Matapos ang 6 na buwan, Benjamen Villeno Hindi pa rin Inililitaw!

Anim na buwan na ang nakalilipas nang sapilitang dukutin ng mga ahente ng militar ang lider-manggagawa na si Benjamen “Ka Ben” Villeno. Kumaharap si Ka Ben, tulad ng maraming bilang ng biktima ng pasismo ng estado, ng marahas na panunupil mula sa berdugong rehimen bilang ganti sa tuluy-tuloy na paglilingkod sa hanay ng manggagawang Pilipino.

Benjamen Villeno, Biktima ng Sapilitang Pagkawala sa Ilalim ng Rehimeng US-Aquino

benNoong 1998, naging Tagapangulo ng unyong Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH) si Benjamen “Ka Ben” Villeno. Sa panahong ito, matapos lamang ng pagkakaagaw mula sa pamamalakad ng peke at dilawang unyon sa Honda, itinaguyod ni Ka Ben ang tunay, palaban, at militanteng unyong namuno sa hanay ng mga manggagawa. Kasabay nito, sa kanyang likas na katangiang maka-manggagawa, naihalal siya bilang Tagapangulo ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) at sa kalaunan, naging Pambansang Pangulo ng Organized Labor in Agriculture and Line Industries Association – Kilusang Mayo Uno (OLALIA-KMU).

Inilaan niya ang kanyang husay at talino sa paglilingkod at pag-oorganisa, hindi lamang sa hanay ng mga manggagawa mula sa Honda Cars, kundi maging sa mga manggagawa mula sa iba’t ibang mga pagawaan sa rehiyon. Hindi nasapatan si Ka Ben sa paminsan-minsang pagkilos, kaya’t noong 2001, nag-resign si Ka Ben bilang manggagawa ng Honda upang maging isang fulltime leader-organizer sa sektor ng paggawa.

Dahil sa kanyang kasigasigan na mamuno sa kilusang paggawa sa rehiyon at mahigpit na pakikipagkaisa sa iba’t ibang sektor, noong 2010, naging Regional Coordinator si Ka Ben ng Bayan Muna Partylist at Makabayan – Southern Tagalog. Sa kanyang pangunguna at pagpupursige sa lahat ng laban ng mga manggagawa at iba pang sektor, noon pa man, naging mainit na sa mata ng pasistang rehimen ang lider-manggagawa. Simula noon, naging kapansin-pansin ang walang-humpay na pagmamatyag at pagsunod sa kanya ng mga kahina-hinalang nilalang saan man siya magtungo.

Noong ika-27 ng Agosto ng nakaraang taon, habang tuluy-tuloy na naglilingkod si Ka Ben sa hanay ng uring manggagawa sa rehiyon, nagpaabot ito ng isang mensahe sa kapwa lider-manggagawa na tutungo muna siya saglit sa mga kamag-anakan sa lalawigan ng Cavite. Subalit sa huling text na kinaya niyang maipadala, ipinaabot niyang mayroong sumusunod sa kanya na kahina-hinalang militar. Matapos nito, hindi na nakarating si Ka Ben sa kanyang pupuntahan sa Cavite, hindi na siya muling nakita at nakapagparamdam.

Kontra-Insurhensiyang Programa ng Gobyerno, Papatindi at Nagpapatuloy

Walang ibang maaaring iturong salarin sa sapilitang pagdukot at pagkawala ni Benjamen Villeno kundi ang berdugong militar. Ganito ang ginagagawa ng bulok na lipunan sa mga lider-organisador na naglalantad ng tunay na mukha ng maka-imperyalistang pamumuno ng rehimeng US-Aquino.

Sa panahong sunud-sunod na nawawalan ng trabaho at ikinabubuhay ang mga manggagawa sa mga iligal na pagtatanggal at iligal na pagsasara ng mga pagawaan, sa patuloy na pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at bayarin, sa pananatili sa mababang halaga ng sahod ng mga manggagawa, sa pagtalikod ng kapitalista sa kanyang obligasyon sa manggagawa, dahas ang tugon ng inutil na pamahalaan.

Pangunahing layunin ng Oplan Bayanihan – bilang kontra-insurhensiyang programa ng rehimeng US-Aquino – na padapain at lusawin ang hanay ng nakikibakang mamamayan. Marahas nitong tinutugis ang “ulo” ng mga organisasyong nakasasagabal sa tuluy-tuloy nitong paghahasik ng karimlan at pagkakamal ng yaman.

Habang unti-unti nang umaalingasaw ang baho ng kanilang gobyerno, nagkukumahog silang pagtakpan ito sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa mamamayang kanilang pinagsasamantalaha’t inaapi. Subalit, anumang pamamaraan ang kanilang gawin, higit na kabulukan lamang nila ang lumilitaw at nangingibabaw.

Anim na buwan na ang nakararaan, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin inililitaw ng pasistang rehimen ang lider-manggagawa. Hindi malulusutan ng administrayong Aquino ang kasong ito, hindi ito ang unang pagkakataon ng sapilitang pagdukot, iligal na pag-aresto, o pagpaslang sa hanay ng uring manggagawa. Matagal nang napatunayan ng sambayanan kung sino ang tunay na may-sala sa lahat ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayang Pilipino – walang iba kundi ang lipunang papet at sunud-sunuran sa imperyalistang Estados Unidos.

Makakaasa ang pasistang rehimeng ito na hindi titigil ang uring manggagawa sa paghahanap kay Ka Ben VBen at sa hustisyang matagal nang ipinagkait sa lahat ng biktima ng pasismo ng rehimen. Kasabay nito, isasabuhay ng mga manggagawa ang lagi’t laging panambitan ni Pangulong Ben, “Ang mga manggagawa ang pwersang magpapalaya sa sambayanan. Pangungunahan ng uring manggagawa ang pakikibaka para maitayo ang lipunang tunay na magsisilbi sa mamamayan. Walang kahit na anong makapipigil sa atin, tuloy ang laban, buhay man ay ialay!

Ilitaw si Benjamen “Ka Ben” Villeno!

Katarungan para sa Lahat ng Biktima ng Pasismo ng Estado!

Singilin at Pagbayarin ang Pasistang Rehimeng US-Aquino!

Libu-libong Manggagawa ng Carina na Nawalan ng Trabaho, Nagmartsa Tungo sa NCMB

1795513_649000151826609_1324194744_nNagtungo ang libu-libong manggagawa ng Carina Apparel, Inc. sa tanggapan ng National Concilliation and Mediation Board (NCMB) ganap na alas-6 ng umaga, ika-26 ng Pebrero. Nagtipon ang mga ito upang paghandaan ang gaganaping pagdinig sa kanilang isinampang kaso laban sa pamunuan ng nasabing pagawaan.

Dinaluhan ng mga kinatawan ng mga supervisory at managerial positions, at opisyales ng Carina Apparel Inc. Labor Union (CAILU-IND), kasama ang isang kinatawan mula sa Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang hearing na nagsimula ng alas-9 ng umaga. Habang inaantay ang resulta ng pagdinig, nagsagawa ng programa sa labas ng NCMB ang mga manggagawa sa ilalim ng CAILU at kanilang mga suporta.

Noong ika-25 ng Pebrero, nagsampa ng kasong illegal closure ang Carina Apparel, Inc. Labor Union (CAILU) sa nangyaring pagsasara ng Carina Apparel, Inc. noong nagdaang Biyernes. Kasabay nito, nag-file ng Notice of Strike (NoS) ang CAILU sa NCMB. Ayon sa CAILU, ito ang natitira at nararapat na gawin sa ginawang pagtalikod ng kapitalistang Carina sa pagharap sa mga manggagawa.

