Mga manggagawa, naglunsad ng programa sa harap ng NLRC sa ikalawang araw ng kampuhang manggagawa

100_9406Naglunsad ng programa sa tapat ng National Labor Relations Commission-Region IVA ang mga manggagawa sa pangunguna na Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa ikalawang araw ng kampuhang manggagawa. Kinundena ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad, ang kamakailang deklarasyon ng Department of Labor and Employment (DoLE) hinggil sa kawalan ng dagdag na sahod ngayong nalalapit na Mayo Uno.

Upang kundenahin ang kamakailang deklarasyon ng DoLE hinggil sa kawalan ng dagdag sahod sa darating na Mayo 1, naglunsad ng iba’t ibang porma ng pagkilos ang mga manggagawa sa harap ng NLRC-IVA, kung saan dalawang araw nang nakatayo ang kampuhan ng mga manggagawa.

Sinimulan ng isang noise barrage ang ikalawang araw ng kampuhan, sinundan ng diskusyon hinggil sa sahod, workshop at iba pang teknikal na paghahanda para sa Mayo 1, programa sa hapon, at tinapos ng isang film showing. Ayon sa mga manggagawa, ito ang kanilang paraan upang maiparating ang mahigpit na pangangailangan sa dagdag-sahod, at kanilang pagkundena sa pagdadamot ng mga kapitalista, kasabwat ang DoLE sa kanilang karapatang mabuhay nang may dignidad.

Ayon sa DoLE, maaaring magbigay ang administrasyong Aquino ng nonwage benefits ngayong darating na Mayo 1. Gayunpaman, ang tanging maipapangako nila ay ang mga jobfair na magbibigay ng empleyo sa mga manggagawa dito sa ating bansa at sa ibayong dagat.

Ani Joycee Rosales, Secretary General ng PAMANTIK–KMU “ Ipinapakita lamang ng DoLE na, tulad ng kanyang among si Noynoy Aquino, kumakampi ito sa mga kapitalista sa pagkakait sa mga manggagawa ng makabuluhang dagdag na sahod. Imbes na ipatupad ang P125 dagdag sahod na mahigit isang dekada nang ipinapanawagan ng uring manggagawa, ipinapatupad nito ang iba’t ibang batas at pamamaraan upang matugunan lamang ang interes ng kapitalista.”

Noong nakaraang taon, ipinatupad ang Wage Order No. 15-4A bilang regalo sa mga manggagawa isang araw bago ang Araw ng Paggawa. Isang bagong iskema ng sahuran  na mas lalo pang pabababain ang mababa na ngang minimum na sahod na P315 papunta  sa floor wage na P255.

Gayundin, ipinatupad ang P2-90 mala-mumong dagdag sahod sa mga manggagawa sa retail and services kung saan hindi hihigit sa 10 ang empleyado ng kumpanya.

Ayon sa pag-aaral ng LEADER, umaabot na sa P1,069 ang daily living wage sa rehiyon para sa isang pamilyang may anim (6) na kasapi para matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan. Kung tutuusin, 23.85% lamang nito ang itinakdang floor wage.

“Hindi na nakapagtataka kung bakit sinasabi mismo ng National Statistics Coordination Board (NSCB) na hindi nagbago ang poverty level sa bansa mula 2006. Katunayan, lalo pang naghirap ang mga manggagawa at mamamayan mula nang umupo si Aquino bilang pangulo dahil sa kanyang mga neoliberal na polisiyang nagpapahintulot sa mga kapitalista na pigain ang lakas-paggawa ng manggagawa sa murang halaga.”

Ayon sa NSCB, ang kasalukyang poverty incidence sa bansa ay nasa 27.9%, na hindi malayo sa 28.8% noong 2006 at 28.6% noong 2009 at 2011.

“Nagugutom ang mga pamilya ng mga manggagawa sa rehiyon, at ito ang isang bagay na hindi kayang pasubalian ng gobyerno ni Aquino—anuman at gaano niya man ipagmalaki na ang ekonomya ng bansa ay lumalago. Hindi sumasapat ang barya baryang ibinibigay ni Aquino sa mga manggagawa, kung kaya’t tuloy-tuloy na nananawagan ang mga manggagawa para sa P125 dagdag na sahod.”

“Habang naghahanda para sa nalalapit na makasaysayang araw ng paggawa, tinitipon at iniipon namin ang aming lakas upang ipanawagan ang sahod, trabaho, at karapatan. Dahil inutil ang rehimen at ang DoLE sa pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagawa, sumasalig kami sa sarili naming lakas upang tuluyang patalsikin si DoLE Sec. Rosalinda Baldoz, ilantad ang anti-manggagawa, pro-kapitalistang si Aquino, at wakasan ang kasalukuyang pang-aapi ng mga lokal at dayuhang kapitalista sa bansa.”

