyon kapalit ng ilampung libong suhol mula sa kapitalista. Sa NLRC IVA, nangunguna sa mga tumatanggap ng suhol sina Napoleon Fernando, Edgar Bisana at Mikaela Lontoc, na ipina-dismiss ng mga manggagawa dahil sa gross negligence nito sa trabaho.

DAP at EDCA: kontra-manggagawa, maka-kapitalista

Habang lalong binabarat ang sahod, nagpapakasasa naman ang gobyernong
Aquino sa buwis ng mga manggagawa. Nasa 12% ang otomatikong kaltas sa sahod habang may 12% E-VAT pa na lalong nagpapaliit sa kakayanan ng mga manggagawa na bumili ng mga batayang pangangailangan.

Ang mga tradisyunal na politiko naman sa pangunguna ni BS Aquino ay nagpapakalunod sa DAP at iba pang porma ng pork barrel. Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang DAP, ngunit may kapal ng mukha pa si Aquino na ‘in good faith’ ang pangungurakot na ito.

Katunayan, sa proposed national budget na P2.61 trilyon para sa 2015, P123.06 bilyon ang nakalaan sa Unprogrammed Appropriations. Napakalaking pondo na bahala si Aquino kung saan gagastusin.

Sa halip na dinggin ang hinaing ng mga manggagawa, pagpasok sa kasunduang lalong dagdag pahirap sa mamamayan ang pinasok ng gobyernong Aquino. Sa pagpirma nito sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), buong-buo nitong ibinuyangyang ang dangal at soberanya ng bansa sa imperyalistang Estados Unidos. Ang EDCA ay stratehiya ng imperyalistang Estados Unidos upang higit na pagsamantalahan ang mura at maamong lakas-paggawa sa Pilipinas.

Hindi na dapat paniwalaan ang layunin ng kasunduan na pagmo-modernize ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ganito din ang layunin ng Visiting Forces Agreement (VFA) ngunit nanatiling atrasado ang kalagayan ng AFP. Sa halip, maraming paglabag sa karapatang pantao tulad ng Subic rape case ang naitala. Nagsisilbi ding gatasan ng matataas na opisyal ng militar ang pondo na para sana sa mga sundalong isinasabak sa labanan.

Sa huli, ang mga manggagawa at mamamayan ang higit na nagdurusa dahil sa mga maka-kapitalistang polisiya. Habang ang mga dayuhang monopolyo kapitalista at tradisyunal na politiko na mga malalaking negosyante din ay hayok na hayok sa yaman ng bansa at mamamayang Pilipino.

P125 DAGDAG NA SAHOD, IPATUPAD!
NWPB AT IBANG WAGE BOARDS, BUWAGIN!
NLRC, MAGDESISYON PABOR SA MGA MANGGAGAWA!
PORK BARREL SYSTEM, BUWAGIN!
VFA AT EDCA, IBASURA!
NOYNOY AQUINO, PATALSIKIN!
BURUKRATA KAPITALISMO AT IMPERYALISMO, IBAGSAK!

Mga tsuper at opereytor sa Timog Katagalugan, nakiisa sa Pambansang Protesta laban sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-01

DSC_0680[1]

PRESS RELEASE

Calamba City, Laguna – “Napakalaking kasinungalingan talaga ang ‘tuwid na daan’ na ipinagmamalaki ni Noynoy Aquino. Hirap na hirap na nga sa araw-araw na pamamasada dahil sa napakataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin, naisipan pa ng gobyerno na ipatupad ang Joint Administrative Order (JAO) 2014-01 na hindi na lang lalong magpapahirap kundi unti-unti ng papatay sa kabuhayan at buhay ng mga tsuper, maliliit na opereytor at kanilang pamilya.” Pahayag ni Rafael Arante, regional coordinator ng STARTER-PISTON.

Buong araw na naglunsad ng pagkilos ang mga tsuper at opereytor sa iba’t ibang bahagi ng Timog Katagalugan bilang bahagi ng Pambansa Koordinadong Protesta para ibasura ang JAO. Sa Laguna, ika-6 ng umaga ay nagtipon ang mga tsuper at opereytor at naglunsad ng programa sa mga sumusunod na choke points:

  1. San Pedro boundary   Cabuyao – Caltex – Sala
  2. Pacita Complex highway   Mamatid highway
  3. Biñan – Olivarez highway   Checkpoint – Paciano highway
  4. Tagapo – Caltex highway   Crossing, Calamba
  5. Balibago – Shell highway

“Kamatayan para sa mga tsuper at opereytor ang JAO dahil hindi makatwiran ang mga multang ipapataw nito. Sa halip na resolbahin ang ugat ng problema ng sistema ng transportasyon sa ating bansa, mumultahan ng P1 milyon ang bus, P200,000 sa HUV, P120,000 sa taxi, P50,000 sa colorum at out of line na jeep, at P6,000 sa tricycle.” Dagdag ni Arante.