Napagdesisyunan ng pamunuan ng Carina Apparel, Inc. na ‘itigil ang operasyon at lusawin ang kumpanya sa ika-27 ng Marso 2014’, ngunit noong ika-21 pa lamang ng Pebrero, pinaabutan na ang mga manggagawa na sarado na ang pabrika. Sa sulat na ipinadala ng Senior Operations Manager ng Carina na si Anthony Wong sa DoLE, inilalahad ang ‘pagkalugi’ ng kumpanya kaya diumano ito nagsara. 3,600 manggagawa ang nawalan ng trabaho.1525467_649000768493214_1435785962_n

“Matagal ang panahong inilagi namin sa pagawaang ito. Wala kaming ibang ninais kundi ang makatao at sapat na kabuhayan. Hindi makatarungan ang dinaranas naming ito. Iligal ang pagsasara ng pagawaan, kaya’t kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sa libu-libong manggagawa ng Carina.” Ani Elmer Babala, bise presidente ng CAILU-IND.

“Hindi totoo ang mga ipinaparatang ng management sa mga manggagawa ng Carina. Dugo at pawis ang puhunan namin sa bawat telang tinatahi namin araw-araw. Marami sa manggagawa ang nagkakasakit dahil sa hirap ng trabaho sa pagawaan para lamang maabot ang quota araw-araw.”

“Nais naming makamit ang hustisya. Nararapat na managot ang kumpanyang Carina. Marami sa amin ang tumanda nang manggagawa ng Carina, pinanlabuan ng mata at nakuba sa loob ng mahigit isang dekada ng pagtatrabaho sa kumpanya. Subalit pinagkakitaan lamang kami ng milyun-milyon ng kapitalista. Hindi tama yung nangyaring bigla-biglang pagsasara.” Dagdag ni Mercado.

Gumagawa ang Carina Apparel Inc. ng mga primera-klaseng lingerie para sa mga sikat at mamahaling brands tulad ng Marks & Spencer, Calvin Klein, Gap, Forever 21, Victoria’s Secret, Uniqlo, Toray, at marami pang iba.

Nagkakahalagang $18 hanggang $50 ang isang pirasong panloob ng Victoria’s Secret, samantalang ibinebenta sa Pilipinas nang P36,000 ang isang set ng panloob ng Uniqlo.

“Ipinapakita lamang ng matataas na presyong ito ang laki ng tinutubo ng kapitalista ng Carina sa produktong nililikha ng mga manggagawa. Kung tutuusin, kumikita ng higit sa 81, 900, 000 piso ang kapitalista kada araw, gayunman, sa buong araw, P397 lang ang sahod ng mga manggagawa na 14 na taon nang nagta-trabaho sa Carina buhat nang itayo ito.” Ani Hermenegildo Marasigan, tagapagsalita ng PAMANTIK-KMU.

Sapilitang Bakasyon, Naantalang Collective Bargaining Negotiations

1960005_649002288493062_936148537_nNakatakdang simulan ang negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement sa pagitan ng CAILU at ng management noong ika-15 ng Pebrero. Subalit noong nakaraang Pebrero 14, sapilitang pinag-leave ang mga manggagawa hanggang Pebrero 21 ng Carina sa dahilang ‘wala nang stock ng materyales’. Pinangakuan ang mga manggagawa na 70% ng sahod nila sa buong panahon ng kanilang leave subalit hindi ito tinupad ng kapitalista.

Ilan sa mga mayor na punto sa CBA proposal ang dagdag na P60 sa arawang sahod ng manggagawa at pagkakaroon ng post-employment benefits para sa retirement, retrenchment, at pagsasara ng kumpanya.

Simula nang maitatag ang CAILU noong 2004, regular na naisasagawa ang ang mga negosasyon sa CBA. Subalit dahil sa walang humpay na pagnanais ng kapitalista na palakihin ang kanilang tubo, nananatiling nakapako sa P397/araw ang kanilang sahod. 30% lamang nito ang halaga ng kanilang mga over-time, walang bayad ang break, at hindi sapat ang mga benepisyo.

Noong 2012, unang dinanas ng mga manggagawa ng Carina ang sapilitang pagpapaliban sa kanila sa pagpasok mula Enero hanggang Mayo ng 2012, sa panahon na papasok dina ng unyon sa negosasyon para sa CBA. Ayon sa mga manggagawa ng Carina, mayroon pang utang na isang buwang sahod ang management sa kanila idagdag pa rito ang ipinangakong 70% ng sahod kada araw na kabayaran sa buong panahon ng forced leave.

Papaunting garments factory sa bansa

1902723_649002378493053_1172580038_nAni Marasigan, “Isa ang Carina sa iilang natitirang pabrika ng garments dito sa Pilipinas. Kalakhan ng mga garments factory noon dito ay inilipat na sa ibang bansa tulad ng Cambodia, Bangladesh, at India dahil sa mas murang presyo ng lakas-paggawa.”

“Ginagawa ng mga kapitalista ang lahat ng pamamaraan upang kumita ng papalaking tubo kahit pa ang kapalit nito ay ang pagkalugmok ng manggagawa sa kawalan ng hanapbuhay, at tuwirang paglabag sa batas paggawa. Ngayon higit kailanman, kinakailangan ang mahigpit at militanteng pagkakaisa at pakikipaglaban ng mga manggagawa ng Carina at ng iba pang mga pagawaan para sa sahod, trabaho, karapatan, at hustisya para sa 3,600 manggagawa ng Carina.” Pagtatapos ni Marasigan.###

Ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa sa hanapbuhay! Singilin ang kapitalistang Carina sa iligal na pagsasara at pagtanggi sa negosasyon!

Mariing kinukundena ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang iligal na pagsasara ng Carina Apparel, Inc. na nagdulot ng pagkawala ng hanapbuhay ng 3600 manggagawa. Kasabay ng pagtalikod nito sa nakatakdang negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement, tuwirang nilabag ng Carina ang batas paggawa, at tinakbuhan ang kanyang mga obligasyon sa mga manggagawa. Higit kailanman, kailangang magkaisa ng mga manggagawang naging biktima ng inhustisya upang kamtin ang katarungan at pagbayarin ang Carina Apparel at mga dayuhang ganid sa likod nito.

Matapos magpagal ang mga manggagawa ng Carina sa pabrika ng hanggang 14 na taon, tila basahan silang itinapon ng kapitalista para lamang ibayong mag-uwi ng limpak-limpak na tubo. Nakatakdang magkaroon ng CBA negotiations ang unyong Carina Apparel Inc. Labor Union-Independent (CAILU-IND) noong Pebrero 15. Subalit sang-ayon na rin sa dati nang ginagawa ng kapitalista, nagbaba ito ng forced leave sa mga manggagawa isang araw bago ang nasabing petsa. Ayon sa management, wala diumanong raw materials na gagamitin sa produksyon mula Pebrero 14 hanggang 21.

Ngunit noong Pebrero 21, nakatanggap na lamang ang CAILU ng kopya ng sulat na ipinadala ng management ng Carina sa Department of Labor and Employment (DoLE) na nagsasabing magsasara na ito sa Marso 27. Ayon sa sulat, nalulugi ang kumpanya dahil hindi nakikipagtulungan ang mga manggagawa sa management, at tumatanggi itong yakapin ang iba’t ibang porma ng pleksibilisasyon sa paggawa. Ngunit tuwirang nilabag ng kapitalistang Carina ang batas paggawa. Bukod sa agarang pagsasara bago pa man ang Marso 27, ipinapakita lamang nito ang kagustuhan ng kapitalistang magpatupad ng mga anti-manggagawang patakaran.

