World Economic Forum: Pagtitipon ng mga kapitalista, kontra-manggagawa

Image

Ngayon ang pinakamainam na panahon para mamuhununan sa Pilipinas. Ito ang mensahe ni Noynoy Aquino sa ASEAN Business Club na dinaluhan ng 50 pinakamayayaman at pinakamakakapangyarihang kapitalista mula sa Cambodia, Indonesia, Malaysia, Thailand, at Pilipinas.Samantala, 6,200 manggagawa mula sa Carina Apparel at Hoya Glass Disk ang nawalan ng trabaho ngayong taon. Mahigit 3,600 namang manggagawa ng NXP Semiconductors ang apektado dahil sa iligal na pagtanggal ng kapitalista sa 24 union leaders.

Puno ng pambobola ang mensahe ni Noynoy upang lalong akitin ang mga kapitalista na magnegosyo at magkamal ng higanteng tubo sa bansa. Isa sa kanyang ipinagmalaki ang tuloy-tuloy diumano na mataas na economic growth o paglago ng ekonomiya. Kailangan niya itong banggitin upang patunayan na hindi nalulugi ang mga namumuhunan sa bansa. Ayon sa kanya, magbubukas ito ng oportunidad sa mga Pilipino. Ngunit ang katotohanan, walang pag-unlad ang mga manggagawa at mamamayan sa mga nakaraan at kasalukuyang pagnenegosyo ng mga dayuhan sa bansa. Patunay rito ang malaking bilang ng walang trabaho o unemployment rate.

     Sa huling bahagi ng 2013, umabot sa 12.1 milyon ang walang trabaho. Dumarami rin ang bilang ng mga kontraktwal habang sistematikong inaalis ng mga kapitalista, kasabwat ang Department of Labor and Employment (DoLE), ang regularisasyon ng mga manggagawa. Naglalaro sa P228-446 ang minimum na sahod na kapos na kapos para sa mga batayang pangangailangan. Samantala, tatlong pamilya – Henry Sy, Lucio Tan, at Andrew Tan – ang naghati-hati sa $24.1 bilyong kabuuang tubo na piniga mula sa mga manggagawang pilit pang pinapababa ang sahod.    

Malinaw na hindi inclusive o hindi kasama ang mga manggagawa at naghihirap na mamamayan sa nakikinabang sa paglago o paglaki ng kinikita ng ekonomiya. Lumalaki ang tubo ngunit sa bulsa ng iilang lokal at dayuhang kapitalista ito napupunta. Sa paglalako ni Noynoy Aquino ng Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan, walang ibang maidudulot ito sa mga Pilipino kundi lalong paglala ng masahol na kalagayan at pagtrato sa loob ng pagawaan. Lalo din nitong itutulak ang gubyerno na tanggalin ang minimum wage upang higit na makumbinsi ang mga kapitalista na magnegosyo sa bansa.

Ang World Economic Forum ay hindi inilulunsad para pag-usapan ang kagalingan at karapatan ng mga manggagawa. Pagtitipon ito ng mga kapitalista at papet na gubyerno upang pag-usapan ang magiging ganansya nila sa murang hilaw na materyales at lakas-paggawa sa bansa. Magkakaroon ng disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod ang mamamayan kapag itinayo ang gubyerno ng mamamamayan na siyang magtitiyak ng industriyang maglilingkod sa kagalingan ng bawat manggagawa at mamamayan. ###

Photo: Ryan Lim

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s