Ang maghapong protesta sa Timog Katagalugan ay tinapos sa isang pangrehiyong programa sa Crossing, Calamba City mula ika-4 hanggang ika-6 ng hapon.

“Kung ang mamamayan ang ‘boss’ ni Aquino, dapat n’yang ibasura ang JAO, at iba pang kontra-tsuper at kontra-mamamayang batas tulad ng RA4136, DO2008-39, at lalo na ang Oil Deregulation Law na pabor lang sa malalaking monopolyo kapitalistang Caltex, Petron at Shell.” Pagtatapos ni Arante. ###

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER (JAO) 2014-01: PAHIRAP SA MAMAMAYAN, IBASURA!

JAO

Ipinatupad ng gobyernong BS Aquino ang Joint Administrative Order (JAO) 2014-01 ng LTFRB, DOTC at LTO noong ika-19 ng Hunyo ngayong taon. Nilalaman nito ang mga bagong multa sa mga kolorum na sasakyan: P1 milyon sa bus, P200,000 sa HUV, P120,000 sa taxi, P50,000 sa jeep, at P6,000 sa tricycle. Idagdag pa dito ang pinakamababang multa na P1,000 hanggang P5,000 para sa paglabag sa mga batas trapiko.

Hindi makatwiran at dagdag na pahirap ito hindi lang sa mga tsuper at maliliit na opereytor kundi maging sa mga manggagawa at mamamayang nagpapakapagod araw-araw sa paghahanapbuhay. Sa halip na resolbahin ang ugat ng problema ng sistema ng transportasyon sa bansa, mga batas na unti-unting pumapatay sa buhay at kabuhayan ng mamamayan ang ipinapatupad ng gobyernong BS Aquino.

Sa loob ng mahabang panahon, saksi tayong lahat kung paanong ang ganitong mga patakaran ay ginagawang negosyo ng mga pulis at mga ahensya ng gobyerno tulad ng LTFRB. Isa itong malinaw na larawan ng burukrata kapitalismo o ang pagturing sa paggogobyerno bilang negosyo.

Tulad ng mga manggagawa, ang mga tsuper at mga opereytor ay higit pa sa 8 oras na nagbabanat ng buto para lang ang malaking porsyento ng kinikita ay mapunta sa gobyerno sa pamamagitan ng mga buwis at samu’t saring bayarin. Maging ang simpleng pamasahe ng mga mangagawa at ordinaryong mamamayan ay may porsyento na napupunta sa gobyerno bilang buwis.

Subalit ano ang tugon ni BS Aquino? Nakamamatay na mga batas habang nagpapakasasa sa bilyon-bilyong kurakot mula sa pinaghirapan ng mamamayan. Para itong baliw na ipinagtatanggol pa ang DAP at ibang porma ng pork barrel kahit idineklara na ng Korte Suprema na labag ito sa batas.

Ngunit hindi pa nagkasya sa nakukurakot, kaya’t mga tsuper at opereytor naman ang huhuthutan sa pamamagitan ng mapanupil na JAO. Matinding kahirapan sa loob ng apat na taon ang napala ng mamamayan sa ‘tuwidna daan’ ni BS Aquino. Hindi na dapat pang tapusin ang kanyang termino. Ang pagpapatuloy ng kanyang panunungkulan ay pagpapatuloy ng dumaraming nagdurusa at namamatay dahil sa malubhang kahirapan.

IBASURA ANG JOINT ADMINISTRATIVE ORDER 2014-01!

ITAKWIL ANG DOTC, LTFRB AT LTO!

BUWAGIN ANG PORK BARREL SYSTEM!

IBAGSAK ANG BURUKRATA KAPITALISMO!

PATALSIKIN SI NOYNOY AQUINO!

DRIVER AT MAMAMAYAN, MAGKAISA! JOINT ADMINISTRATIVE ORDER (JAO), PAHIRAP SA MGA TSUPER AT OPEREYTOR! IBASURA!

