Ipanalo ang kabuhayan ng mga manggagawa sa Optodev! Ipanalo ang Optodev Workers Union!

YTU

Ilulunsad ng Optodev Workers Union (OWU) ang Certification Election (CE) nito sa ikalawang pagkakataon sa ika-2 ng Oktubre 2014. Nabigo ang unang CE ng unyon noong Enero 2013 dahil sa pananakot ng kapitalista sa pamamagitan ng management nito. Nanalo ang No na may botong 258, habang ang Yes ay may 237 at ang Spoiled ay 67.

Panlilinlang ng mga dilawan

Unang naorganisa ang mga manggagawa sa Optodev ng Confederation of Filipino Workers (CFW) – isang dilawan at mapagkompromisong organisasyon. Itinayo nila ang Kaisahan ng mga Manggagawa ng Optodev (KAMAO) noong 2001 ngunit natalo sa CE nito noong 2004.

Sa ikalawang pagkakataon, tinangkang muli ng mga manggagawa na magtayo ng unyon sa ilalim pa din ng CFW. Hindi ito nakapag-CE dahil tinanggal ang pangulo at pangalawang pangulo sa kasong pagnanakaw. Kinalaunan, napatunayan sa korte na gawa-gawa lang ang kaso.

Pagsisikap ng mga manggagawa

Noong Disyembre 2011, muling nagsikap ang mga manggagawa na mag-organisa at itayo ang Optodev Workers Union – Independent, isang tunay, palaban at makabayang unyon. Naglunsad ng mga pag-aaral hanggang Nobyembre 2012 at napagpasyahang ilunsad ang CE noong Enero ng sumunod na taon.

Dahil sa sagadsagarang pananakot ng kapitalista, lumamang ng 23 boto ang No kaya hindi nagarantiyahan ang unyon. Hindi nito nakuha ang pagiging Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA) na magbibigay dito ng karapatan para makipag-negosasyon sa management. Ito sana ang magiging daan upang masimulan ang pag-aangat sa pang-ekonomiyang kalagayan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng makatwirang dagdag na sahod at benepisyo na ipaglalaban ng unyon.

Kalagayan ng mga manggagawa

Ang Optodev Inc. – matatagpuan sa Laguna International Industrial Park (LIIP), Biñan City, Laguna – ay isang French company na pag-aari ng Essilor, isang multinational corporation. Sa kasalukyan, mayroon itong 540 rank and file workers na gumagawa ng opthalmic lenses.

Ang average na arawang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa ay P400.00 lang. May iilang benepisyo na sagot ng kumpanya tulad ng 30 kilos ng bigas kada buwan, P20.00 na transportation allowance kada araw, at P35.00 na meal allowance. Kung susumahin, napakaliit pa din nito kumpara sa napakataas na presyo ng mga bilihin at gastusin ngayon. Lalong higit na napakaliit kumpara sa tantyang humigit kumulang 6 bilyon na kita taon-taon ng kapitalista.

Maliit din ito para sa haba ng oras ng paggawa na ginugugol ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan. May isang department ang nagpapatupad ng compressed work week kung kaya mayroon ng mga manggagawa na nagta-trabaho ng 12 oras dahil sa shift na 6 to 6.

Patuloy na pananakot ng kapitalistang Optodev

Katulad ng nakaraang taon, patuloy ang pananakot ng kapitalista upang pigilan ang pagtatayo ng unyon. Kumalat ang balita na handang magbayad ang kapitalista ng P15,000.00 bawat empleyado huwag lang manalo ang Yes sa botohan. Kung magpapalinlang ang manggagawa, napakaliit nito kumpara sa mga makukuha kung may isang tunay na unyon na mapapakinabangan ng lahat at hindi ng iilan.

Isang pananakot din ang pagsasara ng kumpanya kapag naitayo ang unyon lalo na kung ito ay sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Dapat maging malinaw sa mga manggagawa na kailanman ay hindi naging dahilan ang pagtatayo ng unyon para magsara ang isang kumpanya, sapagkat ito ay lehitimong karapatan na ginagarantyahan ng Batas Paggawa. Ang pagkaganid nito sa napakalaking tubo ang ultimong dahilan kung bakit nagsasara ang mga kapitalista sa mga pagkakataong itinatayo ng mga manggagawa ang kanilang mga unyon. May ilang nagsasara dahil ayaw nitong dagdagan ang sahod at benepisyo ng mga manggagawa na makakabawas daw sa kanilang bilyon-bilyong tubo.

Sa dulo, ang tumitinding kompetisyon sa pagitan ng kapitalista ang pangunahing dahilan kung bakit may mga nagsasara. Napipilitang magsara ang ibang kapitalista dahil lumiliit ang bilang ng mga may kakayanang bumili ng sobra-sobrang produkto na nililikha ng kanilang manggagawa. Ang mga manggagawa na lalong lumiliit ang purchasing power o kakayanang bumili ang labis na naaapektuhan. Sa bawat pagsasara, itinatakas ng mga kapitalista ang napakalaking tubo na nagmula sa dugo at pawis ng mga manggagawa, na kung walang unyon, ay maiiwan nang walang laban.

Bomoto ng ‘YES’ para sa OWU-NAFLU-KMU!

Sa ikalawang pagkakataon, ilulunsad ng Optodev Workers Union sa ilalim ng NAFLU-KMU (OWU-NAFLU-KMU) ang CE nito. Nananatiling nararapat at makatarungan ang pagtatayo ng isang tunay, palaban at makabayang unyon. Higit sa lahat, ito ay karapatan na dapat isinaspraktika ng mga manggagawa at iginagalang ng mga kapitalista.

