Mga manggagawang forklift operator, hauler, at picker ng Coca Cola sa buong bansa, ireregularisa dahil sa matagumpay na welga!

Tagumpay na nagmartsa ang mga manggagawa sa ilalim ng Unyon ng Manggagawang Driver, Forklift Operator, at Picker-Independent (UMDFP-IND) matapos ilunsad ang tatlong araw na welga noong Mayo 20 hanggang 22. Dahil walang takot na nagsama-sama ang mga manggagawa upang igiit ang kanilang karapatan sa regular na empleyo at pag-uunyon, naisandal sa pader at napilitan ang kapitalistang Coca Cola na kilalanin ang mga ito. Makalipas ang tatlong buwan, nagkaroon ng muling pag-uusap ang union at management para sa pinal na pagpapatupad ng kasunduang natamo matapos ang welga.

Sama-samang nagbunyi ang mga manggagawa ng Coca Cola-Sta. Rosa plant matapos mapilitang makipagsundo ang kapitalista hinggil sa kanilang regularisasyon noong Mayo 22. Ayon sa kasunduan, makakatanggap ng P15,000 financial assistance at P9,000 rice allowance, at sahod para sa tatlong araw na inilaan sa welga ang mga manggagawa. Dagdag pa rito, nangako ang kapitalistang Coca Cola na i-rereview ang regularisasyon ng mga manggagawang driver, forklift operator, at picker sa loob ng tatlong buwan.

Kabilang sa mga naging kasunduan ang benepisyong matatanggap ng mga manggagawa sang-ayon sa company rules and regulations o collective bargaining agreement kapag naregular sila.

Noong Hunyo 15, nakuha ng mga manggagawa ng UMDFP ang financial assistance at rice allowance ayon sa Memorandum of Agreement.

Nagkaroon din ng mga serye ng pag-uusap hinggil sa pagpapatupad ng probisyon sa MOA hinggil sa regularisasyon ng mga manggagawa.

Nitong Setyembre 4, natapos ang negosasyon at naipinal ang pagreregularisa sa 190 yard drivers, forklift operators, at pickers na kasapi ng UMDFP. Babayaran ang length of service ng mga manggagawa sa tuos na 26 days/year of service at magsisimula bilang mga bagong regular na empleyado ng CCBPI.

Ipinagbunyi rin ng unyon at mga manggagawa sa buong rehiyon ang regularisasyon ng lahat ng forklift operator, hauler, at picker sa iba’t ibang planta ng Coca Cola sa buong bansa na dating nasa ilalim ng The Red System Inc.

Samantala, laman din ng kasunduan ang karapatan sa regularisasyon para sa 43 driver sa pamamagitan ng pag-aapply bilang forklift operators. Bibigyan ng pagsasanay bilang forklift operators ang sinuman sa 43 driver na magnanais maging regular na empleyo, at babayaran ang length of service sa parehong tuos na 26 days/year of service. Makakatanggap rin sila ng mga benepisyo ayon sa CBA ng unyong nakatayo sa CCBPI.

“Bagama’t hindi nakamit ang layuning 100% regularisasyon para sa mga 188 manggagawang driver, forklift operator, at picker na kasapi ng UMDFP, maituturing bilang isang napakalaki at makasaysayang tagumpay ang pagkakaregularisa ng daan-daang manggagawa sa buong bansa. Sa panahon kung kalian laganap ang labor only contracting sa buong rehiyon at kahit sa buong bansa, naipagtagumpay ng mga manggagawa ng Coca Cola ang laban para sa regular na empleyo at pag-uunyon sa pamamagitan ng welga.” Ani Fernando Avelino, Tagapangulo ng UMDFP-IND.

“Tuloy ang laban para sa regularisasyon ng 30 manggagawang hindi isinama ng kapitalista sa kasunduan ayon sa MOA, gayundin para sa iba pang kontraktwal na manggagawa sa loob ng CCBPI. Hindi titigil ang mga kasapi ng UMDFP sa pakikibaka, lalo ngayong napatunayan naming mayroong makakamit na tagumpay basta’t handang magsakripisyo.” Dagdag ni Avelino.

Tinatayang nasa 70% ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan ang napapailalim sa iba’t ibang iskema ng kontraktwalisasyon. Makikita ang pinakamalaking bilang ng mga kontraktwal sa mga industriya ng electronics and semi-conductors, sasakyan, at pagkain. Walang benepisyo at tumatanggap ng P255-P337 kada araw ang mga kontraktwal na manggagawa—wala pa sa kalahati ng daily living wage sa rehiyon na P1069.###

 

Workers and relatives determined to find abducted labor leader, continue search in Southern Luzon Command military camp

The workers under the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), together with abducted labor leader Benjamen Villeno’s family, continued their search in Quezon province military camps today.  Despite torrential rains, the group trooped to Quezon province in search of Villeno who was declared missing since August 27.

