Singilin at Pagbayarin ang Korap, Inutil na Rehimeng Aquino III

Ipinapaabot ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pagkundena sa kainutilan ng gobyerno sa pagbibigay ng agarang aksyon at rehabilitasyon sa mga biktimang sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sariwa pa sa alaala ng mga biktima ng kalamidad kung paano silang hinagupit at pinahirapan ng bagyong Yolanda. Kumitil ito ng maraming buhay sa iba’t ibang parte ng bansa.

bunkhouses3Makaraan ang anim na buwan, mas matindi pang paghihirap ang kinakaharap ngayon ng tinatayang nasa isang milyong bilang ng mga pamilya na di pa rin nahaharap at nabibigyan ng maayos na tirahan.

Sa kabila ng kabuuang P767B pondong buhat sa pinagsamang tulong ng iba’t ibang bansa, mga organisasyon, at pribadong sektor, na nakalaan para sa rehabilitasyon, nananatiling 50 pamilya pa lamang ang nabibigyan ng tirahan. Maraming pamilya parin ang nagtitiis manirahan sa pinagtagpi-tagping tahanan dahil sa napakabagal na pagtugon ng gobyerno sa kanilang pangangailangan.

Aquino-0106Isa pang matinding salik ang talamak na korapsyon kung bakit sinasadyang pabagalin ang konstruksyon at rehabilitasyon. Ito ay upang maisagawa ng mga nasa gobyerno ang pangungurakot mula sa relief and rehabilitation budget.

Ngunit sa kabila ng lahat nang ito, buong kapal ng mukhang ipinagmamalaki ng inutil at korap na pangulo na marami sa mga sinalanta ng bagyo ang kuntento at nasisiyahan sa pamamaraan ng pagtugon ng kanyang gobyerno kahit pa kabi-kabilang batikos na ang kanyang inaani.

Hindi nakapagtatakang nagpahayag ng pagkadismaya ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa pagiging inutil ng gobyerno sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Pinatunayan ito ng ilang malalaking kilos-protestang inilunsad upang singilin ang rehimeng Aquino.

Kitang-kita na walang kaseryosohan ang gobyerno na gampanan ang kanyang responsibilidad sa mamamayan lalo na sa mga pagkakataong nangangailangan ng agarang aksyon.

Maliwanag na wala nang anumang tulong na maasahan ang mamamayan mula sa inutil, korap, at pahirap na gobyerno. Natatanging sa kanilang pinagsama-samang pagkilos matatanaw ang lunas sa kanilang paghihirap na dulot ng delubyong US-Aquino.

Naninindigan ang PAMANTIK-KMU na labis-labis na ang pagdurusang nararanasan ng mamamayan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino at sapat nang dahilan ang lahat ng ito upang magpatuloy sa pakikibaka ang sambayanang Pilipino.

Kapit-bisig na tunguhin ang lansangan, buong lakas na isigaw ang mga karaingang maglalantad sa nabubulok nang rehimen. Buong tapang na isigaw ang panawagan ng sambayanang inaapi at pinapabayaan na magsisilbing hudyat ng tuluyang pagbagsak ng inutil, korap, at pahirap na gobyerno ng rehimeng US-Noynoy Aquino.

Noynoy Aquino, Patalsikin sa pwesto!

Hustisya para sa mga Biktima ng Bagyong Yolanda!

Ninakaw na Kabang-Yaman, Ibalik sa Nangangailangan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s