Kaya sa darating na ika-2 ng Oktubre, ang lahat ng manggagawa sa Optodev ay dapat magkaisa na bomoto ng ‘YES’ sa balota. Ang bawat pagboto ng ‘YES’ ay pagsuporta sa karapatang mag unyon at makipagtawaran sa kapitalista para sa nakabubuhay na sahod, kasiguruhan sa trabaho at makatwirang mga benepisyo.

Higit sa lahat, ang pagpapanalo sa OWU-NAFLU-KMU ay pag-aambag sa mga tunay na militanteng unyon na mangunguna sa pagwasak sa pagsasamantala ng mga kapitalista. Ang pagpapanalo nito ay isang hakbang hindi lang sa pagpapaunlad ng pang-ekonomiyang kagalingan ng mga manggagawa kundi maging sa pagkakamit ng isang sosyalistang lipunan na walang pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa.

IPANALO ANG OWU-NAFLU-KMU!

BOMOTO NG ‘YES’ SA BALOTA!

SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!

ISULONG ANG TUNAY, PALABAN AT MAKABAYANG UNYONISMO NA MAY SOSYALISTANG PERSPEKTIBA!

First-ever genuine, militant, nationalist union in CIP1, Laguna: Electronics company workers, victorious over concluded Certification Election

PRESS RELEASE

CALAMBA, LAGUNA—Workers from an electronics company in Carmelray Industrial Park I (CIP1) in Canlubang staged a motorcade and program as a sign of victory from their recent Certification Election (CE).

DSC_0620

Electronics workers from Fuji Electric Philippines (FEP) in CIP1 launched a celebratory rally at Checkpoint, Calamba, Laguna this afternoon. At exactly 3:00PM, after their daily shift, the workers conducted a motorcade from CIP1 parading flags, banners, and streamers of victory. At 5:00PM, members of the Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Philippines – Independent (Strength of United Workers of Fuji Electric Philippines – Independent or LNMFEP-Ind) held a program to rejoice their triumph in the recent CE in FEP last September 19, 2014.

Genuine, militant, nationalist union

LNMFEP-Ind was the first ever genuine, militant, nationalist union to be established and recognized in a company inside the CIP1.

According to Allan Bagas, Secretary General of the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Solidarity of Workers in Southern Tagalog – May First Movement or PAMANTIK-KMU), “FEP workers receive an average of P400 as their daily wage, and limited consideration on their health and transportation benefits. They also experience forced OT—regular shift lasts as long as 12 hours everyday. The workers’ hunger for sufficient wage and humane benefits pushed them to organize their ranks in 2012 and formally establish LNMFEP-IND through a General Membership Meeting last April 13. Continuous, massive educational discussions on the members, regarding the current national and trade union issues an their role to change their plight, surefied their way to a united and solid union.”

Intense trade union repression begets strong militant action

The workers’ union in Fuji encountered numerous accounts of harassment and threats from the management in its attempt to bully and abolish the union as early as its establishment.

As said by Ezer Neil Natividad, LNMFEP-IND president, “On the eve of September 19, police force were scattered all over the factory. Before the CE the next day, the Fuji management directed that Ms. Nora Aguilar, Department of Labor and Employment (DoLE) representative to the election, our legal adviser, and I, be restricted to enter CIP1, so we were held at the gates, the guard admitted that this was the very first time that it happened. Voters were also held at the gates of FEP to prevent them from casting their votes.”

Natividad added that the union’s legal adviser, Steve Mendoza, experienced harassment from the management as well.

Bagas, accounted that, “A specific instance happened last CE where a challenge voter has wrongly casted his vote on the ballot box, the management’s legal counsel entered the voting room, so, Mendoza insisted to enter, too, but the guard embraced him, he was refrained from entering the room. The management knew that having a genuine, militant, and nationalist union in their company would limit their chances to squeeze-out more profit from the blood and sweat of these workers leaving them with none. They knew that these organized workers would fight for what is just, so, as early as the CE – they tried to destroy the union.”

The tally showed 298 YES, 170 NO, and 4 Spoiled out of 504 total regular rank and file workers, resulting to a landslide victory in favor of the workers.

“We are so pleased by the workers’ determination to establish and elect a genuine, militant, and nationalist union as a forefront to fighting for their rights in and outside the factory. Whatever effort the management has performed to destroy and keep us from winning lost, the workers won. It is in our solidarity, in our union, that we will find the way to succeed for a just wage, job security, and decent living.” Ended Natividad.###

Tagumpay ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Philippines – Independent, Tagumpay ng mga Manggagawa sa Carmelray Industrial Park 1!

Panalo ang Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Philippines – Independent (LNMFEP-IND) sa Certification Election (CE) nito na inilunsad noong Setyembre 19, 2014. Landslide sa botong: YES – 298, NO – 170, Spoiled – 4. Mula sa 504 manggagawang regular, masasabing nilahukan ng halos lahat ng manggagawa ang eleksyon at mayorya nito ay tumaginting ang sigaw sa paggagarantiya sa unyon.

Kalagayan ng mga manggagawa

Ang Fuji Electric Philippines (FEP o Fuji) ay isa sa 66 na pagawaan sa loob ng Carmelray Industrial Park 1 (CIP1), Canlubang, Calamba City, Laguna. Mayroon itong 600 kabuuang lakas na pangunahing gumagawa ng diode, resistor, at transistor.

Sa pangunguna ni Takafuni Koda, isang Hapon na kasalukuyang pangulo ng kumpanya, mababang pasahod at kakarampot na benepisyo ang tinatanggap ng mga manggagawa kumpara sa haba ng oras ng kanilang paggawa. Umaabot lang ng P400.00 kada araw ang sahod habang limitadong suportang medikal at transportasyon lang ang benepisyo. Napakaminimal nito para sa mga 12 oras ang shift, na meron sa FEP araw at gabi.

