Pagtaas ng Presyo ng mga Bilihin, Delubyo para sa Manggagawa’t Mamamayan

Simula nitong mga nakaraang linggo, tila kumakaharap sa malaking delubyo ang mamamayan dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin. Walang humpay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo kaya naman hindi na napigilan ang pagtataas ng singil sa pamasahe. Sinabayan pa ng pagtataas ng presyo ng bawang, asukal, bigas, karne, manok, at ng iba pang mga pangunahing bilihin.

 
download (1)Muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo, nadagdagan ng P1.20 kada litrong singil para sa Diesel, P1.30 kada litro para sa gasolina, at P1.45 naman kada litro para sa kerosene. Dahil umano ito sa paghahanda sa napipintong paglala ng kri850sis sa langis ng mga prodyuser na bansa. Ibinunga ng malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo ang karagdagang singil sa minimum na pasahe mula P8 magiging P8.50 at P1.50 kada susunod na kilometro.

 

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas mula P40 hanggang P45 kada kilo – umani ito ng samu’t saring pagbatikos buhat pareho sa parte ng mamamayan at pamahalaan. images (1)Habang umaaray ang mga mamamayan sa pagbigat ng presyo ng bigas, tinawag naman itong ‘kaartehan’ ng palasyo sa paghahangad ng mamamayan ng komersyal o ‘mabangong klase’ ng bigas na sadyang mahal ang presyo gayong maaaring magtiis sa bigas-NFA na relatibong mas mura.

 

Sunud-sunod din ang naging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing panlahok sa pagluluto tulad ng sibuyas na naglalaro sa P48-P50 kada kilo, luya na nasa P140 kada kilo, at bawang na lumipad ang presyo sa P400 kada kilo.download Nakisabay rin sa pagtaas ang presyo ng asukal, gatas, at de-lata. Nariyan din ang tumataas na presyo ng manok at baboy. Lahat nang pagtataas na ito ay ikinokoneimageskta sa pagbaba diumano ng suplay ng mga pangunahing produkto.

 

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na nagsagawa ng pagpupulong hinggil sa kabi-kabilang pagtataas na ito, napag-alaman nilang mayroong ‘malaking peste’ na nakapasok sa bansa na nagreresulta ng pagbaba at pagkaantala ng produksyon.

 

Noynoy.241Gayunman, tahasang ipinaabot ni BS Aquino na wala siyang nalalaman sa dahilan kung bakit nagtataasan ang pangunahing mga bilihin. Isa pa aniya, hindi dapat mabahala dahil hindi naman daw apektado ng sunud-sunod na pagtataas ng presyo ang kalakhan ng mga mamamayang Pilipino.

 

Ipinapakita lamang nito na walang kontrol ang pamahalaan sa pagbabalanse ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Ito ay nagsisilbing patunay na hindi lamang ang produktong petrolyo ang napapailalim sa deregulasyon, lahat ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan ay ipinauubaya ng bulok na administrasyon sa amo nitong imperyalistang US at mga dayuhang mamumuhunan.

 

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin, patuloy naman ang pagbaba, kung hindi pagkakapako sa dati nang mababa, ng sahod ng mga manggagawa – na pangunahing konsyumer ng mga nabanggit na produkto. At mapapansin ang pagsahol ng kainutilan ng BS na administrasyon sa paglutas at pagresolba ng suliraning ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s