Pasang Krus ng Mamamayan, Pabigat nang Pabigat

Ngayong Semana Santa, gugunitain muli ang pagpapakasakit ni Hesu Kristo sa krus upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan. Sa kasalukuyang kalagayan ng mga mamamayan, sino kaya ang tutubos sa kanila? Patuloy na bumibigat ang krus ng kahirapan, pangunahin dahil sa inaasahang manunubos sa katauhan ni Aquino. Sa paggunita sa pagkamatay ni Hesu Kristo, marapat lamang na isabuhay ang kanyang diwang mapanlaban, at isulong ang karapatan ng mga api at mahihirap.

Pasang Krus ng mga Manggagawa at Maralita sa Ilalim ni Aquino

Kadusta-dusta ang kalagayan ng mga manggagawa, lalo nang ipatupad noong 2012 ang Two Tiered Wage System o DO 15 – IVA dito sa CALABARZON. Isang sistema ng sahuran ang TTWS kung saan lalo pang pinabababa ang napakababa na ngang minimum na sahod mula sa P315 patungong P255 na floor wage.

Kasabay nito ipinatutupad na din ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment bilang bahagi ng kontra-insurhensyang Oplan Bayanihan. Ipinaubaya na ng tuluyan sa mga militar at kapulisan ang pananatili ng “peace and order” tuwing may labor dispute sa mga pagawaan. Ang kasunduang ito ang ginamit sa pagawaan ng Philsteel kung saan ilang beses na dinahas at nilinlang ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsasabwatan ng DoLE, kapitalista, at mga kapulisan.

Dagdag dito ang tila epidemyang lumalaganap na kontraktwalisasyon—isang iskemang pagtitipid na unti-unting pumapatay sa mga manggagawa. Sa ngayon, mahigit 60% ng kabuuang hukbong paggawa ang nakapailalim sa kontraktwalisasyon, at tinatago sa iba’t ibang katawagan tulad ng OJT, agency workers, kooperatiba, at interns. Sa pagawaan ng Takata, NXP, PAC, SMP, at Hoya, makikita ang malaking diperensya ng bilang ng mga regular sa kontraktwal.

Nagsisilbing Poncio Pilato ang katauahan ni Rosalinda Baldoz, kalihim ng DoLE, bilang pangunahing tagapagpatupad ng mga anti-manggagawang batas ng estado.

Samantala, walang humpay ang demolisyon na kinakaharap ng mga maralitang lungsod sa Timog Katagalugan dahil sa Proyektong CALABARZON sa ilalim ng Public-Private Partnership Program (PPP) ng rehimeng US – Aquino.

Libo-libong pamilya na naninirahan sa baybay lawa, baybay ilog, at tabing riles ang sapilitang pinapaalis at inililipat sa mga relokasyon na hindi naman angkop na panirahan. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay at serbisyong panlipunan, naitutulak sa mga di kanais-nais na gawain tulad ng pagnanakaw, panghoholdap, pagkalulong sa droga at prostitusyon ang mga maralita. Ganito ang sinapit ng mga mamamayang sa Southville at iba pang relokasyon sa rehiyon.

Sino ang tunay na manunubos?

Sa loob ng napakahabang panahon, napatunayan nang hindi ang pagpagpapalit ng mga pangulo at mga namumuno sa gobyerno ang magiging kasagutan sa ugat ng kahirapan ng sambayanang Pilipino. Hindi matatakasan ang pasaning krus ng mamamayan kung patuloy lang na aasa sa mga pangako ng mga nagbabalatkayong manunubos.

Tanging ang mamamayan lamang ang makakapagpaalis ng krus na kanyang pinapasan. Kaya nararapat na magpunyagi, patuloy na labanan at ilantad ang mga mapanlinlang na patakaran ng gobyerno ng mga bulaang propeta ng mga imperyalistang lumikha ng pasaning krus ng sambayanang Pilipino.

Sama-samang kumilos at ilantad ang mga traydor katulad ni Hudas Eskaryote at mapanlinlang na mga Poncio Pilato! Isulong ang karapatan ng mga api at mahihirap!

Two Tiered Wage System, Anti-manggagawa, IBASURA!

TIPC Manifestos of Commitment, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHINTULUTAN!

Public Private Partnership ni Aquino, Salot sa Mamamayan, IBASURA!

Sahod, Trabaho, at Karapatan, IPAGLABAN!

Pambansang Industriyalisasyon at Tunay na Reporma sa Lupa, ISULONG!

 

DoLE officer caught cheating, attempts to defeat union in certification election

In one of Philippine labor’s revealing truths, a regional election officer of the Bureau of Labor Relations (BLR-RAB-IVA), a branch of the Department of Labor and Employment, was caught cheating in a certification election held in Laguna today, March 22, 2013.

Election officer Marivic B. Martinez, Supervising Labor Executive Officer of the DoLE Laguna Provincial Office (LPO), was supposedly facilitating a clean and honest union certification election in Philippine Auto Components, Incorporated when workers caught her slip from her pocket a roll of ballots she switched right before vote counting was concluded.

Union poll watchers Omar Legaspi and Roman Dave Gecolea narrated that Martinez made it appear that a ballot dropped on the floor.  When Martinez picked it up, she then switched it for a bunch of ballots that contained the “NO” votes.  Legaspi and Gecolea immediately exposed the situation.  Martinez, in an attempt to cover-up the cheating, threw the ballots, numbering to about 30.

“We felt betrayed by what we saw.  We cannot believe that a DoLE officer like Ms. Martinez will commit such kind of dastardly act to defeat our election,” said Legaspi.  “We are only fighting for our right to have a union inside our workplace.  It is our constitutional right, but why is DoLE preventing us from getting that right?” Legaspi added.

Martinez expectedly denied the cheating and said that the said ballots she was holding were cast by a batch of workers.

“The official ballots cast are folded in three.  Surprisingly, those which came from Ms. Martinez are rolled,” added Legaspi.

Legaspi, a union board member, expressed disbelief to have 30 ballots at one instance, when only 8-10 ballots are cast in every batch of voters.  He also said that before the incident, Martinez prodded them to leave the area despite them being registered election poll watchers.

The cheating involving DoLE election officer Martinez is the height of election irregularities in PAC.

Meanwhile, the militant regional trade union center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) condemns the anomalies facilitated by DoLE itself in the PAC certification election.

“Once again, and more blatantly, DoLE has proven its pro-capitalist and anti-worker character.  We cannot help but think that such kinds of dirty tactics could have also been done in other certification elections leading to the workers’ loss of their unions in Daiho, Honda Parts, F-Tech, UTT, and many others in Laguna, all of which involving Martinez as election officer,” said Hermenegildo Marasigan, PAMANTIK-KMU spokesperson.

“We have filed cases at DoLE regarding questionable certification election results in the past, but up to now, the DoLE continues to just sit down on the complaints.”

“Martinez’ act proves the countless allegations against DoLE being a cohort of the capitalists in union-busting and instituting a union-free environment.  We are demanding that Martinez be impeached or removed from office.  This is clearly a conduct unbecoming of a labor official.”

“This kind of dirty tactic is reminiscent of the “dagdag-bawas” (add and shave) happening at the national and local election.  Clearly, corruption is rampant even at the lower level of government branches,” Marasigan continued.

PAC supervisor “kidnaps” two workers

In a related incident, the workers said the management employed various tactics to sabotage the union election and dissuade workers from voting for a union inside the company.

Night before the elections, the union reported that a “kidnapping” incident was committed by Quirino Abraham Cruz, a supervisor in PAC.

Cruz forcibly took union members Abby Toledo and Rose Ann Balaaldia to ride on his car instead of boarding the shuttle, after coming out from their work at around 7:30pm.  Out of fear from Cruz, the two workers were obliged to follow his orders.

When the union learned of the incident, they immediately dispatched a team to rescue the two workers.  They were able to stop the car in Parian, Calamba City, just minutes away from the factory.  The workers asked the assistance of a police who happened to be at the vicinity.  The police asked Cruz to roll down his window and saw that the two women workers were there.  When asked if they are forced to go with Cruz, the workers who were in a state of shock cannot even answer.

Cruz and the two women were brought to the Calamba City Hall.  There, a certain SPO1 Reyes brought the two workers inside a room and talked with them in a closed-door session.  Prior to this, Jong Arcilla, a head supervisor in PAC talked with Reyes.  After the closed-door meeting, the two women refused to talk anymore about the incident.

Outside the station, the two women confided that they were told by SPO1 Reyes that kidnapping is a serious case and that if they pursue it, their work and even their families will be affected.  Out of fear, the two women opted not to testify about the incident.

The union filed a police blotter of the incident.

PAC manufactures car parts and supplies it mostly to Toyota.  Located at Carmelray 1 Industrial Park in Canlubang, Laguna, it has 1,122 workers, of which 601 belongs to the rank and file workers.  The average wage is PhP 340-350 for pioneer workers, just slightly higher of the region’s minimum wage of PhP 337.  PAC has operated in the country since 1996.  Its mother company, Denso, is located in Japan.###

 

Tuloy ang laban ng mga manggagawa ng Toyota! Tuloy ang pakikibaka para sa hustisya!

Ipinapaabot ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pinakamataas na pagkilala at pagpupugay para sa ika-12 taong pakikibaka ng 233 manggagawa ng Toyota na iligal na tinanggal noong ika 16 ng Marso, 2001. Makalipas ang mahigit isang dekada ng kawalang-hustisya, higit na kinakailangan ang muling pagpapasigla ng pakikibaka ng uring manggagawa sa loob at labas ng planta ng Toyota, upang igiit ang karapatang magkaroon ng tunay, palaban, at makabayang unyon na magbibigay daan sa pagtamasa ng sahod, trabaho, at karapatan.

Matapos ang iligal na tanggalan ng 233 manggagawa sa Toyota noong Marso 16, 2001, isinulong ng halos 600 manggagawa  ang kilusang welga sa dalawang planta ng Toyota (Bicutan Plant, Sta.Rosa Plant). Dinahas naman ito ng kapitalista gamit ang pinakamaasahang kakampi, ang Department of Labor and Employment. Binabaan ng Assumption of Jurisdiction at marahas na binuwag ang welga sa utos ni dating Sec.Patricia Sto Tomas at sa likod ni Gloria Macapagal Arroyo.

Sa kabila ng hirap, pasakit at walang kabuhayan, matapang na hinarap ng mga manggagawang iligal na tinanggal ang retalyasyon ng kapitalistang Toyota sa pagkilos ng mga manggagawa at paggigiit sa tunay na unyon. Muling inorganisa ang mga manggagawang nasa loob pa ng pagawaan at lumikha ng mga makasaysayang pakikibaka.

Napagtagumpayan ng mga manggagawa ang pagiging Sole and Exclusive Bargaining Agent ng unyong TMPCWA sa utos ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, subalit buong kahibangang tinakasan ng kapitalistang Toyota ang desisyon. Sa halip na kilalanin ang unyon, lumikha ito ng unyon na magsisilbi sa kanyang interes , ang TMPCLO. Kinasabwat muli nito ang DOLE upang pagmukhaing dumaan sa legal na proseso ang panlilinlang, at sa huli, ito ang kanyang kinilala bilang SEBA.

Sa loob ng halos 5 taong panunungkulan ng unyon, binatbat ito ng anomalya at korupsyon ng kanyang mga opisyales. Hinayaan ng Toyota na ang mga manggagawa ang magbangayan at naliligtas ng kanyang sarili. Hindi kailanman nagsilbi sa mga manggagawang rank-and-file ang unyong itinayo ng management, bagkus ay naging susi sa pilit na pagpapatahimik ng mga manggagawa.

Noong Agosto 2, 2010, muling inatake ng Toyota ang unyong TMPCWA sa pamamagitan ng iligal na tanggalan. Gamit ang mga kasong walang batayan, tinanggal sina Wenecito Urgel, Ariel Lalap, Ronald Belen at Dante Pantino, pawang mga opisyales ng TMPCWA upang pahinain at paatrasin ang mga manggagawa sa pagsusulong ng tunay na unyon.

Sa kasalukuyan, may bagong pamunuan na ang unyong TMPCLO subalit hindi pa rin nito kayang ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa. Sa katunayan, palala nang palala ang kalagayan sa loob ng pagawaan. Halos 70 porsyento ng kabuuang bilang ng mga manggagawa ay binubuo na ng mga kontraktwal, sa anyo ng OJT at Cooperative. Wala itong ibang pakahulugan kundi ang kawalan ng kasiguruhan sa trabaho, napakababang sahod, at kawalan ng maayos na benepisyo kapalit ng milyon-milyong kita ng kapitalista araw-araw.

Dumarami rin ang manggagawang napipilitan nang magresign at mangibang-bayan na lamang dahil sa hirap ng kalagayan sa loob ng Toyota.

Upang pilit na pagtakpan ang hindi nito pagsunod sa naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagiging SEBA ng TMPCWA, patuloy na ginagapang ang mga biktima ng iligal na tanggalan upang alukin na magpabayad na lamang. Tulad ng iba pang mga kumpanyang multinasyunal at transnasyunal sa rehiyon, walang kinikilalang batas ang Toyota sapagkat sila mismo ang itinuturing na amo ng mga papet na rehimen sa bansa. Lantaran din nitong nagagamit ang DoLE at iba pang ahensya ng gobyerno para sa kanyang sariling interes, kapalit ng pagkabusabos ng mga manggagawa.

Nagpapatuloy ang hamon sa mga manggagawa ng Toyota na alamin ang maningning na kasaysayan at itaguyod ang kanilang militante at makabayang tradisyon. Sa panahon kung kailan walang humpay ang pagsasamantala ng kapitalista sa mga manggagawa, kinakailangan ang pagkakaisang nakabatay sa makauring interes. Higit kailanman, kinakailangan ang tatag at militansya ng mga manggagawa upang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan laban sa pambubusabos ng dayuhang kapitalista at pagsasalaula ng gobyernong anti-manggagawa.

KATARUNGAN SA MGA 233 MANGGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL NG TOYOTA!

PAGPUPUGAY SA IKA-12 TAONG KOMEMORASYON NG MAGITING NA PAKIKIBAKA NG MGA MANGGAGAWA NG TOYOTA!

TULOY ANG LABAN PARA SA SAHOD, TRABAHO, AT KARAPATAN!