Organisadong pagsisimula

Oktubre noong 2012 nagsimula ang paghahangad ng mga manggagawa na makapagtayo ng isang tunay, palaban, at mabayang unyon. Nag-umpisa ito sa 7 manggagawang nakapagtapos ng Kurso sa Tunay, Palaban, at Makabayang Unyonismo (KTPMU).

Bago ang CE, 330 manggagawa ang nakapag-aral ng KTPMU, halos 70% ito ng kabuuang bilang ng manggagawa sa FEP. Nagkaroon din ng pag-aaral sa Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Araling Aktibista, Wage, Price and Profit, Shop Steward Course, Grievance Handling, at marami pang iba. Naging mahalaga ang mga ito sa pagkaunawa ng mga manggagawa kung bakit kailangang itayo ang isang tunay at militanteng unyon.

Pagtatayo ng LNMFEP-Ind

Pormal na naitayo ang unyon sa inilunsad na General Assembly noong ika-13 ng Abril 2014 kung saan naghalal ng mga opisyales at Baord of Directors. Nahirang na pangulo si Ezer Neil Natividad na naging bahagi sa matatagumpay na kampanya laban sa tuition fee increase noong siya ay estudyante pa sa University of Perpetual Help.

Naiparehistro ang unyon noong ika-27 ng Abril. Sumunod na buwan, nag-file ng petition for CE ang unyon. Nagkaroon ng ilang hearing bago naitakda ang ika-19 ng Setyembre bilang araw ng CE.

Pagpigil ng management

Katulad ng lahat ng kapitalistang ganid sa tubo, ang Fuji sa pamamagitan ng management nito, ay nagtangkang pigilin na maitayo ang unyon. Naglabas ito ng mga black propaganda kasama ang karaniwan nang paninira sa Kilusang Mayo Uno kahit na independent ang katangian ng LNMFEP. May pananakot din na magsasara ang kumpanya kapag itinuloy ang pagtatayo ng unyon. Nakaranas ng harassment ang pangulo ng unyon habang isang kasapi naman nito ang iligal na tinanggal.

Bahagi rin ng desperadong hakbangin ng management ang inilunsad na seminar sa Tagaytay at ang Mini Olympics. Ginawa ang mga ito hindi dahil sila ay may pagkalinga sa mga manggagawa, kundi dahil nais ng kapitalista na hatiin ang pagkakasia ng mga manggagawa at tuluyang wasakin ang kanilang hangarin na makapagtayo ng unyon.

Kauna-unahang TPMU sa Carmelray

Sa kabila ng desperasyon ng kapitalistang Fuji, nanaig ang lakas at pagkakaisa ng mga manggagawa sa CE ng kanilang unyon. Gayunman, kailangang tiyakin na ang LNMFEP-IND ay kilalanin bilang Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA) upang mailunsad ang unang Collective Bargaining Agreement (CBA) negotiation. Sa anumang kumpanya, tanging SEBA na unyon lang ang maaaring pumasok sa isang CBA – kadalasang nilalaman nito ang mga pang-ekonomiyang pangangailangan ng mga manggagawa.

Ang tagumpay ng mga manggagawa sa Fuji ay tagumpay ng mga manggagawa sa CIP1 dahil ito ang magpapasimula ng unyong tunay na mag-aabante sa interes at karapatan ng mga manggagawa sa pagawaan at engklabo.

Kagaya ng mga manggagawa sa Honda na hindi bababa sa P1,000.00 ang arawang sahod dahil sa unyon nitong Lakas Manggagawang Nagkakasia sa Honda (LMNH-OLALIA-KMU); kagaya ng mg manggagawa sa Alaska na madadagdagan ng mahigit P160.00 ang arawang sahod dahil sa katatapos lang na CBA sa management ng unyon nitong Alaska Milk Workers Union (AMWU-IND); at kagaya ng iba pang mga tunay na maka-manggagawang unyon tulad ng Malayang Unyon sa Daiwa Seiko Philippines (MUDPSC-OLALIA-KMU) at Technol Eight Phils. Workers Union (TEPWU-OLALIA-KMU), titiyakin ng LNMFEP-IND ang pagsusulong sa pang-ekonomiyang pangangailangan ng mga manggagawa ng Fuji.

Higit sa lahat, magiging bahagi ito ng kilusang paggawa na magpapabagsak sa mapagsamantala at di-makataong sistema ng kapitalismo.

MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWA NG FUJI!
MABUHAY ANG LNMFEP-IND!
MABUHAY NG TUNAY, PALABAN AT MAKABAYANG UNYON!

 

LNMFEP

ST workers remember slained union leader 9 years after brutal death, Nestle Philippines remains top suspect

10616333_537894356341329_6673040939675458466_n

CABUYAO, LAGUNA – After visiting Fortuna’s grave and offered him a mass this morning, workers from different industries and enclaves in the Southern Tagalog region gathered in front of the Nestle Philippines Cabuyao plant to commemorate the 9th year death anniversary of slain worker, Diosdado “Ka Fort” Fortuna.

At exactly 2:00PM this afternoon, ST workers assembled at the PhilSteel Workers Union – OLALIA – KMU’s (PWU-OLALIA-KMU) picket line in Brgy. Pulo, Cabuyao, Laguna before marching to the gates of Nestle Philippines in Cabuyao at 3:00PM. By 3:30, the workers held a short but agitated program in memory of Ka Fort and their continuous cry for justice to the Nestle worker.