Malinaw na nais lamang takbuhan ng Carina ang nakatakdang CBA negotiations kaya ito biglang nagsara. Matapos nitong maghire ng mahigit 500 kontraktwal at pilit na ipag-overtime ang mga manggagawa upang makapag-imbak ng labis-labis na lingerie para sa Victoria’s Secret, Uniqlo, at Toray—mga primera klaseng lingerie na ibinebenta sa halagang $18 hanggang $800 bawat isa—bigla itong nagdeklarang nalulugi. Ganito rin ang kanyang ginawa noong 2012, kung saan bigla siyang nagdeklara nang walang pasok sa loob ng limang buwan mula Enero hanggang Mayo, panahon na papasok sa CBA negotiations ang mga manggagawa.

Walang karapatan ang Carina Apparel na sisihin ang mga manggagawa sa kanyang pagsasara. Sa katunayan, umaabot sa 81 milyong piso ang kinikita nito ayon sa quotang inaabot ng mga manggagawa sa araw-araw. Sa kabilang banda, nakapako sa P397 ang arawang sahod ng mga manggagawang 14 na taon nang nasa kumpanya. Karamihan sa 2600 daily rank and file ay sumasahod ng P337 kada araw. Wala silang paid break, at tinatakot na hindi bibigyan ng OT kapag tumangging mag-overtime kahit isang beses. Marami ang nangangakuba, at nanlalabo ang mga mata dahil sa hirap ng pagtatahi ng mga lingerie na hindi kayang bilhin ng mga manggagawang lumilikha nito.

Ganid ang kapitalistang Carina sa paghahabol nito ng ilampung milyong tubo araw-araw, nang hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga manggagawa. Ito mismo ang nagpapatunay na ang pinakaprinsipyo ng kapitalismo—ang sistemang panlipunan na laging nakatuon sa pagpapalaki ng tubo, habang pilit na pinaliliit ang pasahod sa mga manggagawa—ay tiyak na tutungo sa pagkabulok. Dahil sa paghahabol ng Carina na magbulsa ng mas malaking tubo mula sa dugo at pawis ng uring manggagawa, naitutulak ang mga manggagawa na magkaisa at ipaglaban ang kanilang karapatan, at bawiin kung ano ang dapat ay sa kanila.

Hangga’t nagpapatuloy ang anarkistang produksyon na nakatuon sa paglikha ng labis na produkto at papalaking tubo ng kapitalista, mananatiling aba ang mga manggagawa—tila mga aliping nagpapakapagod para sa baryang sahod na hindi sumasapat para sa kanilang mga pamilya sa gitna ng kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin tulad ng kuryente, SSS at Philhealth contributions, bigas, krudo, at iba pa. Hangga’t nananatiling tuta ng mga kapitalista ang gobyernong US-Aquino II, walang katarungang daratal sa mga manggagawa. Tanging sa pagbabagsak sa sistemang kapitalista at pagtatayo ng sosyalistang lipunang may industriyalisadong ekonomiya at tunay na reporma sa lupa matitiyak na ang likha ng manggagawa ay para sa manggagawa at mamamayan, at hindi para sa kapitalista.

KATARUNGAN PARA SA 3600 MANGGAGAWA NG CARINA!

PANAGUTIN ANG KAPITALISTANG CARINA!

SAHOD, TRABAHO, at KARAPATAN, IPAGLABAN!

3,600 Manggagawa Nagprotesta, Nagkampo sa Labas ng Pabrikang Iligal na Isinara

Libu-libong manggagawa ng garments nagsagawa ng kilos protesta ngayong araw, ala-1:30 ng hapon. Sa pagkundena ng iligal at biglaang pagsasara ng Carina, ang mga manggagawa ay magtatayo ng piketlayn sa labas ng Laguna International Industrial Park (LIIP) sa Biñan, Laguna para bantayan ang paglilipat ng mga gamit at likhang-produkto sa ibang industrial zone. Kadalasang nangyayari ang ganitong mga pagkakataon tuwing may iligal na pagsasara ng mga pabrika, isinasara ng mga kapitalista ang mga pagawaan para sa panibagong tax holiday sa pamamagitan ng muling pagbubukas sa ilalim ng parehong operasyon ngunit ibang pangalan.

Kasalukuyang kumakaharap ang 3,600 manggagawa, 80% ng mga ito ay mga kababaihan, ng kawalan ng trabaho nang walang kabayaran mula sa kapitalista. Napagdesisyunan ng management ng Carina Apparel, Inc. na ‘itigil ang operasyon at lusawin ang kumpanya sa ika-27 ng Marso 2014’, ngunit noong ika-21 pa lamang ng Pebrero, pinaabutan na ang mga manggagawa sa pangkabuuang pagsasara ng pabrika. Nagpadala ng sulat sa Department of Labor and Employment (DoLE) ang Senior Operations Manager ng Carina na si Anthony Wong, nakalahad dito na hindi nakikipagtulungan ang Carina Apparel Inc. Labor Union (CAILU) at mga miyembro nito sa pagpapataas ng bilang ng produksyon kaya’t humantong sa malubhang pagkalugi ng kumpanya.

“Matapos ang mahigit isang dekada ng paghihirap ng mga manggagawa sa loob ng pabrika, ito lang ang mapapala namin. Sinisisi kami ng kapitalista sa pangyayaring ito, pero sa totoo lang, yung pagiging ganid nila sa pera at kapangyarihan ang dahilan kung bakit nagsara ang Carina at nawalan kami ngayon ng trabaho.” Ani Gina Cedron, manggagawa sa Carina, coordinator ng Garments and Textile Labor Alliance (GATELA), tagapagsalita ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan – Timog Katagalugan (KMK-TK), at kasalukuyang taga-pangulo ng GABRIELA – Southern Tagalog.

Ayon sa sulat ni Wong sa DoLE, nagmula ang pagsasara ng kumpanya sa ‘tuluy-tuloy na pagtaas ng tantos ng hindi pagpasok ng mga manggagawa at sa labag-sa-loob na pagyakap ng mga manggagawa sa higit pang pleksibilidad sa paggawa.’

“Kahit kailan hindi nagkaroon ng problema sa mga absent. Kung meron mang mga lumiliban sa pagpasok, yun ay iniluwal na ng maliit na pangangailangan sa lakas-tauhan sa produksyon. Lagi’t laging mas mataas ang bilang ng mga pumapasok kaysa mga uma-absent. Sa katunayan pa nga, mas lalong hindi pino-problema ang mababang bilang ng mga absent dahil sa pagkuha nila nang mahigit sa 500 kontraktwal para mahigitan pa ang quota.” Dagdag pa ni Cedron, “Malaking kasinungalingan ‘yang sinasabi nilang pagkalugi ng kumpanya. Biruin ninyo, pinaka-mababa na ang 33,600 piraso ng underwear ang nagagawa namin sa loob ng isang araw, milyun-milyong dolyar ang kinikita roon kada araw ng kapitalista, tapos kaming gumagawa barya-barya lang ang nakukuha.”

Gumagawa ang Carina Apparel Inc. ng mga primera-klaseng lingerie o underwear para sa mga sikat at mamahaling na brands tulad ng Marks & Spencer, Calvin Klein, Gap, Forever 21, Victoria’s Secret, Uniqlo, Toray, at marami pang iba. Nagkakahalagang $18 hanggang $50 ang isang pirasong panloob ng Victoria’s Secret, samantalang ibinebenta sa Pilipinas nang P36,000 ang isang set ng panloob ng Uniqlo. Ipinapakita lamang ng matataas na presyong ito ang laki ng tinutubo ng kapitalista ng Carina sa produktong nililikha ng mga manggagawa. Kung tutuusin, kumikita ng higit sa 81, 900, 000 piso ang kapitalista kada araw, gayunman, sa buong araw, P397 lang ang sahod ng mga manggagawa na 14 na taon nang nagta-trabaho sa Carina buhat nang itayo ito.