Despite continuous rains, workers from Honda Cars Philippines and other factories, together with KARAPATAN-Southern Tagalog, trooped to Quezon province today to continue their search for abducted labor leader Benjamen Villeno.

The group has been searching for their missing leader since last week but to no avail.

“We have tried searching in military and police camps in Laguna, as well as in metro manila, but to no avail. Nonetheless, we are determined to continue searching for Ka Ben. We are very certain that the military is accountable for his enforced disappearance because his last text message said that he was being followed by suspected military agents.” Romeo Legaspi, union president of Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH-OLALIA-KMU) and national vice president of OLALIA-KMU said.

“The other day, September 24, we were able to reach various camps in metro manila, such as the Fort Bonifacio where military officials refused to entertain us, and prevented us from entering the premises of the Intelligence Security Group and other facilities where Ka Ben may be illegally withheld.” Legaspi added.

KARAPATAN-Southern Tagalog, which has been leading the search since day 1, is likewise affirmative that the military has something to do with Villeno’s disappearance.

“Benjamen Villeno is a known leader and organizer of trade unions, and has been a target of surveillance and intimidation for the past few years. As former national president of OLALIA-KMU, former chairperson of PAMANTIK-KMU, former regional coordinator of BAYAN MUNA and Makabayan coalition in southern tagalog, and a present trade union organizer, Ka Ben is obviously a critic of the corrupt and puppet government and thus very vulnerable to human rights violations.” KARAPATAN-ST secretary-general Glen Malabanan said.

Ka Ben’s case is the third case of enforced disappearance in the region under the Aquino administration. Other human rights violations, such as filing of criminal charges against activists, and political killings continue, as well.

“This further exposes the Aquino administration as no less than his condemned predecessor Gloria Macapagal-Arroyo, who, when bombarded with anomalies, used the military to silence activists and critics.” Said Legaspi.

“The workers of southern tagalog are determined to use all means possible just to find Ka Ben.” Ended Legaspi.

An online petition has been launched by PAMANTIK-KMU, and has reached concerned activists and citizens here and abroad.

On September 25, workers under the Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH) launched a motorcade and protest action in Balibago to condemn the abduction of Villeno.###

Ilitaw si Ben Villeno! Itigil ang Batas Militar ni Aquino!

Ben Villeno
Benjamen Villeno is a leader and organizer in the Trade Union sector. He is one of three desaparecidos in the Southern Tagalog region abducted by military forces under the Aquino regime.

Kasabay ng paggunita ng sambayanan sa pagpataw ng batas militar ng rehimeng US-Marcos, hindi maiwasang maikumpara ang rehimeng Aquino dahil sa kaliwa’t kanang kaso ng katiwalian at karahasan nito sa kasalukuyan. 41 taon na ang nakalilipas ngunit tila nananatiling hirap at nakagapos ang mamamayan dahil sa pagiging tuta ng mga sumunod na administrasyon kay Marcos.

Sa kabila ng pagsambulat ng malalaking isyu hinggil sa pork barrel, krisis sa Zamboanga, at muling pagpasok ng mga US military bases sa bansa, mariing kinukundena ng mga manggagawa ng Timog Katagalugan ang sapilitang pagkawala ng lider-manggagawang si Benjamen Villeno, dating tagapangulo ng Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH), PAMANTIK-KMU, at OLALIA-KMU.

Batas militar: noon at ngayon

Ipinataw ang batas militar noong Setyembre 21, 1972 upang buong-buong mahawakan ni Marcos ang kapangyarihang pampulitika, ekonomiya, at militar ng bansa. Ginamit niya ito upang pahabain ang  kanyang panunungkulan sa kabila ng pagtutol ng malawak na mamamayan. Pilit niyang tinakpan ang sistematikong katiwalian ng kanyang administrasyon at mga kroni na nag-uwi ng limpak-limpak na halaga mula sa kabang yaman ng bayan. Walang pagtatanging pinaslang, tinortyur, at dinukot ng mga militar ang mga sibilyan at aktibista noong panahong iyon.

Noong 2005, naging matingkad ang pampulitikang panunupil sa hanay ng mga unyonista at lider-manggagawa. Itinuring ni   Arroyo bilang industrial terrorists ang sinumang maglunsad ng welga o magtangkang ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang manggagawa. Sa ilalim ng Oplan Bantay Laya, libo-libong mamamayan at aktibista ang pinaslang, dinukot, sinampahan ng gawa-gawang kaso, iligal na inaresto, tinortyur, at pinalikas ng mga militar.