PAHAYAG NG STARTER-PISTON

JAO

Hindi na makawala sa matitinding pasanin at mga bayarin ang sektor ng Transportasyon at malawak na hanay ng mamamayan sa hagupit ng mga mapanupil na batas at di makatwirang patakaran ng ilang ahensya kagaya ng LTO, LTFRB  at  DOTC  kasabwat ang kongreso at senado.

Hanggang sa ngayon nagkakasya na lamang ang mamamayan at mga kababayan nating Tsuper at maliliit na Opereytor sa pagtitiis dahil, hanggang sa ngayon, hindi pa ibinabalik ang Over Pricing  sa Langis na ninakaw nila sa mamamayan. Dagdag pa rito ang matagal ng panawagan ng mamamayan na pagbabasura sa  RA-8479  o  Oil  Deregulation  Law – batas na nagbibigay laya sa mga Dayuhang  Monopolyo  Kapitalista  tulad ng CALTEX, PETRON at SHELL upang direktang kontrolin ang Presyo ng Langis dito sa ating bansa.

Subsob  sa pagpapagod na halos inaabot ng 10 hanggang 12 oras sa pagbiyahe ang mga kababayan nating Tsuper matugunan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Dagdag pa rito ang samot saring bayarin at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, pangunahing bilihin, at dagdag singil sa kuryente at tubig. Hindi na halos mapag-aral ang kanilang mga anak. Sa panahon ng pagkakasakit ay nagtitiis na lamang dahil sa programang PPP  ni pangulong “NOYNOY AQUINO” ay isinasapribado na ang mga pampublikong ospital at mga pampublikong paaralan.

Batbat na sa katiwalian ang rehimeng US-BS AQUINO subalit sadyang walang kapagurang nagpapahirap sa mamamayan, partikular sa hanay ng Transportasyon, para  sa patuloy na pagpiga sa lakas ng mga Tsuper. Ipinatupad ang makadayuhang batas na Department Order # 2008-39  na naglalaman ng 1,000% dagdag multa sa mga mahuhuling lalabag sa batas trapiko. Dahil sa pagtutol ng sektor ng Transportasyon, dalawang beses ng naglabas ng desisyon ang Regional Trial Court ng Baguio  na Unconstitutional  ang batas na ito. Ngunit sadyang bingi ang administrasyong AQUINO dahil mas binigyang pansin nito ang perang makokolekta mula dito na madadagdag sa  Pork Barrel.

“Matuwid na daan” ang tinatahak ng rehimeng US-AQUINO  para patuloy na pahirapan ang sektor ng Transportasyon at malawak na hanay ng mamamayan. Nito lamang Hunyo 19, 2014 ay nagpatupad ito ng di makatwirang batas – ang JOINT ADMINISTRATIVE ORDER (JAO) – na naglalaman ng ilang libong ulit na porsiyentong dagdag multa. Isang milyon sa Bus, 200 libo sa HUV, 120 libo sa Taksi, 50 libong piso sa Colorum at Out of Line sa jeepney, at 6000 sa Tricycle. Bukod pa ang mga mahuhuling lalabag sa mga batas trapiko na may pinakamababang multa na nagkakahalaga ng 1,000 hanggang 5,000 piso.

Patunay lamang  ito na wala ng aasahan ang mamamayan para makaahon sa kahirapan. Hangga’t si NOYNOY AQUINO ay nagsisilbi lamang sa kanyang amo at BOSS na ESTADOS UNIDOS,  patuloy na makakaranas ng kahirapan ang buong sambayanang Pilipino. Ang ganitong batayan ay sobra-sobra na upang magsama-sama tayong mga mamamayan para palakasin ang ating pagkakaisa upang patalsikin na sa puwesto ang PAPET, PAHIRAP, KURAP at maka-IMPERYALISTANG PANGULONG NOYNOY AQUINO!

DRIVER AT MAMAMAYAN MAGKAISA! ITAYO ANG TUNAY NA GUBYERNO NA MAGSISILBI SA BAYAN NA MAY SOSYALISTANG PERSPEKTIBA!

Labis-labis na multa, kontra-driver at kontra-mamamayan, Ibasura!

Labis-labis na multa, isang porma ng korapsyon, Labanan!

Labis-labis na multa, pahirap sa driver at mamamayan, Ibasura!

Labanan dagdag na korapsyon ng rehimeng Noynoy AQUINO!

 

Makiisa at lumahok sa Pambansa Koordinatong protesta bukas, October 27, laban sa JAO at iba pang mapanupil n abatas tulad ng Oil Deregulation Law!