Sapilitang Bakasyon, Naantalang Collective Bargaining Negotiations

Nakatakdang simulan dapat ang panibagong negosasyon ng Collective Bargaining Agreement, sa pagitan ng CAILU at ng management, noong ika-15 ng Pebrero. Subalit noong nakaraang Pebrero 14, sapilitang pinag-leave o bakasyon ang mga manggagawa ng Carina sa dahilang wala nang stock ng materyales. Sabi ng management, sa ika-20 pa ng kasalukuyang buwan darating ang mga hilaw na materyales, kaya matapos lamang noon saka sila ulit maaaring pumasok. Dagdag pa rito, pinangakuan din ang mga manggagawa na 70% ng sahod nila sa bawat araw ang babayaran sa loob ng kanilang leave subalit hindi ito tinupad.

Ilan sa mga mayor na punto sa CBA proposal ang mga sumusunod: (a) pagtataas ng P60 sa sahod sa ika-apat na taon at panibagong P60 sa ika-limang taon, (b) 100% pagsagot sa gastusing medikal, sa Maxicare, para sa parehong principal holder at dependent nito, at (c) pagkakaroon ng post-employment benefits para sa retirement, retrenchment, at pagsasara ng kumpanya.

Simula nang maitatag ang CAILU noong 2004, regular na naisasagawa ang ang mga negosasyon sa CBA. Subalit dahil sa walang humpay na pagnanaisa ng kapitalista na palakihin ang kanilang tubo, patuloy na pinagkakaitan ang mga manggagawa ng sapat at nakabubuhay na sahod kaya naman nananatiling naka-pako sa P397 kada araw ang kanilang natatanggap na sahod, 30% lamang ng kanilang sahod ang halaga ng kanilang mga over-time, walang bayad ang break, at hindi nakasasapat na benepisyong medikal at iba pang pangangailangan.

Simula pa noon, nagsisilbing laboratoryo ng anti-manggagawang polisiya ang sektor ng paggawa sa Timog Katagalugan, tulad ng union busting, two-tiered wage system, contractualization, labor flexibilization schemes, at maraming-marami pang iba.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Wenecito Urgel, Pangkalahatang Kalihim ng PAMANTIK-KMU, “Ang iligal na pagsasara ng Carina Apparel Inc. ay isang porma ng pagdurog sa unyon, ang CAILU kasi ang natitirang unyon sa garments sa buong rehiyon. Palasak na dahilan ng mga kapitalista ang ‘pagkalugi’ bilang pagtakas mula sa pakikipag-kasundo sa mga manggagawa. Ganitong-ganito rin ang nangyari sa pagitan ng PhilSteel Corp. at mga manggagawa nila sa ilalim ng PWU-OLALIA-KMU noong 2012.”

Noong 2012, unang dinanas ng mga manggagawa ng Carina ang sapilitang pagpapaliban sa kanila sa pagpasok mula Enero hanggang Mayo ng 2012, nangyari rin ito sa panahon ng ginaganap na negosasyon sa CBA. Ang pinagkaiba lamang, bago matapos ang forced leave na nangyari kamakailan, nagsara ang pabrika at hindi na binayaran ang mga manggagawa. Ayon sa mga manggagawa ng Carina, mayroon pang utang na isang buwang sahod ang management sa kanila idagdag pa rito ang ipinangakong 70% ng sahod kada araw na kabayaran sa buong panahon ng forced leave.

Dagdag pa ni Urgel, “Isa ang Carina sa natitirang napaka-unting bilang ng pabrika ng garments dito sa Pilipinas. Kalakhan ng mga garments factory noon dito ay inilipat na sa ibang bansa tulad ng Cambodia, Bangladesh, at India dahil sa mas murang presyo ng lakas-paggawa. Siyempre nga naman, kapag mas nakamura sila sa gastos sa produksyon, mas malaki ang kikitain nilang tubo.”

Mariing naniniwala ang PAMANTIK-KMU na iligal ang nangyaring basta-bastang pagsasara ng Carina Apparel Inc. Walang ibang dahilan ang pagsasarang ito kundi ang pagtalikod ng kapitalista sa CBA, pagdurog sa unyon, at ibayong pagkakamal ng limpak-limpak na tubo at pansariling kagalingan. Sa ilalim ng sistemang kapital, matapos ang pagyaman ng mga kapitalista mula sa pawis at dugo ng mga manggagawa, nangyayari ang tinatawag nilang ‘pagkalugi’ sa pagkabigo nilang malampasan ang nakaraang mga kita kahit pa gaano ito kataas. Ipinapasa ng mga kapitalista ang ani nilang pagkalugi at ang mismong krisis ng labis na produksyon sa hanay ng mga manggagawang matagal nang pinahihirapa’t pinagsasamantalahan.

Sa pagtatapos, sinabi ni Urgel, “Ngayon higit kailanman, kinakailangan ang mahigpit at militanteng pagkakaisa at pakikipaglaban ng mga manggagawa ng Carina at ng iba pang mga pagawaan para sa sahod, trabaho, karapatan, at hustisya para sa 3,600 manggagawa ng Carina.”

Kundenahin ang Iligal na Pagsasara ng Carina Apparel Inc.!

Ibalik ang Trabaho ng mga Manggagawa!

Kilalanin ang Karapatan ng mga Manggagawa sa Pakikipag-negosasyon!

3,600 workers lose jobs as Laguna garments factory closes down

Carina Apparel, Inc.Thousands of garment workers from Carina Apparel, Inc. at the Laguna International Industrial Park (LIIP) in Biñan, Laguna lost their jobs due to the factory’s sudden closure. In the midst of management-induced leave, union members from Carina received informal messages regarding ‘total closure’ and definite stoppage of operations.

A number of 3,600 workers, 80% of which is composed of women, currently face job loss without pay. The management of Carina Apparel, Inc. decided to ‘cease operations and dissolve the corporation effective on March 27, 2014, but as early as February 21, this large number of workers were advised about the complete cease of functions. Carina’s Senior Operations Manager, Anthony Wong, sent a letter to the Department of Labor and Employment stating that the lack of Carina Apparel Inc. Labor Union – Independent (CAILU) and its members’ cooperation to increase the amount of production resulted to serious business losses.

“After more than a decade of hardwork that the workers spent in the factory, this is all we’ll ever get. The capitalist accuses the workers for this, but in reality, it’s their greed for money and power that lead to the company’s closure and us losing our jobs,” says Gina Cedron, a worker from Carina, coordinator of Garments and Textile Labor Alliance (GATELA), spokesperson of Kilusan ng Manggagawang Kababaihan – Timog Katagalugan (KMK-TK, Movement of Women Workers – Southern Tagalog), and current Chairperson of GABRIELA – Southern Tagalog.

According to Wong’s letter to DoLE, the closure arose from ‘a consistently high rate of employee absenteeism and [the workers’] unwillingness to embrace greater flexibility in the workplace.’

“There never was a problem on absenteeism. If there are cases of absences, these only depended on the actual need in production force. There’s always a higher rate in attendance than of absence. And in fact, the amount of workforce needed, in spite of these minimal absences, are being coped with the hiring of more than 500 contractual workers to out-reach the quota.” Cedron adds, “Whatever financial losses they were claiming to is definitely a big lie. We produce at least 33,600 pieces of lingerie everyday which amounts to millions of dollars of profit for the capitalist, wherein we only receive insignificant compensation for.”

