Panagutin ang gubyernong Aquino sa pagkamatay ni Diona Andrea

Nagluluksa ang Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa pagkamatay ng anak ni Andrea Rosal dahil sa hypoxemia o kakapusan ng oxygen sa dugo. Kasabay nito, mariin ding kinukondena ng PAMANTIK-KMU ang gubyernong Aquino sa pagtalikod sa tungkulin nitong bigyan ng nararapat na serbisyong medikal ang mamamayan tulad ni Rosal.

 

Si Rosal ay isang political prisoner ngunit hindi ito lisensya para isantabi ng gubyernong Aquino ang kanyang karapatan sa makataong pagtrato at hospitalisasyon. Siya ay anak ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, dating tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas na pumanaw noong 2011.

 

Siya ay pinaghihinalaang lider ng New People’s Army (NPA). Ngunit, ginagarantiyahan ng mga pandaigdigang makataong batas o international humanitarian laws ang maayos na pagtrato sa mga bihag laluna sa mga nagdadalang-tao na tulad niya. Sa halip na ibigay ang kanyang pangangailangan bago at matapos ang panganganak habang nakakulong, tumanggi ang gubyernong Aquino na dalhin siya sa ospital at bigyan ng karampatang serbisyong medikal.

 

Sa kabilang banda, si Janet Lim-Napoles na utak ng P10 bilyong pork barrel scam, si Gloria Macapagal-Arroyo na malaki ang naibulsa sa mga proyekto tulad ng NBN-ZTE deal, at iba pa na nagpapasasa sa buwis mula sa dugo at pawis ng mga manggagawa at mamamayan ay malayang nakakalabas-masok sa mamahaling ospital. Hindi rin maitatago ang special treatment sa kanila dahil sa maluhong ‘kulungan’ at ‘parang among pag-aasikaso’ sa kanila ng gubyerno.

 

Katulad ng mga manggagawa na nakikipaglaban para sa disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod, ang mga pangyayari tulad ng kawalan ng hustisya bago ang pagsilang at sa pagkamatay ni Diona Andrea ang nagtutulak sa mamamayan na lumaban para sa kanilang mga karapatan.

 

Kung “walang puso ang gubyernong Aquino para sa mga ina at anak tulad ni Andrea at Diona Andrea,” dumarami naman ang manggagawa, kababaihan, at iba pang sektor ng lipunan na kumikilos para tiyakin na ang lahat ay itinuturing bilang tao at iginagalang ang karapatan. Sa ganitong paraan, titiyakin ng sambayanang inaapi na ang katarungan ay maigagawad sa mag-ina at sa lahat ng biktima ng kapabayaan ng gubyernong Aquino. ###

 

Free AndreaKATARUNGAN PARA KAY DIONA ANDREA AT ANDREA ROSAL!

KATARUNGAN PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG KAPABAYAAN NG GUBYERNO!

PAPANAGUTIN ANG GUBYERNONG AQUINO SA PAGKAKAIT SA MAMAMAYAN NG SERBISYONG MEDIKAL!

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s