Pinaslang si Diosdado “Ka Fort” Fortuna, dating tagapangulo ng union ng manggagawa sa Nestle (UFE-DFA-KMU) at PAMANTIK-KMU. Naganap ang madugong pagkitil sa kanyang buhay isang araw makalipas ang paggunita ng pagpataw ng batas militar. Noong panahong iyon, mainit ang usaping Hello Garci scandal at iba’t ibang kaso ng katiwalian ng rehimeng Arroyo.

Maaalalang sa pananaliksik ni Philip Alston, isang special rapporteur ng UN para alamin ang kalagayan ng karapatang tao sa Pilipinas, tinukoy bilang pangunahing salarin sa pagkapaslang at pagkawala ng daan-daang aktibista ang mga militar sa utos ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kasalukuyan panahon, nagpapatuloy ang hindi deklaradong batas-militar sa bansa. Bagama’t taliwas sa sinasabi ng Pandaigdigang Makataong Batas, pinapayagan ng Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment (TIPC MOC) ang pagkakampo ng mga militar, at panghihimasok ng mga ito sa tuwing mayroong labor dispute sa mga pagawaan at engklabo.

Sa pambansang antas, lantarang ginagamitan ng dahas ng rehimeng Aquino ang sinumang magsulong ng kasarinlan at paglaya mula sa bulok at tiwaling gobyerno nito. Walang pakundangang inoperasyon ang MNLF sa Zamboanga nang hindi isinasaalang-alang ang kapanakanan ng mga sibilyan. Ibinubukas muli ang bansa para sa pagtatayo ng mga base-militar ng US. Nakaamba ang pagpasok ng mas maraming sundalong amerikano sa pamamagitan ng rotational presence agreement. Habang nasa kasagsagan ng pagtuligsa sa malaganap na katiwalian ang mamamayan dahil sa pork barrel scam, dinukot si Benjamin “Ka Ben” Villeno, lider-manggagawa ng Timog Katagalugan.

Ilitaw si Benjamen Villeno, biktima ng sapilitang pagkawala sa ilalim ng batas militar ni Aquino!

Naging tagapangulo ng unyong Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH) noong 1998 si Ka Ben. Mahusay niyang pinangunahan ang mga pakikibakang pang-ekonomiya ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan ng Honda Cars Philippines, Inc. Pinamunuan niya ang pakikipagnegosasyon ng unyon upang mabigyan ng mas mabuting kalagayan sa paggawa ang mga manggagawa. Noong 2001, boluntaryong iniwan ni Ka Ben ang maalwang buhay sa loob ng pagawaan at nagresign upang maging fulltime organizer ng Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture (OLALIA-KMU). Hindi nagtagal, naihalal siya bilang national president ng pederasyong OLALIA.

Inilaan niya ang kanyang husay, talino, at lakas sa pag-oorganisa sa iba pang mga pagawaan sa rehiyon upang ipagtanggol ang karapatan ng mas marami pang manggagawa. Hindi nagpakasapat si Ka Ben sa pagkamit ng mga tagumpay ng kanilang lokal na unyon, bagkus nagpursiging maging bahagi ng tagumpay ng buong uring manggagawa sa buong bansa. Naging tagapangulo din siya ng panrehiyong sentrong unyong Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) at naging bahagi ng National Council ng Kilusang Mayo Uno.

Dahil sa kanyang kasigasigang mamuno sa kilusang paggawa sa rehiyon, at mahigpit na pakikiisa sa iba’t ibang sektor, naging regional coordinator ng Bayan Muna party list at Makabayan-Southern Tagalog si Ka Ben noong 2010. Ngunit dahil na rin sa ipinakita niyang lubos na paglilingkod sa bayan, naging mainit sa mata ng gobyerno si Ka Ben. Noon pa man, minamatyagan at tinitiktikan na siya. Lagi niya nang napapansing may nakasunod sa kanya saanman magpunta.

Nitong Agosto 27, habang patuloy na naglilingkod sa mga manggagawa ng Timog Katagalugan bilang staff ng OLALIA-KMU, nagtext sa isang kapwa lider-manggagawa si Ka Ben na uuwi sa kanyang mga kamag-anak sa Cavite. Sa huling text na kanyang ipinadala, sinabi niyang mayroon na namang sumusunod sa kanyang kahina-hinalang militar. Mula noon, hindi na muling nakita at nagparamdam si Ka Ben.

Walang ibang maaaring ituro sa pagkawala ni Ka Ben kundi ang mga militar na matagal nang napatunayang gumagawa ng pagpaslang, pagdukot, at pandarahas sa hanay ng mga lider-manggagawa at unyonista. Pangatlo na si Ka Ben sa mga biktima ng pagdukot sa rehiyon sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin sila nakikita ng kanilang mga kamag-anak at kakilala.

Kung kaya, sa muling paggunita ng mga manggagawa sa malagim na pagpataw ng batas militar, gayundin sa pagpaslang kay Diosdado “Ka Fort” Fortuna, mariing kinukundena ng PAMANTIK-KMU at OLALIA-KMU ang pagdukot kay Benjamen Villeno.

