DoLE: Kilalanin ang KASAMA sa HOGP-Ind bilang Sole and Exclusive Bargaining agent

Panalo ang Kalipunan at Saligan ng Manggagawa sa Hoya Glass Disk Phils. – Independent (KASAMA sa HOGP-Ind) sa isinagawang Certification Elections (CE) kahapon, Hulyo 31, sa tanggapan ng Department of Labor and Employment – Region IVA (DoLE-IVA), Parian, Calamba. Mula sa 78 na may karapatang bomoto, 65 ang nakaboto at lahat ay bomoto ng YES.

HOYA

Sa kabila ng paunang tagumpay na ito, wala pang kasiguraduhan kung kikilalanin ng DoLE ang unyon bilang Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA).

Sa pre-election conference (PEC) noong Hulyo 15, pinaboran ng DoLE ang paggigiit ng management na 1,874 rank and file workers ang isama sa list of voters. Dahil sa sistematikong panlilinlang at pagmamaniobra ng kapitalistang Hoya, 1,796 ang napilitang magpabayad at pumirma ng quit claims bago pa ang eleksyon. Ibig sabihin, sila ay hindi na mga opisyal na manggagawa ng kumpanya.

Simula nang ianunsyo ng kumpanya ang diumano ay pagsasara nito noong Abril 30, naging desperado ito sa tuluyang pagdurog sa unyon na nairehistro noong Abril 24. Sinikap nitong mabayaran at mapapirma sa quit claims ang lahat ng rank and file wokers hanggang bago ilunsad ang CE.

‘Cessation of operations’ at hindi company shutdown ang nakasaad sa dokumento na ipinasa ng management sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA). Ibig sabihin, ang company closure na iginigiit nito ay hindi permanenteng pagsasara kundi paghinto lamang ng operasyon.

Batay sa mga pagsisiyasat ng unyon, nagkaroon ng mass hiring ng mga kontraktwal at muling babalik ang operasyon ng kumpanya ngayong Agosto.

Malinaw na ang kapitalistang Hoya ay sagad-sagaring union buster. Malinaw din na makatarungan at lehitimo ang pagpapatuloy ng laban!

Ang ating panawagan sa DoLE: kilalanin ang KASAMA sa HOGP-Ind bilang SEBA! Maglabas ng desisyon na pabor sa mga manggagawa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s