                                                                                          

Genuine Agrarian Reform Bill, mahalaga para sa pambansang industriyalisasyon

Land Reform PH

Sa Timog Katagalugan, nananatiling 7 sa bawat 10 magsasaka ang walang lupa. Katumbas ito ng 973,700 walang lupa mula sa kabuuang bilang na 1.3 milyon magsasaka sa rehiyon. Ito ang katotohanang hanggang sa ngayon ay ninanais baguhin ng Kalipunan ng Samahang Magsasaka sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) at ng buong uring magsasaka. Sa ilalim ng hacienderong rehimeng US-BS Aquino, higit pang lumawak ang lupang pag-aari ng mga panginoong maylupa (PML). Kabaliktaran ito ng layunin dapat ng natapos na pinalawig na huwad na reporma sa lupa – ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER).

CARP at CARPER: kontra-magsasaka, maka-panginoong maylupa

Isinabatas at unang ipinatupad ang CARP sa panahon ni Cory Aquino. Pagkatapos ng 20 taon, higit pang lumalala ang kalagayan ng mga magsasaka. Dumami ang nawalan ng lupa at lalong nabaon sa utang ang maliliit at maralitang magsasaka. Ngayon naman sa panahon ng kanyang anak, umabot ng 6 na taon ang extension o pagpapapalawig ng programa ngunit libreng pamamahagi pa din ng lupa ang sigaw ng mga magsasaka.

Halos tatlong dekada ng diumano ay repormang agraryo ngunit walang ipinagbago sa kalagayan ng mga magsasaka. Tanging ang mga PML at malalaking burgesya komprador (MBK) tulad ng mga Cojuangco-Aquino, Zobel de Ayala, Roxas, Yulo, Sy, Tan, Gokongwei at iba pa ang nakinabang. Sa Timog Katagalugan 67 PML at 49 real estate and development corporations ang may kontrol at pagmamay-ari sa pinakamalalawak na lupain at hacienda.

Kawalan ng mga batayang industriya

Dahil sa kawalan ng kongreto at sistematikong programa para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng buong sektor ng agrikultura, hindi nagkakaroon ng pagkakataon para sa pambansang industriyalisasyon. Sa halip na tiyakin ng gobyerno ang pagtatayo ng sarili nating mga batayang industriya tulad ng industriya ng bakal, langis at gamot, ang mga PML, MBK at dayuhang monopolyo kapitalista ang nagpapasasa sa yaman ng bansa.

Sa industriya ng langis, halimbawa, ang mga monopolyo kapitalistang Shell, Caltex at Petron ang may kontrol sa ating bansa. Sa produksyon naman ng pagkain, mga lokal at multinasyunal na mga kumpanya tulad ng San Miguel Corporations at Nestle ang may monopolyo.

Pabor sa imperyalistang Estados Unidos

Ang pagpapanatili ng bansot na agrikultura, kawalan ng tunay na reporma sa lupa, at kawalan ng mga batayang industriya ay napakalaking pabor para sa imperyalistang Estados Unidos. Una, dahil napapanatili ang pagbarat sa halaga ng mga hilaw na materyales. Ikalawa, napapanatiling balon ang Pilipinas ng napakamura at maamong lakas-paggawa.

Pagkatapos ng pampinansya at pangekonomiyang krisis noong 2008, higit ngayong kailangan ng Estados Unidos ang ganitong kalagayan at katangian ng Pilipinas.

Genuine Agrarian Reform Bill

Natapos na ang CARPER noong ika-30 ng Hunyo ngayong taon. Subalit, hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga magsasaka. Ito na ang panahon upang higit pang igiit sa rehimeng BS Aquino na isabatas na ang House Bill 252 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Nilalaman nito ang malinaw na programa para sa libreng pamamahagi ng lupa at pagpapahusay ng agrikultura.

Kasabay ng pagpapalakas ng mga magsasaka ng pakikibaka para sa pagsasabatas ng GARB, ang uring manggagawa ay patuloy ding nagbubuo at nagpaparami ng tunay, palaban, makabayan at anti-imperyalistang mga unyon na mahigpit na nakikiisa sa laban para sa tunay na reporma sa lupa.

Pambansang industriyalisasyon

Bukod sa pagkilala sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa, ipinaglalaban din ng mga manggagawa ang tunay na reporma sa lupa dahil ito ay mahalagang salik sa pagsasakatuparan ng pambansang industriyalisasyon. Mahalaga ang maunlad at matabang lupa para sa produktibong mga pagawaan na para sa kapakinabangan ng sambayanan.

Sa pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, matitiyak ang maayos na kabuhayan at makataong kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa at buong mamamayang Pilipino.

GENUINE AGRARIAN REFORM BILL, ISABATAS!

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!

PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON, IPATUPAD!

NOYNOY AQUINO, PATALSIKIN!

IMPERYALISMO, IBAGSAK!

“Isabatas ang GARB o HB252!” ~PAMANTIK-KMU

DSC_0622[1]

PRESS RELEASE

Calamba, LAGUNA—Naglunsad ng kilos-protesta ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang tunay, palaban, makabayan at anti-imperyalistang unyon sa Timog Katagalugan upang ipanawagan ang agarang pagsasabatas ng GARB o House Bill 252. Nagtipon ang mga manggagawa ika-18 ng Oktubre, mula ika-4 hanggang ika-5 ng hapon sa Checkpoint, Calamba City, Laguna. Sinundan ito ng isang oras na programa mula ika-5 hanggang ika-6 ng hapon.

Ang PAMANTIK, isang organisasyon ng mga militanteng unyon na nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod at disenteng trabaho, ay kaisa din sa pakikipaglaban para sa tunay na reporma sa lupa. Bahagi ng mga pag-aaral nito ang pagpapaunawa sa mga manggagawa ng kalagayan ng mga magsasaka at kanilang karapatan sa lupa.

“Naninindigan kami na ang mga magsasaka ay may karapatan sa libreng pamamahagi ng lupa. Mahalaga ito para sa pag-unlad ng ekonomiya na ang makikinabang ay milyon-milyong magsasaka at manggagawa, at hindi ang iilang panginoong maylupa tulad ng mga Cojuangco-Aquino.” Saad ni Roque Polido, Tagapangulo ng PAMANTIK.

Ang pagkilos ng mga manggagawa ay bahagi ng paghahanda para sa lingo ng mga magsasaka. Higit ngayong nakikiisa ang mga manggagawa sa panawagan para sa pagsasabatas ng GARB, lalo pa’t natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER).

Binigyang diin ni Allan Bagas, Pangkalahatang Kalihim ng PAMANTIK, “Ngayon na ang panahon para isabatas ang GARB (HB252) upang magkaroon ng tunay na reporma sa lupa sa bansa. Ang CARPER, mula sa CARP ni Cory Aquino, ay halos tatlong dekadang programa na lalong nagpalaki sa lupang sakop ng mga panginoong maylupa tulad ng mga Cojuangco-Aquino, Zobel de Ayala, Yulo at iba pa. Ang CARP at CARPER ang pinakamahaba at pinakamagastos na programa sa lupa sa buong daigdig ngunti lalong lumala ang kalagayan ng mga magsasaka. ”

“Natapos na ang CARPER noong ika-30 ng Hunyo ngunit 7 sa bawat 10 magsasaka ay nananatiling walang lupa. Sa Timog Katagalugan, 973,700 mula sa 1.3 milyong magsasaka ang walang lupa. Habang ang malalawak na lupain at mga hacienda ay kotrolado lamang ng 67 panginoong maylupa at 49 real estate and development corporations.” Dagdag pa niya.

Ipinanawagan din ng mga manggagawa ang pagkakaroon ng pambansang industriyalisasyon na mahalaga sa lahatang-panig na pag-unlad ng bansa. Subalit, kung walang tunay  na reporma sa lupa hindi ito magiging posible.

“Isinusulong ng mga manggawa ang pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon. Pagtatayo ito ng sarili nating mga batayang industriya tulad ng industriya sa langis, bakal at iba pa. Ang mga ito ang magtitiyak ng kasiguruhan sa trabaho ng milyon-milyong manggagawa. Higit sa lahat, ito ang magtitiyak ng lubusang pag-unlad ng ekonomiya para sa lahat. Subalit, maisasakatuparan lang ito kung may tunay na reporma sa lupa. Kaya dapat tayong magkaisa na igiit sa maka-kapitalista at kontra-magsasakang gobyerno ni Aquino na isabatas na ang GARB o Genuine Agrarian Reform Bill! ” Pagtatapos ni Christopher Oliquino, Pangalawang Pangulo ng PAMANTIK. ###

JOINT STATEMENT: Fight for genuine agrarian reform! Land to the farmers now!

Support the peasants’ fight for the immediate passage of House Bill 252 or the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)!

Southern Tagalog Guilder

October 20, 2014

One of Andres Bonifacio’s calls during the 1896 Revolution was to give the land to the farmers. Since then, it has remained to be a dream.

Even with the implementation of Marcos’ Presidential Decree #27, Corazon Aquino’s Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), and its extended version, seven out of ten farmers remain to be deprived of land. The failure of the government’s past land reform programs have rendered true economic development in the country impossible, since the product of the toiling farmers remain to be at the benefit of the landlords themselves.

With the lack of genuine land reform, agricultural production remains as backward as intended, so as to hinder the country’s economic growth and quench the foreign market’s thirst for cheap raw materials.

Art for Peasant Week 2014 with the theme: Pass the Genuine Agrarian Reform Bill (HB 252)! No to Charter Change! Oust the US-Aquino Dictatorship! (c) Silayan Quezon/Kasama TK Art for Peasant Week 2014 with the theme: Pass the Genuine Agrarian Reform Bill (HB 252)! No to Charter Change! Oust the US-Aquino…

View original post 549 more words

PRESS RELEASE: CEGP Southern Tagalog joins farmers in fight for passage of agrarian reform bill; Demand peasants’ right to land for agricultural development

Support the peasants’ fight for the immediate passage of House Bill 252 or the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB)!

Southern Tagalog Guilder

OCTOBER 20, 2014

As peasants led by Southern Tagalog alliance Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) storm Congress today for the passage of the Genuine Agrarian Reform Bill (HB 272), the College Editors Guild of the Philippines – Southern Tagalog (CEGP-ST) links arms with them in the fight for their right for land.

Paul Carson, interim chairperson of CEGP-ST, says that the current plight of the farmers caught the attention of campus journalists in the region, and is one of the main reasons why they joined the fight for genuine agrarian reform.

“As we hold Basic Masses Integration activities in peasant areas, we deepen our understanding and relationship with the people that are responsible for our daily meals; that they face a similar, if not worse, fate than us,” Carson said.

Under the Aquino regime, landgrabbing and forced removal of farmers in their lands have intensified. Also…

View original post 445 more words

Southern Tagalog workers condemn US soldier’s killing of Jennifer Laude, reaffirm call to junk VFA, EDCA

DSC_0490

PRESS RELEASE

References:

Allan Bagas, Secretary General, 09491798754

Christopher Oliquino, Vice-Chairperson, 09085772960

Roque Polido, Chairperson, 09196452316

STA. ROSA, LAGUNA—Workers from different genuine, militant, nationalist and anti-imperialist unions gathered in an indignation rally to strongly condemn the killing of transgender Jennifer Laude by US serviceman Joseph Scott Pemberton. The workers assembled from 4 to 5pm at Amar, Balibago, Sta. Rosa City. A one-hour program followed it from 5 to 6pm.

PAMANTIK, though an organization of militant unions that advances workers’ right to just wages and decent jobs, is also an advocate of LGBT rights. In its education program, it opens the workers to the plight of the women and LGBT sectors.

“We firmly believe that every human, regardless of gender or sexual orientation, deserves to be treated as humans. And thus, deserves respect for their human rights. This is the same principle that we strive to uphold inside and outside factories.” Said Roque Polido, PAMANTIK Chairperson.

The workers were instantly alarmed when news of Laude’s killing reached them. They were enraged after learning that another US soldier was responsible for the crime.

Allan Bagas, PAMANTIK Secretary General, expressed, “This unacceptable and inhumane act is one of the many reasons why we have been campaigning for the junking of the Visiting Forces Agreement (VFA). We witnessed how the agreement one-sidedly favored the US in “Nicole’s” rape case. We don’t want this, and other numerous undocumented human rights violations, to happen again.”

In the middle of the program, the workers organized a one-minute noise barrage while the US flag is being burned. This is to show their disgust over the US’ pro-capitalist and anti-people policies and agreements such as the VFA.

The workers also called for the scrapping of the recently signed Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“The US imperialist, throught its self-serving agreements and soldiers, has raped our country and people beyond perceivable gravity. Clearly, the EDCA is a much worse version of VFA as it allows US soldiers to conduct exercises anywhere in the country they deem necessary. This could mean more Nicole and Jennifer if we remain silent about its possible horrifying effects. With our snail-pace judicial system, and rotten society in general, we cannot hope for a speedy serving of justice. But we can truly give Jennifer and other victims of human rights violations justice by fighting against anti-Filipino agreements.” Ended Christopher Oliquino, Vice-Chairperson. ###