“Ang bawat araw na papalapit sa Mayo Uno ay araw ng pagpapalakas ng mga manggagawa sa rehiyon. Sa iba’t ibang bahagi ng timog katagalugan, naghahanda ang mga manggagawa para sa pagkilos na dadaluhan ng libo-libong mamamayan sa Araw ng Paggawa—ang natatanging pulang petsa sa kalendaryo ng uring anakpawis.”###

Image

Mayo Uno: Ang Makasaysayang Araw ng Manggagawa

Hindi mabubuo ang isang taon kung walang Mayo Uno. Kasintulad ito na hindi mabubuo ang isang produkto kung walang manggagawa. Ngunit bakit nga ba mayroong Mayo Uno? Ano nga ba ang katuturan ng paggunita at pagdiriwang  ng Mayo Uno para saa manggagawa?

 Pagsibol ang industriyalisasyon noong 1900s, itinulak ang libu-libong mamamayan patungo sa pabrika sa kalunsuran upang gumampan ng panibagong tipo ng trabaho—ang maging manggagawa. Sa panahong iyon, pinepwersa ang mga manggagawa na magtrabaho ng 10-14 na oras o higit pa. Ginamit ng mga kapitalista ang sistema ng pagpapahaba ng oras paggawa upang makahuthot ng sobra-sobrang halaga mula sa lakas paggawa ng mga manggagawa.

 Sa Southern Hemisphere sa Europa, kapag pumasok ang summer solstice, tirik pa din ang araw kahit 10pm na. Sapilitang pinagtatrabaho ng mga kapitalista ang mga manggagawa hangga’t may sikat pa ng araw, bukod pa ang pagtatrabaho sa gabi. Sa kadusta-dustang kalagayang naranasan  ng mga manggagawa, nagtayo sila ng mga unyon at ipinanawagan ang makataong kundisyon sa paggawa, pagtaas ng sahod, at ang 8 oras na paggawa.

 Ang Kasaysayan ng Mayo Uno at 8 oras na paggawa

Nagmula sa Australia ang pagtatalaga ng isang araw  ng manggagawa bilang daluyan ng pakikibaka para sa 8 oras na paggawa.  Noong 1856 nagkaisa ang mga manggagawa dito na ihinto ng isang araw ang trabaho at manawagan para 8 oras ng paggawa. Ito ang unang Mayo Uno na inilunsad sa buong daigdig. Sa Estados Unidos bago ang Mayo Uno, naglunsad ng mga pagkilos at welga ang mga manggagawa at umani ito  ng mga tagumpay. Kaya noong 1886 pinagpasyahan ng mga manggagawang Amerikano na tuwing Mayo Uno titigil sila sa pagtatatrabaho.

Noong ding taong iyon sa Haymarket Square sa Chicago, nagtipon-tipon ang mahigit na 200,000 manggagawa na iniwan ang kanilang mga trabaho upang lumahok sa Mayo Uno at ipanawagan ang 8 oras na paggawa. Sa pagkilos na iyon, libu-libong buhay ang nawala. Walang habas na pinaputukan ng baril ng mga kapulisan ang mga manggagawang  nasa pagtitipon na iyon, sa utos ng mga kapitalista kasabwat ang estado.

Ngunit sa kabila ng nangyaring ito sa Chicago, patuloy pa ding lumakas ang mga pagkilos para sa 8 oras na paggawa  sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa Europa, itinatag nila Karl Marx at Frederick Engels ang International Workingmen’s Association.

Ang Mayo Uno sa Pilipinas

Inilunsad ang unang Mayo Uno dito sa Pilipinas noong 1903 sa Maynila, sa ilalim ng kolonyalistang Amerika. Pinangunahan ito ng Unyon Obrera Democratica (UOD). Dinaluhan ng mahigit 100,000 manggagawa ang pagkilos, bukod pa ang mga mamamayan na sumama sa pagkilos. Bitbit nila ang panawagan sa makataong kundisyon sa paggawa at ang kanilang sigaw na “KAMATAYAN SA IMPERYALISMONG AMERIKANO”.