Hindi kailanman matitigil ang ganitong panunupil sa hanay ng mga aktibista at unyonista hangga’t nananatiling namamanik-luhod ang rehimen sa mga kapitalista’t amo nitong imperyalistang US. Gagawin ng burukrata kapitalistang si Aquino ang lahat, sukdulang dukutin o paslangin ang mga kritiko nito, para sa ultimong layuning patuloy na nagbubulsa ng limpak-limpak na yaman mula sa buwis ng mga manggagawa at mamamayan.

Panahon na upang tuluyang ilantad ang tiwali at pasistang rehimeng US-Aquino. Tanging sa pagbagsak sa imperyalismo, burukrata kapitalismo, at katutubong pyudalismo na ugat ng kahirapan mawawakasan ang matagal nang paglapastangan sa karapatang tao ng uring manggagawa. Sa pamamagitan lamang ng pambansa-demokratikong pakikibaka na lalahukan ng pinakamalawak na hanay ng mamamayan, sa pamumuno ng uring manggagawa, maitatayo ang gobyernong tunay na maglilingkod sa sambayanang api at pinagsasamantalahan.

ILITAW si BENJAMEN “KA BEN” VILLENO!

Ilitaw ang lahat ng biktima ng sapilitang pagkawala!

 

HUSTISYA para kay DIOSDADO “KA FORT” FORTUNA!

Hustisya para sa lahat ng biktima ng pampulitikang pagpaslang!

 

ITIGIL ang pampulitikang panunupil sa kilusang paggawa! ILANTAD ang tiwali at pasistang rehimeng us-aquino!

Burukrata kapitalismo, IBAGSAK! Imperyalismo at pyudalismo, IBAGSAK!

 ISULONG AT IPAGTAGUMPAY ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan!

Labor leader declared missing, workers and kin search military camps

Surface Ben Villeno
Surface Ben Villeno

The workers under the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) and Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture – KMU (OLALIA-KMU) declared their labor leader, Benjamen Villeno, missing after 21 days of being incommunicado. Following traces of the last text messages sent by Villeno, workers and kin began searching military camps and claimed their leader was abducted by military forces as part of Aquino’s continuing fascist regime and undeclared martial law.

 

On September 17, 2013, workers under the PAMANTIK-KMU and OLALIA-KMU have declared their leader, Benjamen Villeno, missing after 21 days of being incommunicado. Villeno’s last text message sent on August 27 to a fellow organizer said that he was being followed by suspected military men somewhere in Cavite.

 

Villeno is the former regional coordinator of the Bayan Muna Party List in 2010. Prior to becoming an organizer of the party list under the Makabayan bloc, the former labor leader was union president of Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda-OLALIA-KMU (LMNH-OLALIA-KMU) from 1998 to 2000. He resigned from his employment in Honda Cars Philippines, Inc. and became national president of OLALIA-KMU, as well as chairperson of PAMANTIK-KMU in the subsequent years.

 

At present, Villeno is a full time staff of the national federation OLALIA-KMU.

 

Together with members and leaders from Bayan Muna Party List – Southern Tagalog, workers from different unions and factories began their search in military camps within Metro Manila.

 

“There is no other place to search. Labor leaders who serve the interests of the workers have been, and are always, a target of state fascism. Villeno, just like other labor leaders, have been subject to endless surveillance initiated by the military, policemen, intelligence units—all under the government’s commands. Because of his commitment to organizing unions and promoting good governance through campaigning for Bayan Muna, Villeno has been a target of the state’s Oplan Bayanihan that limitlessly red tags progressive organizatiions, and justifies the armed forces’ blatant violations of human rights through abduction, political killings, and the like.” Wenecito Urgel, PAMANTIK-KMU Secretary General said.

 

“Just as we are commemorating Trade Union Human Rights month in September, we are facing yet another case of abduction of a labor leader.” Urgel added.

 

The PAMANTIK-KMU has declared September as TUHR month after the assassination of former Nestle union president and PAMANTIK-KMU chairperson Diosdado Fortuna on September 22, 2005.

 

“Under the present Aquino regime, we have witnessed how labor leaders are subject to political persecution through false criminal charges such as with OLALIA-KMU national president Hermenegildo Marasigan. He was filed with false charges of serious physical injuries and alarm and scandal. Marasigan, who is a senior citizen, obviously does not have the capability to inflict serious physical harm towards young, and more resilient members of the military.” Said Romeo Legaspi, OLALIA-KMU Vice President and present LMNH-OLALIA-KMU union president.

 

“All these—the continuing political persecution, abduction, and killings of trade union leaders—are more than enough to name Aquino a fascist dictator, a killer, a human rights violator.” Legaspi ended.