Carina Apparel Inc. manufactures high-end lingerie for luxurious brands like Marks & Spencer, Calvin Klein, Gap, Forever 21, Victoria’s Secret, Uniqlo, and Toray among others. A Victoria’s Secret lingerie, for example, costs $18-$50 apiece, while a Uniqlo lingerie overalls is being sold in the Philippines for P36,000 per set – these pricey products literally show a huge profit for the capitalist behind Carina. By computation, Carina earns more than P81,900,000 a day. However, the workers – who have been with them for as long as 14 years ever since the establishment of the company – receive a flunked sum of P397 daily.

GAP

Marks & Spencer

Uniqlo lingerie

VS brassiere

CK lingerie store

Forever21 Lingerie

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Forced Leave, Stalled Collective Bargaining Negotiations

The Collective Bargaining Agreement re-negotiations, between CAILU and the management, is set to take effect on the 15th of this month. But last February 14, the 3,600 workers were obliged to have a forced leave in lieu with, according to the capitalist, the deficiency of raw materials.

As said by the management, the materials will be delivered on the 20th, only then could they get back to work. Also, 70% of their daily wage will be compensated within this period, except none of these promised work comeback and paid ‘holiday’ actually happened.

The impending CBA proposal includes (a) wage increase which expanses to additional P60 on the fourth year and another P60 on the fifth, (b) hospitalization where the company shoulders 100% expenses on the Maxicare health maintenance for both the principal holder and its dependent, and (c) post-employment benefits that covers retirement, resignation, retrenchment, and company closure.

Since the founding of CAILU in 2004, CBA negotiations are regularly practiced. But because of the capitalist’s endless desire to magnify their profits, the workers have been continuously deprived of substantial wage increase which is why their income remains stuck at most in P397 a day, 30% of which as payment for over-times, no paid breaks, and insufficient medical and other basic service allowances.

The Southern Tagalog trade union sector has been the testing ground for various anti-worker policies such as union busting, two-tiered wage system, contractualization, labor flexibilization schemes, and many others.

In line with this, Wenecito Urgel, Secretary General of PAMANTIK-KMU, shared that, “The illegal closure of Carina Apparel, Inc. is blatantly a form of union busting, since CAILU is the sole standing garments union in the region. Capitalists traditionally use ‘financial losses’ as a scapegoat from bargaining with their workers. This exactly became the scenario between PhilSteel Corp. and PWU-OLALIA-KMU in 2012.”

In 2011, Carina workers were likewise put on forced leave from January to May 2011 – putting also on-hold then ongoing CBA negotiations. Contrary to this, the preceding forced leave this year lead to total closure and non-payment of workers. The workers manifested that Carina still has a month-worth of unpaid wages from them plus the 70% compensation for the said forced leave.

Urgel added, “Carina is one of the few remaining large garment factories in the Philippines. Most garments factories chose to move their operations from the Philippines to other Asian countries such as Cambodia, Bangladesh, and India for lower labor costs. Cheaper production costs mean bigger profit for the capitalists.”

PAMANTIK-KMU highly believes that the illegal closure of the Carina Apparel Inc. has no other motive than to turn their back from negotiations, abolish the union, and further save for higher profits and personal gains. Under a capitalist system, after bagging millions and billions of money from the blood and sweat of the workers, their so-called loss and bankruptcy arise from their thirst to beat their current net worth. The capitalists pass the burden and agony of consistent losses and the crisis of over-production to the ever-hampered ranks of workers.

“Now more than ever, is the necessity for a tight and militant solidarity and struggle for humane wage, jobs, and rights, and justice for the 3,600 workers in Carina.” Urgel ended.###

Condemn the Illegal Closure of Carina Apparel Inc.!
Reinstate the Workers!
Respect Carina Workers’ Right to Bargain!

PWUL-NAFLU-KMU, Tunay, Palaban, Makabayang Unyon, Ipanalo!

lamcor_0Ipinapaabot ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pinakamataas na pagsuporta sa Progressive Workers’ Union of Lamcor – National Federation of Labor Unions – Kilusang Mayo Uno (PWUL-NAFLU-KMU).

Ngayong ika-18 ng Pebrero gaganapin ang Certification Elections (CE) sa hanay ng naglalabang mga unyon sa Lamcor. Sa mga ganitong pagkakataon, hinihingi ng kalagayan ang mahigpit na pagkakaisa ng mga manggagawa upang mahusay na pumili ng unyong tunay na maglilingkod at magtataguyod sa interes ng mga manggagawa.

 

Tunay, Palaban, Makabayang Unyon

Hindi ang mga samahang katulad ng Obrero Pilipino ang tipo ng unyon na maglilingkod sa manggagawa. Ang kanilang ginagawang panunuhol ng P25,000 ay nagpapakita lamang ng pagbili sa integridad at dangal ng mga manggagawa. Sa una, pinagmumukhang tinutulungan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pinansya, ngunit batay sa mayaman nang karanasan ng uring manggagawa sa Timog Katagalugan, ang mga ganitong klase ng ‘unyon’ ang nangunguna sa pagbebenta ng laban ng manggagawa at pagpapailalim sa kagustuhan ng mga kapitalista. Ginagamit ng mga dilawang unyon tulad ng Obrero Pilipino ang laban ng mga manggagawa upang kumita ng limpak-limpak na salapi para sa kanilang sariling interes. Katulad ng nangyari sa Hoya Glass Disk Philippines, matapos magpabayad ang pamunuan ng Obrero Pilipino sa management, pinabayaan na nila ang mga manggagawa.

Hatid ng isang tunay, palaban, makabayang unyon tulad ng PWUL-NAFLU-KMU ang tuluy-tuloy at walang kapagurang pakikipaglaban at paglilingkod para sa uring manggagawa. Ang mga interes ng manggagawang Pilipino na pagkakamit sa disente at nakabubuhay na sahod at benepisyo, pagkakaroon ng makataong kondisyon sa paggawa, katiyakan sa trabaho, at pagtatamasa ng mga karapatang pang-manggagawa ang pangunahing itinataguyod at ipinaglalaban ng tunay, palaban, at makabayang unyon. Katangian ng tunay, palaban, makabayang unyon ang militante at aktibong pakikibaka laban sa pagsasamantala ng mga kapitalista at pagtataguyod sa karapatan ng manggagawa sa loob at labas ng pabrika.

Pinatunayan ng kasaysayan ang husay ng mga tunay, palaban, at makabayang unyon na ipagtagumpay ang kahilingan ng mga uring manggagawa – sa paghahapag ng mga pangmanggagawang probisyon sa mga naipapanalong Collective Baragaining Agreement (CBA). Ibinunga ng pagkapanalo ng isang tunay, palaban, at makabayang unyon sa CE ang tagumpay sa pagtaas ng sahod at pagkakaroon ng mga makataong benepisyong tinatamasa sa kasalukuyan ng mga manggagawa sa ilalim ng LMNH-OLALIA-KMU (Honda), WPPWU-NAFLU-KMU (Wyeth), NXPSWU-NAFLU-KMU (NXP), EBIEU-OLALIA-KMU (Ebarra), at marami pang indipendyente ngunit tunay, palaban, makabayang unyon.

Ang pagbubuo ng unyon ay karapatan ng manggagawang Pilipino. Huwag basta-bastang ibigay ang pagtitiwala sa mga grupong binuo ng management para pahupain ang lakas ng mga manggagawa sa Lamcor. Maging matalino sa pagpili ng unyong tunay na magsisilbi sa interes ng mga manggagawa. Piliin ang tunay, palaban, at makabayang unyon! Piliin ang PWUL-NAFLU-KMU!