Katulad ng nangyari sa Haymarket Square sa Chicago, nakaranas din ang mga manggagawa sa Timog Katagalugan  ng matinding pandarahas sa araw mismo ng Mayo Uno. Sa Crossing Calamba Laguna noong May 1, 1988. Walang habas na pinaputukan ng matataas na kalibre ng baril ang mga manggagawa at mamamayan. Isang manggagawa sa Sunripe Quezon ang sugatan sa tama ng punglo ng baril.

Pangunahing responsable dito ang mga kapitalista, kasabwat ang mga pulis at militar. Naganap ito sa ilalim ng Total War Policy ng rehimeng US- Aquino. Subalit hindi ito naging dahilan upang itigil ng mga manggagawa ang pakikibaka para sa mga lehitimong karapatan maging ang pagdaraos ng pagkilos tuwing Mayo Uno.

Ang Ating Paninindigan

Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang mga tangkang pagbawi ng mga kapitalista at papet na gobyerno ni Noynoy Aquino sa mga napagtagumpayang laban ng mga manggagawa tulad ng 8 oras na paggagwa at ang Mayo Uno bilang araw ng paggawa. Upang pigilan ang mga manggagawa na lumahok sa Mayo Uno, ginagawa nilang double o triple ang bayad kapag pumasok sa araw ng May 1. Itinataon din ang mga company outing at family day sa araw na ito, upang pilit na pauntiin ang sasama sa pagkilos at panawagan para sa sahod, trabaho, at karapatan.

Ngunit hangga’t may manggagawang bumubuhay sa lipunan, hangga’t nananatili ang pagsasamantala at pagyuyurak sa mga lehitimong karapatan, patuloy pa rin na itatanghal ang Mayo Uno bilang dakilang araw ng manggagawa. Hindi tayo papayag na agawin sa atin ng mga ganid na kapitalista at ng papet na gobyerno ang ating mga napagtagumpayan at ng mga manggagawang nagbuwis ng kanilang buhay.

Kaya’t ngayong Mayo Uno, muli nanamang lalabas ang mga manggagawa at mamamyan sa kanilang pagawaan at tahanan  at buong lakas na isisigaw ang mga  panawagan para sa sahod, trabaho, at karapatan. Ibayong organisahin at pakilusin ang  ating hanay. Sama sama nating palayain ang ating sarili sa kamay ng mapagsamantalng uri.

 Sahod, trabaho, at karapatan, IPAGLABAN!

 Dumalo at magpadalo sa pagkilos sa Araw ng Paggawa, May 1, 3pm sa Crossing, Calamba!

Manggagawa, Magkaisa! Pamunuan ang pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya!

mayouno2013small“Walang mawawala kundi ang tanikala ng pagkagapos” – Ito ang dahilan kung bakit mapagpasyang sinusuong ng uring manggagawa ang landas ng pakikibaka. Sa loob ng daantaong paghihirap dahil sa imperyalismo, pyudalismo, at mga lokal na naghaharing uri, napatunayan nang tanging ang uring proletaryado ang maaaring mamuno sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

Dahil taglay nito ang makauring layuning palayain ang sambayanan mula sa pagsasamantala, ang disiplina at organisadong paggawa na hinasa ng malaon nang pagpapakaalipin sa pagawaan, at ang kasanayan sa kolektibong pamumuno, hinding hindi mabibigo ang pagkakaisa ng mga manggagawang ginagabayan ng teoryang Marxismo-Leninismo-Maoismo.

Ngayong nalalapit ang ika-110 taong paggunita sa Araw ng Paggawa, haharapin ng uring manggagawa ang hamon na wakasan ang nabubulok na sistemang kapitalista at isulong ang kanyang mga demokratikong karapatan sa nalalapit ng pambansang halalan. Kinakailangang pagkaisahin ng uring manggagawa at mamamayan ang kanilang mapagpasyang lakas upang wakasan ang kahirapan at pagsasamantala.

Ang Dakilang Araw ng Paggawa: Noon at Ngayon

Nagsimula ang pagdiriwang ng Mayo Uno bilang dakilang araw ng paggawa at protesta upang igiit ang 8-oras ng paggawa.  Itinuring ang Mayo Uno bilang araw ng lahatang welga ng manggagawa sa iba’t ibang bansa, kung saan mapagpasyang itinitigil ang trabaho upang iparating ang mga panawagan para sa makataong kalagayan sa loob ng mga pabrika. Noong 1886, habang inilulunsad ng mahigit 200,000 manggagawa ang kanilang pagkilos sa araw ng paggawa sa Haymarket Square, Chicago, walang habas silang pinaputukan ng baril mga kapulisan. Libo-libong manggagawa ang nagbuwis ng buhay sa araw na iyon.

