Southern Tagalog workers reject ECOP logic on P30 NCR wage hike

Regional trade union center Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) rejects the Employers’ Confederation of the Philippines’ (ECOP) logic and petition for reconsideration on the recent P30 wage increase implemented by the National Wages and Productivity Commission (NPWC) for Metro Manila.

ECOP has filed for reconsideration on the P30 NCR wage increase approved by the NPWC, saying it ‘excessive and unreasonable’.  ECOP president Edgardo Lacson claims that the NPWC ‘did not consider the consumer price index, the capacity of the employers and the impact of such wage hike on employment generation’.

PAMANTIK-KMU outspokenly rejected ECOP’s logic, as it asserts the obvious insufficiency of a P30 wage hike versus the increasing family living wage (FLW) in the National Capital Region.

“A P30 wage hike is but a measly amount compared to what these employers and capitalists earn and bring to their own pockets.  In fact, they should be implementing the long-sought P125 wage increase nationwide instead.  Even such amount will not hurt capitalists’ profits, especially multinational and transnational companies that earn millions and billions each day.” PAMANTIK-KMU Secretary-General Wenecito Urgel said.

“There is also a big lie in claiming that a meager P30 increase will affect employment generation.” Urgel added.

According to a recent study by IBON Foundation, FLW in NCR is estimated to be at P1,017 as of May 2012.  It says that the P446 minimum wage in the region is less than half of what the regular Filipino family of six (6) needs every day.

“The major factors affecting employment growth are the government’s neoliberal policies and trade liberalization schemes that continuously constrict jobs into very low-paying, contractual employments in exchange of high capitalist profits and more lenient laws governing foreign investments in the country. Capitalists, through the ruling-class controlled ECOP, are simply using reasons related to employment generation to stop workers from calling for a just and reasonable wage increase.” Urgel said.

In the Southern Tagalog region where the two-tiered wage system was first implemented, a P12.50 wage increase was given to workers who received less than the P255 floor wage.  For those paid at least the minimum wage set at P337, a productivity based pay to be determined solely by the company will be given.

But PAMANTIK-KMU exclaimed the new wage system “an obvious adherence of the government to the demands of the capitalists who do not want a single cent out of their pockets for their employees”.

“In too many cases, these companies use such obsolete reasons to stop
even the most derisory wage increases contemptuously given as alms to
poor and destitute workers.  With Aquino prioritizing investors’ demands over workers’ interests, the rest of the country is at risk at being implemented with the two-tiered wage system which will make these capitalists more aggressive in lowering wages and denying workers of just increases.” Urgel said.

“The fight for the P125 wage increase continues, and the workers of Southern Tagalog will not cease to call for living wages. The Filipinos should unite against Aquino’s neoliberal policies, and demand real economic growth through nationalization of industries. This is the only way to create stable jobs with just and living wages for Filipinos.” Urgel ended.

IBON foundation cited past administrations and their corresponding implementation of wage increases vis-à-vis the annual gross domestic product (GDP) growth and unemployment rate.  Statistics from the National Statistical Coordination Board (NSCB) and employment data from the Labor Force Survey (LFS) of the NSO showed that under Corazon Aquino’s term where the largest real wage increase since 1986 was recorded had a 3.9% average annual GDP growth, second highest since Marcos was ousted from his post.  Arroyo’s term, on the other hand, which tallied only a total of P9.oo during her 9 years in office, had the worst unemployment rate equal to 11.2% annually.###

Kalayaan para kay Gloria, kawalang-hustisya para sa manggagawa at sambayanan

Dalawang araw matapos magyabang si Aquino at magtahi ng namumulaklak na kasinungalingan sa kanyang State of the Nation Address, nakangiting naglakad papalabas ng Veterans Memorial Medical Center ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pagkaraang mapalaya sa walong buwang hospital arrest. Pinahintulutan ng Pasay City Regional Trial Court mapalaya at makapaghapag ng P1 milyong piyansa si Arroyo matapos katigan ng korte na mahina ang isinampang kasong “electoral sabotage” sa kawalan nito ng “quantum of proof” upang maparusahan ang dating pangulo.