 

“With a deluge of issues being hurled at the Filipino people right now, the continuing and intensifying fascism under the Aquino regime sends us a big warning on how this ‘tuwid na daan’ is really going. We will continue to search for Pangulong Ben. He has been a committed organizer to the labor sector in Southern Tagalog, and has definitely helped not only his own union in fighting for their rights, but also other workers from all throughout the region and the country in negotiating for better working conditions, and lived and sacrificed with marginalized sectors through the years. We will not stop until he is surfaced, and will continue to expose Aquino’s incessant use of undeclared dictatorship to protect and promote his own interests, and the interests of his imperialist boss.” Urgel ended.###

 

Labanan ang interbensyong militar ng imperyalismong US! Ibasura ang Visiting Forces Agreement!

Sa pagtindi ng krisis ng kapitalismo sa buong daigdig, higit na nagiging agresibo sa panghihimasok ang imperyalismong US sa mga bansang maaari pa nitong pagkunan ng lakas upang iligtas ang kanyang sarili mula sa tuluyang pagbagsak. Pinatatatag ng US ang kanyang lakas-militar sa timog silangang Asya—isa sa mga tampok na layunin ng kasalukuyang mga hakbang nito na ibayong pagtibayin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Pilipinas.

Habang binabayo ng matitinding anomalya ang ating bansa, abala naman ang mga kinatawan ng US at papet na gobyerno ni Aquino sa pagbubuo ng panibagong kasunduan para sa mas mahaba at matibay na paglalagi ng mga sundalong Amerikano sa bansa.  Sinimulan ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at US noong Agosto 14, kung saan binibigyang-daan ang pagkakaroon ng more intensified US-Philippine military training, at binibigyang pahintulot ang pagpasok sa bansa ng mas maraming military assistance mula sa US. Itinutulak ng US ang pagkakaroon ng isang kasunduan para sa “rotational presence” ng mga sundalong Amerikano na tatagal ng 20 taon.

Pagbawi sa naunang tagumpay ng mamamayan laban sa US military bases sa bansa

Malinaw na binabawi ng VFA ang nauna nang tagumpay ng mamamayang Pilipino para sa pagsasara ng mga baseng militar ng US sa bansa noong 1992. Ang kasalukuyang tangka na pagpapalawig ng VFA ay desperadong hakbang ng US para bawiin ang kasarinlan ng mamamayan, at sukdulang nagpapakita ng pagkatuta ng rehimeng Aquino.  

Nag-udyok ng malaking debate sa loob at labas ng senado ang pananatili ng US military bases sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty bago ito tuluyang naibasura. Maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan ang ibinunga ng walang hanggang paglabas-masok ng mga sundalong amerikano sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Tila naging garrison ng mga dayuhang pwersa ang buong kapuluan, at nag-iwan ito ng mapapait na alaala ng paglapastangan, panggagahasa, at pangingialam sa pambansang depensa. Mistulang nanumbalik ang Pilipinas sa panahon ng pananakop ng imperyalismong US mahigit 100 taon na ang lumipas.

Sa kabila ng dahas at pananakot ng US, hindi nagpalupig ang mamamayang Pilipino. Naging aktibo ang hanay ng mga manggagawa mula sa Timog Katagalugan sa paglulunsad at paglahok sa mga dambuhalang kilos-protesta kapwa sa rehiyon at sa Kamaynilaan. Nakisangkot maging ang mga propesyunal at maliliit na negosyante sa kampanya laban sa mga base-militar ng imperyalismong US. Nahati ang senado sa dalawang kampo: ang mga pumanig sa malawak na mamamayan, at mga sagadsaring papet ng kano. Makasaysayang naipagtagumpay ng mamamayan ang pagpapalayas sa mga tropang kano matapos lumabas ang 12-11 boto, pabor sa mamamayan.

Ngunit nangibabaw ang pagiging papet ng mga pumalit na administrasyon. Niratipika ng senado ang VFA noong 1999, walong taon matapos mapaalis ang mga baseng militar ng US sa bansa. Ibinalot sa samu’t saring pananalita ang kasunduan upang pagtakpan ang ultimong layunin nitong ibalik ang presenya ng mga sundalong Amerikano sa panahon ng muling pagsibol ng mas matindi, mapangwasak, at malaganap na krisis. Bilang bahagi ng paglalatag ng armadong lakas ng imperyalismo sa timog silangang Asya, at pagtitiyak ng kontrol nito sa pulitika at ekonomiya ng Pilipinas, iniutos ng US ang pagpapatupad sa VFA na hindi lumao’y naging tuntungan ng tuloy-tuloy na pagpasok, pagkakampo, at pagkakaroon ng mga eksklusibong karapatan ng mga sundalong Amerikano sa teritoryo at kayamanan ng Pilipinas.

