Ipanalo ang MMET Workers Union!

Ilulunsad sa Agosto 26 ang Certification Election (CE) ng Minami Machinery and Electronics Technologies, Inc. Workers Union – Independent (MMETWU-Ind). Ngunit katulad ng ibang tunay na unyon, nakaranas at patuloy na nakararanas ng intimidasyon at panlilinlang mula sa management ang mga manggagawang nagsusumikap na maitayo ang MMETWU-Ind.

Pagpaparehistro ng MMETWU-Ind

Abril 26 – ipinarehistro ng mga manggagawa ang kanilang unyon. Ngunit bago ito, naging maingat at nagkaroon ng regular na pagpapaaral sa mga manggagawa upang maunawaan, kilalanin, at suportahan ang pangangailangan sa isang tunay, palaban, at makabayang unyon. Bagama’t kinikilala at ginagarantiyahan ng Batas Paggawa at ng Konstitusyon ng Pilipinas ang karapatan sa pag-uunyon, patuloy ang mga kapitalista tulad ng MMET sa pagsagka sa karapatang ito.

Mula nang mailantad ang unyon pagkatapos ng Union Registration (UR), higit na naging agresibo ang management ng kumpanya upang pahinain ang pagkakaisa at hangarin ng mga manggagawa na tuluyan nang kilalanin bilang sole and exclusive bargaining agent (SEBA) ang kanilang unyon.

Isa sa mga pagsisikap ng kapitalista ang tuluy-tuloy na pananakot na magsasara ang kumpanya kapag naitayo ang unyon. Agad itong iniugnay sa PAMANTIK at KMU na diumano ay mga militanteng nagpapasara ng mga pagawaan upang takutin ang mga manggagawa. Walang katotohanan ang karaniwan nang black propaganda na ito ng mga kapitalista upang protektahan at panatilihing mataas ang kanilang kinakamal na tubo. Ang totoo, ang mga manggagawa na lumilikha ng produkto na nagpapayaman sa kanila ay nagtitiis sa barat na sahod at kawalan o kakarampot na benepisyo. Nagpakalat din ng audio file ang kumpanya laban sa unyon. Bilang aksyon, nag-file ng kasong unfair labor practice ang unyon sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) noong Mayo 23.

Paghahanda sa Certification Election

Ilang beses na hindi dumalo ang management sa mga hearing upang pag-usapan ang detalye ng ilulunsad na CE. Agosto 6 natuloy ang pre-election conference (PEC) nang humarap ang management. Napagkaisahan na ilulunsad ang CE sa Agosto 26.

Bagama’t may pagkilala na ang kumpanya sa unyon, higit itong nagpupumilit na wasakin ang unyon. Desperado ang mga hakbang nito tulad ng pangangausap sa mga manggagawa na bomoto ng ‘NO to union’. Kasabay ng pananakot, nag-aalok din ito ng dagdag na sahod sa ilang empleyado.

Kasama din sa mga pinakabagong hakbangin nito ang pagtatanggal sa 36 na manggagawang kontraktwal – mga inoorganisa rin upang bomoto sa unyon. Katulad ng mga regular, kinikila ng unyon ang mga kontraktwal bilang mga manggagawa na may parehong karapatan para sa mataas na sahod at maayos na benepisyo.

YES to union!

Walang ligal at lalong walang makataong dahilan upang pigilin ng kapitalistang MMET ang pagtatayo ng unyon ng mga manggagawa. Ito ay batayang karapatan ng mga manggagawa at walang papel ang kapitalista sa proseso ng pagtatayo nito.

Dahil sa patuloy na desperadong hakbangin ng kapitalistang MMET, kailangang magkaisa ang mga manggagawa at ipaglaban ang kanilang karapatan. Sabi nga, sa isang lipunang may bulok na sistema, “Ang karapatan ay hindi kusang ibinibigay. Ito ay ipinaglalaban!” Sa Agosto 26 bomoto ng YES TO UNION! YES TO MMETWU-IND!

Para sa nakabubuhay na sahod, YES TO UNION!
Para sa maayos na benepisyo, YES TO UNION!
Para sa makataong paggawa, YES TO UNION!

 

Slide1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s