Sa kabila ng kunwa’y pagkondena ni Aquino sa pagnanakaw, pandaraya, at pandarahas ng nakaraang rehimen, walang nakitang seryosong hakbang sa loob ng dalawang taon niyang panunungkulan upang tuluyan nang maparusahan at makalaboso ang numero unong kriminal na si Arroyo.

Hindi maitatanggi sa taumbayan ang katotohanan na nagtuturo kay Arroyo bilang pangunahing may sala sa mga kasong nabanggit. Subalit mabagal, nag-astang “bagito”, at walang kahihiyang naglantad ng pagkainutil ang kasalukuyang administrasyon sa pagsasampa ng mga kaso laban kay Arroyo. Taliwas ito sa sinabi ni Aquino sa kanyang electoral campaign slogans, inaugural speech, at unang SoNA.

Malinaw sa mamamayan na ginamit lamang ni Aquino ang pagkabulok ng rehimeng Arroyo upang magpapogi at umani ng kasikatan.  Sa huli’t huli, hindi seryoso ang gubyernong Aquino sa pagbibigay ng hustisya sa malawak na sambayanan sapagkat panig sa naghaharing uri at hindi kailanman sa mamamayan ang kanya mismong papet na pamumuno.

Paglaya ni Arroyo, pananagutan ni Aquino

Matatandaang sa kauna-unahang SoNA ni Aquino, malaking bahagi ng kanyang talumpati ang pagpapanagot sa dating pangulo na nandambong sa yaman ng bayan, nandaya noong eleksyon 2004 at 2007, at naging utak ng libo-libong kaso ng paglabag sa karapatang tao.

Pinalampas ni Aquino ang isang taon at limang buwan bago gumawa ng hakbang at sampahan ng kasong “electoral sabotage” si Arroyo.  Dahil minadali ang pagsasampa ng kaso na ginawa lamang upang pahupain ang mariing pagkilos ng mamamayan noong Nobyembre 2011, naging mahina at malabnaw pa din ang kaso dahil umano sa kawalan ng matibay na ebidensya.

 Sa dami ng kasalanan ni Arroyo sa taumbayan, pinahintulutan itong magkaroon ng iba’t ibang kaluwagan tulad ng hospital arrest kapalit ng pagkakakulong sa regular na kulungan ng mga kriminal.  Naging ispesyal ang pagturing kay Arroyo habang idinadahilan nito ang pagkakasakit upang pilit na makalabas ng bansa.

Bagama’t hindi tuluyang nakaalis si Arroyo, wala pa ring pinagkaiba ang kinahantungan nito dahil agad itong nakalaya at nakapag-piyansa sa halagang 1 milyong piso—halagang wala sa katiting ng ninakaw at kinurakot niya noon sa kinasangkutang NBN-ZTE scam, PCSO funds, at napakarami pang iba.

Naghabol ng panibagong kasong plunder laban kay Arroyo ang gubyernong Aquino, ngunit wala pang isang linggo ay ibinalik na ito sa Ombudsman at naitigil ang hearing ng kaso dahil sa mga teknikal na batayan.  Dahil dito, malabo ang posibilidad na maaresto muli si Arroyo, at maparusahan ayon sa kanyang naging mga kasalanan.

Kawalang hustisya para sa manggagawa at sambayanan

 Kabaligtaran ng kanyang pilit na ipinapakita, tila wala talagang balak ang administrasyong Aquino na tugisin ang isang napakalaking kriminal at mastermind ng pagnanakaw, pamamaslang, at pandaraya sa malawak na mamamayan.  Ang iba pang sangkot sa mga krimen na pinangunahan ni Arroyo tulad ni Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan, na tinaguriang “berdugo” sa hanay ng mga progresibong organisasyon at lider manggagawa, ay malaya pa rin hanggang sa ngayon.

Sa hanay ng uring manggagawa sa rehiyon, umiral sa panunungkulan ni Arroyo ang isang “de facto Martial Law”.

Si Arroyo mismo ang nagbansag na terorista ang mga manggagawang nagsasasagawa ng kanilang karapatang magwelga sa kanyang talumpati sa San Pablo City sa induction ng mga barangay captains sa mga katagang “let us fight against those who terrorize factories that create jobs”.

Sa napakaraming pagkakataon, ginamitan ng dahas ang mga welga at pagkilos ng manggagawa sa iba’t ibang pagawaan tulad ng karanasan sa Nestle, Nissan Motor, Masuda, Asia Brewery, Hanjin Garments, Toyota Motors, at marami pang iba.

Direktang nakialam ang mga pwersa ng militar, kapulisan, at mga hired goons sa utos ng dating pangulong si Gloria Arroyo at mga kapitalista.  Itinayo ang mga detachment ng militar sa loob ng mga pagawaan, engklabong industriyal, at komunidad upang tiktikan, takutin, at pilit na patahimikin ang mga manggagawa sa gitna ng lumalalang krisis pang ekonomya at pulitika sa loob at labas ng bansa.

Pinangunahan din ng Malacanang at Department of Labor and Employment (DoLE) ang isang kasunduan sa mga employer groups at dilawang unyon upang ipagbawal ang pagsasagawa ng welga ng manggagawa sa pamamagitan ng “Industrial Peace Accord” noong Oktubre 2004.

Nakapagtala din sa ilalim ni Arroyo ng napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pagpaslang kay Diosdado Fortuna, tagapangulo ng PAMANTIK-KMU at pangulo ng unyon sa Nestle Cabuyao.  Sumunod pa ang mga pagpaslang sa mga lider-unyonista sa Alaska, Tritran Bus Lines, EMI-Yazaki, Takata Philippines, at iba pa. Hanggang sa ngayon, walang pa ni isa sa kanila ang nabibigyan ng katarungan.

Hindi ni minsan dininig ang panawagan para sa makabuluhang dagdag na sahod, ngunit todo-bigay naman ang suporta ng nagdaang rehimen sa mga dayuhan kapitalista sa pamamagitan ng mga palugit at kaluwagan sa usapin ng buwis.  Hinayaan ni Arroyo ang kalunos-lunos na kalagayan ng uring manggagawa dahil sa kawalan ng batayang serbisyong panlipunan, habang pilit na tinataguyod ang kapakanan at interes ng mga dayuhan.

Aquino: Masugid na tagapagpatuloy ng mga krimen ni Arroyo 

 Aroganteng ibinida ni Aquino ang kanyang pagkamuhi sa nakaraang rehimen upang gumawa ng “maka-mamamayan” na reputasyon.  Ngunit makalipas ang dalawang taon sa estado poder, malinaw na wala itong pinagkaiba sa nakaraang rehimen.

Pagpapatuloy at pagpapatindi lamang ng mga programa ng dating rehimen ang inatupag ni Aquino sa kanyang panunungkulan.  Tuloy-tuloy na dinaraya at niloloko ni Aquino ang sambayanan sa pamamagitan ng kanyang mga patakarang neoliberal, na animo’y para sa kapakanan ng nakararami, ngunit sa nakatuon lamang sa esensya para sa interes ng mga dayuhan.

Walang tigil ang pagpaslang sa hanay ng mga progresibo at kritiko ng gubyerno, gayundin ang marahas na pagbuwag sa mga pagkilos ng mga manggagawa at mamamayan.  Hanggang sa ngayon, hindi kinikilala ang karapatan ng manggagawa sa pag-uunyon sa napakaraming pagkakataon.  Ipinormal pa sa pamamagitan ng isang inter-agency memorandum of commitment ang militarisasyon sa loob ng mga pabrika, engklabong industriyal, at komunidad ng manggagawa.

Wala pa ring makabuluhang dagdag na sahod para sa uring manggagawa, bagkus ipinatupad ang two-tiered wage system na lalong nagpababa sa sahod, at nagpakomplika sa pagbibigay ng dagdag na sahod.

Walang pagdadalawang-isip na binibigyan ni Aquino ng kalayaang magnakaw ang mga dayuhan sa likas-yaman ng bansa, pinahihintulutang pumiga ng lakas-paggawa ng uring manggagawa, at direktang ibinibigay ang bilyun-bilyong piso sa mga dayuhang pamumuhunan ayon sa dikta ng kanyang among imperyalistang Estados Unidos.  Kung susumahin, ipinagpapatuloy lamang ni Aquino ang mga krimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Sama-samang tanggulan, sama-samang pagkilos

 Hindi kailanman maaasahang magbibigay hustisya sa uring manggagawang at mamamayan ang isang gubyernong dominado ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador.

Tanging sa kolektibong pagkilos at pag-iisang lakas ng mamamayan laban sa dominasyon at kontrol ng imperyalistang Estados Unidos at mapanupil na gubyernong Aquino makakamit ang hustisya para sa sambayanang pinahihirapan ng kasalukuyang sistema.

Manggagawa, magkaisa!

Ipagtanggol at ipaglaban ang sahod, trabaho, at karapatan!

Isulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka!

Tuloy ang laban para sa pagkamit ng hustisya! Papanagutin at parusahan si Gloria!

Noynoy at Gloria, walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador, pasista!

MANGGAGAWA at MAMAMAYAN, Maghimagsik laban sa pahirap na rehimeng US-Aquino! KaSONAngalingan ni Noynoy, ITAKWIL!

 

                                     

 

Noynoy Aquino SoNA
Mga Manggagawa, maghimagsik laban sa pahirap na rehimeng US-Noynoy Aquino!

Sa muling pagtuntong ni Benigno “Noynoy” Aquino III sa entablado upang mag-ulat sa kalagayan ng sambayanan sa kanyang State of the Nation Address (SoNA), siguradong sasalubungin ito ng masigabong palakpakan mula sa kanyang mga kauri at iilang nakikinabang sa kanyang panunungkulan.  Ngunit tiyak na mas malakas at dumadagundong ang sigaw ng malawak na mamamayang nakararanas ng walang kaparis na kahirapan at disgusto sa ilalim ng kanyang rehimen.  Kabaliktaran ng kanyang ipinangangalandakang paglaki ng ekonomya at pagbuti ng kalagayan ng sambayanang Pilipino mula sa kanyang mga patakarang neoliberal, walang pag-unlad na nararanasan, bagkus lalo pang naghihikahos ang uring manggagawa at sambayanan.

Sa SoNA ni Aquino, walang inaasahan kundi mga papogi, imbentong estadistiko at kasinungalingang nakabatay sa kanyang mapangarapin, mabuladas, at mayabang na administrasyon.  Ngunit kahit na ilang beses pang magtalumpati ang papet na si Aquino, hinding-hindi niya mapagtatakpan ang tunay na kalagayan ng hikahos at nagugutom na sambayanan.

Ang tunay na kalagayan ng manggagawa

Makalipas ang mahigit isang dekadang panawagan para sa P125 dagdag na sahod, nakapako pa rin sa minimum ang pasahod sa rehiyong Timog Katagalugan.  Imbes na pakinggan ang manggagawa, kinampihan ni Aquino ang mga kapitalista sa luma at gasgas nang katwirang “maaaring malugi ang mga kumpanya kapag ibinigay ang hiling ng mga manggagawa”.

Kamakailan pa, ipinatupad sa rehiyon ang Wage Order No. IVA-15 na lalong nagpapasahol sa kasalukuyang sistema ng sahuran sa tinatawag nitong two-tiered wage system. Sa wage order na ito, lalong pinabababa ang sahod ng manggagawa sa pamamagitan ng pagtatakda ng floor wage na P255.  Pinapakomplika naman nito ang proseso ng pagpapatupad ng dagdag na sahod sa pamamagitan ng productivity based pay na makaisang panig na pinagpapasyahan ng mga kapitalista ayon sa kanilang “kakayahang magbigay”.

Sa bagong sistema ng pasahod na ito, tuwiran nang tinalikuran ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang kanyang resposibilidad sa manggagawa sa pagtatakda ng sahod. Manapa’y inutil at ipinalapa nito ang manggagawa sa kapritso at pambubusabos ng kapitalista. Lalo pa ngayong ibinaon ang nakapakong sahod, na siyang imposibleng makasabay sa humigit-kumulang P1,000 daily cost of living ng isang pamilya sa rehiyon.

Mas matinding tatamaan ng panukalang ito ang mga kontraktwal na manggagawa na ngayo’y umaabot na sa 60% ng buong lakas-paggawa sa rehiyon. Matatagpuan ang napakalaking bilang ng mga kontraktwal sa Asia Brewery, Nestle, Toyota, Honda, Hoya Glassdisk, UTT, Coke, at napakarami pang malalaking kumpanya sa Timog Katagalugan. Itinatago sa ngalan ng agency workers, on the job trainees, student interns, at marami pang iba, ang mga kontraktwal ay walang habas na pinipigaan ng lakas paggawa, ngunit tahasang pinagkakaitan ng makatarungang sahod, at nagsisilbing mga epitomiya ng pinagsasamantalahang uri.

Pagtalikod ng rehimen sa responsibilidad sa mamamayan

Habang nananatiling kakarampot ang kinikita ng mga manggagawa, patuloy namang binabawasan ng gubyerno ang badyet para sa serbisyong panlipunan. Patuloy si Aquino sa pagsasapribado ng mga pampublikong ospital, eskwelahan, at iba pa sa ilalim ng programang Private-Public Partnership upang gawing negosyong pagkakakitaan ang dapat na serbisyo at responsibilidad ng gubyerno sa kanyang mamamayan.

Hindi na nga nakalalasap ng serbisyo, patuloy din ang sistematiko at mararahas na demolisyon sa mga komunidad ng maralita. Sa kabila nito, walang maayos na relokasyong nakalaan sa milyun-milyong biktima ng demolisyon.

Imbes na dagdagan din ang badyet sa edukasyon, ipinatupad ang K+12 o dalawang taong dagdag na pag-aaral sa hayskul.  Ayon sa rehimen, dinisenyo ang K+12 “upang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng hayskul”.  Sa katunayan, hindi itinataas ng K+12 ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Malinaw na karagdagang pagkakakitaan na naman ito ng gubyerno at hinuhubog ng programang ito ang mga kabataan para maging kontraktwal na manggagawa para sa mas murang lakas-paggawa na pakikinabangan ng mga dayuhang kapitalista.

Hindi na malaman ng manggagawa kung paanong pagkakasyahin ang ga-mumong sahod sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagsirit ng singil sa kuryente at krudo. Sa kabila nito, insultong pinirmahan ni Aquino ang P1.16 bilyong subsidyo sa kuryente para sa mga dayuhang kumpanya sa ilalim ng PEZA upang maghikayat diumano ng marami pang mamumuhunan na lilikha ng trabaho.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, nagsisilbi pang tagapagsalita ng mga dambuhalang kartel ng langis ang Malacañang. Conditional cash transfer, Pantawid Pasada Program, at iba pang mga programang pampalubag-loob ang ibinibigay ng gubyerno ngunit sa katunaya’y insultong limos ito sa sambayanang baon na sa kahirapan.

Pangangayupapa sa dikta ng imperyalistang globalisasyon

Kamakailan, umugong at pinopopularisa na naman ang usapin ng Charter Change (ChaCha) o pag-amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas. Isinusulong nito ang todong panggagahasa ng mga dayuhang korporasyon sa ating bansa lalo na ang probisyon ng 100% karapatang magmay-ari ng mga dayuhan sa mga likas-yaman, kumpanya, korporasyon, at institusyon sa bansa.

Hindi na ito bago. Matagal nang pilit isinasagawa ng papalit-palit na mga papet na rehimen ang ChaCha, hindi lamang upang tuluyang ibugaw ang matagal nang napagsasamantalahang bansa, kundi para na rin ipagpilitan ang pananatili ng bulok na administrasyon sa estado poder.

Gayunpaman, hindi pa nga pinag-uusapan at naaaprubahan ang ChaCha, unti-unti at lantaran nang ibinebenta ni Aquino ang bansa sa pamamagitan ng mga patakarang neoliberal, tulad ng kamakailan niyang pinirmahang Executive Order 79 hinggil sa pagmimina.  Ang lahat ng ito ay alinsunod sa dikta ng International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB).

Noong nakaraang buwan, nangakong magbibigay ng isang bilyong dolyar ($1 billion) ang papet na gobyerno para sa warchest ng IMF-WB upang ‘tulungan’ ang naghihingalong ekonomiya sa European Union. Aniya, maisasalba nito ang mga OFW na nabubuhay at nagtatrabaho sa Europa.  Ngunit matagal nang alam ng sambayanan na ang higit na kailangan ay lumikha ng sa bansa ng mga trabahong may nakabubuhay na sahod, upang sa huli’y hindi na mapilitang mangibang-bayan at maging mas bulnerable sa pagsasamantala ang mga manggagawa.

Matagal na ring alam ng sambayanan na imbes na ibigay ang bilyun-bilyong piso sa mga dayuhan, dapat itong ilaan sa serbisyong panlipunan at pagpapaunlad ng agrikulturang lilikha ng sapat na pagkain para sa mamamayan.

Patuloy na pandarahas sa mamamayan

Para maging madulas na maisakatuparan ang kanyang mga anti-mamamayang patakaran sa kapakinabangan ng dayuhang mamumuhunan, patuloy na pinalalakas ng rehimen ang kanyang armadong pwersa sa ilalim ng kontra-insurhensyang programang Oplan Bayanihan.

Sa rehiyon, tinambakan ng halos walong (8) batalyong pandigma ang dulong timog ng lalawigan ng Quezon, partikular ang bahagi ng Bondoc Peninsula pa lamang. Niraragasa ng militarisasyon ang mga magsasaka at mamamayan dito. Ikinukubli nito ang ultimong pang-ekonomiyang interes ng mga dayuhang mamumuhunan sa lugar – ang mayaman nitong mina ng ginto.

Sa kalunsuran, pasikretong pinirmahan at ipinapatupad ang inter-agency Memorandum of Commitment sa pagitan ng DoLE, AFP, PNP, DILG, at mga dilawang unyon noong nakaraang taon.  Sa memorandum na ito, tuluyan nang nililigalisa ang panghihimasok ng militar sa mga usaping pang-manggagawa.

Sa kabila ng pagkondena ng international community sa mga naitalang parehong porma ng militarisasyon at iba pang kaso ng paglabag sa karapatang tao sa pagawaan ng Nestle, Nissan, Toyota, Hanjin, EMI-Yazaki, at iba pa, ipinagpatuloy lamang ni Aquino sa anyo ng Oplan Bayanihan ang panunupil ng mga nakalipas na rehimen.

Walang pinag-iba si Aquino kay Gloria Arroyo (na hindi pa napaparusahan hanggang ngayon) sa paparaming kaso ng paglabag sa karapatang tao, pagnanakaw sa kabang yaman, at panlilinlang sa mamamayan.

Sistematikong sinusupil ni Aquino ang mamamayang uhaw sa pagbabago.  Hindi nakapagtataka ang kumakalat na online survey na nagsasabing si Noynoy Aquino ang pinakamasahol na pinuno sa buong mundo—mas masahol pa kay Hitler.  Hindi rin maipagkakaila na siya ang pinakamasugid na tagasunod ng imperyalistang Estados Unidos.

Ang maghimagsik ay makatarungan

Tanging ang malawak na sambayanan ang makapagsasabi ng tunay na State of the Nation.  Tanging ang sambayanan ang may kakayahang baguhin ang kasalukuyang sistemang mapang-api tungo sa isang sistemang makatarungan. Sa kasalukuyang kalagayan, walang ibang solusyon kundi ang sama-samang kumilos at lumaban. Ang maghimagsik ay makatarungan, at ngayon ang pinakamainam na panahon upang pagkaisahin ang lakas ng uring manggagawa at sambayanang api.

Manggagawa at mamamayan, itakwil ang papet na rehimeng US-Aquino!

Makibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya!

Makiisa sa pagkilos ng mamamayan ng Timog Katagalugan laban sa papet, pasista, at pahirap sa masang si Noynoy Aquino! Sumama sa Lakbayan ng Mamamayan at Dumalo sa People’s State of the Nation Address!
July 21- 10 am assembly Dita Rotonda, 12 nn San Pedro City: State of the Region Address
July 22- Lakbayan ng Mamamayan
July 23- Pambansang Protesta sa Commonwealth

Pagpupugay sa buhay at pakikibaka ni Kasamang Arman Albarillo

Pinakamataas na pagpupugay ang ipinapaabot ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa buhay at pakikibaka ni Kasamang Armando Albarillo, dating pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST), lider-masa, lingkod ng sambayanan.  Hangga’t patuloy na ipinagkakait sa sambayanan ang hustisya at ginhawa, marami pang “Arman” ang hindi magdadalawang-isip na tahakin ang pinakamataas na porma ng pakikibaka.

Simula pagkabata, danas ni Ka Arman ang kahirapan.  Ipinanganak siya sa Oriental Mindoro at pangalawa sa walong anak nina Expidito at Manuela Albarillo, mula sa angkan ng mga magsasaka.  Pangalawa siya sa walong magkakapatid.  Ni minsan, hindi naranasan ng magkakapatid ang maalwang buhay sa ilalim ng malapyudal at malakolonyal na sistemang panlipunan.

Naging mananahi ng bag at sapatos si Ka Arman.  Ibinuhos niya ang kanyang galing sa pagbibigay-serbisyo sa ibang tao.  Habang nananatiling hikahos ang buong pamilya, naging aktibo ang kanyang mga magulang sa pagtuligsa sa mapagsamantalang sistema at nagsilbing mga coordinator ng Bayan Muna sa kanilang lokalidad.  Ngunit sa ilalim ng matinding militarisasyon sa isla ng Mindoro noong panahong iyon, pinagbintangang mga kasapi ng NPA ang kanyang ina, at ama na noo’y konsehal ng kanilang barangay.

Sa utos ni noo’y Col. Jovito Palparan, walang awang tinortyur at pinaslang noong Abril 8, 2002 ang kanyang mga magulang kung saan naging saksi ang kanyang paslit na bunsong kapatid.

Hindi pa nasiyahan dito ang mga militar.  Pinagbantaan nila ang magkakapatid kung kaya’t nagpasya ang mga ito, kasama ang asawa’t mga anak ni Arman, na lisanin ang isla ng Mindoro.  Kabilang sila sa internal refugees na napalayas mula sa Mindoro dahil sa matinding militarisasyon sa ilalim ng Oplan Bantay Laya noong panahong iyon.

Bitbit ang prinsipyong ikinamatay ng mga magulang, hinanap ni Ka Arman ang hustisya sa pamamagitan ng paglahok sa mga pagkilos laban sa pampulitikang panunupil at pandarahas.  Pinag-aralan niya ang lipunan kasabay ng pakikipamuhay sa batayang masa.  Hindi nagtagal, naitalagang pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) si Ka Arman.

Naging aktibo siya sa pagtuligsa sa iba’t ibang mukha ng kabulukan ng gobyernong Arroyo.  Inalam niya ang kalagayan ng mga manggagawa, magsasaka, maralita, kabataan, kababaihan, at iba pang sektor.  Kasabay ng paghahanap niya sa napakailap na hustisya para sa sariling magulang at pamilyang biktima ng pandarahas ng estado, pinamunuan niya ang malalaking pagkilos ng mamamayan para sa lupa, sahod, trabaho at karapatan.  Walang pag-aalangan niyang ibinuhos ang kanyang panahon sa pagkilos kasama ang mamamayan ng Timog Katagalugan.

Isa siya sa mga nagsampa ng reklamo at kaso laban kay GMA noong 2006 at 2007, at nakilahok sa iba’t ibang aktibidad na nananawagan para sa karapatan ng sambayanang api.  Nakilala siya bilang isang mahusay na lider masa sa buong bansa, gayundin sa internasyunal na antas.

Sa pamamagitan ng kanyang natatanging ‘karisma’, husay sa pananalita, pagpapaliwanag, pakikipamuhay, at pagtindig para sa karapatan kasama ang mga maralita, naging huwaran ng isang magiting ngunit mapagkumbabang lider masa si Ka Arman.  Minahal siya ng mga maralita at mamamayang kanyang pinagsilbihan.

Ngunit dahil na rin sa kanyang hindi matatawarang kakayahan sa pag-oorganisa, naranasan ni Ka Arman ang iba’t ibang porma ng pandarahas, pananakot at panunupil.  Inilagay siya sa Order of Battle ng militar, tinakot, binantaan ang buhay, at kinasuhan ng gawa-gawang kasong kriminal.  Kabilang siya sa 72 lider aktibista ng Timog Katagalugan na sinampahan ng “multiple murder” at “multiple frustrated murder” sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa kasong iyon, pinagbintangan silang gumawa ng isang ambus sa mga kapulisan noong 2006 sa parehong isla kung saan nanggaling si Ka Arman.  Tatlong beses na isinampa ang parehong mga kaso sa parehong mga tao, at tatlong beses din itong naibasura dahil sa kawalan ng ebidensya.

Dahil dito, naging malinaw na kay Ka Arman ang sagot ng rehimeng Arroyo sa kanyang paghahanap ng hustisya para sa kanyang mga magulang.  Sadyang walang katarungan para sa mga maralita sa ilalim ng administrasyong nagsisilbi sa mga naghaharing uri.

Simula noon, hindi na muling nakita si Ka Arman sa mga lansangan.  Hindi na siya nakasama ng mga maralita sa mga komunidad.  Hindi na narinig ang kanyang tinig sa mga pagkilos, at lalong hindi na siya nakita sa unahan ng mga martsa ng bayan.  Nagpasya siyang tahakin ang mas mataas na antas ng pakikibaka sa kanayunan, kung saan ang hustisya ay unti-unting nakakamit sa pamamagitan ng pagtatayo ng rebolusyonaryong gobyerno ng mamamayan.

Hunyo 30, 2012 nang maibalita ang isang engkwentro sa pagitan ng mga militar at New People’s Army sa San Narciso, Quezon.  Sa 11 kasapi ng NPA na nasawi sa nasabing engkwentro, tanging si Ka Arman ang kinilala at pinangalanan bilang “Ka Jun” ng militar.  Anila, si “Ka Jun” ay isang kumander ng NPA, at isa sa mga pinakamataas na lider ng mga komunista sa lugar.  Sa pagkakakilala ng mga maralita sa kanya, hindi na nakapagtataka kung bakit at paano naabot ni Ka Arman ang nasabing posisyon.

Isa lamang si Ka Arman sa libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa.  Isa lamang siya sa milyun-milyung mamamayang pinagkakaitan ng regular na empleyo, sapat na sahod at benepisyo, batayang serbisyo, at karapatan para sa isang lipunang makatarungan.

Hanggang ngayon, nananatiling gutom ang mahigit kalahati ng populasyon ng bansa dahil sa mga patakarang naaayon sa utos ng imperyalistang US tulad ng PPP, CCT, kontraktalisasyon, two-tier wage system, deregularisasyon, liberalisasyon, pribatisasyon, at iba pa.  Dinaig pa ng kasalukuyang Oplan Bayanihan ang dating Oplan Bantay Laya sa pamamagitan ng walang pakundangang pagbuhos ng mga pwersa militar sa kanayunan, lalo na sa probinsya ng Quezon, sa mga pagawaan at mga komunidad—dahilan kung bakit lalo pang dumarami ang bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Gayunpaman, kasabay ng papalalang kalagayan ng uring manggagawa at sambayanan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, hindi mapipigilan ang pagsibol ng mga panibagong lider at rebolusyonaryong magpapatuloy sa pakikibakang naiwan ni Kasamang Arman.  Ang buhay at kamatayan ni Ka Arman ay patunay na walang ibang nagtutulak sa mamamayan upang lumaban kundi ang mapang-aping sistema.

Hustisya para kay Ka Arman at lahat ng biktima ng pampulitikang panunupil!

Pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa, sagot sa daantaong kahirapan ng sambayanang pilipino!

Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!