PAHAYAG NG PAKIISA NG EBARA BENGUET INC. EMPLOYEES UNION SA MGA MANGGAGAWA NG HOYA, CARINA AT NXP

Image

Kami mula sa Ebara Benguet Incorporated Employees Union (EBIEU) ay mariing kumukundina sa ginawa ng kapitalista ng NXP Semiconductors Incorporated, Carina Apparel Incorporated, at Hoya Glass Disk Philippines.

Nilalabanan namin ang union busting sa dahilang pagsikil ito sa karapatan ng manggagawa na mag-organisa at makipagtawaran sa kapitalista para sa kanyang pang-ekonomiyang pangangailangan. Kulang na kulang ang sahod na tinatamasa ng manggagawa sa pang-araw-araw na gastusin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Tinutulan namin ang ginawa ng kapitalista ng NXP na sa panahon ng negosasyon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon, ilegal nitong tinanggal ang 24 na manggagawa na mga opisyal din ng unyon. Ang ikinaso sa kanila ay illegal strike diumano dahil sa hindi pagpasok ng mga manggagawa noong Abril, 17 at 18 at Mayo 1 na mga deklaradong legal holiday.

Nilalabanan din namin ang iligal na pagsasara na ginawa ng kapitalistang Hoya, na matapos makapag-file ng Union Registration (UR) ang mga manggagawa ay iligal nitong isinara ang kumpanya. Mahigit 2,600 ang agad nawalan ng ikabubuhay.

Nilalabanan din namin ang iligal na pagsasara ng kumpanyang Carina, na  bago magsimula ang kanilang CBA ngayong taon ay agad itong nagsara dahil nalulugi diumano. Sa kabuuan, 3,600 manggagawa ang naapektuhan at nawalan ng kabuhayan.

Kaming manggagawa ng Ebara ay nakikiisa sa laban nila sapagkat alam namin na kapwa manggagawa din lang  ang magtatanggol sa isa’t isa. Kaya  panawagan namin, ibalik ang mga iligal na tinanggal sa NXP at ibalik ang normal na  operasyon ng Hoya at Carina.

TULOY ANG LABAN PARA SA DISENTENG TRABAHO AT NAKABUBUHAY NA SAHOD!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s