Banners stating “Nestle Kills Workers” and “Justice for Ka Fort” were paraded for the community people living near the Nestle factory to see and remember Ka Fort who once became a part of their everyday lives. Also, a replica of the infamous Nestle branded coffee, Nescafe, was burned in front of the factory as an undying symbol that until justice for the Nestle workers has not been served, there will remain ‘blood in your coffee.’

Diosdado “Ka Fort” Fortuna, the militant face of the faceless workers

Diosdado Fortuna, famously known as Ka Fort by his colleagues, was president of the United Filipro Employees – Drug, Food, and Allied Industries – Kilusang Mayo Uno (UFE-DFA-KMU). He lead one of the long-running strikes in the Southern Tagalog region which started on January 14, 2002, when the capitalist Nestle issued deadlock in their Collective Bargaining Agreement (CBA) negotiations in its disapproval to give retirement benefits to its workers. Having won the said battle in the Supreme Court, the Nestle workers led by Fortuna became more aggressive in fighting for their right to recognize the CBA in favor of the workers, but still the capitalist Nestle refused.

According to Roque Polido, newly elected Chairperson of the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Solidarity of Workers in Southern Tagalog – May First Movement or PAMANTIK-KMU), “Ka Fort has been an icon to ST workers, he has been a model for us to be dedicated and serious to our fight for a sufficient wage, job security, and decent living.”

Fortuna, before his untimely death, was Chairperson for PAMANTIK-KMU, Anakpawis Partylist – Southern Tagalog, and National Coalition for the Protection of Workers Rights – Southern Tagalog (NCPWR-ST), and a National Council member of KMU.

Amidst the busy and hectic life of a mass leader, Fortuna never failed to be present to the lives of his family. He has always been actively involved to his family’s issues and activities. Although reluctant to what Fortuna is about, his family eventually understood his cause due to his patient rhetorics of the movement.

“Fort was never selfish. He was never selfish in enlightening me towards his cause even though I was not into it that time. I usually get mad at him because of his involvement in the union, but he was never selfish in letting me understand.” Said Luzviminda Fortuna, Fortuna’s wife and current Regional Coordinator of NCPWR.

Fortuna added, “I remember him always saying ‘If I die, you should accept it no matter how painful it is, because I believe thousands would take my place.’ Now I believed him, seeing that the workers in all over ST calling for justice and fighting for what Fort fought for, and even I was willed to do the same. Now I believed how noble my husband, our comrade, has always been. He was so selfless, even his life he was willed to give.”

On September 22, 2005, while on his way home, Fortuna was shot dead on a dark road by two men riding a motorcycle. The bullets bore wounds on his heart and liver. He was dead on arrival when brought into the nearest hospital.

“We demand that the US-BS Aquino regime do not forget about the Nestle workers. Stop ‘just blaming’ the Arroyo administration for its mischiefs and human rights violations—convict all those who are behind it, and for them to also make themselves accountable to their numerous violations to the workers. If not so, we will be ever willing to make all of the liable pay.” Polido ended.###

Katarungan para kay Ka Fort, Bayani ng Uring Manggagawa!

Siyam na taon na ang nakararaan nang walang-awang pagbabarilin ang lider-unyonista mula sa Nestle Philippines – Cabuyao, na si Diosdado “Ka Fort” Fortuna. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga kaanak at kasamahan ni Ka Fort. Habang patuloy ang paglaki ng yamang naibubulsa ng kapitalistang Nestle mula sa dugo’t pawis ng mga manggagawang pinaglingkuran ni Ka Fort, hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang brutal na pagpatay sa bayani ng uring manggagawa.

Si Ding: Ama, asawa, kapamilya

Isang mapagmahal at pasensyosong ama at asawa ang tulad ni Diosdado Fortuna o Ding sa kanyang mga kapamilya. Ayon sa kanyang mga mahal sa buhay, walang sawa sa pagbibigay ng mga pangaral at paliwanag si Ding ukol sa kanyang paniniwala at hangarin. Hindi rin naging sagka sa kanyang papel bilang ama, asawa, kapatid, anak, at kapamilya ang pagiging lider-obrero ni Ding. Hanggang sa huli, kapakanan ng kanyang mga minamahal sa buhay ang isa sa mga malalaking prayoridad ng kanyang pag-iral.

Si Fortuna: Manggagawa, lider-unyonista

Dekada ’80 pa lamang, masipag at matiyaga nang nagsakripisyo si Fortuna bilang isang manggagawa sa planta ng Nestle Philippines sa Cabuyao. Naranasan niya kung gaano kahirap at kalunus-lunos ang kalagayan ng mga manggagawa ng Nestle. Habang ang #1 food corporation sa buong bansa, Nestle, ay nakatatamasa ng napaka-laking tubo mula sa paghihirap ng mga manggagawa, sukdulang kabaliktaran naman ang tanging nakukuha ng mga manggagawa nito.

Ayon sa pag-aaral ng mga manggagawa ng Nestle at ng mga taga-suporta nito, ang sahod na nakukuha nila kapalit ng isang buong araw na paggawa sa loob ng pabrika, ay kapalit lamang ng 5 minuto ng kanilang paggawa – kung tutuusin mula sa kapital, kita, at tubo ng kapitalistang Nestle. Ito ang nagtulak kay Fortuna para maging aktibo sa unyon ng mga manggagawa sa Nestle, ang United Filipro Employees sa ilalim ng Drug, Food, and Allied Industries – Kilusang Mayo Uno (UFE-DFA-KMU).