Mas mahigpit na kontrol, mas malawak na kapangyarihan ng Imperyalismong US: Layunin ng VFA

Ipinatupad ang VFA kakambal ng ibayong pagtulak sa papet na gobyernong Estrada na lalo pang hikayatin ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Isinabatas ang mga makadayuhang panukala tulad ng tax holidays, 100% foreign ownership, at iba pa. Isinanggalang ang dangal at kabuhayan ng manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng napakababang pasahod, kawalan ng benepisyo, kontraktwalisasyon at kaswalisasyon ng paggawa, at pagtanggal sa karapatang mag-unyon. Ibayong binuyangyang ang likas-yaman ng bansa para sa kapakinabangan ng mga dayuhang kapitalista.

Ginamit ng Estadong Unidos ang 9/11 attack noong 2001 bilang tuntungan ng kanyang paglulunsad ng “giyera laban sa terorismo” at di kalaunan ay atakihin ang Iraq at Afghanistan—mga bansang mayaman sa reserbang langis (bagay na matagal nang nais mahawakan nang buong buo ng imperyalismong US). Inilatag ng giyera laban sa terorismo ang pagkakaroon ng panibagong yugto ng relasyon sa “mutwal na pagdedepensahan”. Dito, itinakda bilang pangalawang mukha ng kampanya ang pagdedeploy ng kanyang pinakamalaking armadong pwersa sa dagat-pasipiko upang suportahan ang mga operasyong “kontra-terorismo”.

Pinagtibay ang VFA upang kunwa’y tapusin ang tumitinding armadong labanan sa pagitan ng pwersa ng estado at mga mamamayang Moro sa Mindanao. Hindi na nakapagtataka kung gagamiting muli bilang tuntungan ng mas mabilis na pagpipinal at pag-aapruba ng mga detalye ng panibagong kasunduan ang kasalukuyang kaguluhan sa Zamboanga peninsula.

Sa pangkalahatan, ang kaibuturan ng pagpapatupad ng anti-mamamayan at makadayuhang kasunduang ito ay ang pagtatayo ng mas estable at estratehikong base ng US sa dagat Pasipiko upang bantayan, sagkaan, at pilit na kontrolin ang mga kalapit-bayan laluna ang lumalaking kapitalistang bansang Tsina.

Kahit ang mga kasalukuyang komprontasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas dahil sa Scarborough at Second Thomas Shoal ay sinasamantala ng US upang bigyang-katwiran ang panibagong kasunduan sa “mutwal na pagdedepensahan”. Habang pilit nitong ibinabaling ang atensyon at inuudyukan ang galit ng mamamayang Pilipino sa agresibong Tsina, mas maluwag namang naisasagawa ng imperyalismong US ang mga pakana sa pagpapanatili at pagpapatatag ng kanayang armadong pwersa sa rehiyon.

Mas agresibong panghihimasok ng pwersang Amerikano sa panahon ng lumalalang krisis

Nang pumutok ang Great Recession noong 2008, muling naharap sa matinding krisis ang Estados Unidos dahil mismo sa pangkalahatang katangian at layunin ng sistemang kapitalista na magpalaki ng tubo. Sa kabilang banda, unti-unting lumaki ang kapangyarihan ng kapitalistang bansang Tsina.

Hanggang sa ngayon, hindi pa nakakaahon ang US sa matinding krisis noong 2008, at ito ang dahilan kung bakit kailangan nitong gumamit ng armadong lakas upang kontrolin at dambungin ang mga bansang atrasado tulad ng Pilipinas.

Direktang magkaugnay ang pagnanais ng mga manggagawa na magkaroon ng disenteng pamumuhay at pangangailangang pangunahan ang panawagang wakasan ang Gerang agresyon at interbensyong militar ng US. Hangga’t narito sa bansa ang mga sundalong Amerikano na malayang nakakapagsagawa ng mga operasyong militar, patuloy na makakapaghuthot ng superganansya ang mga kapitalistang dayuhan mula sa lakas-paggawa ng uring manggagawa at murang hilaw na materyales.

Kasabay ng maigting na panawagang ibasura ang lahat ng klase ng pork barrel at wakasan ang korupsyon, sistemang padrino, at pangkabuuang kabulukan ng burukrata kapitalismo sa bansa, napapanahon na upang tuluyang ibasura ang VFA at labanan ang panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa. Tanging sa pagbagsak sa imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo—ang dahilan kung bakit walang humpay ang kahirapan at pagdurusa ng mamamayang Pilipino—magkakaroon ng tunay na kalayaan at pag-unlad ang bansa.

Visiting Forces Agreement, IBASURA!

ITIGIL ang gerang agresyon at interbensyong militar ng US!

Imperyalismo, IBAGSAK!

Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo, IBAGSAK!

Pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lipunan, IPATUPAD!