Isulong ang Tunay, Palaban, Makabayang Unyon!
YES to PWUL-NAFLU-KMU!

Sa Araw ng mga Puso: Mga manggagawa, sumayaw ng One Billion Rising sa harap ng NLRC RAB-IV

Workers protest in front of NLRC RAB IV on Valentine's Day

Naglunsad ng programa at sumayaw ang mahigit 300 manggagawa, sa pangunguna ng Kaisahan ng Manggagawang Iligal na Tinanggal (KAMIT) at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan-Timog Katagalugan (KMK-TK), ng One Billion Rising sa harap ng tanggapan ng National Labor Relations Commission–Regional Arbitration Branch IV (NLRC RAB-IV). Binansagan ng mga manggagawa ang nasabing ahensya bilang makinarya ng mga kapitalista para walang tigil na durugin ang puso ng mga manggagawa.

Nagsimulang magtipon ang mga manggagawang iligal na tinanggal, kasama ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang unyon sa rehiyon, sa Crossing, Calamba ganap na alas 8 ng umaga. Nagmartsa ang mga ito patungong Halang, Calamba bandang alas-9 ng umaga upang maglunsad ng programa sa harapan ng NLRC RAB-IV.

‘NLRC, walang puso!’ –PAMANTIK

“Sa halip na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama ang aming mga mahal sa buhay, minabuti naming magpunta dito sa harapan ng ahensyang nagdudulot ng pagkadurog ng aming mga puso. Tuwing nilalapastangan ng mga kapitalista ang mga karapatan ng mga manggagawa, lagi’t laging nasa panig ng mga kapitalista ang mga ahensya sa ilalim ng gobyernong Aquino—kabilang na dito ang NLRC.” Ani Wenecito Urgel, Pangkalahatang Kalihim ng PAMANTIK-KMU.

“Pangunahing kinakaharap ng mga manggagawa sa rehiyon ang kontraktwalisasyon. Minamasaker ang hanapbuhay ng sambayanan sa pamamagitan ng labor only contracting, kung saan iligal na hina-hire ang mga manggagawa bilang kontraktwal. Tumatanggap sila ng napakababang sahod, walang kaseguruhan sa trabaho, walang benepisyo, pilit na pinag-oovertime, at pinagbabawalang mag-unyon.” Dagdag ni Urgel.

70% ng mga isinasampang kaso sa NLRC ay laban sa mga kapitalista at hiring agencies at cooperatives na nagpapatupad ng labor only contracting sa kanilang pagawaan, tulad ng isinampa ng mga manggagawa sa Coca Cola, Asia Brewery, Hoya, Proctor & Gamble, at iba pa.

“Naiiwang duguan ang mga puso ng manggagawa sa tuwing maglalabas ng desisyon ang mga labor arbiter hinggil sa mga kasong isinasampa. Sa kabila ng malinaw na paglabag ng mga kapitalista sa batas paggawa na nagbabawal sa labor only contracting, tahasan itong pinapanigan ng NLRC.” Ani Urgel.

Wala pang 30% ng mga kasong isinampa sa NLRC ang may desisyon na pabor sa mga manggagawa. Sa maliit na bilang ng mga desisyong ito, marami ang hindi ipinapatupad ng mga kapitalista, tulad ng ginawa sa Blue Bar, Philippine Apparel, at Keihin.

‘Strike, Dance, Rise’ laban sa kontraktwalisasyon

One BillionRising for JusticeIdinaan naman sa sayaw ng mga manggagawang kababaihan ang kanilang panawagan para sa regularisasyon at nakabubuhay na sahod, laban sa diskriminasyon sa mga pook-trabaho at karahasan sa kababaihan. Ipinarating ng KMK-TK ang pakikiisa sa kampanyang One Billion Rising na inilunsad sa iba’t ibang dako ng buong daigdig.

Ayon kay Gina Cedron, tagapagsalita ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan-Timog Katagalugan at tagapangulo ng GABRIELA-ST, “Doble ang nararanasang pagdurusa ng mga manggagawang kababaihan dahil sa kanyang kasarian. Mahigit kalahati pa rin ng mga manggagawa ay mga kababaihan, na siyang pangunahing nagiging biktima ng kontraktwalisasyon sa mga pagawaan ng garments, electronics, at autoparts.”

“Dagdag sa kawalan ng katiyakan sa trabaho, napakababang sahod, at walang karapatang mag-unyon, biktima ang mga manggagawang kababaihan ng sexual harassment, kawalan ng maternity benefits, napakahigpit na mga patakaran, at diskriminasyon.” Dagdag ni Cedron.

“Dahil sa ganitong kalagayan, wala nang panahon ang mga manggagawang kababaihan para makipag-date, manood ng sine, o kumain sa magagarbong restawran ngayong Araw ng mga Puso. Subsob sa trabaho ang mga manggagawang kababaihan, ngunit hindi pa rin sapat ang kinikita para buhayin ang kanilang mga pamilya sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.” Pahayag ni Cedron.

“Nakikiisa ang mga manggagawa sa lahat ng nakikibaka laban sa karahasan at diskriminasyon sa kababaihan. Hangga’t patuloy na nakapako ang sahod ng manggagawa at nagkakamit ng dambuhalang tubo ang mga kapitalista, mananatiling api ang mga kababaihan. At hangga’t hindi nakikibaka ang kababaihan para sa kanilang ganap na paglaya, hindi makakalaya ang buong uring manggagawa. Sa panahon ng matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya, nararapat lamang na lumabas ang mga kababaihang manggagawa sa mga pagawaan at tahanan, at isanib ang kanilang lakas sa sambayanang nakikibaka.” Pagtatapos ni Cedron.###

Sigaw ng PAMANTIK-KMU sa Araw ng mga Puso: NLRC, Walang Puso para sa mga Manggagawa

NLRC, Walang Puso!Kasabay ng pagdiriwang ng buong daigdig sa Araw ng mga Puso, mariing kinukundena ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang kawalan ng puso ng National Labor Relations Comission (NLRC) para sa mga manggagawa.

Sa loob ng mahabang panahon, nagsilbi bilang ahensya para sa mga kapitalista ang Department of Labor and Employment at lahat ng mga sangay nito, kabilang ang NLRC. Hanggang sa ngayon, patuloy nitong dinudurog hindi lamang ang mga puso ng mga manggagawa, kundi pati na rin ang kanilang hanapbuhay at kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Itinuturing ng mga manggagawa bilang libingan ng mga kaso ang National Labor Relations Commission. Taon-taon, maraming manggagawa ang naiiwang luhaan dahil sa malinaw na pagpanig ng NLRC sa mga mapagsamantalang kumpanya at hiring agencies sa rehiyon.

Sa timog katagalugan matatagpuan ang mahigit sa kalahati ng mga pagawaan at engklabo sa bansa, kabilang ang malalaking kumpanya tulad ng Nestle, Asia Brewery, Toyota, Universal Robina Corporation, Hoya Glass Disk, Procter & Gamble, EMI Yazaki, at iba pa. Ipinapatupad sa mga pagawaang ito ang malawakang kontraktwalisasyon gamit ang mga cooperative at in-house o hiring agencies upang makatipid sa pasahod, ipagkait ang mga benepisyo, at pagbawalan mag-unyon ang mga manggagawa. Bukod pa rito, lantarang dinudurog ang mga unyon sa pamamagitan ng iligal na tanggalan at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga kasapi at opisyales ng mga unyon, at direktang pagmamanipula ng kapitalista at mga opisyales ng DoLE sa tuwing mayroong Certification Elections na magaganap.

Mga kasong isinasampa sa National Labor Relations Cemetery

Malaganap na isinasagawa ang labor only contracting sa rehiyon upang madulas na makakupit ng mas papalaking tubo ang mga kapitalista. Hina-hire ang mga manggagawa sa pamamagitan ng mga agencies o cooperatives at ipinapasok sa mga kumpanya bilang kontraktwal na manggagawang sumasahod ng minimum o mababa pa sa minimum wage. Pilit na pinag-oovertime ang mga ito nang walang bayad, walang benepisyo tulad ng rice subsidy, transportation, HMO, bonuses, at 13th month pay. Matapos ang 5 buwan, tinatapos ang kontrata o di kaya’y nirerehire sa parehong agency, kundi man inililipat sa iba pang agency o bilang direct hires. Tumatagal ng isa hanggang mahigit limang taon, at minsan pa nga ay umaabot ng 10 taon ang mga manggagawang kontraktwal sa mga pagawaan.

Marami ding manggagawa na dating regular o direktang pinapasahod ng kapitalista ang pilit na ipinapailalim sa mga cooperative o agency, tulad ng ginawa ng Makati Development Corporation (isang construction company na pagmamay-ari ng mga Ayala) sa 1000 manggagawa nito na ngayon ay tumatanggap na lamang ng minimum wage sa ilalim ng kooperatibang Asia Pro.

Ayon sa batas paggawa, maituturing na labor only contracting ang ginagawa ng isang agency o cooperative kung wala itong sapat na perang kapital, walang kagamitan sa produksyon, at hindi sa kanya nanggagaling ang mga direktiba, utos, at superbisyon sa mga manggagawang ipinapasok niya sa mga pagawaan bilang mga kontraktwal.

Mahigit 70% ng mga kasong isinasampa sa NLRC ay mula sa mga manggagawa ng Coca Cola, Asia Brewery, P&G, Hoya Glass Disk, NXP, Yutaka, Wyeth, Monde Nissin, Shinetsu Metal Phils, Alaska, at iba pang malalaking kumpanyang gumagamit ng labor only contracting hiring agencies at cooperatives. Ilan sa mga ito ang ANR, Asia Pro, Serman, Career, Core Staff, One Source, ByPro, at Peerless.

Marami ding kaso ng illegal dismissal, illegal suspension, at iba pa ang nakasampa sa NLRC. Ngunit sa loob ng mahabang panahon, kalakhan ng mga desisyon na inilalabas ng mga labor arbiter at commissioner ay panig sa mga kapitalista. Sa kabila ng malinaw na batayan na sila ay lumalabag sa batas, kapitalista pa rin ang pinapanigan ng NLRC.

Noong 2011, 32 (28.82%) lamang  sa 111 kasong isinampa sa NLRC RAB-IV na nagkaroon ng desisyon ang pabor sa mga manggagawa. Sa mga kasong isinampa sa NLRC National, 61 (35.26%) lamang sa kabuuang 173 kasong nagkaroon ng desisyon ang panig sa mga manggagawa. Noong 2012, 10 lamang sa 58 kasong isinampa sa legal arbitration ang nagkaroon ng desisyong pabor sa manggagawa. Sa 143 kasong isinampa sa NLRC RAB-IV, 34 (23.77%) lamang ang naipanalo ng mga manggagawa.  Dagdag sa napakaliit na bilang ng mga naipapanalo ng mga manggagawa, hindi siguradong ipatutupad ito ng kapitalista dahil walang pangil, at sadyang pro-kapitalista ang NLRC at lahat ng sangay ng DoLE sa ilalim ni Sec. Rosalinda Baldoz.

Sa ilang pagkakataong nagiging pabor sa manggagawa ang mga desisyon, umaabot ng ilang taon bago ito naipapatupad. Mabilis na naiaakyat sa mas mataas na hukuman hanggang Korte Suprema ang mga desisyong nais i-apila ng mga kapitalista, tulad ng ginawa sa kasong isinampa ng mga manggagawang iligal na tinanggal sa Asia Brewery, Enkei, at iba pa. Sa pangkabuuan, mahigit 62 porsyento ng lahat ng kasong isinasampa ng mga manggagawa sa LA, NLRC, hanggang Korte Suprema ang nabibigyan ng desisyong pabor sa mga kapitalista.

NLRC bilang makinarya ng mga kapitalista sa ilalim ng papet na rehimeng Aquino

Mahal na mahal ng mga kapitalista ang kasalukuyang administrasyon, mula kay Aquino na lantarang nagtataguyod ng kontraktwalisasyon hanggang kay Baldoz at mga labor arbiter at commissioner na tumatayong abogado at tagapagpatupad ng batas para sa mga kapitalista.

Sa ilalim ng NLRC, ipinatutupad ang Single Entry Approach (SEnA) bilang bahagi ng burukratikong proseso na naglalayong pumigil sa mga manggagawa na magsampa ng kaso laban sa mga kapitalista. Bago pa man makapagsampa ng kaso ang manggagawa, pinaghaharap muna ang kapitalista at manggagawa sa pamamagitan ng mediation, na karaniwang umaabot ng isang buwan bago maganap. Sa loob ng panahong ito, tinatakot o di kaya’y inaalok ang manggagawa ng settlement na may katumbas na halagang 5 hanggang 10 libong piso. Bukod pa dito, obligado ang manggagawang sagutin ang mga gastos sa pagpapadala (thru LBC) ng notice sa kanyang kinakasuhang kapitalista o agency. Hindi na nakakapagtaka kung bakit lumiliit ang bilang ng mga manggagawang nagsasampa ng kaso sa mga nakaraang taon, na siya namang mapanlinlang na ipinagmamalaki ni Aquino bilang pagkamit ng industrial peace.

Kapag naman nakapagsampa ng kaso ang manggagawa matapos dumaan sa SEnA, nagkakaroon ulit ng mandatory conference na sa esensya ay paghaharap muli ng dalawang panig. Umaabot ng 6 hanggang 9 na buwan ang prosesong ito, sang-ayon sa direktiba ni Commissioner Nograles. Ngunit sa patakaran ng NLRC, dapat maglabas ng desisyon ang mga arbiter sa loob ng 1 buwan. Gayong karamihan sa mga arbiter ay inaabot ng 9 na buwan o higit pa bago makapaglabas ng desisyon, tuso naman nilang dinuduktor ang petsa ng paglalabas ng desisyon (kunwa’y nailabas ito nang mas maaga) upang makatanggap ng pro rata incentives na ibinibigay kapag nakapaglabas sila ng hindi bababa sa 15 desisyon kada buwan.

Tumatagos hanggang sa NLRC ang bulok na sistema ng rehimeng US-Aquino II. Nasaksihan ng mga nagwelgang manggagawa ng Philippine Steel Corporation kung paanong nasuhulan ng kapitalistang PhilSteel ang NLRC upang mabilis itong maglabas ng TRO laban sa welga ng mga manggagawa. Marami pang ganitong tipo ng lantarang pagkatuta ang ipinakita ng NLRC sa loob ng mahabang panahon. Kung ginamit ni Aquino ang DAP upang suhulan ang mga senador ang kongresista para sa pagpapatalsik kay dating CJ Corona, mayroon namang sariling bersyon ang mga labor arbiter at mismong ang ahensya ng NLRC.