Sa pagiging masigasig at bukal sa pusong paglilingkod ni Fort sa kanyang kapwa manggagawa, naihalal siya bilang presidente ng UFE-DFA-KMU. Naging lalong matingkad ang pagpupursige ni Fort upang isulong ang interes ng kanyang mga ka-manggagawa sa pamamagitan ng paggigiit sa kapitalistang Nestle na pagbigyan ang mga manggagawa sa isang makatwiran at makataong Collective Bargaining Agreement (CBA). Subalit, hindi ito dininig ng kapitalistang Nestle, hindi ito umayon sa hiling ng mga manggagawa na magkaroon ng sapat at maayos na benepisyo para sa mga retiradong manggagawa at sa halip ay nagpataw ng deadlock para sa nasabing negosasyon. Bagamat naipanalo ng manggagawa ang laban sa Korte Suprema noong 2001, hindi pa rin nagpailalim dito ang kapitalista, kaya’t naglunsad ng welga ang mga manggagawa ng Nestle noong ika-14 ng Enero taong 2002.

Naging isa sa pinaka-maiinit na laban ng mga manggagawa sa buong bansa ang kinaharap ng mga manggagawa ng Nestle. Sa bawat inilulunsad nitong kilos-protesta sa labas ng pagawaan, laging nakararanas ng mararahas na dispersal ang mga manggagawa mula sa pinagsamang lakas ng AFP, PNP, at private guards ng kapitalista. Hindi tuluy-tuloy na naitatambol sa mga pahayagan ang laban ng mga manggagawang ito dahil sa kapangyarihang pang-ekonomiyang taglay ng kapitalistang Nestle bilang isa sa mga pangunahing advertisers sa midya.

Ka Fort, bayani ng uring manggagawa

Sa kanyang ipinakitang husay at dedikasyon sa pakikipaglaban para sa interes ng uring manggagawa, kinilala rin siyang tagapangulo ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), miyembro ng Pambansang Konseho ng KMU, tagapangulo ng panrehiyong balangay ng Anakpawis Partylist, at tagapangulo ng National Coalition for the Protection of Workers Rights – Southern Tagalog (NCPWR-ST).

Tuluy-tuloy at walang mintis siyang nangunguna sa bawat pagkilos at aktibidad ng mga manggagawa. Naging simbolo siya ng pakikibaka para sa sahod, trabaho, at karapatan sa Timog Katagalugan. Ito ang naging dahilan kung bakit naging mainit siya sa mata ng estado. Sa ilang taon bago siya bawian ng buhay, matinding surbeylans at panghaharas ang dinanas ni Ka Fort mula sa mga elemento ng militar at bayarang goons ng Nestle. Naibilang ang kanyang pangalan sa military hitlist o listahan ng mga kailangang patayin ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaya naman hindi kataka-taka, bagamat sobrang nakakalungkot at nakakapag-ngalit, nang pagbabarilin ng naka-motorsiklong kalalakihan si Ka Fort habang papauwi sa kanilang bahay noong ika-22 ng Setyembre 2005. Iniwang nakahandusay sa isang madilim na kalsada, tinakpan ng dahon, patay nang natagpuan ang dakilang si Ka Fort na may tama ng bala sa kanyang puso at atay. Ika-64 na biktima ng pampulitikang pamamaslang si Ka Fort sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo, ika-2 pangulo, sunod kay Meliton “Ka Mel” Roxas, rin ng UFE-DFA-KMU na pinapatay ng kapitalistang Nestle, at isa sa napakaraming bilang ng manggagawa ng Nestle na namatay sa kahabaan ng welga.

Ka Fort, modelo ng bawat manggagawa sa kasalukuyan

Siyam na taon man ang lumipas, hindi pa rin kailanman nalimutan ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan ang napakalaking ambag ng dakilang si Ka Fort. Hanggang sa kasalukuyan, laman pa rin ng mga talakayan at pag-aaral na pinaghuhugutan ng inspirasyon ang kabayanihan at kadakilaang naipamalas niya.

Hanggang sa ngayon, tulad ng dinanas ni Ka Fort at ng iba pang manggagawa ng Nestle, dinaranas din ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan ang matinding pambubusabos ng mga kapitalista. Idagdag pa rito ang pag-ayuda ng gobyerno sa burgesya para mas lalo itong mag-kamal ng supertubo at pahirapan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang mga anti-manggagawang polisiya tulad ng Two-Tiered Wage System, Labor-Only Contracting, No union – No strike policy, Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment, Labor Flexibilization, Compressed Workweek, at marami pang iba sa ilalim ng rehimeng US-BS Aquino. Gayundin ang kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa at mamamayan.

Sa mga aral na naiwan ni Ka Fort at ng iba pang obrerong martir kumukuha ng lakas at inspirasyon ang mga manggagawa upang patuloy na makipaglaban at ipagtagumpay ang kanilang pangunahing interes. Panata ng mga manggagawa ang patuloy na paghahanap ng hustisya para kay Ka Fort at sa lahat ng biktima ng pasismo ng estado.

Katarungan para kay Diosdado “Ka Fort” Fortuna!
Katarungan para sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao!
Pagbayarin ang mamamatay-manggagawang Nestle! BOYKOT NESTLE!

 

KFort

Marcos at Aquino: Hari ng Martial Law, Berdugo ng Manggagawa

10468625_537534449710653_8577682593593735218_n

Pagkaraan ng 42 taon, nananatiling sariwa sa alaala ng mamamayan ang malagim na karahasang sinapit sa karumaldumal na paglabag sa karapatang pantao, iligal na pag-aresto, panggagahasa, pagdukot, pagtortyur, at pagpaslang sa mga mamamayang nanindigan upang labanan ang diktadurang Marcos. Nakakintal pa rin sa isip ng mga biktima at mga kaanak hanggang sa ngayon ang bawat bahid ng dugo at panaghoy ng pagdurusang dulot ng malagim na pasismo ng estado sa panahon ng Martial Law.