Sa Pilipinas, unang naglunsad ng pagkilos ang mahigit 100,000 manggagawa noong Mayo 1, 1903 sa pangunguna ng Unyon Obrera Democratica. Naranasan sa Timog Katagalugan ang isa sa mga pinakamarahas at madugong demonstrasyon noong May 1, 1988, kung saan walang pakundangang pinaputukan ng matataas na kalibre ng baril ang mga manggagawa. Gayunpaman, nagpatuloy ang taunang pagkilos ng mga manggagawa tuwing sasapit ang kanilang dakila at makasaysayang araw.

Ngunit, matapos pagbuwisan ng buhay ng mga ninunong manggagawa ang 8-oras na paggawa, pilit itong binabawi ng estado at mga kapitalista. Sa pamamagitan ng mga batas na ipinatutupad ng rehimeng Aquino, naisasagawa ng mga kapitalista ang sistematiko at mas matinding pagpiga ng lakas-paggawa ng uring manggagawa, at nakapag-uuwi ng mas papalaking tubo na siyang ginagamit niya upang pilit na iahon ang kanyang sarili sa pagkabulok at ganap na pagbagsak.

Sa timog katagalugan, malawakang ipinatutupad ang iba’t ibang work flexibilization schemes, pangunahin ang kontraktwalisasyon. Mahigit 65% na ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa rehiyon ang nakapaloob sa kontraktwal na empleyo, na itinatago bilang agency workers, cooperative, OJT, interns at iba pa. Makikita ang napakalaking bilang ng mga kontraktwal na manggagawa sa pagawaan ng Nestle, Carina, Toyota, SMP, NXP, PAC, Asia Brewery Inc. (ABI), Takata, Clarmil, Aichi Forging, EMI Yazaki, at Hoya Glass Disk. Gamit ang Department Order 18-A DoLE, malayang naipagkakait ng mga kapitalista ang pagbibigay ng makabuluhang sahod at benepisyo sa mga manggagawang kontraktwal.

Maliban dito, patuloy na ginagawang laboratoryo ng mga anti-manggagawang batas ang rehiyon, kung saan makikita ang mahigit kalahati ng pangkabuuang bilang ng mga empresa at sonang industriyal sa bansa. Noong nakaraang taon, ipinatupad ang Two Tiered Wage Scheme (DO 15-4A) ilang araw bago ang Mayo Uno. Sa pagpapatupad ng batas na ito, lalo pang pinababa ang minimum na sahod sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtatakda ng floor wage na P255.

Habang pilit na ipinagkakait sa mga manggagawa ang pagkakaroon ng makabuluhang dagdag sahod, walang benepisyo ang mga kontraktwal na manggagawang nagpapagal ng mahigit 8 oras araw-araw. Umaabot na sa P1,069 ang arawang pangangailangan ng isang pamilyang may 6 miyembro sa ngayon, subalit sadyang nakapako ang sahod at benepisyo at di matustusan kahit ang pansariling pangangailangan ng manggagawa.

Pilit namang pinapaliit ng mga kapitalista ang bilang ng mga regular na manggagawa sa pamamagitan ng mga Voluntary Separation Programs, retrenchment, retire and rehire, at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso. Tahasan nitong binabali ang mga napagtatagumpayan ng manggagawa sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA), at ipinagkakait ang CBA ng mga manggagawa, tulad ng ginagawang CBA Moratorium sa Philippine Steel at Takata. Sa ABI, tuloy-tuloy na binabarat ng kapitalista ang mga usapin sa dagdag sahod at benepisyo tuwing mayroong CBA ang mga manggagawa.

Dagdag pa, kinakasabwat ng kapitalista ang DoLE, sa pangunguna ni Sec. Rosalinda Baldoz at Usec. Rebecca Chato, at mga sangay nito at ang Supreme Court at Court of Appeals upang pigilan at hindi kilalanin ang mga unyong naipapanalo bilang Sole and Exclusive Bargaining Agent.  Sa certification election ng unyon sa Philippine Auto Components noong Marso 22, 2013, isang opisyal ng Bureau of Labor Relations-Region 4A na si Marivic Martinez ang nandaya sa pamamagitan ng ballot switching.

Upang panatilihin ang kasalukuyang pang-aalipin sa mga manggagawa, ginagamit ng mga kapitalista ang mga pwersa ng militar at kapulisan upang tiktikan, takutin, guluhin, at sa huli, pigilan ang pagkilos ng mga manggagawa para sa kanilang mga karapatan. Sa ilalim ng Oplan Bayahinan ni Aquino, ipinatutupad ang Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment sa rehiyon, kung saan pinapahintulutan ang direktang panghihimasok ng mga militar at kapulisan sa tuwing mayroong aktwal o nakaambang labor dispute sa mga pagawaan. Malinaw na nilalabag nito ang International Humanitarian Law na nagbabawal sa pagkakampo ng mga militar sa mga lugar kung saan mayroong sibilyang populasyon.

Pasan ng mga manggagawa at mamamayan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, produktong petrolyo, at kahit mga serbisyo tulad ng tubig, kuryente, at ospital. Sa ilalim ng programang Public-Private Partnership ni Aquino, binibigyang daan ang pribatisasyon ng mga serbisyo sosyal tulad ng edukasyon, mga ospital at pabahay. Dahil pinatatakbo ang mga ito bilang negosyo ng mga pribadong sektor, hindi na makasabay ang barya-baryang tinatanggap ng manggagawa mula sa mga kapitalista.

Ipinatupad ang K+12 program sa edukasyon sa layuning bigyan ng mga teknikal na pagsasanay ang mga kabataan bago pa man ito makatungtong ng kolehiyo upang tustusan ang pangangailangan ng mga kapitalista sa murang lakas paggawa. Imbes na dagdagan ng badyet ang sektor ng edukasyon, patuloy na itinutulak ang mga pampublikong paaralan na makipagpartnership sa mga pribadong kumpanya. Hindi pa man nakakakuha ng pormal na kurso ang mga estudyante, ipinapasok na sila bilang interns sa mga pagawaan, tulad ng ginagawa sa Takata. Hayagan ding ipinagkakanulo ng gobyerno ang mga kabataan at manggagawang mangibang-bayan, kung saan kalahati ng kanilang katawan ay maituturing na nasa hukay.

Nagpapatuloy naman ang land use conversion sa kanayunan, kung saan ginagawang sona at plantasyong industriyal ang mga sakahan. Ito ang dahilan kung bakit lumolobo ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa mayroong pinakamataas na unemployment rate sa Timog Silangang Asya.

Sa paglapit ng pambansang halalan, ginagamit ng gobyerno ang Commission on Elections upang gipitin ang mga progresibong partylist tulad ng Piston at Kabataan, at pilit na pigilan ang pagpapaupo nito ng tunay na kinatawan ng mamamayan sa kongreso. Dagdag dito, binaboy ng Korte Suprema ang partylist system, at pinapayagan nang tumakbo ang mga non-marginalized sectors sa pamamagitan ng mga partylist. Walang dudang ginawa ito upang itaguyod ang pananatili ng mga naghaharing uri sa gobyerno.

Walang maaasahan ang mga manggagawa at mamamayan mula sa administrasyong sumasamba sa mga dayuhang kapitalista. Hangga’t nananatiling tuta ng

imperyalistang Estados Unidos ang gobyerno ng Pilipinas, magpapatuloy ang pagpapakasasa ng mga dayuhan sa yaman at lakas-paggawa ng bansa, habang nakakaranas ng walang kaparis na krisis at kahirapan ang mga manggagawa at mamamayan.

Pakikibaka ng Mamamayan sa Pamumumo ng Manggagawa: Landas Tungo sa Paglaya

Tanging sa pakikibaka ng mamamayan na pinamumunuan ng uring manggagawa makakalaya ang bansa mula sa pananalasa ng imperyalismo. Kinakailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng manggagawa, magsasaka, at mamamayan upang wakasan ang pangangamkam ng lupa sa kanayunan, malawak na disempleyo, mababang pasahod, kawalan ng benepisyo, pagyurak sa karapatan, at paglala ng krisis pang-ekonomya at pampulitika sa bansa.

Gaya ng sinabi ng limang dakilang guro, tanging sa pamamagitan ng karit ng mga magsasaka, maipapatupad ang tunay na reporma sa lupa at mahahawan ang daan para sa tunay na kasaganahan. Gamit ang maso ng uring proletaryado, mapamumunuan ang pakikibaka ng mamamayan tungo sa pambansang industriyalisasyon, at maipapanday ang lipunang walang pagsasamantala—ang lipunang sosyalista.

Sahod, Trabaho, at Karapatan, IPAGLABAN!

Tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, IPATUPAD!

SULONG tungo sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba!

MABUHAY ang mga dakilang ambag nina Marx, Engels, Lenin, Stalin, at Mao sa kilusang paggawa!

Uring Manggagawa, HUKBONG MAPAGPALAYA!

Stop harassing progressive party-lists! Junk detrimental SC ruling on party-list system! –PAMANTIK-KMU

295581_10151484717689028_297330826_n-vert

The Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) condemns the harassment of progressive party-lists Piston and Kabataan, as the latter face disqualification cases based on mere technicalities and biased judgment. The regional trade union center has likewise expressed disgust over the new SC ruling on the Philippines’ party-list system that “allows groups not representing marginalized and underrepresented sectors” to participate in the elections.

PAMANTIK-KMU held a protest caravan and rally on April 17 at the Supreme Court and Commission on Elections in Manila to condemn the harassment of progressive party-lists, and the recent SC ruling on the party-list system.

“Just as the workers of Southern Tagalog are experiencing the worst labor conditions under the Aquino administration’s neo-liberal policies, we are truly disgusted over the seemingly plotted harassment of progressive party-lists through the Commission on Elections and the Supreme Court.” Joyce Rosales, PAMANTIK-KMU Deputy Secretary General said.

“For more than a century now, workers have been primary targets of exploitation by foreign capitalists, with the help of the local government, now led by imperialist puppet Noynoy Aquino. At the same time that we are calling for the ouster of DoLE Secretary Rosalinda Baldoz, we are hopeful about having real servants of the people in the lower house via the party-list system. Piston party-list and Kabataan party-list are proven representatives of millions of marginalized Filipinos who yearn to have free and quality education, lower prices of petroleum products, and a more sustainable economy that will provide its people with a more dignified life.” Rosales added.

“But the COMELEC and SC seem to be no different than Baldoz. They are guilty of implementing anti-worker laws and regulations, and are state apparatuses in suppressing millions of Filipinos who are relying on their party-lists in winning and bringing their voices to the congress.”

Earlier in March, the COMELEC has filed a disqualification case for Piston and Kabataan partylist, saying both have violated the rules in campaigning by placing posters on prohibited areas such as waiting sheds, posts, and other public areas.

“They have been very eager in filing and processing the disqualification cases against the two progressive party-lists who are known to be vocal critics of the administration and its neoliberal policies. Basing on mere technicalities, the COMELEC has jeopardized the votes of the two party-lists, which are currently in the top 12 party-lists running for seats in the congress according to various surveys. On the other hand, they are taking no action in reprimanding Akbayan’s Risa Hontiveros, who is running for Senate, who is guilty of the same offenses. There is only one possible reason why this is so—Hontiveros is Aquino’s ally in fooling and suppressing workers and farmers, in their objective to pursue the interests of their imperialist boss. ” Rosales added.

Risa Hontiveros is identified by the COMELEC as the top poster violator. Likewise, her party-list, Akbayan, is amongst the many party-lists who have been served with notices for their ‘unlawful campaign materials’.

The workers’ group also expresses their condemnation and disgust to the new SC ruling that allows non-marginalized groups to run as party-lists and win seats in the congress. Despite having an ‘immediate and executory’ clause on the SC ruling, PAMANTIK-KMU insists that they will continue to protest and call for the junking of the said decision.

“It is obvious that the Aquino administration is using all its agencies in systematically manipulating the upcoming national elections to serve for its own interests. By implementing such unreasonable ruling from the Supreme Court, the administration is bastardizing the party-list system, and through it is trying to maintain the status quo where only the ruling class—composed of landlords and capitalists—are able to run for the elections. Additionally, the SC ruling, which is based on the petition of formerly disqualified party-lists, gives way to reaccredit those which have been previously proven to not represent marginalized sectors. It is very disturbing to know that the rich and those who come from political dynasties can now openly run as representatives of their group or organization, whichever they decide to represent.” Rosales ended.###

Mga manggagawa ng Timog Katagalugan naghahanda para sa araw ng paggawa, naglunsad ng protesta sa DoLE, NLRC, Supreme Court, Court of Appeal, COMELEC at Mendiola

Tumulak ang mga manggagawa ng Timog Katagalugan patungong Maynila upang maglunsad ng isang kilos protesta sa mga ahensya ng gobyerno para kalampagin ang  mga ahente ng mga dayuhang kapitalista dahil sa walang habas nitong pagpapatupad ng mga anti–manggagawa at anti – mamamayang batas.

Unang tumulak ang mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DoLE) upang ipanawagan pa rin ang pagpapatalsik sa kalihim nitong si Rosalinda Baldoz. Anila, garapalan ang pagiging tuta ni Baldoz sa kanyang mga among dayuhan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga anti–manggagawang batas tulad ng Wage Order No. IVA-15 o Two Tiered Wage Scheme.

Ipinatupad sa timog katagalugan noong nakaraang taon ang DO 15-4A na lalong nagpapababa sa minimum na sahod na P315 tungo P255 na floor wage.

Ipinatupad din sa rehiyon, sa pangunguna ng DoLE, ang Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment na nagpapahintulot sa tuwirang panghihimasok ng mga militar at kapulisan tuwing mayroong aktwal o nakaambang labor dispute.

Binabayo ng hagupit ng kontraktwal na empleyo ang mahigit 65% ng mga manggagawa sa rehiyon, kung saan makikita ang kalakhan ng mga engklabo sa bansa.

“Malayang ineendorso ng gobyernong Aquino ang kontraktwalisasyon na siyang naglalagay sa mas kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa. Wala na ngang seguridad sa trabaho, napakababa pa ng sahod, walang benepisyo, at pilit na pinagtatrabaho ng higit sa 8 oras araw-araw.” Ani Joyce Rosales, Deputy Secretary General ng PAMANTIK.

Maliban sa pagpapatupad ng mga anti-manggagawang batas, nangunguna ang DoLE sa panlilinlang, pambubusabos, at pagsasalaula sa mga batas na ito mismo ang gumawa. Nito lamang nakaraang buwan walang kahiya–hiyang dinaya ng Bureau of Labor Relations (BLR-RAB-IVA), isang sangay ng DoLE, sa katauhan ni Marivic Martinez ang Certification Election sa Philippine Auto Components. Nahuli ng mga pollwatcher ng unyong Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa PAC si Martinez na dinadagdagan ng 30 balotang naglalaman ng botong “NO”.

Dagdag sa pandaraya ng DoLE sa mga CE ng iba’t ibang unyon, tinuligsa rin ng mga manggagawa ang makaisang panig na mga desisyon hinggil sa mga kasong isinampa ng mga manggagawa sa NLRC, BLR, NCMB, Court of Appeals at Supreme Court.

“Maraming kaso ng illegal dismissal ang naidulog ng mga manggagawa sa iba’t ibang antas at ahensya ng gobyerno. Sa rehiyong Timog Katagalugan, mayroong 58 na kasong nasa legal arbitration. 10 lamang dito ang nanalo, habang 28 ang natalo, at 20 ang alanganing manalo. Sa 143 kasong itinaas sa National Labor Relations Commission, 34 ang nagkaroon ng desisyong pabor sa manggagawa, habang 109 ay para sa kapitalista.”

“Hindi pa malinaw sa 34 na paborableng desisyon kung ipapatupad ito ng kapitalista.  62.45% ng 269 kasong isinampa sa legal arbitration, NLRC, at hanggang Supreme Court ang napagdesisyunan pabor sa kapitalista.” Ani Rosales.

“Ang mga ito ay ilan lamang sa mga hinaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan, na nagtutulak sa kanilang ipanawagan ang pagpapatalsik kay DoLE secretary Rosalinda Baldoz bilang pangunahing may pananagutan sa kainutilan at kawalang-hiyaan ng kanyang ahensya.”

“Habang pilit na pinapako ang sahod, benepisyo, trabaho, at karapatan ng mga manggagawa, walang-tigil ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sadyang wala nang masulingan ang uring manggagawa kundi igiit at ipaglaban ang kanyang mga lehitimong karapatan.”

“Sa darating na Mayo Uno, muling ipapakita ng mga manggagawa ang kanyang nagkakaisang lakas, tulad ng ginawa ng mga ninunong manggagawa mahigit 110 taon na ang nakalilipas. Kung dati’y kinaya nilang iwanan ang kanilang mga trabaho upang igiit ang 8 oras ng trabaho, kakayanin ng mga manggagawa sa kasalukuyang panahon ang magkapitbisig upang ipagtanggol ang tagumpay sa 8 oras paggawa, pagtatakda ng minimum na sahod at mga benepisyo, at karapatang mag-unyon.”

Nakatakdang maglunsad ng malakihang pagkilos ang mahigit 11,000 manggagawa sa timog katagalugan sa darating na May 1 sa Crossing Calamba, Laguna.###

 

Enforced Disappearances Under Aquino Regime Continue: Daughter of PISTON Partylist-ST and KASAMA-TK Organizer, Abducted

Gestine-May-Canaman
Gestine,18 years old, St. Scholastica Academy Marikina Student, Daughter of PISTON Partylist Southern Tagalog leader and organizer and KASAMA-TK organizer

The Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) condemns to the highest level the abduction of a PISTON Partylist and Katipunan ng Samahang Magsasaka sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) organizers’ daughter on April 2, 2013. The said incident is the second recorded abduction involving the victim within four months.

Gestine May B. Canaman, 18 years old, was abducted by suspected military members on April 2, at around 9 o’clock in the evening. The abduction took place just outside the Saint Scholastica Academy Marikina, where the victim has been sheltered following the first recorded abduction incident in November 2012.

According to Vangie Llanguido, Gestine’s co-scholar at the St. Scholastica Academy, the victim detached from their group to buy prepaid mobile phone credits from the adjacent loading station. Apparently, it was the last time that they have seen Canaman, prior to reporting her missing.

At around 9 o’clock in the evening, an hour after the victim detached from the group, Llanguido and the rest of their dorm mates began to worry, as Canaman has yet returned to their dormitory.

It was at the same time that Llanguido received two text messages from the victim, saying “Bdbe tulong ung sundako” (Babe help, the soldier). Within less than two minutes after receiving the said message, the recipient attempted to call the victim’s number, but it was unreachable by then.

At present, the parents of the victims, together with members of PAMANTIK-KMU, KARAPATAN-ST, and other organizations are launching simultaneous visits to different military camps, police stations, and hospitals around the vicinity in hope of finding their missing kin.

A repeated abduction case

On November 19, 2012, KARAPATAN-ST recorded the first abduction case involving the same victim by suspected military members in Bayan, Los Banos, Laguna. The incident took place at around 5 to 6 o’clock in the evening, as the victim was on her way home after attending her classes at the Laguna State Polytechnic University.

A white tinted car, which parked right beside Canaman, was unloaded by two unidentified armed men and forcibly took her into the car. The suspects immediately blindfolded and gagged the victim, and transported her to an unfamiliar place.

Canaman says she was brought to a safehouse, where she was continuously interrogated and physically harassed by more armed men about her parents’ whereabouts.  As she remained silent, the suspects threatened to shoot her.

Around 11 pm, Canaman was left blindfolded, hands-tied in an isolated area between Calauan and Sta. Cruz Laguna.

According to Tranquilino and Arlyn Canaman, their daughter returned home past midnight that day. The victim was traumatized, unable to speak, and without her left shoe.

Continued threats to the family

Prior to the abduction of their daughter, Tranquilino and Arlyn, both fulltime organizers of progressive groups PISTON Partylist and KASAMA-TK, have long been targets of harassment and demoralization by suspected military and paramilitary elements.

On June 25, 2012, an unidentified man handed over an envelope to Arlyn, while the latter was busy purchasing goods at a certain wet market in Los Banos, Laguna.

Inside the said envelope labeled ‘Arlyn’ was a letter tagging her and her organization as a supporter of the New People’s Army, offering a huge amount of money in exchange of her ‘cooperation’. Also included in the letter were threats against informing anyone about the incident.

Gestine Canaman: A Jonas Burgos under the Aquino Regime?

Just a few days after the Court of Appeals declared the AFP’s accountability on the Jonas Burgos case, Canaman’s disappearance sets the alarm for the Commission on Human Rights to act on current human rights violation cases.

“This is not an isolated human rights violation case under the current administration. Since the implementation of Aquino’s counter insurgency program Oplan Bayanihan, there have already been 3 cases of enforced disappearances and 20 cases of extra judicial killings. In all of the said cases, victims are members of progressive groups and partylists.” Hermenegildo Marasigan, PAMANTIK-KMU Spokesperson, said.

“Despite his pretentious attempt to address the worsening human rights situation in the country, Aquino has stagnantly pointed fingers without taking real actions in serving justice to the victims. Just as Jovito Palparan, the mastermind of hundreds of enforced disappearances and extra-judicial killings during Gloria Macapagal-Arroyo’s time, remains at large, the AFP, PNP, ISAPF, and other paramilitary forces are continuously used as state apparatuses in silencing the people.” Marasigan added.

“While Aquino repeatedly vows justice for the victims of the Maguindanao massacre, election-related violence such as the abduction of the daughter of a PISTON Partylist organizer proves his insincerity. He endlessly condemns and accuses the Arroyo administration for HR violations with his self-vested political interests; but in reality, his hands are no different from the blood-drenched hands of Arroyo.”

“Obviously, Aquino is afraid that more progressive lawmakers will make it to the lower houseand his administration is taking all necessary steps to stop them—even if it means jeopardizing innocent lives such as Gestine’s.”

“We will not stop searching until we find Gestine. Even more, we are determined to expose Aquino’s anti-people administration and counter insurgency program which blatantly violates constitutionally guaranteed rights of the people.” Marasigan ended.###