Pusong bato ng NLRC, dahilan ng paghihirap ng manggagawa

Ipinagkakait ng pusong bato ng NLRC ang hustisya para sa mga manggagawang biktima ng labor only contracting, illegal dismissal, illegal suspension, at iba pang paglabag sa batas ng mga kapitalista at hiring agencies at cooperatives.

Tulad ng nakasaad sa awiting madalas inaawit ng mga sawi sa pag-ibig, hindi na makatulog at hindi rin makakain nang maayos ang mga manggagawa dahil sa pagpapakatuta ng NLRC, DoLE, at buong administrasyong Aquino sa mga lokal at dayuhang kapitalista sa bansa.

Samantalang patuloy na lumalaki ang yaman ng pinakamayayaman sa bansa, paliit nang paliit ang natatanggap ng mga manggagawa, walang tigil na tumataas ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa kuryente, patubig, SSS, philhealth at iba pa, at tuloy-tuloy na binabawi ng gobyerno ang mga tagumpay sa pakikibaka ng mga ninunong manggagawa.

Walang maaasahan ang uring manggagawa sa NLRC, lalo’t higit sa pamumuno ni Aquino na isang pro-kapitalista at anti-manggagawang pangulo. Sa pagharap ng manggagawa sa mas matinding krisis ngayong taon, kailangang pagbigkisin ang mga manggagawang handang ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan para sa lupa, sahod, trabaho, edukasyon, at pag-uunyon!

 

ITIGIL ang kontraktwalisasyon! IBASURA ang DO 18-A!

 

NLRC, pro-kapitalista, anti-manggagawa!

 

DoLE Secretary Rosalinda Baldoz, anti-manggagawa, PATALSIKIN!

 

ISULONG ang pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba!

 

 

 

Rising joblessness proves anew: Aquino’s economic growth a bubble waiting to be inflated, not inclusive

Aquino asks cabinet members reasons for unemployment rate
from inquirer.net

The rising joblessness, as shown in the latest SWS survey, has once again proven that Aquino’s economic growth is not ‘inclusive’ and is merely a bubble that awaits inflation.

According to the latest survey results, the country’s unemployment rate rose to 27.5 percent during 2013’s last quarter, which accounts for approximately 12.1 million jobless, job-seeking Filipinos. The count is 2.5 million more than the previous quarter’s joblessness count.

In 2013, Aquino boasted about an inclusive economic growth, as the Philippines was hailed the world’s second-fastest growing GDP, next to China. Despite such ‘growth’, the rising unemployment rate proves its insignificance and negates its inclusivity, contrary to what the government claims.

The country’s GDP growth is basically a bubble created by low credit interest rates leading to seemingly larger public consumption and a growing construction sector, an unsustainable rise in OFW remittances and the BPO sector, and overall, still an import-dependent, export-oriented economy.

Agricultural lands remain in the hands of Aquino’s relatives and his allies, and our manufacturing industry is largely a semi-manufacturing industry controlled and dominated by foreign capitalists. Without any means can a backward, pre-industrial, and agrarian economy provide for the needs of the people.

The Filipino workers will not buy Aquino’s efforts in covering up his administration’s flaws. Way before Yolanda and the earthquake that struck Visayas last year, the US-Aquino regime has failed to create jobs for the Filipino people due to its insistent implementation of neoliberal policies in the country, allowing foreign capitalists to liberally profit from the blood and sweat of the people.

In his three years in office, Aquino has played a significant role in maintaining the status quo, wherein only capitalists and landlords benefit from what he calls an ‘inclusive economic growth’. Since the beginning of his term, the 40 richest Filipinos, including Aquino’s kin and close allies, have mounted if not doubled their assets, while the people suffer from the absence of jobs, very low wages, widespread contractualization, trade union repression, endless price increases, and the state abandonment of social services such as health, housing, and education.

The lack of genuine agrarian reform and national industrialization of basic and heavy industries, not calamities, are the main reasons for the country’s rising unemployment rate. It is about time that Aquino’s systematic trickery is exposed. He has no right to ask ‘what went wrong?’ and in fact, should be the first to know why the country’s unemployment rate has, and will continue to increase during his remaining time in office.

The workers in Southern Tagalog have had enough of an imperialist puppet president who ceaselessly massacres the livelihood of the people for the sole advantage of capitalists and the whole ruling class.###

End neoliberal globalization!

Genuine agrarian reform and national industrialization now!

Struggle for national democracy with a socialist perspective!

Mga manggagawang iligal na tinanggal sa Asia Brewery, kinalampag ang NLRC at si Lucio Tan

Asia Brewery Inc.

Nagtungo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang 25 manggagawang ilegal na tinaggal ng Asia Brewery, Inc. noong ika-10 ng Pebrero. Ipinanawagan nila ang agarang pagpapatupad ng desisyon sa muling pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawang tinanggal. Naglunsad din ng maikling programa sa harap ng pagawaan ng ABI ang mga manggagawa upang muling kundenahin ang pagiging ganid ng kapitalistang si Lucio Tan.

Noong ika-4 ng Setyembre 2012, iligal na tinanggal ang 25 manggagawang kontraktwal na nasa ilalim ng Alternative Resources (ANR), isa sa 7 agency sa Asia Brewery Inc. Hinarang ng mga security guard ang mga manggagawa sa gate, at sinabing ‘pansamantala munang hindi papasukin ang mga ito dahil ililipat sila sa ibang pagawaan’. Ngunit dahil wala namang saktong petsa at lugar kung saan sila ililipat, hindi nagdalawang-isip ang mga ito na magsampa ng kaso laban sa kumpanyang ABI.

Sa buwan ding iyon nagsampa ang mga manggagwa sa NLRC ng kasong illegal dismissal, regularization, at reinstatement with full backwages. Makalipas ang mahigit isang taong pakikipaglaban mula nang magsampa sila ng kaso, lumabas ang desisyon ni Executive Labor Arbiter Ella Geronoso – Santos. Idineklarang regular na mga manggagawa sa ABI ang 25 manggagawang tinanggal, na kailangang ibalik sa kumpanya.

Ngunit dahil sa pagiging ganid ng kapitalistang ABI, nagsumite ito ng apila sa naging desisyon ng NLRC. Katuwang si Commissioner Aquino, pilit nilang pinababaligtad ang desisyon ni Labor Arbiter Gernoso Santos para ipatalo ang kasong isinampa ng mga manggagawa.

Matatandaang ganito rin ang ginawa ng kapitalistang ABI sa kasagsagan ng welga ng mga manggagawa ng ABI noong 2004, kung saan 31 manggagawa ang iligal ding kinasuhan at tinanggal. Noong 2009, naglabas ang Court of Appeals ng desisyon na iligal ang pagkakatanggal sa mga manggagawang ito. Ngunit hanggang ngayon, pending pa rin ang naturang kaso, isa si Comm. Aquino na tuta ni Lucio Tan sa loob ng NLRC sa mga nasa likod ng panggigipit sa mga manggagawa ng ABI.

Sa nararanasan ng mga manggagawa na patuloy at matitinding panggigipit ng mga kapitalista, marapat lamang na lalong pahigpitin ang paninindigan at sama-samang kumilos para ilantad ang kabulukan ng estado. Ilantad ang pagkampi nito sa mga dayuhang kapitalista, maging ang mga ahensya ng gobyerno katulad ng DoLE at NLRC na dapat pangunahing nagsisilbi sa interes ng mga manggagawa.

ITIGIL ang Kontraktwalisasyon!

Manggagawang iligal na tinanggal, IBALIK !

Imperyalismo IBAGSAK!

 

Sumama sa pagkilos laban sa pro-kapitalistang NLRC!

Tipunan sa 7eleven, Crossing Calamba, Pebrero 14, alas 8-9 ng umaga