Sa Buwan ng Karapatang Tao ng Uring Manggagawa: Badyet ng gobyerno, ilaan sa paglikha ng sapat na trabaho! Ibasura ang Pork Barrel ng mga mambabatas at ni Aquino!

Nitong mga nakaraang buwan, sumambulat sa mamamayan ang isang napakalaking anomalya sa ilalim ng gobyerno ni Aquino—ang pagnanakaw ng kanyang administrasyon sa Priority  Development Allocation Fund  o mas kilala sa katawagang PORK BARREL. Sa kabila ng patuloy na pagdausdos ng kabuhayan ng manggagawa at mamamayan, walang pakundangang nagpapakasasa sa kaban ng bayan ang mga burgesya-kumprador at panginoong maylupa na nakaupo sa gobyerno.

Bilyon-bilyong piso ang napupunta sa bulsa ng mga senador at congressman. Trilyon naman ang direktang pumapasok sa pondong ginagamit ni Aquino sa iba’t ibang proyektong siya lamang ang may kakayanang magdesisyon. Sa kabilang banda, hindi na magkaugaga sa paghahanap ng ikabubuhay ang mga manggagawang tumatanggap ng kakapiranggot na sahod, walang kaseguruhan sa trabaho, at patuloy na ginigipit at inaalipin sa kanilang mga pagawaan.

Nagtataasan na naman ang presyo ng bigas, gasolina, singil sa kuryente at tubig, at iba pang mga batayang pangangailangan ng mga mamamayan. Marapat lamang na ipanawagan ng mga manggagawa ang pagrechannel ng pondo ng bansa sa paglikha ng sapat at nakabubuhay na trabaho, ibasura ang pork barrel, at wakasan ang korupsyong nagmumula sa bulok na gobyernong pinaghaharian ng mga ganid na panginoong maylupa at malaking burgesya kumprador.

Ano at saan nga ba nagmumula ang PORK BARREL?

 Ang Priority Development Authority Fund (PDAF) o PORK BARREL ang taunang pondong binibigay sa mga senador at congressman para sa mga proyektong diumano ay para sa publiko. Nakakatanggap ang bawat senador ng 200 milyong piso taon-taon, samantalang 70 milyong piso naman ang tinatanggap ng mga congressman. Bagama’t sinasabi ng Malacanang na walang PDAF si Aquino, tumatanggap ito ng 1.43 trilyong piso para sa kanyang mga proyekto at gastusinhalagang bumubuo sa mahigit kalahati ng pambansang badyet sa taong 2014.

 Nagmumula ang P300B taunang PDAF allocation at trilyong pisong pork ni Aquino sa buwis ng mamamayan, pangunahin sa mga manggagawa. Malaking bahagi rin ng kaban ng bayan ang nagmumula sa buwis ng mga propesyunal at maliliit na negosyante. Pinagkukunan din ng pondo ng gobyerno ang value added tax na ipinapataw sa mga produktong ibinebenta sa merkado kagaya ng gasolina, pagkain, damit, gamot, at iba pang batayang bilihin.

 Samantala, habang kumikita ng bilyon-bilyon ang mga dayuhang kumpanya sa pamamagitan ng pagpiga sa lakas-paggawa ng manggagawa, at pagdambong sa likas-yaman ng bansa, patuloy silang binibigyang-luwag ng papet na gobyerno ni Aquino sa pamamagitan ng tax holidays. Kilala rin sila bilang pinakamalalaking tax evaders na tumatakas sa pagbabayad ng buwis na naghahalagang ilang-daang bilyon kada taon.

 Mas malaking kurakot para sa mga mambabatas, mas maliit na badyet para serbisyong panlipunan

 Sa kabila ng bilyon-bilyong pondo na inilalaan para sa PDAF, walang natatamo ni barya ang mga  maliliit na mamamayan. Para sa karaniwang manggagawa, ang bawat araw ay tila tagisan ng pinakamalakas, matatag, at matiisin dahil sa kawalan ng hanapbuhay at serbisyong panlipunan sa ating bansa.

 Dahil hindi prayoridad ng gobyerno ang pagpapabuti sa buhay ng mamamayan, tanging mga job fairs at kontraktwal na empleyo ang inilalako nito bilang tugon sa lumolobong disempleyo sa bansa. Unti-unting tinatanggalan ng karapatan ang mga manggagawa at binabawi ang mga tagumpay ng pakikibaka ng mga ninunong manggagawa para sa 8-oras paggawa, sapat na sahod at benepisyo, karapatan sa pag-uunyon at pakikipagnegosasyon.

 Ipinatupad ang K+12 program para hubugin ang mga kabataan bilang mga manggagawang kontraktwal sa nalalapit na panahon, at itinutulak ang pagsasapribado ng mga pampublikong pamantasan sa halip na dagdagan ng badyet ang serbisyong edukasyon.