Batas militar ni Marcos

Setyembre 21, 1972 nang ideklara ni Ferdinand Marcos ang Proclamation Decree No. 1081 – na mas kilala sa tawag na Martial Law o Batas Militar – matapos ang pambobomba sa miting de avance ng Liberal Party sa Plaza Miranda na ibinibintang sa maka-kaliwang grupo. Ngunit naging malinaw na pakana ito ni Marcos upang magkaroon siya ng dahilan na isailalim sa state of emergency ang bansa. Sa ilalim ng Batas Militar, buung-buo niyang inilagay sa kanyang mga kamay ang kapangyarihan at kontrol sa pulitika, ekonomiya, armadong pwersa, at midya.

Kabi-kabila ang naitalang paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng diktadurang Marcos gamit ang armadong pwersa ng Philippines Constabulary (PC) at Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU). Kabilang dito ang 3,257 kaso ng extra judicial killings, 35,000 na tinortyur, 75,000 iligal na ikinulong, at 737 na desaparesidos na hindi pa inililitaw hanggang sa ngayon.

Isa ang uring manggagawa sa nakaranas ng matinding karahasan sa ilalim ng diktadurang Marcos. Pilit binuwag at dinahas ang maraming unyon sa mga pagawaan tulad ng Foamtex Industries, Ricoa, at La Tondeña. Isa si yumaong dating Anakpawis representative Crispin Beltran sa mga naikulong. Kasama naman sa mga pinaslang sina Felixberto Olalia Sr., Felipe Caracas, at Antonio de Guzman pawang mga lider-obrero at tagapagtanggol ng mga manggagawa sa buong bansa.

Ngunit sa kabila ng sukdulang panunupil ng estado sa hanay ng mamamayan, sa halip na matakot, higit na nag-umapaw ang galit sa damdamin ng mga manggagawa. Ang bawat karahasang kanilang naranasan ang nagsilbing gatong na nagpaliyab sa pagnanasang mabago hanggang sa tuluyang mapabagsak ang diktadurang paghahari ng rehimeng Marcos. At sa pamamagitan ng pinagsamang lakas ng manggagawa at sambayanan, tuluyang napabagsak ang diktadurya ni Marcos noong Pebrero 25, 1986 sa tinaguriang People Power Revolution.

Batas militar ng mga sumunod na rehimen

Dahil sa People Power I, sumunod na naluklok sa pwesto si Corazon Aquino – ang huwad na ina ng demokrasya. Nagpatuloy ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga mamamayang naghahangad ng tunay na pagbabago – laluna sa hanay ng mga manggagawa at magsasaka.

Noong Mayo 1, 1988, habang nagdiriwang ang mga manggagawa ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Crossing, Calamba, Laguna, walang habas silang pinagbabaril ng mga pasistang militar sa utos ng rehimeng US-Aquino I.

Sa ilalim ni Aquino, naging mas masahol ang kalagayan ng mamamayan partikular ang manggagawa at magsasaka. Nagpatuloy ang karahasan ng batas militar at ikinubli lamang ito sa tipo ng Oplan Lambat Bitag 1, 2, 3 – na naglalayong durugin ang rebolusyonaryong pwersa sa pamamagitan ng ‘Total War’.

Matapos ang hungkag na pamumuno ng rehimen ni Aquino, wala ring pinagkaiba sa kanyang kontra-rebolusyonaryong iskema ang pinagpatuloy ng mga pangulong sumunod sa kanya.

Walang gatol na ipinatupad ni Fidel Ramos ang Oplan Lambat Bitag 4; Oplan Makabayan ni Joseph Estrada; at Oplan Bantay Laya 1 at 2 ni Gloria Arroyo – bilang pagpapatuloy ng lantarang pasismo ng estado para sa lubusang pagdurog sa mga rebolusyonaryong pwersa at mga progresibong grupo. Kinasangkapan ng estado sa pagpapatupad ng mga kontra insurhensyang programang ito ang mga tuta at berdugong PNP, AFP, at CAFGU. Wala itong ibang idinulot sa mamamayan kundi papatinding karahasan, ibayong kahirapan, at talamak na paglabag sa karapatang pantao.

Batas militar ni Noynoy Aquino

Sa kasalukuyang rehimen ng US-Aquino II, walang pakundangan niyang inilantad ang pagnanais na isailalim ang bansa sa kumpas ng diktadura. Kapit-tuko siya sa estado poder at buong kapal ng mukhang nais magpalawig ng termino sa pamamagitan ng pagmamadali sa Charter Change (Chacha), sa kabila ng panawagan ng sambayanan ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto dahil sa kurapsyon sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ipinatupad nito ang mapanlinlang na Oplan Bayanihan sa kanayunan at kalunsuran na may layunin ding tiktikan, takutin, dahasin, dukutin hanggang sa paslangin ang mga indibidwal o grupo na lumalaban sa kanyang mga di-makatao at anti-mamamayang mga polisiya at programa. Halimbawa nito ang Two-Tiered Wage System, Tripartite Industrial Peace Council Manifesto of Commitment (TIPC-MOC), at No Union No Strike Policy ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na matinding sumisikil sa karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon, at sa karapatan sa nakabubuhay na sahod at disenteng trabaho.

Walang seryosong plano si Aquino na magkaroon ng kapayapaan sa bansa dahil tuwiran nitong tinalikdan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Kamakailan lamang, planadong inilitaw ng gobyerno ni BS Aquino ang berdugong si Hen. Jovito Palparan upang pahupain ang galit ng sambayanan makaraang mabulgar ang pinakatalamak at sistematikong korapsyon sa kasaysayan. Ginawa rin ito upang papaniwalain ang sambayanan na matutuldukan na ang pagdukot, pagpaslang at paglabag sa karapatang pantao.

Sa ganitong kalagayan, sapat nang patunay na ang administrasyon ng US-BS Aquino ang Martial Law ng kasalukuyang panahon. Kinaya ng lakas ng mga manggagawa at sambayanan ang pagpatay sa pangarap ng rehimeng US-Marcos na maghari sa bansa, ganitong lakas din ang papatay sa kanyang pangarap na pagtutuloy sa pwesto at sa kalauna’y pagpapataw ng Martial Law. Sama-samang lakas ng mga manggagawa, mula sa mga matatatag na at mga bagong tatag na mga unyon, sa Timog Katagalugan ang lulusaw sa kamay na bakal ng pasistang rehimeng US-BS Aquino!

HUSTISYA PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG MARTIAL LAW!

TUTULAN ANG DIKTADURANG US-BS AQUINO!

PATALSIKIN AT PANAGUTIN ANG REHIMENG US-BS AQUINO!

ST workers: 42 years of injustice, Martial Law continues to reign under US-BS Aquino regime

PRESS RELEASE

STA. ROSA, LAGUNA – Militant workers united to commemorate the 42nd anniversary of Martial Law. Carrying calls of justice put in ‘black and white’ as a sign of flashback to a bloody, censored part of history.

At exactly 4:00 PM, workers from different industries in the Southern Tagalog region assembled at Amar, Balibago, Sta. Rosa City, Laguna and staged a one-hour program that reminisced the culture of impunity brought about by the declaration of Proclamation Decree No. 1081 or Martial Law in September 21, 1972.

Workers flashed ‘black and white’ colored propaganda materials to signify a momentous recurrence of human rights violations under the US-Marcos regime and the unwavering slogans of the people calling for justice and peace. Calls like ‘Never again to Martial Law’, ‘Justice for all the victims of human rights violations’, and ‘Stop the killings and political persecutions’ bombarded the heavy streets that afternoon.

The Martial Law era under the US-Marcos regime is known to be the epitome of a freedomless country. Human rights were strictly hit and thrashed. From sustaining an organization, expressing one’s personal opinion, to critiquing the flaws and injustices of the administration were valid reasons to tag someone as rebel and radical driving them to a judgment of either criminal case and imprisonment or worse, death.

After 42 years, the ST workers firmly believe that justice has not yet been served to the thousands of victims of HRVs in the region and the whole of the country.

Martial Law continues

42 years have momentarily passed, but still, as of today, Martial Law seems ongoing. With the inhumane policies and blatant double-crossing and deceit the current fascist regime is performing, there shows a clear and certain semblance to that of what happened 42 years ago.

“The US-BS Aquino regime is barefaced in its desire to subsist and reign in its throne through its overbearing, mostly ruthless administration. Southern Tagalog workers are living evidence to this statement – with anti-worker policies such as the Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment (TIPC-MOC) and the ‘No union, no strike policy’ which aim to abolish the unity of the workers deems similar to the restriction of having an organization during the Martial Law of Ferdinand Marcos.” Said Allan Bagas, newly elected Secretary General of the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Solidarity of Workers in Southern Tagalog – May First Movement or PAMANTIK-KMU).

Bagas also stated that the Philippine Economic Zone Authority (PEZA) acts as the modernized version of the Philippine Constabulary in leading and authorizing the elements of the AFP and PNP to meddle with the issues between the workers and the capitalists inside their respective enclaves.

In addition to that, the recent ‘back-to-basecamp’ move for the serial killer Ret. Maj. Gen. Jovito “The Butcher” Palparan shows where this government lays its support – to injustice and not to its victims.

According to Roque Polido, Chairperson-elect of PAMANTIK-KMU, “Workers from ST show their grave disgust to the current administration. As we are continuously calling for justice to the thousand victims of HRVs during the Martial Law era, BS Aquino vehemently adds insult to injury – with its left and right accounts of extra-judicial killings, enforced disappearances, illegal arrests, tortures, and public-money spending thorugh his DAP and Pork. We will not tolerate this. ST workers will make all the accused accountable, they should pay. We will never forget, we are firm to never again let a martial rule in our country.”

At 6:00PM, a regionally coordinated candle lighting seeking justice to all the victims of state fascism 42 years ago up until today was held. ###

(photo courtesy of MUDSPC-OLALIA-KMU)

10614134_1609539495940348_1609014436935242444_n

Certification Election ng LNMFEP-Ind, inilulunsad ngayon

PRESS RELEASE

LNMFEP

Fuji Electric Philippines, Calamba City – Ngayong araw, Setyembre 19, ginaganap ang Certification Election (CE) ng Lakas Nagkakaisang Manggagawa sa Fuji Electric Philippines – Independent (LNMFEP-IND).

Nagsimula ang botohan ng alas-8 ng umaga at inaasahang matatapos ito bago ang ika-5 ng hapon. Mayroong 505 rank and file na manggagawa ang kabilang sa listahan ng regular voters at 69 challenged voters. Dagdag sa 50% plus 1 na boto, kailangan ng unyon sa minimum ang lamang na 69 na boto upang masigurado ang panalo nito.

Katulad ng dinaranas ng mga manggagawa sa iba pang mga pagawaan sa rehiyon ng Timog Katagalugan, batbat ng isyu ang kinakaharap ng mga manggagawa ng Fuji. Nariyan ang napakababang pasahod, walang kaseguruhan sa trabaho, walang sapat na benepisyo, at di-makataong pagtrato sa mga manggagawa. Dagdag pa rito, napakadali lamang para sa kapitalistang Fuji ang basta-bastang tanggalin ang mga regular na manggagawa nito kahit na walang sapat na batayan.

Ilan lamang ang mga nabanggit na iyon sa nagtulak sa mga manggagawa ng Fuji upang simulang buuin ang isang tunay, palaban, makabayang unyon sa pagawaan. Sa paniniwalang tanging sa pinagsama-samang lakas ng mga manggagawa lamang makakamit at maipagtatagumpay ang mga batayang karapatan ng mga manggagawa sa loob at labas ng pabrika, nagkaroon ng pagsisikap na hikayatin ang mas marami pang bilang ng kanilang kapwa manggagawa sa Fuji at itayo ang LNMFEP-Ind na kanilang magiging sandigan sa pagawaan.

“Isa ito sa mga araw na pinakahihintay naming mga manggagawa, ang maipakita ang lakas ng aming hanay sa pamamagitan ng pagboto para sa aming unyon na siguradong magsusulong ng mas mataas na sahod at mga benepisyo. Nananawagan kami sa kapwa namin manggagawa na bomoto ng “YES” sa balota. Ang pagboto ng “YES” ay pagsang-ayon sa pagsusulong ng ating karapatan sa loob ng pagawaan.” Ani Ezer Neil Natividad, Tagapangulo ng LNMFEP-IND. ###

Hinggil sa pagbasura sa impeachment complaints: Manggagawa ng Timog Katagalugan, hindi titigil hanggang managot si BS Aquino

OUSTMariing kinukundena ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, sa pangunguna ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), ang agarang pagbasura ng House Committee on Justice sa impeachment complaints hinggil sa paggastos ni Noynoy Aquino ng P144 bilyon sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa unang pagdinig, napagkaisahan ng komite na ito ay sufficient in form. Ngunit sa sumunod na hearing, mabilis pa sa kidlat na pinagbotohan itong hindi sufficient in substance – 54 na boto laban sa 4 mula sa Makabayan bloc.

Maaaring hindi daglian at lubos na nauunawaan ng ordinaryong manggagawa ang form at substance, ngunit ang desisyon ng Supreme Court na unconstitutional ang DAP ay sapat nang batayan para isalang sa impeachment proceeding si Noynoy Aquino. Maging sa kawalan ng ganitong desisyon, ang simpleng pag-abuso ng pangulo sa paggastos ng bilyun-bilyong pondong nagmula sa buwis ng mga manggagawa at mamamayan ay lalong higit na dahilan para siya ay managot. Ang mismong hindi paglalaan ng pondo sa basic social services tulad ng edukasyon, pangkalusugan, at pabahay ay isa nang tipo ng korapsyon.

Tama si Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares sa pahayag niya na desidido na ang mga alyado ni Aquino na ibasura ang impeachment complaints. Bago ang botohan, nagpahayag si Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., tagapangulo ng justice committee, na walang kaugnayan ang desisyon ng Supreme Court sa impeachment process – na para bang pagpapahayag na hindi dapat kilalanin ang kapangyarihan ng pinakamataas na korte sa bansa.

Sa kawalan ng pagre-resign ng pangulo matapos ideklarang labag sa batas ang DAP, ang impeachment ay isang lohikal na hakbang upang sagutin niya ang mga reklamo hinggil sa kanyang lantarang paglabag sa Saligang Batas. Ngunit walang napala ang mga manggagawa sa mga kongresistang nagtanggol kay Aquino sapagkat sila rin mismo ay nakinabang sa DAP.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism, ilan sa mga nagbasura ng impeachment na tumanggap ng pondo mula sa DAP ay sina Niel Tupas Jr. (Liberal Party, P12.5-M), Ben Evardone (NUP/Liberal, P62.7-M), Neptali Gonzales II (Liberal Party, P203-M), Miro Quimbo (Liberal Party, P10-M), at Reynaldo Umali (Liberal Party, P15-M).

Kahit isinusuka na ng kanyang mga ‘boss’, nakakapanatili pa rin sa pwesto at nakakatakas sa pang-uusig si BS Aquino dahil sa kanyang mga kaalyado, mga nakikinabang din sa korapsyon sa pamamagitan ng DAP. Patuloy na bumababa ang trust rating ng pangulo – mula 69% nung Marso, bumaba ito sa 53% nung Hunyo ayon sa Pulse Asia. Kaya sa pagboto ng Kongreso, inaasahang marami ang boboto upang tuluyan nang maibasura ang impeachment complaints.

Malinaw na hangga’t nasa kapangyarihan si BS Aquino at nakikinabang sa DAP ang mga kongresista at senador, na mayorya ay kanyang kapartido, hindi makakaasa ang mamamayan ng accountability o pananagutan at hustisya.

Malinaw rin sa mga manggagawa na sila, kasama ng iba pang sektor na araw-araw bugbog sa trabaho, ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa at pinagkukunan ng pondo ng gobyerno. Maliban sa buwis na awtomatikong kinakaltas sa kanilang sahod, nagbabayad pa sila ng P12 na buwis tuwing gagastos ng P100 na pilit pinagkakasya sa mga pangangailangan. Taun-taon, siguradong may buwis na natatanggap ang gobyerno, ngunit taun-taon ding umaasa sa wala ang mga manggagawa at mamamayan sa serbisyong panlipunan.

Nakalusot man si BS Aquino, hindi titigil ang mga manggagawa ng Timog Katagalugan upang singilin ang Pork Barrel King. Magpapatuloy ang mas malalaking mga protesta, magsasampa ng kaso pagkatapos ng kanyang termino, at ang hindi n’ya mapipigilan – ang people’s intitiative upang tuluyan nang maisabatas ang pagtatanggal sa pork barrel system.