 Tuloy-tuloy din ang pagsasapribado ang mga pampublikong ospital. Sa Timog Katagalugan, nakaprograma na ang pagsasapribado ng iilang pampublikong ospital na disinsana’y takbuhan ng mga maralita tuwing nagkakasakit bunga na hirap at sakripisyo.

 Nananatiling nasa hulihan ng listahan ang serbisyong pabahay sa prayoridad ng gobyernong paglaanan ng pondo. Hindi nakapagtataka kung bakit ang mga maralitang pilit na pinapalayas sa kanilang mga lupang panirikan ay itinataboy sa malalayong relokasyon tulad ng Southville—walang hanapbuhay, walang kuryente, walang tubig.

 Binawasan din ni Aquino ng badyet ang iba pang programang nagtitiyak sa maayos na kalagayan ng mamamayan tulad ng Calamity Preparedness Funds. Hindi nakapagtataka kung bakit walang maayos na programa kontra-sakuna ang gobyerno, at walang tulong na nakakarating sa mga biktima ng pagbaha tulad nitong mga nakaraang linggo. Hanggang sa kasalukuyan, lubog sa baha ang maraming bayan sa Laguna at Cavite. Ngunit walang ibang magawa ang mamamayan kundi tiisin ang paglusong sa maduming tubig-baha dahil walang maayos na evacuation centers para sa kanila.

 Para sa manggagawang araw-araw na nagpapakaalipin para sa barya-baryang sahod, malinaw na ang pagnanakaw ng iilang naghaharing uri sa kabang-yaman ng bayan ay nagdudulot ng patuloy na paghihikahos para sa mga ordinaryong mamamayan. Katumbas ng pagpapakabusog sa ‘pork’ ng mga parasitikong pulitiko ang pagkagutom, paghihirap, at pagdurusa ng mga manggagawang matagal nang kinitlan ng karapatang mabuhay nang disente.

 Wakasan ang pagbabalatkayo ng Rehimeng US-Aquino, ibasura ang pork!

 Mula nang maupo si Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa, sunod-sunod na ang paglabas ng mga anomalya sa kanyang administrasyon. Walang humpay itong nagbabalatkayo sa pamamagitan ng kanyang mga retorika at pangangako ng tuwid na daan. Sa katunayan, matapos magpahayag na hindi maaaring tanggalin ang pork ng mga mambabatas, napilitan si Aquino na magpanggap na sang-ayon sa pag-abolish ng PDAF dahil sa lumalakas na panawagan ng mamamayan. Gayunman, sariling interes at pagtataguyod sa utos ng mga dayuhan ang tunay na layunin ni Aquino sa pahayag na ito.

 Sa pamamagitan ng mas mahigpit na kontrol sa pag-apruba sa mga proyektong paglalaanan ng pondo ng mamamayan, higit na maipapatupad nito ang kanyang awtokratikong paghahari sa bansa, at matitiyak ang pagpapatupad ng mga proyekto at batas na lalong magsisilbi sa interes ng kanyang administrasyon. Palalalain lamang nito ang kasalukuyang pasa bansa, kung saan ang kanyang mga kapamilya,kaibigan, kabarilan, at kakampi lamang ang magkakaroon ng access sa paglustay sa kaban ng bayan.  

 Habang ginugunita ng mga manggagawa ng Timog Katagalugan ang Buwan ng Karapatang Tao ng Uring Manggagawa, marapat lamang na itaas nila ang kanilang panawagan sa pagpapabasura ng pork barrel at pagrechannel ng pondo ng mamamayan sa batayang serbisyong panlipunan at paglikha ng sapat na trabahong may nakabubuhay na sahod.

 Magagawa lamang ito kapag pinangunahan ng mga manggagawa ang pakikibaka laban sa ugat ng korupsyon at patronage politics sa bansa: ang burukrata kapitalismo o pagpapatakbo ng gobyerno bilang negosyo ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador. Kakapitbisig ang mga magsasaka, maralita, kabataan, at propesyunal, panahon na upang ilantad ang makadayuhan, anti-manggagawang korap na si Aquino, at ang kanyang administrasyong pinamumugaran ng pinakamalalaking magnanakaw sa bansa. Sa ganitong paraan lamang tunay na masasabing kinikilala ang karapatan ng bawat manggagawa na mabuhay nang may dignidad.

 

PORK BARREL, IBASURA!

 

IRECHANNEL ANG PONDO NG MAMAMAYAN SA PAGLIKHA NG SAPAT NA TRABAHO AT SERBISYONG PANLIPUNAN!

 

BURUKRATA KAPITALISMO, IBAGSAK! IMPERYALISMO AT PYUDALISMO, IBAGSAK!

 

PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON AT TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPATUPAD!